You are on page 1of 19

NOLI ME TANGERE

KABANATA : 35 HAKA-HAKA

*Character:

-Crisostomo Ibarra

-Padre Damaso

-Don filipo

-Kapitan Heneral

-Kapitan martin

-Kapitan basilio

*Extras:

-Boy (2) magsasaka

-Girl (3)

-Hermana Rufa

*SETTINGS

-Kalye

-Simbahan (Labas)

SCENE : 1 (KALYE) (UMAGA)

Extra(girl) : Alam niyo ba ang nangyari kahapon ng tanghali?

Extra (girl 2) : Totoo ba yung nangyaring alitan sa tahanan nina kapitan tiyago? Sa pagitan ni padre
damaso at Don Crisostomo ibarra?

Extra (boy) Totoo! Sabi ng isang taong aking napanayam kanina lamang. (sumagot sa ikalawang babae)

Extra (girl3): Sabi nila mo na una daw si Crisostomo Ibarra pero sabi naman ng Ing iba ay padre damaso
daw ang nauna, Kung kaya't nagkaroon ng kaguluhan sa araw na iyon.

*SKIP* SCENE 2: (SIMBAHAN)

(Habang nagresermon si pache damato lumabas ang isang lalaki..)


Extra (boy): "Ano bayan diko naman maintindihan ang Sinabi ng kurang iyan?" “Tí sto kaló? Den
Katalavàino ti léei aflós o typós?” wikang - Griyego.

Extra(boy): "Hindi ko ipinipilit ang relihiyong kaninuman. Nakakapagtaka ang ginawa ng paring
pransiskano.

kapitan: Para sa inyo Kapitan Heneral Kung kanino kayo pumapanig kay Don Ibarra ba o kay padre
Damaso?

Kapitan Heneral: Para sakin sana naging matimpi lamang si ginoong Crisostomo, sana'y hindi umabot sa
Ganoong Pangyayari.

(Lumapit at Sumabat si don Filipo)

Don Filipo: Ang sabihin ninyo’y Kung si padre Damaso sana nagkaroon kahit kalahati man lamang ng
pagtitimpi ni Crisostomo. Ang nangyayari’y siya ay nagasal bata pa

( lumapit din rin si kapitan martin)

Don Filipo: Walang makapigil kay Crisostomo Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad, At
walang naglakas ng loob para Awatin siya. maliban sa anak ni kapitan tiago.

Kapitan Martin: lyan ba ang paniniwalaan mo?

Don filipo: Naniniwala akong hindi pababayaan ng bayan si Crisostomo.

Kapitan Martin: Anong magagawa ng taong bayan? Laging may katwiran ang mga prayle. Nagkakaisa
sila samantalang ang mga mamamayan ay watak-watak.

Don Filipo: Palagi na lamang sila ang nasa katuwiran. (Nainis)

*Skip*(Kalye ulit)

Extra (girl): Ano ang mararamdaman mo kung sakaling narinig niyong hinawak ang namatay- ninyong
asawa ngunit walang ginawa ang anak ninyong si Antonio?

Hermana Rufa : Hindi ko siya bibindesyunan!

Extra (girl): Hindi niyo iyon kayang gawain sa inyong anak hindi niyo kayang ipagkait ang kanyang
bendiyon.

Hermana Rufa : bago pa tayo magkage ay mauuna ako paalam!!


KABANATA 36: SULIRANIN

*CHARACTER

-Maria clara

-Andeng

-Kapitan Tiago

*SETTINGS

-House

Scene : 3

Kapitan Tiago: ako muna'y sasaglit sa kumbento, iyo munang bantayan si Maria, Isabel.

"Umalis na si Kapitan Tiago"

"Pinapatahan nina Andeng at Tiya Isabel si Maria Clara"

Tiya Isabel: Anak, Maria, tahan na, magtiwala ka na madali lamang mapapatawad ang iyong irog, wala
namang masamang nangyari kay Padre Damaso, nahimatay lamang siya, sige na tahan na iha.

Andeng: tama na sa pagluha aking kaibigan, hayaan mo at gagawa ako ng paraan upang makipagkita ka
Tiya Isabel Sa tingin mo ba ay ikasisisya ni Crisostomo na makita ka sa ganiyan na katayuan? Tumayo ka
na iha.

