You are on page 1of 3

KABANATA 58:

ANG ISINUMPA
Noi Me Tangere
Tuliro at balisa ang pamilya ng mga na bilanggo.Ngunit, hindi sila makapagtamo
ng luna sa kanilang mga inilalakad.Palibhahsa wala silang kilalang malakas at
makakapitan na makakatulong upang makalaya ang kaanak na bilanggo. May sakit
ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap
kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin
ang mga babaing nagsusumamo sa kanya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan
ng silbi.

Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-
lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Sinisigaw naman ni Kapitana Tinay ang
pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip
upang makita ang kanyang kambal na anak sa rehas. Ang biyenan ni Andong ay
nanduon din at walang gatol na ipinagsasabi na kaya raw hinuli si Andong ng mga
sibil ay dahil sa bago nitong salawal.
Ang isang babae naman ay halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at
kasalanan ng lahat. Ang guro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si
Nyol Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala nang kaligtasan si Ibarra.

Mag-iikalawa ng hapon nang dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka
ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa
kariton. Pero, pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon,
mahihirapan sa paglalakad ang kanilang mga ka-anak na bilanggo

You might also like