You are on page 1of 5

KABANATA 47- ANG DALAWANG SENYORA

N- Mainit pa ang labanan sa sabungan ngunit nag desisyon muna ang mag asawang Donya
Victorino at Don Tiburcio mamasyal sa bayan at ang layunin marahil lamang nila ay pag
masdan ang mga tamad na Indio na paano ito namamahay at nag sasaka.

N - Habang naglalakad ang mag-asawa naiinis ang Donya dahil hindi nag bibigay galang
sakaniya ang mga nakakasaubong niya.

Donya Victorina - Hoy Tiburcio na bwibwisit ako sa mga taong walang galang habang nakikita
naman tayo harap-harapan na dumaraan sa sakanila mga walang modo at walang pinag-
aralan turuan mo ng leksiyon at hampasin mo ng iyong sumbrero!!

Don - Victorina alam mo naman siguro ang kapansanan ko sa tingin mo makakapag alipusta
pa ako ng mga walang modo sa kalagayan ko na ito?!

Donya Victorina - Isa ka pang tatanga-tanga tayo’y ay nakakaangat sa mga dukha na ito
marapat lamang na nag bibigay sila ng pugay satin! INUTIL!

N - Napadaan ang dalawang mag-asawa sa harap ng bahay ng Alperes na asawa ni Donya


Consolacion at ito’y saktong nakadungaw sakanila. Tinignan ni Donya Consolacion si Donya
Victorina mula ulo hanggang paa at matapos tarayan ay dinuraan niya ito.

Donya V - Ako ba ay dinuraan mo? Wala kang kahihiyan sa iyong sarili marahil ay naiingit ka
sa akin sa itsura mo ba naman na ganiyan ikay’ dapat mainggit dahil ako’y lubos na
nakakaangat.

Donya C - Hahaha, Ano ulit? Ako’y mainggit sayo ano ka iinggitan ko ang malapad mo na
katawanat ang kabiyak mo na napakapangit at ubod ng sinungaling.

Donya V- Aba Hoy! Puro usok lamang ang lumalabas sa bibig mo bumaba ka rito diba
matapang ka!?

Donya C- Aba hinahamon talaga ako ng matabang ito! Akala mo ba ay uurungan kita?
Nasabi ata sakin ng pinakamamahal ko na asawa kung anong klase kang babae!! Na
napilitan lamang ang iyong kabiyak na mag pakasal sayo at hindin lang yun gustong gusto
mo mag kaanak pero marahil napakasama ng iyong budhi hindi ka binayayaan at ngayon
naman nakikisali ka sa kasal ni Maria Clara?! Ano Sige? Matapang kang mataba ka diba!!

Donya V - Napakatalas ng iyong bunganga aakyat ako riyan at lalatiguhin ko ang iyong
bunganga na napakapangit !!!

N - Dahil sa nakakabulahaw na away na mag Donya ay narinig ito ng taong bayan at hindi rin
natuloy ang pag-akyat ng Donya Victorina dahil ang kanilang asawa ay inawat agad sila,

N - Dumating din ang kura upang dalhin sila sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ilang sandali ay
dumating ang mag-asawang Espadana. Ngunit napag balingan ni Donya Victorina Si Linares
ang itinakdang pakakasalan ni Maria Clara.

Donya V- Hindi ba’t ikaw ay matipuno na lalaki Linares hamunin mo ng laban ang Alperes na
yon at makita niya kung sino ang kinakalaban niya! Kung hindi mo rin lamang magagawa ay
walang kasalan na magaganap dahil duwag ka.
Linares - Hindi ko po maari gawin ang iyong pinagagawa subalit napakaliit lamang ng iyong
away at hindi na rapat pinalalaki pa. Paumanhin po Senyora hinding hindi ko po magagawa
ang iyong inuutos.

Donya V- Tonto!! Maliit na bagay lamang yon? Eh dinuraan ako ng babaeng na humihihit ng
tabako.

N - Hindi pa rin tumigil sa pag huhurimintado si Donya Victorina dahil sa alitan nila ni Donya
Consolacion. Ang dapat away nila ay naipit ang kabiyak ni Maria Clara na si Linares. Narinig
din ni Maria Clara ang mga sinabi ni Donya Victorina kay Linares kaya minabuti na lamang
niya umalis sa bahay ni Kapitan Tiyago.