Andeng: tama si tiya isabel, sige na tumayo ka na

(pumasok si tiyago malungkot)

Tiya Isabel: Bakit ganiyan ang mukha mo? mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa.
(lumapit si isabel)

Kapitan Tiago: nais ni padre damaso harangan ang pag-iisang dibdib ni maria clara at ibarra.

Tiya Isabel: hindi mo naman iyan kailangang sundin!

Kapitang Tiago: Hindi maaari pinapili nila ako, ang kasiyahan nila o ang aking buhay at kaluluwa, at kung
hindi ko pipiliin ang kanilang kasiyahan ay hindi lang sa lupa ako magiging makasalanan kundi pati narin
sa langit umiyak si maria clara.

Kapitang Tiago: Hindi maaari! pinapili nila ako, ang kasiyahan nila o ang aking buhay at kaluluwa, at kung
hindi ko pipiliin ang kanilang kasiyahan ay hindi lang sa lupa ako magiging makasalanan kundi pati narin
sa langit.

(umiyak si maria clara)

Kapitan Tiago: isa pa sa sinabi niya, nais niyang ipakilala saiyo anak kaniyang kamag-anak mula sa
Europa, huwag ka nang umiyak anak dahil sabi ng kura ay mas higit na bagay siya saiyo.

Tiya Isabel: Tumahimik ka na nga lang Tiago! Ano bang na-isip mo para sabihin yan? Sa palagay mo ba ay
para lamang pagpapalit ng damit ni Maria ang pagpapalit ng nobyo?

Kapitan Tiago: Hindi ko ito ginusto isabel ! wala na akong magagawa kung ako’y susuway ako'y magiging
Excomunicado.

Tiya isabel : "Huwag mong pahirapan ang kalooban ng iyong anak. Bakit hindi mo sulatan ang
arsobispo?"

Kapitan tiago : "Ang arsobispo ay prayle din na walang pinakikinggan kundi ang mga kapwa prayle. Kaya,
anak, tigilan mo na ang pagluha. Darating ang Kapitan Heneral at kailangan mo siyang pakiharapan. Higit
akong sawingpalad kaysa iyo pero hindi ako umiiyak."

(Dumating na nga ang Kapitan-Heneral sapagkat nagsimula na ang tugtog ng Marcha Real Española
bilang hudyat. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiago ay nagsimulang mapuno ng mga tao ).

( Si Maria Clara ay tumakbo sa silid at nanalangin. Hindi niya makuhang manalangin ng taimtim at sa
halip ay nanangis siya nang labis.)
( Naging mabuti siyang anak at banal na Kristiyana. Ano't humantong sa kabiguan ang lahat?
Nagdaramdam siya sa kahilingan ng amang limutin na niya ang kanyang pag-ibig. Nasa ganitong
kalagayan ang dalaga nang pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing ibig na siyang makaharap ng
kapitan-heneral. )

Maria clara : "Masakit ang aking ulo, Tiyang,”

Tiya isabel : "Gusto mo bang mapahiya ang iyong ama?"

(Tumayo na si Maria Clara at matamang tiningnan ang tiyahin)

KABANATA : 37 KAPITAN HENERAL

*CHARACTER

Crisostomo Ibarra

Kapitan-Heneral

Padre sibyla

Padre salvi

Kapitan Tiago

Maria-clara

*Extras

Kagawad

*SETTINGS

Bahay

Scene 4 :

(IPINAHANAP kaagad ng Kapitan Heneral si Crisostomo Ibarra sapagkat napakagaan ng kalooban nito sa
binata at nais niya itong makadaupang palad Samantala, sa labas ng bahay ni Karitan Tiago ay may isang
binatan taga-Maynila na humingi ng pahintulot na makausap ang Kapitan Heneral Ang binatang ito ay
walang iba kundi ang mestisong nakaaway ni Padre Damaso.)

( Ipinag-utos ng Kapitan Heneral na papasukin ang binata a ito'y kanyang pinakiharapan.)


(Nasa kabilang silid.lamang ang ilang panauhin na pawang may mg katungkulan, ilang mamamayan ng
San Diego at mga prayle maliban kay Padre Damaso.)

(Matapos kausapin ay lumabas ang binata na nakangiti na at palatandaang may mabuting ugali ang
Kapitan-Heneral. Paalis na sara si Padre Sibyla nang pumasok sa kanilang silid ang isang kagawad at
sinabing sila'y ipinapatawag na ng Kapitan Heneral.)

