You are on page 1of 3

Kelvin V.

Gacuray 1BSA2- Summer The Life Work of Rizal Lunes/Miyerkules 12-4:30 PM

Reaksyong Papel: Jose Rizal – Landas sa Paglaya

“Landas sa Paglaya”, titulo ng isang presentasyon na pumukaw ng aking atensyon upang ito’y
tunghayan at unawain ang bawat sambit na salita ng aktor bilang Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda. Ang linyang sinambit ng aktor na “Sino ba ko?” ay isang napakahiwagang katanungan sa kahit
sinong tao na buhay ngayon at akoy isang parte doon dahil ayon sa presentasyon aking natunghayan na
simulat sapul ay alam ni Rizal ang saysay ng kannyang buhay ngunit ako, alam kong sa sarili kong
hanggang ngayon ay hinahanap ko parin ang saysay ng aking buhay dito sa mundong ibabaw, sambit ni
Rizal “ Isa lang akong taong binabayo ang mahirap na landas at nagiisa lamang sa buhay” ang mga
katagang ito ay tila sumasalamin sa mga Pilipinong nakikibaka sa araw-araw upang maipagpatuloy ang
kanilang buhay makaraos at makatikim ng ginhawa sa mundong ito.

“Nasa bingit na ng pagsuko dahil sa hirap na aking dinadanas sa landas na madilim na umaasang
may liwanag pang masisilayan” ay para sa’kin ay sumisimbulo sa bansang Pilipinas na kung saan ay
nabilanggo ng tatlong daang taon o tatlong siglo sa kamay ng kolonyang bansang Espanya na ating
mababatid base sa mga nakatalang impormasyon sa kasaysayan na ito ang mga panahong ang inang
bansa ay tila nasadlak sa kulay uling na kadiliman na puno ng hirap at pasakit sa kamay ng mga Espanyol.
Sa bawat katagang isinasambit ng aktor na tila ba nagsilbing mitsa upang maglakbay ang aking
imahinasyon upang lalong maging mapanuri sa kaysasayan ng ating inang bayan.

Ang bawat isang tao ay hindi isang isla, lahat tayo ay may katuwang sa buhay sa hirap, sakripisyo
o ginhawa. Si Paciano Rizal ay sumisimbulo sa mga taong handing magsakripisyo para sa ikabubuti ng
kanilang mahal sa buhay. Ang magkapatid na Rizal ay nagsilbing ilustrasyon ng ugnayan ng Magulang at
anak sa kasalukuyan. Naghirap, nagsakripisyo, napagod at banat ng buto si Paciano upang mapag aral
ang kanyang kapatid upang magkaroon ng magandang kinabukasan at umaasang makatulong sakanya si
Jose Rizal. Parang isang magulang, nagtrabaho, nagbanat ng buto at ang iba pa ay umalis sa piling ng
kanilang pamilya upang magtrabaho sa lupa ng mga dayuhan para kumite ng malaking halaga ng salapi
upang matustusan ang pngangailangan ng kanyang pamilya at higit sa lahat para sa kanilang mga anak
para maging maliwanag ang kanilang hinaharap. “Ang iyong pagod at sakripisyo ay hindi nasayang”, ito
ang katagang dapat sambitin ng mga anak sa kanilang mga magulang upang magpasalamat sa lahat ng
kanilang ginawa upang maihanda ang ating magandang kinabukasan.

“Ito ang landas na aking piniling tahakin” ay ipinahayag ni Jose Rizal sa kanyang liham para kay
Paciano noong siya ay nasa Europa, sa lugar na kung saan siya ay nag-aaral. Ang linyang ito kumakatawan
sa bawat tao, bawat Pilipinong nabubuhay ngayon dahil tayo ang may kontrol sa ating katwang laman sa
lupang ibabaw, tayo ang may kakayahang pumili ng landas na ating gusting tahakin. Sa bawat landas na
nais nating lakaran ay nararapat lamang isaalang-alang natin ang mga taong nagsakripisyo upang
marating ang estadong na s’yang kinatatayuan natin ngayon. Huwag kalimutan lingunin ang
pinanggalingan upang hindi mapariwa at hindi mawalan ng saysay ang lahat ng ginawa ng mga taong
nagsakripiyo upang mailagay tayo sa mabuting estado.
Tayo ay mga Pilipino kahit saan man tayo pumunta ay hindi natin maaring itanggi ang ating
pagiging isang anak ng bansang Pilipinas. “bakit ipinadala ang mga taong may kakulangan dito sa inang
Espanya na kung saan sila ay pinagtatawanan at napulot ang basurang ugali ng mga tao dito” kung ating
uunawain ang bawat kataga sa pangungusap ay ating mababatid na nais ipagbgay alam ni Jose Rizal na
ang bawat kilos ng isang Pilipino sa lupa ng mga dayuhan ay sasalamin sa lahat ng Pilipino na naiwan sa
bansang Pilipinas na kahit may mabuting pag-uugali ang mga ito ay mababalewala dahil iba ang
nasaksihang pag-uugali ng mga dayuhan tungo sa bawat Pilipino. “Iniwan ang mabuting pag-uugali” ay
sumisimbulo na naitapon ang mga magagandang pag-uugali ng mga Pilipino dahil sa pinakikitang
kawalanghiyaan ng mga ilustradong maliit ang utak na nagsilbing basehan ng mga dayuhan upang
maliitin at bastusin ang mga Pilipino.

