You are on page 1of 5

KABANATA 36:

Ang Unang Suliranin


MGA KARAKTER: Maria, Tiya Isabel, Andeng, Kapitan Tiyago
Maria: *Umiiyak*
Tiya Isabel: Huwag ka nang umiyak, anak ko. Iibsan siya ng excomunion…susulatan natin ang Santo Papa.
Andeng: Tahan na. Ako ang bahala para kayo’y makapag-usap.
Kapitan Tiyago: *Malungkot* Iniutos sakin ni Padre Damaso na sirain ang kasunduan sa pag-iisang-dibdib nina
Ibarra at Maria Clara. Kung hindi ko ito gagawin, paparusahan nila ako. Pati si Padre Sibyla, sinabihan niya ako na
wag patuluyin si Ibarra sa ating tahanan. Sinabi ko sa mga pari ang utang kong 5 libong piso sa binata pero
pinayuhan nila ako na baliwalain ko ito o buhay at kaluluwa ko ang kapalit.
Maria: *Lalong umiyak*
K. Tiyago: Huwag ka nang umiyak, anak ko. Sinabi sa akin ni Padre Damaso na may kamag-anak siyang binata mula
sa Espanya at magiging katipan mo.
T. Isabel: *Nagalit* Subalit, Santiago, naloloko ka na ba? Akala mo ba na parang pagpapalit ng damit ang pagpapalit
ng katipan ng anak mo?!
Maria: *Patuloy na umiyak habang tumakbo papunta sa kanyang silid. Nagdasal sa harap ng Birhen*
Tiya Isabel: Maria, nais kang kausapin ng kapitan-heneral.
Maria: *Tumindig at tumango* Opo, Tita. Mag-aayos lang po ako…
Tiya Isabel: Sige, hihintayin ka namin sa labas.

Kabanata 37:
Ang Kapitan-Heneral
MGA KARAKTER: Padre Martin, Padre Salvi at Padre Sibyla, Alkalde, Kapitan-Heneral, Kapitan
Tiyago, Maria Clara, Crisostomo
Alkalde: Maaari nang pumasok ang inyong mga Reverencia
Kapitan Heneral: Sino po sa inyo si Padre Damaso?
Padre Salvi: May sakit po ang inyong lingkod,Kamahalan. Naparito po kami sa inyo upang magbigay-galang at sa
ngalan din po ng lingkod ng Inyong Kamahalan na nagkaroon ngkasawiang…
Kapitan Heneral: Kung ang lahat ng lingkod ng Aking Kamahalan ay kagaya ng Reverencia ni Padre Damaso,
mina-mabuti ko pong ako na rin ang maglingkod sa Aking Kamahalan. Magsiupo kayo.
Maria at Kapitan Tiyago: *Papasok*
Kapitan Heneral: Anak ba ninyo ang binibining ito?
Tiyago: At ng inyo pong Kamahalan,aking Heneral!
Kapitan Heneral: Maraming salamat, Bb. Maria sa iyong pagpigil kay Ibarra. Bigyan ninyo ako ng pagkakataong
ipakilala na ang katarungan ay di lamang marunong magparusa kundi marunong din namang gumantimpala at hindi
palaging bulag.
Alkalde: Kamahalan, kung pahihintulutan ninyo ay nais kayong makausap ni Don Crisostomo Ibarra.
K. Heneral: Don Ibarra? Ang sinasabing nakaalitan ni Padre Damaso?
Alkalde: Opo, at ang napatawan ng ekskomunyon.
K. Heneral: papasukin mo siya. Gusto ko siyang makausap.
Padre Salvi: Pero, isa po siyang excomulgado!
Kapitan Heneral: Papasukin siya.
Mga Prayle at Sina Maria: *Aalis*
Maria at Ibarra: *Nakasalubongat nagkatinginan*
K. Heneral: Isang karangalan ang makilala kayo, Señor Ibarra.
Ibarra: Ginulat po ninyo ako sa inyong kabaitan, kamahalan. Sa bansang ito ay hindi ako itinuturing na mabuting tao.
K. Heneral: Tungkol sa pagkakaalitan ninyo ni Padre Damaso, sinisigurado ko sa iyo na hindi ka magagalaw ng mga
pari hangga’t ako ang namumuno sa bansang ito. Kakausapin ko na rin ang arsobispo na sumulat sa Santo Papa
upang maibsan na ang iyong ekskomunyon. Kahit ako ay gagawin iyon kung ginawa sa aking ama ang ganoong
kalapastanganan. Atsaka, nagpapasalamat ako sa pagpapatayo ninyo ng paaralan.
Ibarra: Walang anuman, kamahalan. Ngayon ay alam ko na kung bakit pinupuri kahit sa Madrid ang inyong
kahusayan, kamahalan. Pagpalain po nawa kayo ng Maykapal.
K. Heneral: Bueno, may pupuntahan pa akong mahalagang bagay. Maraming salamat at nakausap kita, Don Ibarra.
Ibarra: Sige po, kamahalan. Aalis na po ako. Maraming salamat din po.
Narrator: Pagkaalis ni Ibarra ay pinatawag ulit ng Kapitan-Heneral ang Alkalde.
K. Heneral: Mula sa araw na ito Alkalde, inihahabilin ko sa ilalim ng inyong proteksiyon si Señor Ibarra. Ipaalam mo
ito sa Alperes at suportahan mo siya sa kanyang mga adhikain.
Alkalde: Masusunod, kamahalan.