( Nauna sa pagpasok si Padre Sibyla kasunod ang iba pang mga pari. Nagbigay galang sila sa Kapitan
Heneral pamamagitan ng pagyukod.)

( Hinanap ng Kapitan Heneral si Padre Damaso.)

Padre sibyla: “Hindi po siya nakasama,”

Padre salvi : “May sakit po siya”

(Nagbigay galang sina Kapitan Tiago at Maria-clara sa Kapitan-Heneral)

Kapitan heneral : “Anak po ba ninyo ang dalagang ito?”

Kapitan Tiago : “Anak din po ng kamahalan,”

( pinuri ni Kapitan-heneral si Maria Clara)

Kapitan-heneral : Kay gandang Binibini..

Maria clara :”maraming salamat po sa inyo pagpuri”

(Dumating ang isang kagawad)

Extra ( Kagawad ) : “Nariyan na po si Ginoong Crisostomo,kamahalan”

Kapitan-heneral : “Mabuti nandyan kana Ginoong ibarra,”

Crisostomo ibarra : “Karangalan ko kong muli kayong makaharap bago ako lumisan sa bayan ito”

(Lumapit si Padre salvi habang may sinasambit kay Kapitan-Heneral)

Padre salvi : “Pinapaalala ko lang sa inyo Kapitan-heneral,Na si Crisostomo ay isang Excomunicado”

Kapitan-heneral : “ Hinahangad ko ang maagang paggaling ni padre damaso at Panahon na siguro para
makabalik na siya sa Españia,Pagpalaain nawa siya ng Diyos”

Crisostomo Ibarra: Ipagpaumanhin niyo at mauuna na ako paalam.

Kapitan-heneral : Mauuna din ako paalaam.

(Nagpaalam na si Kapitan-heneral at si ibarra)


*Skip*

Kabanata 38: Ang Prusisyon

Scene : 5 (Gabi sa kalye)

*Character

-Kapitan-Heneral

-Crisostomo ibarra

-Gobernador

-Pilosopo Tasyo

-Padre Damaso

-Maria Clara

*Settings

Kalye

*Nang sumapit ang gabi ay inilabas ang pang-apat na prusisyon.

*Ang Kapitan-Heneral na nagsusuri ng bayan ay inimbitang manood in prusisyon mula sa bahay ng


ayudante. Desidido ito na makinig in patulang dasal kung kaya't hindi na nakasama ni Ibarra si Maria
Clara sa panonood ng prusisyon.

*Ang mga guardia civil ay may dalang pamalo na napansin naman ni Ibarra kung kaya't siya'y nagtanong
sa gobernador tungkol dito na tinugon naman ng kapitan-heneral.

"Nasa unahan ng prusisyon si San Juan Bautista.

"Napabulalas na lamang si Pilosopo Tasyo dahil hindi na lamang nila isinaalang-alang ang pagiging pinsan
ng santo at ni Jesus.
*Kasunod nito ay si San Francisco. Kasunod ng banda ay may sagisag na may imahen ng santo. Napansin
agad ni Pilosopo Tasyo ang pagkakaiba ng karosa nito sa karosa ni San Juan Bautista.

*Sumunod ang napakagandang imahen ni Santa Maria Magdalena.

"Napagod na sa paghihintay ang mga ang mga nagbuhat kay San Juan.

May nagkomentong hindi raw lyon magugustuhan ng mga sundalo ngunit ipinagsawalang-banala
lamang ng isa pa.

*Nagsimula na ang patulang dasal na ikinahanga ng lahat.

*Nang tumapat sa bahay ni Kapitan Tiago ang karosa ng Birhen ay nagsimula ng kumanta si Maria Clara
na punong puno ng damdamin.

*Kumakanta si maria clara (Ave maria)

Ave, Maria, grátia plena


Maria grátia plena
Maria grátia plena
Ave, ave Dóminus
Dóminus tecum

Benedícta tu in muliéribus
Et benedíctus, benedíctus
Fructus fructus ventris tui, Iesus
Ave, Maria

Ave Maria, Mater Dei


Ora pro nobis peccatóribus
Ora, ora pro nobis
Ora, ora pro nobis peccatóribus

Nunc et in hora mortis


In hora mortis nostrae
In hora mortis mortis nostrae
In hora mortis nostrae
Ave Maria.

*Kinausap ng Kapitan-Heneral si Ibarra na saluhan siya sa hapunan upang pag-usapan ang pagkawala ng
dalawang bata.

