You are on page 1of 4

Sa kasalukuyang panahon, nakakalimutan na ng lipunan si Jose Rizal at ang kanyang mga isinulat na mga

akda. Ang mga gawa niya ay isa sa mga nagbukas sa mga mata ng Pilipino para hindi abusuhin ng mga
Kastila. Kung tatanggalin man ng kagarawan ng edukasiyon ang pag- aaral tungkol sa mga gawain ni Jose
Rizal, tutol ako dito. Ito ay dahil palagay ko ay marami maaring matututunan ang mga tao dito at
maaaring gamitin sa ating buhay.

Mahalagang pag- aralan ang mga akda ni Rizal. Ito ay dahil marami siyang mga itinuturo na puedeng
magamit sa ating pang- araw araw na mga gawain. Ang isa sa mga ipinakita na puedeng magamit sa
ating buhay ay ang pagiging matatag. Maari nating gayahin ang mga kaisipan ni Rizal na maging matatag
at pagkakaroon parin ng tiwala kahit lumok na ang mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila. Ang
pangalawang dahilan kung bakit importante ang pag- aaral ng mga sulatin ni Rizal ay dahil mamalaman
natin kung ano ang kaiisipan nila sa panahon ng mga Kastila. Para saan pa ang pag- aaral ng kasaysayan
kung hindi rin naman pala natin malalaman kung ano ang kanilang pinapag- isipan? At ang pangatlo ay
para mabuksan ang mga mata ng mga Pilipino tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ito ay
magbubukas ng mga mata ng mga Pilipino tungkol sa pagmamahal ng sariling bayan at kung ano ang
iniraos ng mga tao noon para ang bayan natin ay magtagumpay.

Ang mga napiling kong akda ni Jose Rizal ay “Sa Aking mga Kabata” at ang “Noli Me Tangere”. Ang
ipinapakitang mensahe sa akdang “Sa Aking mga Kabata” ay ang pagmamahal ni Rizal sa wikang Tagalog.
Para naman sa mensahe ng “Noli Me Tangere”, isinulat ni Rizal na kailangan ng mga Pilipino na buksan
ang kanilang mga mata laban sa mga Kastilang umaapi sakanila. Para saakin, pareho lang ang mga
mensaheng ipinaparating ng dalawang akda na ito. Ito ay dahil sa dalawang akda na ito, ipinapakita niya
ang kanyang pagmamahal sa kanyang bayan sa paraan ng pagpupuri sa kanyang lengguahe at pag- alala
sa kanyang mga kababayang Pilipino.

Sa pagbasa at pag- aral ng kanyang mga akda, nalaman ko kung ano at kung papaano sila nag- iisip sa
panahong iyon. Ako rin ay nabigyan ng inspirasiyon para tumatag ang aking pagtingin sa ating bayan at
sa pagtingin rin sa aking sarili na dapat ay magkaroon ng lakas ng loob para tumagumpay sa mga
panahon ng paghihirap. Dahil sa pagbasa nitong mga akda, napahanga rin ako kay Jose Rizal dahil
napakagaling niya pagsulat. Kahit sa murang idad, meron na agad siyang kakayanan para makapagsulat
ng mga akda na ganoon ka ganda. At sa pagbabahagi lang ng panunulat, nabuksan rin niya ang mga
mata ng mga Pilipinong nasa ilalim ng Kastila at nangungulila na. Sa huli, nagkaroon rin ako ng
inspirasiyong ko mas lalong mahalin ang ating bayan dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa ating
bayan.