Kabanata 38:
Ang Prusisyon
Lahat: *Nagpuprusisyon*
Tiyago: Mahal na Kapitan-Heneral, maaari po kayong pumunta sa aking tahanan upang manood ng prusisyon.
Heneral: Maraming salamat sa imbitasyon ngunit nais kong makinig sa loa. Sige, aalis na kami.
Ibarra: Pero…
Heneral, Alperes, Alkalde at Ibarra: *Nagpatuloy sa paglalakad*
Guwardiya: Magsitabi kayo! Dadaan ang Kapitan-Heneral!
Guardia Civil at iba pa: *Hinawi ang daan*
Agwasil at Tinyente: *Pinapalo ang mga nagsisi-ilaw*
Kapitan-Heneral at Ibarra: *Nabigla*
Agwasil at Tinyente: *Pinapalo ang mga natakas sa linya*
*Lahat ay titigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago*
Maria: *Malungkot na kinanta ang Ave Maria ni Charles Gonoud*
Ibarra: *nalungkot*
Kapitan-Heneral: *Pabulong* Kakausapin ko si Ibarra ukol dito…

Kabanata 39:
Si Doña Consolacion
Narrator: Sa bahay ng Alperes, sa parting bintana, ay may makikitang silyon na laging inuupuan ni Doña
Consolacion.
Consolacion: *Nayayamot* Lintik na asawa yan! Anong meron sa akin na kahihiya?! Mas maganda at mas magaling
ako kaysa sa Maria Clara nayan! *Nagwala at nagsigarilyo*
Sisa: *Kakanta*
Consolacion: Hoy, babae! Pumunta ka nga dito!
Sisa: *Pupunta kay Consolacion habang pinaglalaruan ang buhok niya*
Consolacion: Aba! Hindi ka man lang nagalang! *Kukuhanin ang latigo*
D. Consolacion: *nilatigo ang baliw* Vamos,magcantar icau! Guardia!
Guwardiya: Bakit po?
Consolacion: *Pautal* Sabihin mo sa babaeng ito magkanta siya sa Tagalog.
Guwardiya: Miss, kumanta ka daw ng tagalog.
Sisa: Ahhh…Sige! *Kakanta ng Awit ng Gabi*