Kapitan-heneral : Bakit ba nawawala ang anak ni sisa? Kailan sila nawala?

*Napaisip si Ibarra kung siya ba ang dapat sisihin.


Ibarra : Ipagpaumanhin niyo Kapitan-heneral pero diko alam saan at kailan sila nawala.(nauutal nasabi)

*SKIP*

KABANATA : 39 DOÑA CONSOLACION

*Character

Doña Consolation

Sisa

Guwardiya sibil (1,2)

Alperes

Marta

*Settings

Bahay ni Doña consolation

Scene : 7

Donya Conscolacion: Dalhin ninyo rito si Sisa!

Guwardiya Sibil 1,2: agad na masusunod donya.

*pinuntahan si Sisa

Guwardiya sibil 1 : sumama ka ng maayos kung ayaw mong masaktan!

Sisa: saan nyo ba ako isasama?

Guwardiya Sibil 2 : puwede bang manahimik ka na lang at sumama ng tahimik?

Sisa: puwede naman

*bumalik ang mga Guwardiya Sibil kasama si Sisa


Doña consolacion: nariyan ka na Sisa (habang kumukuha ng latigo) Vamos magcantar icau!

Sisa: (tumawa)

Guwardiya sibil 1 : sunduin mo ang sinabi ng donya, kumanta ka

Sisa: napaka simple ng pagkanta sa akin (kumanta ng kundiman ng gabi)

Doña Consolacion: tumigil ka na!

Sisa: kaya naman palang magtagalog

Guwardiya Sibil 1,2: (natawa)

Doña Consolacion: lumayas ka sa harapan ko!

Guwardiya Sibil 1,2: (umalis)

Doña consolacion: Baila! Baila!! Baila!

Sisa: (turnawa)

Doña consolacion: Ikaw sumayaw ka! (pinalo)

Sisa: aray!

Doña consolacion: sumayaw ka! sumayaw ka! (pinapalo)

Sisa: (umilyak)
*Papaluin sana ulit ni Doña Consolacion si Sisa ng biglang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang
Alperes

Doña consolacion: bakit ka narito?

Alperes: hindi ba dapat bumali ka muna ng magandang gabi?

Doña Consolacion: (yumuko) Alperes: Marta!

Marta: ano pong maipaglilingkod ko?

Alperes: pag-mukaing tao ang babaeng ito, pakainin at bihisan ng maayos gamutin ang mga sugat at
higit sa lahat huwag ninyong hahayaang muling malapastangan ang babaeng ito.

Marta: masusunod po.

KABANATA 40: KARAPATAN AT LAKAS

*Character

Don filipo

Alkalde

Extra (1 babae)

Padre salvi

Sinang

*Settings

Tanghalan ng bayan (stage)

Scene 8:

(MAY magaganap na palabas sa entablado at si Don Filipo ang namamahala.)

(Kausap ni Don Filipo si Pilosopong Tasyo at ang kanilang pag-uusap sa pagbibitiw ni Don Filipo sa
tungkulin bilang Tinyente Mayor ngunit ayaw tanggapin ng alkalde ang pagbibitiw nito.
Alkalde : wala daw ba akong kakayahang tumupad sa aking tungkulin.

Don Filipo : Walang nagawa ang pakiusap ko sa kanya sapagkat pag- usapan na lamang daw ito
pagkatapos ng piyesta.

( Natigil ang pag-uusap ng dalawa dahil dumating si Maria Clara kasama ang mga kaibigang dalaga.
Kasunod nilang dumating ang kura, isang Pransiskano at ilang Kastila Isa-isa silang ni inihatid ni Don
Filipo sa mga upuan Nasa harapan at nakaupo ang may matataas na tungkulin.)

( Madalas namang pakawin ni Padre Salvi ng lihim na sulyap si Maria Clara.)

( Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito ng Crispino
dela Comare.)

(Ang lahat ay nanonood sa palabas maliban kay Padre Salvi na laging nakatitig kay Maria Clara. Dumating
si Crisostomo Ibarra na patapos na ang unang yugto ng dula.)

(Nagkaroon ng bulung-bulungan sa paligid dahil sa pagdating ng binas Hindi iyon pinansin ni Crisostomo
at sa halip ay malugod na binati a kasintahang si Maria Clara at ang mga kasamahan nito.)