KABANATA 48 - ANG TALINGHAGA

N - Dumating si Ibarra kinabukasan una niyang sinadya ang bahay ni Kapitan Tiago dahil
may gusto siya ipaalam kay Kapitan Tiago. Ngunit nung dumating siya ay si Tiya Isabel ang
kaniyang nadatnan.

Ibarra - Magandang umaga Tiya Isabel.

Tiya Isabel - Ikaw na ba yan iho hindi kita nakilala.

Ibarra - Opo Tiya ako nga po ito si Ibarra.

Tiya Isabel - Nagagalak ko makita ka Ibarra.

Ibarra - Nagagalak din po ako makita ka Tiya Isabel, nga po pala nariyan po ba si Kapitan
Tiago?

Tiya Isabel - Nako iho wala rito si Tiyago, ano ba ang sadiya mo sakaniya Iho?

Ibarra - May gusto lang po ako ipag bigay alam sakaniya Tiya na tinanggal na ang pagiging
ekskomulgado ko.

Tiya Isabel - Magandang balita nga iyan Ibarra halika’t pumasok ka muna, nandito rin si Maria
Clara.

N - Pumasok na si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago at pumunta siya sa balkon upang


bisitahin si Maria Clara ngunit may hindi siya inaasahang makita isang binata na hindi niya
kilala. Ang nararamdaman niyang kasibikan at kasiyahan na makikita niya na si Maria Clara
at ang magandang balita niya sa dalaga ay biglang nawala at nakaramdam siya ng
panibagho.

Tiya Isabel - Maria Clara! Maria Clara narito si Ibarra may magandang balita ipinatawad na
siya ng arsobispo. (Sigaw ni Tiya Isabel)

Ibarra - Ngayon lamang ako dumating at nagagalak sana ako na ikaw ang una ko makikita
rito, mas mabuti tignan ang iyong kalagayan ngayon kaysa rati. Ngunit ipagpatawad mo sana
ang pagbila kong pagpunta marahil sa susunod na araw ko na masasabi ang aking balita,
maari ba kitang madalaw bukas?

Maria Clara - Ikalulugod ko ang iyong pagdalaw Ibarra.

N - Dahil hindi sila nagkausap ni Maria Clara at may kasama itong ibang binata ay hindi rin
siya nag tagal sa bahay ni Kapitan Tiyago. Habang naglalakad siya na parang wala sa sarili
at nakarating siya sa paaralan na kaniyang pinatatayuan na malaki na ang nagagawa habang
tinitignan niya ang pinagagawa niyang simbahan ay nakasalubong niya si Nyor Juan na isa
sa mga namamahal sa pinatatayuan niyang paaralan.

Nyor Juan - Maligayang pagdating Ginoong Crisostomo hinihintay namin kayo mahigit isang
metro na tinataas na pader huwag ka mag alala ginoo dalawang araw nalang pantay tao na
ang taas ng pader. Ibig niyo na po tignan ang hukay sa ilalim?

Ibarra- Bago muna ang lahat may gusto lamang ako ipaalam nais ko lamang ipabatid sa mga
umiiwas na kausapin ako na hindi na ako ekskomulgado.

Nyor Juan- Hindi po namin iniintindi ang ekskomunsyon sapagkat lahat kami’y ekskomulgado
na.

N - Hindi na pala bago kila Nyor Juan dahil lahat sila ay ekskomulgado na at hindi na rin bago
sakanila ang ekskomunyon sapagkat maski sila ay nakaranas ng ekskomunyon sa mga
prayle.

Ibarra - Elias nariyan ka pala ang iyong mga tinginan ay kakaiba may gusto ka ba sabihin?
Ngunit saglit lamang Nyor Juan maari mo ba kunin ang talaan ng manggagawa at mag
uusap lamang kami ni Elias.

Elias - May nais lamang po ako sabihin ang aking sasabihin ay hindi naman po ng mahigit
isang oras. Tumungo po kayo sa tabi ng lawa at lumulan sa aking bangka. May mahalagang
bagay akong sasabihin sayo,

Nyor Juan - Matapos ang usapan ni Elias at Ibarra ay umalis na rin si Elias sakto naman ang
dating ni Nyor Juan dala ang talaan kung saan nakalista rito ang mga mang gagawa at nang
kunin ni Ibarra ang Talaan ay hinanap niya ang pangalan ni Elias ngunit wala ang pangalan ni
Elias.

