You are on page 1of 2

Noli Me Tangere: Kabanata 58 Isinumpa

Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa


kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang
mga inilalakad. Palubhasa wala silang kilalang malakas at makakapitan na
makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at
ayaw na lumabas ng kaniyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang
alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga babaingh
nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.

Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad
umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan
ng kaniyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas
upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at
walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa
bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing
si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama-sama
rin ng mga tao. Samantalang si Nyor Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang
wala ng kaligtasan si Ibarra.

Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka.
Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na
humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag
ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.

Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na


ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka
ngiti ang kaniyang asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng
dalawang sibil. Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan
ito ng katakot takot na hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan
na may pasari ng kaniyang pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana
Maria, ang seminaristang si Albano ay nakagapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si
Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si
Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang
kaibigan.

Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang
may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin
siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang
mga sibil sumunod sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo
at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa
kaniya.

Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa


kaniyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang duwag.
Pati ang kaniyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay
tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala
niya ang kuwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at
nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa
kaniyang pangitain.

Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni
Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa
kaniya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan
kaibigan at magandang kinabukasan.

Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na


pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin ang papalaong
kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi.
Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si Tasyo sa may pintuan ng kaniyang
bahay.

You might also like