(Nilapitan ni Padre Salvi si Don Filipo at hiniling na paalisin si Ibarra. )

Don Filipo : Dinaramdam ko pong hindi ko magagawa ang inyong ipinag-uutos kay Ginoong Crisostomo
po'y nag-abuloy ng malaking halaga at may karapat siyang manatili dito sapagkat hindi naman siya
nanggugulo."

Padre salvi : Hindi ba't isang kasamaan saktan ang isang mabuting Kristiya Pananagutan ninyo ang bagay
na to harap ng Diyos."

Don filipo : Pananagutan ko po ang mga bagay na may sarili akong kapasyahan. Hindi naman po
namimilit si Ginoong Crisostomo na makipag-usap kaninama kaya't maaari siyang layuan ng taong may
ayaw sa kanya."

Padre salvi : Siya'y isang taong mapanganib.

Don filipo : Sa akin pong kaalaman, siya'y kausap ng Kapitan Heneral at alkaldes buong maghapon kaya
wala kayong dapat ipangamba sa kanya."

Padre Salvi : Kung ganoon ay kami na lamang ang aalis.

*Umalis ang kura at ang mga kasama nito.

May mga taong lumapit kay Crisostomo Ibarra at sinabing huw pansinin ang paglisan ng kura.

Extra (1) : "Kami po ay kapanalig ninyo kahit sinabi nilang kayo'y kanilang itinakwil."
(Napansin ni Crisostomo na marami ang nakatingin sa kanya.)

(Maging kay Maria Clara ay waring napahiya sa sinabi ng kausap ni Crisostomo at nagtakip ito ng mukha
sa pamamagitan ng abaniko.)

(Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang mawawala sapagkat mayroong
nalimutan usapan.)

(Pinigilan siya ni Sinang)

Sinang : Sasayaw si Yeyeng ng La Calandria Magale siyang sumayaw kaya huwag ka munang umalis.”

(Lumapit ang dalawang guwardiya sibil kay Don Filipo at ipinatitigil palabas dahil hindi raw makatulog sa
ingay ang alperes at si Doña Consolacion Hindi pinagbigyan ni Don Filipo ang kahilingan ng mga
guwardiya sibil.)

Don filipo : Pakisabi sa alperes na may pahintulot ng alkalde ang palabas na ito sinuman ay walang
karapatang magpatigil ng dula.

( Agad sinunod ang komedya matapos ang sarsuwela, Lumabas si Prinsipe Villardo upang hamunin ang
Moro na nagpakulong sa kanyang ama. Ngunit bigla na lamang nagkagulo ang entablado. Ipinaghagisan
ng mga musikero at ang Entablado.)

(Nagsitakbuhan lahat ng tao)

(Si Maria clara ay Napakapitan sa bisig ni Crisostomo ang mga natakot na dalaga Walang tigil naman sa
kausal ng litanya sa wikang si Tiya Isabel Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwadrilyero sa tribunal ay
pinagbabato ng mga tao. May isang pangkat ng mga kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga sibil
ngunit agad silang pinakiusapan ni Don Filipo na huwag nang palalain pa ang pangyayari. Hindi siya
pinakinggan ng mga ito kaya't kay Crisostomo Ibarra siya nakiusap.)

Ibarra : "Ano'ng aking magagawa?"

Don filipo : "Tulungan ninyo ako alang-alang sa Diyos, ako'y walang mapagawa Tumugon naman si Elias
at nakipag-usap sa mga kalalakihan.

Nagkaroon ng pagtatalo at ilang sandali pa'y nag-alisan na rin ang mga tao. Nasaksihan ni Padre Salvi ang
buong pangyayari sa liwasan mula sa bintana ng kanyang silid sa kumbento.

Kabanata 41: Ang Dalawang Panauhin

*Character

Ibarra
Elias

Lucas

Utusan (babae)

*Setting

Bahay

Kalye

Scene 9 : bahay ni ibarra

Utusan (babae) : Ginoong ibarra may gusto kumausap sayo isa siyang mangbubukid”

Ibarra : "Papasakin mo,"

Elias : "Ipagpaumanhin ninyong abalahin ko kayo,"

Elias : "Nilalagnat po si Maria Clara ngunit hindi naman kalubhaan."

Ibarra : "Maraming salamat, kaibigan."

Elias : "Kung inyong mamarapatin ay nais ko kayong tanungin. Maaari ninyong sagutin kung ibig ninyo..
Paano ninyo napahinto ang kaguluhan sa liwasan?"