KABANATA 49- ANG SABUNGAN

N - Ang kahilingan ni Elias kay Ibarra nung nag uusap sila ay natuloy dahil ang usapin nila ay
napakaimportante at kailangan nila ng masinsinan na pag-uusap, bago mag takip silim
sumakay si Ibarra sa bangka ni Elias na nasa baybay ng lawa.

Elias - May napakahalaga po akong pakiusap galing sa salimpawad ibig nilang humingi ng
pagbabago sa pamamalakad ng guwardiya sibil at ng mga pari lalo na ang mag papatupad
ng katarungan. Sa madali po na salita ginoo isang pamahalaan na tunay na nagmamahal sa
amang bayan.

Ibarra- Anong uri ng pagbabago ang nais mo iparating?

Elias - Ito po’y tungkol sa katiwasayan at paggalang ng karalangan ng mga tao. Sa pag-aalis
ng sandata at pag babawas ng mga mapag alipusta na mga guwardiya sibil at ang paggamit
nila ng kanilang kapangyarihan sa mga mabababang antas.

Ibarra - Elias, alam ko na ang iyong gustong iparating ngunit ang iyong kilos at mga kuro-kuro
ay iba sa mga taong nakilala ko na. Sapagkat totoo na maraming bagay dito na hindi kanais-
nais na ang dapat na pagbabago ay lalong pang makakasama.

Elias - Kung ganoon Ginoo na naniniwala kayo na ang paggawa ng kabutihan ay may kapalit
na masama?
Ibarra - Hindi, naniniwala ako sa mga ito gaya ng isang mahapding panlunas na ginagagamit
kapag ang sakit ay malala itulad natin ito sa sakit ng malubhang bayan na kailangan idaan sa
marahas na kapalaran kung ito’y makabubuti.

Elias - Ngunit, Ginoo alam naman natin hindi maaring mag bigay lamang ng agarang gamot
kung hindi pa naisusuri ang pinanggalingan ng sakit at kung mababatid ‘man ang sakit hindi
agad nila nabibigyan ng lunas. Ganiyan na ganiyan ang ginagawa ng mga guwardiya sibil
susugpuin nila ang kasamaan sa pamamagitan ng lakas at ang lunas dapat ginagamit
lamang sa bayan na mabubuti hindi sa masama. Sa tingin ko’y mas mabuting palakasin ang
dakong may sakit at bawasan ang matatapang na gamot.

Ibarra - Elias, makinig ka sa akin kapag ang guwardiya sibil ay humina mas lalong
manganganib ang katahimikan ng bayan.

Elias - Ano po ba ang kabutihang idinudulot ng mga guwardiya sibil sa ating bayan? at
nasasabi niyo po na may katahimikan mahigit labinlimang taon na tayong may mga
guwardiya sibil ngunit bakit hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang mga tulisan at ang
tahimik na mamamayan ang napipinsala nila. Ginoo, ang mga guwardiya sibil ang nag
papahirap sa mga tao.

Ibarra - Kung wala ang mga guwardiya sibil dadami lalo ang mga tulisan at dahil sa mga
guwardiya sibil hindi dumarami ang mga salarin at tulisan sapagkat natatakot sakanila.

Elias - Ginoo, noong wala pa tayong guwardiya sibil ang mga tulisan ay wala sa lansangan
pagkatapos ng taggutom ngunit ngayon dahil sa kalupitan sila’y nananatiling tulisan
habambuhay, kaya’t masasabi ko na dumarami ang masasama dahil sa takot.

Ibarra - Alam naman natin lahat na kailangan ng guwardiya sibil upang manatili ang
pamahalaan at igalang kailangan din natin ng kapangyarihan upang mapagpatupad ng
maayos na batas.

Elias - Masasabi niyo iyan kung alam ng mamamayan na ang Espanya at ang bayan ay
magkalaban ngunit dahil sa pamahalaan ay hindi nalalaman ng bayan. Kung ganiyan lamang
ginoo kailangan suriing mabuti ng pamahalaan kung sino ang mabibigyan ng karapatan
ngunit ang kapangyarihan ngayon ay nasa mga sakim na tao.

Ibarra - May iba pa ba silang kahilingan?

Elias - Meron pa Ginoo ang pagbabago ng pamamalakad ng prayle.

