You are on page 1of 25

KABANATA 41

DALAWANG PANAUHAN
Dahil sa kaguluhan ng pag iisip ni Ibarra ay ni hindi pa sya dalawin ng antok.
Madaling araw na’y nag tiitmpla pa siya ng kung ano-anong kemikal na
hinahaluan niya ng tilad-tilad na kawayan at iba pang sangkap.
[ pumasok ang isang tauhan] : Ginoong Ibarra, isang magbubukid po ang nais
magpakita sainyo.
Ibarra: Papasukin mo siya (habang ginagawa ang kanyang eksperimento)
*pumasok si elias at nanatiling nakatayo at walang imik *
[ napalingon ng onti si Ibarra ] Ibarra: Ah,kayo pala. Dinaramdam kong pinag intay
ko kayo, hindi ko napansin dahil ako ay nag eeksperimento.
Elias: Ayoko kayong abalahin. Naparito ako para itanong kung may ipagbibilin
kayo sa Batangas dahil papunta ako roon ngayon saka para magbalita nang masama.
[ nag uusisa ang tingin ni Ibarra sa piloto ]
Elias: May sakit ang anak ni Kapitan Tiago. Ngunit hindi malubha
[ dugtong niya na malumanay ang tinig ]
Ibarra: Iyon na nga ba ang ipinangangamba ko [bulong ni Ibarra]
Ibarra: Ano ang sakit niya? Alam mo ba?
Elias: Nilalagnat siya,wala kayong ipagbibilhin?
Ibarra: Salamat, kaibigan. Wala hinahangad ko ang maligaya mong paglalakbay.
Pero, bago ka umalis ay may nais sana akong itanong kung personal ay huwag mo
nang sagutin.
[ tumango si elias ]
Ibarra: Paano mo napigil ang kaguluhan kagabi? [ naka titig kay Elias ]
Elias: Simple, ang namuno sa gulo ay magkapatid na lalaki na ang ama ay napatay
sa palo ng mga guardia civil. Minsan ay nailigtas ko sila sa gayon ding kapalaran
kaya kapwa sila tumatanaw ng utang na loob sa akin. Sila ay pinag kausapan ko
kagabi at sila ay umawat sa mga kasamahan nila.
Elias: At ang magkapatid na ang ama’y napatay sa…
Elias: Natutulad sila sakanilang ama. [ bulong ni elias ]
Elias: Kapag dumapo ang kamalasan sa pamilya ay nalilipol ang lahat nitong mga
miyembro. Nagkaka putol-putol ang punong tamaan ng kidlat.
[ hindi makakibo si Ibarra at umalis si Elias ]
Namakas ang lungkot sa mukha ni Ibarra.
Ibarra: Ako ang dahilan ng kanyang pagtitiis
[ nagmadali siyang nagbihis at nanaog ]
 Mag sasarado ang kurtina at papasok si elias
Elias: ano kayang itsura ng mga babaeng sumasayaw sa kasalukuyan? [papasok
ang mga Mananayaw.]
[ isang lalaking nag luluksa at malaking pilat sa kaliwang malaking pilat sa
kaliwang pisngi ang mapakumbabang bumati sakanya nang sya’y papaalis na ]
Lucas: Ginoong Ibarra . Ginoo ako po’y si lucas kapatid ako ng lalaking namatay
kahapon sa lugar na pag tatayuan ng paaralan.
Ibarra: Nakikiramay ako. Ngayon?
Lucas : Ginoo, ibig kong malaman kung mag kano ang maibibigay ninyo para sa
naiwang pamilya ng aking kapatid .
Ibarra: Kuwarta ? [tanong na hindi naitago ang pagkayamot]
Saka nanatin pag usapan yan. Bumalik kayo mamayang hapon, ag mamadali ako
Lucas: Sabihin n’yo lang kung mag kano ang handa niyong ibigay.
Ibarra : Sinabi ko ng pagusapan natin iyan mamaya. Wala akong panahon ngayon
[naiinis]
Lucas: wala kayong panahon ginoo?
Ibarra : bumalik kayo mamayang hapon [buong pagpigil]
May dadalawin akong kaibigang may sakit.
[napatigil si lucas at tinitigan si Ibarra]
Lucas: a, higit pa na mahalaga sa inyo ang may sakit kaysa patay .
Ngayo’t kamiy nag hihirap .
Ibarra : wag nyong ubusin ang aking pasensya.[umalis] [hinabol tingin at
sumimangot]
Lucas: ikaw ang apo na nag papabilad sa ama ko sa arawan [bulong niya]
Lucas: parehong dugo ang nananalaytay sa inyongmga ugat [nag bago ang tingin]
Lucas; Ngunit,Kung mabuti kang mag bayad ay magiging mag kaibigan tayo?!

DAHIL SA KAINISAN NAIS NI IBARRA NG MGA MAGTATANGHAL NA


MANANAYAW NA NAIISIP NYANG MAKIKITA NYA SA HINAHARAP.

