You are on page 1of 2

Graciele Joie P.

Reganit
KASPIL EG
Ang Katamaran ng mga Pilipino
Nang sakupin ang Pilipinas ng mga Espanyol, napansin nila at idineklara nila ang mga
Pilipino bilang mga tamad, matapos ang ilang taon na paninirahan nila rito. Si Rizal, bilang isang
indibidwal na bukas at kritikal ang pag-iisip, ay sumangayon naman sa sinabi ng mga Espanyol.
Hindi siya nagalit o nagpadala sa emosyon, kahit na masakit ang pananalita ng mga Espanyol.
Tinignan niya ito sa ibang perspektiba, nagtala ng mga rason, at binigyan ng katwiran ang
paratang tamad ang mga Pilipino upang mas lalong maintindihan ito sa tunay na koteksto ng
sitwasyon ng mga Pilipino.
Isa sa mga rason kung bakit nasabing tamad ang mga Pilipino ay dahil sa klima ng bansa.
Hindi mapagkakaila na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may mainit na klima, kumpara sa
Europa. Sinabi ni Rizal na mahirap magtrabaho kapag papawisan ka sa bawat galaw mo. Para sa
akin, mas mainam na magtrabaho sa bansa na may mainit na klima dahil mas nakakatamad at
masarap matulog kapag malamig. Ngunit ako ay isang istudyante pa lamang, kaya ang trabaho
ko ay parang katulad sa mga white collar workers. Maaring ang tinutukoy ni Rizal ay ang mga
blue collar workers na palaging nasa ilalim ng init ng araw at madalas ginagamit ang buong
katawan sa pagtatrabaho, dahil iyon pa lamang ang mga trabaho ng mga Pilipino noong panahon
na iyon. Binanggit niya ang mga Kastila na nanirahan sa Pilipinas at sinabing mas tamad pa sila
dahil may mga kasama sila sa bahay, at may karwahe pa sila.
Binigyan din niya ng diin ang maling turo ng simbahan na ang mga mahihirap lamang
ang makakarating sa langit, at ang mayayaman ay mapupunta sa impyerno. Dahil dito, naisip ng
mga Pilipino na hindi naman pala nila kailangang maging mayaman. Ngunit hindi ito ang
tamang interpretasyon dahil sa Parable of the Talents, nang makitang hindi naging malago ang
ibinigay sa pangatlong alila, hindi siya binigyang pugay ng kaniyang amo. Sinasabi lamang na
kailangan nating makita na tayo ay mahirap, na kailangan natin ang Diyos at ang ibang tao sa
ating buhay. Kailangan nating maging mapagkumbaba na humingi sa Diyos, at dapat alam natin
na hindi natin kaya lahat ng bagay dahil tao lamang tayo na nangangailangan din ng tulong.
Dahil hindi para sa sarili ang kailangang tapusin, hindi nakakaengganyong magtrabaho;
ngunit kapag ang iyong layunin ay makatulong sa iba, mali ang pahayag na ito. May mga tao na
gusto paring magbigay ng oras at pagod para sa ikabubuti ng iba. Sa konteksto naman ng
pananakop ng Espanya, naging sapilitan ang paggawa ng mga Pilipino. Hindi rin sila maayos na
tinatrato. Hindi sila makapagtanim sa sariling lupa ng walang paalam, at kung masalanta man ay
wala pang suporta na manggagaling sa gobyerno. Mababa rin ang benta nila sa mga ani, kaya
wala talagang pagganyak na magtrabaho ang mga Pilipino. Hindi sila binigyan ng respeto,
kalayaan, at pagpapahalaga ng mga Kastila.
Hindi rin maayos ang sistema ng edukasyon noon. Ang tinuturo lamang ay wika, tamang
asal, at relihiyon. Hindi sinama ang mga kursong pang-agrikultura o pang-industriya na
kailangang matutunan ng mga Pilipino.
Bukod pa rito, lumaganap ang sugal sa panahon ng mga Kastila tuwing pista ng mga
santo. Ngayon, mayroon paring pagsusugal tuwing pista. Ang mga tumataya ng pera sa peryahan
ay sinusugal ang kanilang pera na nagbabakasakaling swertehin at manalo ng jack pot.
Katamaran din ito dahil hindi natin pinaghihirapan umipon ng pera.
Maari na ang iba ay hindi na nauukol na rason sa panahon na ito, katulad ng maling
pagtuturo ng relihiyon. Ngayon, binibigyan na tayo ng tamang turo ng simbahan, kumpara sa
mga turo ng mga paring Espanyol noon. Ngayon din ay malawak na ang saklaw ng tinuturo sa
eskuwelahan, at hindi na rin laganap ang sapilitang paggawa.
Marami pa ring mga Pilipino ang hindi umaasenso dahil sa katamaran. Makikita mo ang
mga informal settlers na nakaupo lamang sa harapan ng kanilang bahay at walang ginagawa.
May mga estudyante na hindi gumagawa ng kanilang takdang aralin o hindi isinasaisip at
isinasapuso ang pag-aaral kaya hindi nalalaman ang mga kailangang malaman. Ngunit ngayon
na alam na natin ang mga rason kung bakit tayo tamad, maari na nating baguhin ang ating sarili
dahil may kamalayan na tayo.

You might also like