Kilala si Jose Rizal bilang isang bantog na manunulat at ang Noli Me Tangere ay isa sa kanyang
kilalang likha sa buong mundo. Ang aklat na ito ay na-ngan-ga-hulguga’ng “Huwag mo kong Hawakan” na
ang tinutukoy dito ang mga walang modong mga prayle ng Espanya. Sa loob ng tatlong daang taon ay
naranasan ng mga Pilipino sa panahong ‘yon ang halos lahat ng uri pambabastos, pang aalispusta,
pagpapahirap at kawalanghiyaan sa kamay ng mga Espanyol. Nababatid ni Rizal lahat ito kung kayat
isinuwalat niyang lahat ng ito sa kanyang aklat upang mamulat ang mga Pilipino sa mga gawang
kasamaan ng mga banyagang sumakop sa pinakamamahal niyang Bansa. Ang ganitong pangyayari ay
nararanasan parin ng mga Pilipino ngayon sa na nagtatrabaho sa ibang bansa ngunit hindi gano’n ang
intensidad ng pang-aalipusta ngunit masakit paring isipin na ang mga manggagawang Pilipino sa ibang
bansa ay patuloy paring nasasaktan ng mga banyaga.

Ang sumonod na aklat na kung saan nagsilbing mitsa ng rebulusyon ng mga Pilipino, Ang El
Filibusterismo o Ang Hari ng Kasakiman ay sumalamin sa hindi makataong pagpapatakbo ng Gobyernong
Espanya sa Pilipinas. Ito ay tila sumasalamin sa panahon ngayon na kung ating titignan ay patuloy parin
tayong dinidiktahan ng mga dayuhan political man o ekonomikal.

Sa mga sumunod na bahagi ng presentasyon ay pumasok na sa eksena ang heneral na si Andres


Bonifacio ang utak ng Katipunan na handing lumaban ibuwis ang kaniyang buhay para sa kasarinlan ng
ating bayan. Sa ating panahon patuloy parin ang digmaan at madugong landas para sa mga mithiin ng
mga tao ngunit ang pagkakaiba ay noon ang kalaban ay ibang lahi ngunit ngayon ating patuloy na
nasasaksihan ang pag danak ng dugo ng ating mga kababayan, Pinoy kapwa Pinoy na ang siyang
nagpapatayan.

Ang bansang Pilipinas ay kolonya ng bansang Espanya na ayon sa palabas ay sinasabing naging
isa ito ngunit ating batid na kailanman ay hindi nagging bahagi ang ating bansa sa kahit anong bansa sa
mundo ngunit ako’y may katanungan sa aking isipan, bakit ang sagisag ng bansang Pilipinas ay may
imahen ng leyon at aking batid na ito ay sumisimbolo sa bansang Espanya, ang aking tanong ay Pilipinas
tunay ka na bang Malaya? Bilanggo sa sariling bayan, alipin ng mga dayuhan , trabahador lamang ng mga
banyaga sa sariling bansa. Ngayon akoy napapaisip na may saysay pa ba ang sakripisyo ng isang Ilustrado
na binigay ang kanyang buhay para sa kasarinlan ng bansang kaniyang lubos na inibig at pinahalagahan
na ngayon ay ginagawa nalang alipin ang mga Pilipinong kaniyang ninais na maging bantog sa buong
sanlibutan. Oo ngayon ay mayroon tayong sariling soberanya ngunit Pilipinas tunay ka na ba talagang
Malaya?

Bilang pagtatapos ng aking reaksyong papel nais kong ihayag ang tulang aking nabuo habang
pinanonood ang presentasyong “Jose Rizal: Landas ng Paglaya”
Bansang sinta ng ilustradong nagsilbing marka

Nagugunita mo pa ba ang sakripisyo nya para saiyo?

Ang kalayaang bunga ng kanyang nabuhos na dugo

Totoo bang natatamasa mo pa?

Mga anak ng bayang Pilipinas sana’y inyong batid

Hindi naman lingid sa ating kaalaman

Ang bayaning nag-alay ng buhay para sa ating kasarinlan

Kalayaang natamo sana naman ay pahalagahan

Huwag magpa-alipin sa sariling bayan

Itaas ang estado ng isang mamamayang Pilipino

Lahi ng mga bayani at mga talentado

Na sa Perlas ng Silangan tumubo

You might also like