D. Consolacion: Tigil na! Wag ka nang kumanta! Wag kang kumanta! Nakahahapis sakin ang tulang iyan!
Guwardiya: *Nabigla*
Consolacion: *Napahiya* Alis! Layas! Guardia!*Lumalakad na payaot padito sa silid na hinuhutok ng kamay ang
latigo; at saka huminto sa harap ng baliw.*
Consolacion: Bayla—baila, baila! *Nag-iindak siya upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin.*
Sisa: *Nagpapalakpak sa tuwa habang natawa*
Consolacion: *Nahiya at itinaas ang latigo* Ngayo’y ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! (palo) Baila, india! [Tuloy
tuloy na palo] Baila, baila, condenada, salbahe!
Sisa: *Sasayaw din*
Alperes: *Dadating ang alperes na walang kibo*
D.Consolacion: Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi. *Nayayamot*
Alperes: *Tinawag ang bantay*Dalhin mo ang baliw na ito. Sabihin mo kay Marta na bigyan niya ng ibang baro at
gamutin. Pakainin mo siya ng maigi, bigyan ng mabuting higaan----mag-ingat kayo at huwag siyang lapastanganin.
Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong Ibarra.
Kabanata 40:
Ang Karapatan at Ang Lakas
*Lahat nagsasayahan*
Don Filipo: Ano ang gagawin ko? Hindi tinanggap ng Alkalde ang aking pag-bibitiw. ‘Bakit, hindi ba kayo
nanini-walang kaya ninyong gampanan anginyong tungkulin?’ tanong niya saakin.
Tasyo: Anong sinagot ninyo?
Filipo:Ang lakas ng isang Tinyente Mayor kahit walang kakabu-kabuluhan ay kamukha rin ng sa kahit sinong
makapangyarihan. Ito’y nanggagaling sa itaas. Ang haring-hari ay tumanggap ng lakas sa bayan at ang bayan naman
ay sa Diyos. Ang bagay pa namang ito ang wala sa akin. Ayaw niyang makinig sa akin…pag-usapan na lang daw
namin iyonpagkatapos ng piyesta.
Tasyo: Gayon ba? Tulungan sana kayong Diyos.
Filipo: Hindi kayo nanonood ng palabas?
Tasyo: Salamat. Upang mangarap at gumawa ng kaululan ay sukat na ak osa aking sarili. *Aalis*
Maria at mga kaibigan: *Dadating*
Filipo: *Ihahatid sila sa upuan nila*
Padre Salvi at iba pa: *Dadating din at uupo sa upuan*
Mga Aktor sa stage: *Magtatanghal*
Lahat maliban kay Padre Salvi: *Nanood*
Padre Salvi: *Nakatingin sa malungkot na Maria*
Ibarra: *Dadating* Magandang gabi sa inyo, Maria at mga kaibigan. Maaari ba akong maupo dito.
Maria: Siyempre.
*Uupo si Ibarra sa tabi ni Maria*
Padre Salvi: *Nagalit kaya nilapitan si Don Filipo* Bakit andito si Ibarra? Hindi ba siya ay isang excomulgado?
Don Filipo: Patawad, ngunit isa siya sa nagbigay ng pinakamaraming abuloy.
Padre Salvi: Hindi maaari! Mapanganib siyang tao!
Don Filipo: Ang munti kong kapangyarihan ay hindi mag-papahintulot sa aking manghimasok sa mga bagay-bagay
ng pananampalataya. Ang mga ayaw makasama si Ginoong Ibarra ay huwag siyang kausapin, hindi naman siya
namimilit.
Padre Salvi: Kung ayaw mo siyang paalisin, ako ang aalis. *Aalis kasama ang iba pa*
Ibarra: *Takang-taka habang nakatingin kina Padre Salvi* Bakit? Nabubuhay pa ba naman tayo sa Edad Media?
*Tumindig at nagpaalam*
Sinang: Huwag mo na siyang sundan.
Ibarra: Wag kayong mag-alala. Babalik naman din ako. *Aalis*
*Pagktapos ng Komedya*
Prinsipe Villardo: Hinahamon ko lahat ng mga Morong pumiit sa aking ama!
*Nagkagulo ang lahat at tumigil ang musika*
Ibarra: *Dadating* Ano ba’t ano ang nangyari?
Mga Dalaga:*Kakapit kay Ibarra habang natatakot*
Tiya Isabel: *Nagdadasal* Oh, Diyos ko po…
Don Filipo: Ibarra! Kailangan mo akong tulungan!
Ibarra: Pero, Ginoong Filipo!
Don Filipo: *Umalis na*
Ibarra: *Nakita si Elias* Elias! Elias! Kailangan namin ang tulong mo! Parang awa mo na!
Elias: *Tatango at pupunta sa gitna ng kaguluhan*
*Kakalma ang lahat at nag-alisan ang lahat*
Padre Salvi: *Hindi mapakali habang pasilip-silip sa lugar na kung san ginanap ang komedya* Dapat hindi na lang
ako umalis. Pano na si Maria? *Natakot at bumalik sa dulaan at sa bahay ni Kapitan Tiyago habang hinahanap si
Maria*
Padre Salvi: *Nakita sina Maria na kasama si Tiya Isabel. Guminhawa ang kalooban niya at bumalik sa kumbento
na hindi pinapansin ang mga nakakasalubong*

You might also like