Para saakin, wala masyadong pagkakaiba ang lipunan ngayon sa lipunan noon. Ang pagkakaiba lang
naman ay nagkaroroon lang tayo ng kalayaan sa ating bansa. Pero sa kasalukuyan, meron paring mga
tao naghihirap, matumal at korapsiyon sa gobyerno. At sa lipunan noon, mas mahirap iparating ang mga
salita na himukin ang mga Pilipino na lumaban mula sa mga Kastila dahil noon, kailangan pang itago anf
mga gawain ng paghihikayat para hindi mahuli ng mga Kastila. Pero sa panahon ngayon, madali lang ang
pagkakalat ng mga ating salita dahil sa pagkakaroon ng teknolohiya at demokrasiya. Sa lumang manahon
rin ay may mga taong walang edukasyon dahil bawal sila mag- aral dahil sa mga Kastila. Pero sa
kasalukuyang panahon, halos lahat na ng tao sa lipunan ay nakakaranas ng edukasyon.

Sa kasalukuyan panahon, maisasabuhay ko ang mga mesahe ng mga akda sa buhay sa paraan na lagiging
tandaan ang mga ito at gawing inspirasyon sa pang- araw araw na buhay. Ang isa sa mga puede kong
maisabuhay sa mga natutunan ko dahil sa mga akda ni Rizal ay ang magiging makabayan. Tutularan ko si
Rizal na maging makabayan para maipakita ko ang pagmamahal ko sa sarili kong bayan. Bibigyan ko ng
importansiya ang aking mga ginagawa para sa Pilipinas. Bibigyan ko rin ng karangalan ang mga Pilipino
noong panahon ng Kastila dahil patuloy silang lumalaban kahit masyado na silang inaapi ng mga Kastila.
Ito ay dahil hindi sila nawalan ng pangarap na hindi na ulit magiging malaya ang Pilipinas. Bibigyan ko rin
ng karangalan ang ating lenguahe dahil ito ay di karaniwan. Tayo lamang ang bansa na gumagamit ng
tagalog at dapat natin ito ipagmalaki. At pinaka- importante sa lahat, dapat ay bigyan natin ng halaga
ang ating buhay dahil sa kalagayan na ito, tayo ay maswerte na kumara sa kalagayan ng mga Pilipino
dati. Tayo ay maswerte na dahil sa panahon ngayon, hindi na tayo inaapi, inuulila at hindi na tayo
nasailalim ng mga Kastila. Tayo ngayon ay nasa ilalim ng mabuting gobyerno at dapat rin ay maging
masaya tayo dahil sumusunod tayo sa demokrasiya.
Ang pangalawang akda na pinili ko ay ang akda na “Mi Ultimo Adios”. Ito ay ang huling akda ni Jose Rizal.
Ito na ang huling akda ni Jose Rizal dahil ito ang huli niyang sinulat bago siya binaril at pinatay sa
Bagumbayan o ang tawag ngayon na Luneta. Noong hinuli si Jose Rizal, siya ay ikinulong sa Fort Santiago
at dito siya naghintay bago siyang patayin ng mga Espanol. Habang naghihintay isinulat niya ang huli
niyang akda na “Mi Ultimo Adios” para sa kanyang pamilya higit sa lahat para sa nanay niya. Dito sa Fort
Santiago ni Jose Rizal isinulat, itinapos, at intinago ang katapusan niyang akda bago siya namatay, itinago
niya ito sa lampara na ibinalik sa kanyang pamilya. Noong ibinalik ito sa kanyang pamilya, nakita nila na
mayroon nakasabit at nakasilong na papel na nakadikit sa lampara, ito ay ang “Mi Ultimo Adios” ni Jose
Rizal upang sabihin ang huli niyang paalam para sa pamilya niya dahil siya ay mamamatay na. Sa akdang
ito and gusto kong bigyang-diin ay ang linya na parang sinasabi na hindi tayo ang maghihiganti kung
hindi ang ating mga anak o ang anak ng ating mga anak. Ang masasabi ko rito ay hindi pa rin
magpapatalo ang mga Pilipino at sila ay lalaban hangang sa huli gamit ang kanilang mga anak o ang mga
anak ng kanilang anak. Mahalaga ito dahil makikita natin na buo pa rin ang loob ng Pilipino at hindi sila
gigiba o magpapahulog na lang basta basta at magpapatalo sa mga kaaway nila at ang mga Espanol.
Kahit alam na nila na lugi sila sa bilang ng mga tao sa kanilang bansa, alam nila na ito ay sa kanila at
dapat nila itong ipaglaban kahit anuman mangyari, lahat ng mga Pilipino ay maghihiganti na dahil kung
wala pa rin silang gawing aksyon, baka sila ay wala na mapuntahan sa buhay at maging colonohiya ng
Espana habang buhay. Ito ang nagpursigi sa kanila na mamuhay ng buong buhay para sa Pilipinas at
gawin ang lhat upang kunin muli at panatiliin muli ang pagaari ng ating sariling bansa at umunlad sa
buhay na tunay na Pilipino na buo ang dugo.