(Sinabi ni elias ang kanyang nalalaman tungkol sa dalawang magkapatid)

Elias : "Ang mga ito ay ang magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng m guwardiya sibil. Minsan ko
nang nailigtas ang buhay nilang magkapatid kaya tumanaw sila sa akin ng utang na loob kagabi sa
pamamagitan ng pagtuge sa aking pakiusap."

Ibarra : "Ano'ng nangyari sa magkapatid at bakit mo sila nailigtas?"

Elias: "Papatayin din sila ng mga guwardiya sibil na pumaslang sa kanilang ama.

Elias : mauuna po ako paalam.

Ibarra : sige.

(Nangmakalis ay nagpaaisip si ibarra)

Ibarra : "Ako ang dahilan kaya siya nagkasakit,"


( Ilang sandali pa'y nagpasya na si Crisostomo na magpalit ng damit nanaog ng bahay. Nagpasya siyang
pumunta sa bahay ni Kapitan Tiago upang dalawin si Maria Clara.)

Scene 10 : kalye

(Nakasalubong ni Crisostomo sa kalye ang isang maliit na lalakin nakapangluksa at may pilat sa kaliwang
pisngi.)

Lucas : "Ginoong Ibarra, ako po si Lucas, ang kapatid ng lalaking namatay kahapon."

Ibarra : "Nakikiramay po ako,"

Lucas : "Gusto ko po sanang malaman kung magkano ang ibabayad ninyo sa akin para sa pagkamatay ng
aking kapatid."

Ibarra : "Ibabayad?" (Nayayamot)

Lucas : "Nagmamadali ako. Maaari bang balikan n'yo na lamang ako para pag-usapan ang bagay na
iyan?"

Lucas : "Sabihin na lamang ninyo kung magkano ang ibabayad ninyo,"

Ibarra : "Hindi n'yo ba lubusang nauunawaan ang aking sinabi? Wala akong oras na pag-usapan iyan
ngayon sapagkat may dadalawin akong maysakit kaya't Bumalik na lamang kayo mamayang hapon."

Lucas : "May oras kayo para sa maysakit ngunit sa isang patay ay wala? Dahil ba sa kami'y mahirap
lamang kaya ganito ang inyong pakikitungo sa amin?"

(Tinalikura ni Ibarra si lucas at umalis)

(Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Crisostomo sabay bulong sa sariling,)

Lucas : "Apo ka ngang talaga ng lalaking nagpabilad sa init sa aking ama... pareho ang paraan ninyo ng
pakikitungo. lisa ang dugong nananalaytay sa yong mga ugat."

( Ngumiti ang lalaki. )

Lucas : "Subalit kung mahusay kang magbayad, magiging mabuti tayong magkaibigan."

KABANATA 42: ANG MAGASAWANG DE-ESPADAÑA


*Character

Kapitan tiago

Tiya isabel

Doña Victorina delos reyes de espadaña

Dr. Tiburcio de Espadaña

Alfonso linares

Padre Salvi

Maria Clara

*Settings

Bahay ni kapitan tiago

Scene 11 : bahay ni Kapitan Tiago

(Nagkaroon ng kalungkutan ang buong tahanan ni kapitan Tiago)

(Nakapinid ang mga bintana)

(Nakatingkayad ang mga tao kung magkalakad)

(Pinaguusapan ng magpinsang tiya isabel at kapitan tiyago kung alin ang mabuting bigyan ng donasyon
sa dalawang krus na mapaghimala.)

Kapitan Tiago : Ano sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis?

Kapitan tiago: Alin sa dalawa ang higit na mapaghimala?

Tiya Isabel : Mas makabubuti sigurong pareho na limusan para walang maghinanakit at upang gumaling
agad ang karamda ni Maria Clara.

( Naalala ni Kapitan Tiago na kailangang ayusin ang silid ni Maria sapagkat darating ang manggagamot at
kasama ang kamag-anak ni Padre Damaso)

( Huminto ang isang karwahe sa harapan ng bahay ni Kapitan Tiago at bumaba ang manggagamot na si
Dr. Tiburcio de Espadaña, kasama a asawang si Dona Victorina delos Reyes de Espadaña at isang
binatang Ka na may maalwan at magiliw na mukha, si Alfonso Linares.)