Ibarra - At ito ang laban sa mga korporasyon ng mga prayle?

Elias - Opo, sa mga may hawak sa prayle.

Ibarra - Elias, nalimutan na ata ng Pilipinas ang utang na loob sa mga korporasyon?
Nakalimot na ata sila sa tunay na pananampalataya laban sa kalupitn ng may kapangyarihan
ayan ang hindi nahahatid sa kasaysayan ng ating bayan.

Elias - Ginoo, mawalang galang na ngunit ipag tatanggol ko ang bayan sa iyong mga sinasabi
sapagkat hindi porket ikaw ay may tinulungan ay kailangan mo ng kapalit na gantimpala bakit
ang mga unang nag udyok sa pagmamahal ng sangkatauhan ay walang gantimpala na
hinihingi.

Ibarra - Naiintindihan kita iisa ang ating damdamin sa bayan at naniniwala ako na mayroon
tayong pagkakamali ang pagbabago ng pamamalakad ay hindi dapat ganito.

Elias - Ginoo, parang hindi niyo nakikita ang pangagailangan ng pagbabago hindi ba’t ang
iyong pamilya dumanas din ng kahirapan at kasawian.
Ibarra - Lilimutin ko ang sariling kasawian sapagkat mas kailangan ang kapanatagan ng ating
bayan at katahimikan ng bayan ay nasasalig sa pakikiisa sa Espanya.

Elias - Mukhang naniniwala po kayo na ang kapanatagan ng bayan natin ay dahil sa mga
prayle?

Ibarra - Oo Elias dahil ganiyan ang palagay ng lahat ng sumulat tungkol sa Pilipinas.

Elias - Hindi ko po akalaing nagkaroon kayo ng malay sa pamahalaan at bayan. Ako’y nag
papasalamat sa inyong mabuting loob. Ginoo sabihin niyo lang sa akin kung saan ko kayo
ihahatid.

Ibarra - Huwag mo muna ako ihatid. Kailangan nating ipagpatuloy ang usapin upang
mapatunayan kung sino ang may tamang katwiran.

Elias - Naiibigan ko na kahit anong sasabihin ko ay hindi niyo paniniwalaan ako po’y lumaki
rito at may pinag-aralan din po kaya masasabi ko na ang aking kalaban sa paniniwala ay ang
mga kasitla dahil sakanilang kapangyarihan nagkukunwari na may nalalaman kahit walang
kabuluhan. Kaya’t ako ay nahuhumiligihan sa pag-sabi sa inyo kayo ay may pamilyang
pinahirapan ng pamahalaan ngunit naniniwala pa rin kayo na may mabubuting loob ang
pamahalaan. Mukhang ang aking kahilingan sa mga sawimpalad ay hindi na magkakatotoo
ang tanging lakas na lamang nila ay manalig sa panginoon.

Ibarra - Elias, huwag ka mag alala ang iyong mga sinabi sakin ay tumatak sa aking puso at
ako’y nag aalinlangan. Kaya lamang ganito ang aking paniniwala ay lumaki ako at hinubog sa
paaralan ng Europa na ang mga nalalaman ko ay ang mga nababasa ko sa aklat ngunit ang
aking pagmamahal sa bayan ay katulad din sa inyo.

Elias - Ngunit ako din po lubos ang pagmamahal ko sa ating bayan.

Ibarra - Nararamdaman ko ang inyong mga hinanakit kaya’t nagkakaroon ako ng pag-
aalinlangan kung nakikita ko lang ang inyong mga nakaraan.

Elia - Ang aming mga hinanakit ay may pinagmulan at alam ito ng lahat,

Ibarra - Maaring kayo nga ay may mga dahilan sapagkat ako’y naniniwala lamang sa mga
aking nakikita hindi sa sinasabi lamang.

Elias - Kung gayon po kahit pakinggan niyo lamang ng mabuti ang aking maikling kasaysayan
at kayo na mang husga kung totoo po ito Ginoo.

N - Ang kanilang mga usapin ay nakakagulantang kay Ibarra ang mga salimpawid ay mga
hinanakit at tanim na galit sa pamahalaan. Ngunit magkaiba sila ng pananaw subalit kahit
ganoon ay gusto pa rin malaman ni Crisostomo ang pinakadahilan at pinag huhugutan ng
galit ni Elias.

You might also like