Ang dalawang akda na ipinili ko ay parehong may kapareho at may kakaiba. Ang “Tunkol Sa Katamaran
Ng Mga Pilipino” at ang “Mi Ultimo Adios” ay may kapareho sa pagsasabi sa mga pangaabuso ng mga
Kastilla sa Pilipino. Di lang sa pagaabuso ang maihahandog nitong dalawang akda pero pati na rin ang
lakas ng loob ng mga Pilipino na bumangon muli sa pinanggalingan at maghiganti sa mga maling asal na
ipinapakita at ipinangaabuso ng mga Kastilla. Mayroon rin itong dalawang akda na kakaiba sa isa’t isa.
Ito naman ay tunkol sa kung paano sila mangbebenggansa sa mga kalaban nilang mga Espanol. S unang
akda na “Tunkol Sa Katamaran Ng Mga Pilipino”, makikita natin na sila mismo ang lumalaban pabalik
para sa kanilang reputasyon kung paano sila tingnan ng mga Kastilla. Ang pangalawang akda naman na
“Mi Ultimo Adios” makikita natin ang pagpursigi pa rin ng mga Pilipino na lumaban ngunit ngayon hindi
nalang sila ang lalaban lang, kung hindi ang anak na rin nila at ang anak ng anak nila. Makikita natin mula
sa “Mi Ultimo Adios” na parang mahina na ngayon ang mga Pilipino kaya hindi na nila kayang lumban
pero sila pa rin ay hindi magpapatalo at dadalhin ang laban hangang sa bukas na hinaharap na
henerasyon.

Bilang isa Chinoy na nagaaral sa isang Chinoy na paaralan sa Pilipinas, ang nagdulot sa akin magbasa ng
mga akda ni Jose Rizal ay dahil ito ay importanteng pagaralan ng bawat Pilipinong mamamayan at ito rin
ay isang pangangailangan sa paaralang Xavier. Ako naman ay medyo nahihirapan sa mga isinulat ni Jose
Rizal dahil ito ay malalim sa isipan kaya mahirap itong maintindihan ngunit masarap rin matuto na
magisip ng masmalalim at malaman rin ang mga pinagsusulat ni Jose Rizal. Magaganda rin ang mga
isinulat ni Jose Rizal dahil ito ay mga simbolo tunkol sa kasaysayan at pagmamahal sa bansa.

Ang lipunan ngayon kung kukumparahin sa lipunan noong lahi pa ni Jose Rizal, masasabi ko na ibang iba
na talaga ang lipunan ng Pilipinas ngayon. Iba na talaga ngayon dahil dati lahat tayo ay nasa kamay ng
mga Espanol pero ngayon tayo ay isang bansa na independiente o malaya na sa mga kolonisador. Noong
oras ni Jose Rizal lahat ay nasa kamay ng mga Kastilla pero ngayon sa lipunan na kasaluluyan, tayo ay
malaya na at Pilipinong presidente ang bahala sa mga kapakanan. Malaking pagkakaiba ang lipunang
kolonya sa lipunang nagsasarili.

You might also like