(Agad ipinakilala ni Doña Victorina ang lalaking kasama. )

Doña Victorina : "Ipinakikilala ko ang aking pinsang si Don Alfonso de Linares, siya'y kamag-anak din ni
Padre Damaso at tanging kalihim ng mga kagawad sa España."
( Magalang na yumukod si Alfonso Linares kay Kapitan Tiago. Inaasahan ni Kapitan Tiago ang mga
dumating na panauhin kaya't malugod ang kanyang pagtanggap sa mga ito. Sinamahan sila ni Kapitan
Tiago sa kanilang silid at ipinasunod ang mga bagahe.)

*Si Donya Victorina ay isang ginang na may edad na apatnapu'i lim pero ipinamamalita niyang siya'y
tatlumpu't dalawang taong gulang laman Ayon sa kanya, siya'y dalagang ubod ng ganda kaya hindi siya
nagpasilo mga lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang mapangasawa ay isang dayuh Pangarap niyang
mapabilang sa mataas na antas ng lipunan sa pamamagit ng pag-aasawa na magbubuhat sa ibang lupain.
Ang bitag na inihanda niyan walang nasilo kaya't umabot sa kaalaman ng marami ang kanyang
pangangailangang makapangasawa ng isang dayuhan.( Isasadula ito mismo)

*Napilitan siyang magpakasal sa isang maralitang Kastila na taga-taga-España at mula sa bayang


Extremadura ay dinala siya ng kapalaran sa Pilipinas. Ang Kastilang ito ay si Tiburcio de Espadaña na may
tatlumpu't limang t gulang subalit ang mukha ay mas matandang tingnan kaysa kay Doña Victorina na
noon ay apatnapung taon pa lamang. Lulan siya ng bap Salvadora at dumanas ng matinding pagkahilo
hanggang sa nabalian pa paa. Ayaw na niyang bumalik ng España dahil sa takot mahilong muli s
paglalakbay kaya ipinasyang manatili sa Pilipinas. Siya'y official quintos sa Aduana ngunit kasawiang
palad ay natanggal sa tungkulin na wala miski isang kusing.

*Sa tulong mga kababayang Kastila ay nabuhay siya hanggang payuhan ng mga kababayan na
magpanggap bilang doktor sa kabila ng katotohanang hindi siya nakapag-aral. Nagtrabaho lamang siya
sa pagamutan ng San Carlos España bilang tagapaglinis at tagapag-init ng kung anumang bagay at wala
siyang alam sa panggagamot. Ayaw niya noong una subalit sa pbis na kagipitan ay napilitan siyang
magpanggap. Nagpupunta siya sa mga alagang nayon at doon nanggagamot sa murang halaga hanggang
kalaunan ay nagmahal na rin ang kanyang singil upang yumaman. Nakarating sa kaalaman ng
Protomedicato de Manila ang kanyang ginagawang pagpapanggap at siya'y binalaan na ikukulong kung
hindi titigil sa panggagamot.

*Nalaman ni Don Tiburcio sa isang kaibigan na nangangailangan si Doña Victorina ng mapapangasawa na


isang dayuhan. Nakipagkilala siya sa donya sa pag-asang mahahango siya sa karalitaan sakaling pumayag
itong pagpakasal sa kanya. Sa loob lamang ng tatlumpung minuto ay nagkasundo a silang magpakasal.

*Nagpunta sila sa Santa Ana para sa kanilang pulotgata. Sumakit ang tiyan ng donya at dahil sa pag-
aalaga at pagmamalasakit ni Tiburcio ay gumaling to kaagad. Sa ikalawang gabi ay pinatunayan ni Don
Tiburcio ang pagiging marangal niyang lalaki at sa ikatlong araw ay kinakitaan na siya ng kalungkutan.
Ipinagpagawa siya ng donya ng pustiso at ipinagpatahi ng ternong kasuotan upang magmukhang
kagalang-galang. Bumili rin ng aranya a karomata ang donya at matutuling kabayo mula sa Albay at
Batangas para sa kanilang mag-asawa.
*Nagsimulang mag-ilusyon ang donya bilang isang Orofea. Sa halip na magpusod ay maalon-along pusod
Espanyola ang ginawa sa buhok at nagdamit ng kasuotang Europa. Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at
sa ibang bansa siya manganganak upang hindi matawag na isang rebolusyunaryo ang anak. Ang kanyang
pangalan ay dinagdagan ng de kayat nakalimbag sa mga tarheta ang Victorina delos Reyes de Espanada
bilang pagbibigay ng karangalan.

*Sa ng pagpapatingin sa mga manggagamot at hilot sa loob ng tatlong buwan, ang inaasahang
pagbubuntis ng ay hindi nagkaroon ng katuparan. Hindi siya nagkaanak at bunga ng matinding
depresyon ay naibunton niya ang ngitngit sa asawang si Don Tiburcio. Kahit anong gustong gawin at
mangyari ng ay sinusunod nito at hindi kinariringgan ng reklamo.

Doña Victorina "Ako ang reyna ng tahanan, pero walang hari,".

*Sa tuwing nagagalit ang donya ay tinatanggal niya ang pustiso ng asawa at hinahayaang mahumpak ang
pisngi ng lalaki sa loob ng ilang araw, Kung minsan ay hindi niya pinapahintulutang lumabas ng bahay si
Don Tiburcio Nagpasya ang donya na ipakilala ang asawa bilang isang doktor at maglaga g titulong
doctor en medecina y cirugia. Tumutol si Don Tiburcio sapagk pamemeke na naman ang gagawing
panggagamot subalit wala itong magaw sa kagustuhan ng asawang donya. Nagpaukit sa marmol ang
donya karatulang may nakasulat na Doctor de Espadaña, Especialista en toda Clase de Enfermedades.

*Kumuha ng tagapangasiwang Kastila sa kanyang mga ari-arian ang donya sapagkat hindi niya
pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ginastusan niya ang paglalakbay ni Alfonso Linares na kumukuha ng
kursong abogasya.

( dumating si Padre Salvi habang nagmimiryenda ang mga panauhin ni Kapitan Tiago. Ipinakilala nila si
Linares sa kura. Pinintasan ni Doña Victorina ang mga taga-lalawigan at pinangalandakan na kaibigan nila
ang alkalde at iba pang nasa mataas na poder sa estado. Namangha ang donya nang sabihin ni Kapitan
Tiago na kadadalaw lamang ng Kapitan.)

Kapitan Tiago : "Diyan nga po siya nakaupo sa inuupuan ninyo ngayon."

Doña Victorina : "Diyata't... narinig mo iyon, Alfonso? Ang Kapitan Heneral ay nagpunta dito: Sinabi ko
naman sa iyo na ang bahay na aking pinupuntahan ay hindi basta bahay ng isang Indiyo.

Doña victorina : "Kung sabagay Kapitan Tiago, ang aking pinsan ay madalas dingmakasalamuha ang
matataas na mga tao sa Madrid, Madalas siya sa nina Conde del Campanario," "Duque dela Torre,"
pagtatama ni Don Tiburcio.

(Itinanong ni Linares kung saan maaaring matagpuan ang bahay ni Padre Damaso sapagkat may sulat
siyang ihahatid dito.)
Padre Salvi : "Masuwerte kayo, Ginoong Linares. Narito ngayon sa San Diego si Padre Damaso."

Doña Victorina : "Mabuti pa siguro'y tingnan na natin si Clarita."

(Pagkuwa'y hinarap ni Doña Victorina si Kapitan Tiago)

Doña Victorina : "Masuwerte kayo, Don Santiago, hindi basta maysakit lang ang tinitingnan ng asawa ko.
Namimili siya ng ginagamot na Kastila kaya't magpasalamat kayo."

( Pinuntahan na nila si Maria Clara na noon ay nakahiga sa isang katreng kamagong na nakukurtinahan
ng mamahaling tela ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria Clara ay may taling panyo na basa ng agua colonia
at nakakumot na puti ang katawan. Nasa tabi niya ang dalawang kaibigang babae at si Andeng na may
hawak ng pumpon ng bulaklak.)

( Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara at sinuri pati ang dila." May... may sakit ngunit
mapapagaling.")

( Nagreseta ng gamot si Don Tiburcio,)

Don tiburcio : "Sa umaga ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa."

( Samantala ay nabigla si Linaraes pagkakita kay Maria Clara sapagkat moon lamang nakakita ng ganoong
klaseng kagandahan.)

Padre Salvi : "Ginoong Linares, dumating na si Padre Damaso,"

( Tila natauhan si Linares sa narinig. Nakita nito si Padre Damaso na halatang agagaling lamang sa sakit
dahil putlain pa at mabuway kung lumakad, payat hindi na gaanong masalita.)

You might also like