KABANATA 42 –Ang asawang De espadana


Kapitan Tiago:Ano sapalagay mo Isabel? Mag dodonasyonbako sa banal na krus ng
tunas an o sa banal na krus ng matahong?Lumaki ng punong kahoy ang banal na
krus sa tunasan,pero pinapawisan naman gaya ng tao ang nasa Matuhong. Alin sa
palagay mo ang mas milagroso
Tiya Isabel: Lumalaki…. Tiyak na mas maligroso ang lumaki sa nag papawis.lahat
tayo ay ;pinag papawisan,Ngunit hindi lahat a lumalaki.
Kapital Tiago: Totoo yun, Isabel, totoo nga’yon. Pero, tingnan mo ang
pinagpapawisan… isang kapirasong kahoy na karaniwang ginagawang bangko ay
pinagpapawisan , hindi iyon basta-bastang milagro, O,buweno , mabuti pa’y
magdonasyo sa dalawa para walang sinumang maghihinakit, saka madadali pang
gumaling si Maria Clara. Handa na ba ang mga silid? Alam mong ilang kamag-
amakni Padre Damaso na di natin kilala ang darating na kasama ang doctor. Dapat
na sasaayos ang lahat.
[Sa dulo ng komedor, si Sinang at Victoria ang nag aalaga kay Maria Clara ay nag
lilinis ng kasangkapang pilak]
Victoria:Kilala ba ninyo si Dr.Espadana?
Maria Clara:Hindi, Ang alam ko lang ay mahal siyang sumingil, ayon kay Kapital
Tiago.
Andeng:Siguro’y mahusay siya. Napakamahal sumingil yong umopera kay Donya
Maria, siguro’y mahusay siyang doctor
Sinang:Loka!Hindi ibig sabihin na kapag mahal magpabayad ang doctor ay
mahusay na nga siya.Halimbawa’y ng mapilipit ang ulo ng kawawang sanggol at
pagkatapos ay siningil ng singkwenta pesos ang nabalong lalaki.Ang gayong doctor
ay walang nalalaman kundi maningil.
Victoria:Ano naman ang alam mo tungkol sa gayong mga bagay?
Sinang:Parang diko alam ang asawa isang mga totroso ay hindi lamang nawalan ng
kabiyak, kundi gayon din ng kanyang bagay. Dahil kaibigan ng doctor ang
gobernador-probinsyal, kaya pinayaran ang sinisingil ng doctor. Natural na alam ko
ang sinasabi ko!Ang tatay ko ang nagpahiram sa kanya ng pera para makapunta sa
kapitolyo.
[Naputol ang pag uusap dahil may dumating na karwahe sa tapat ng bahay]
[Tumakbo at sinalubong ni Kapitan Tiago ang bagong dating kasunod ni Tiya
Isabel] [Sina-lubong sina Doktor Don Tiburcio de Espadana ang asawa niyang si
Madam Doktor Donya Victorina de Los Reyes de Espadana at isang banatang
kastila nakakaakit ang muka at may nakahahalinang kilos.
Donya Victorina:Ikinagagalak kong ipakilala ang aming pinsan, si Don Alfonso
Linares de Espadana.Inaanak siya ng kamag-anak ni Padre Damaso, at pribadong
sekretaryo ng mga miyembro ng gabinete…
[Malugod na yumukod ang binate][Muntik nang halikan ni Kapital Tiago ang
kamay niyon]
-Kuwarenta’y singko na si Donya Victorina, pero ipinagsasabi niyang trenta’y dos
lamang siya.
[Introducing Donya Victorina]
Kapitan Tiago:Sanay narito kayo nang nakaraang dalawang araw Donya Victorina.
Kapitan Tiago:Nakita sana ninyo ang kamahalan, ang kapitan heneral.
Donya Victorina:Ano!Paano!Naparito ang kanyang kamahalan?Dito sa bahay
ninyo?Hindi totoo yun?
Kapita Tiago:Sinabi ko nang diyan siya mismo nakaupo.Kung dumating sana kayo
ng nakaraang dalawang araw.
Donya Tiago:Sayang at hindi nagkasakit ng mas maaga si clanita.[binalingan niya
si Linares]
Sinang:Narinig mo ba iyon pinsan?Naparito na ang kanyang
kamahalan!Paniniwalan mo na siguro ngayon si de Espadana!Nasabi na niya sayo
na hindi bahay ng kung sino lang katutubo ang pupuntahan mo.Alam n’yo , Don
Santiago, ang pinsan naming ay kaibigan sa Madrid ng mga ministro at duke, at
kumain pa siya ng maraming beses sa bahay ng konde ng Belfry o ng duke ng
tower.
Don Tiburcio:Kung ang tinutukoy mo ay ang dating kapitan heneral,Victorina, ay
siya ang duke ng tower.
Donya Victorina:Pareho narin yun!Sabi mo saakin!
Linares:Makikita ko kaya si Padre Damaso?Sa kanyang Parokya?
[Putol niya] [ tinanong kay Padre Salvi] Nasabi saaking hindi kalayuan ditto.
Padre Salvi:Nag kataong nasa kabayanan si Padre Damaso. Maya-maya lang ay
dadalaw siya rito.
Linares:Magaling!May sulat ako para sakanya.Kundi lamang sa maligayang
pagkakataong nagdala sa akin dito ay nadalaw ko na sana sila.
[nagunita si Madam Maligayang Pagkakataon]
Donya Victorina:De Espedana?
[Wika niya habang tinatapos ang miryenda]
Donya V: titingnan na ba si clarita?
[bumaling ng tingin kay kapitan tiago]
Donya v: alang alang sa inyo, Don tiago, alang alang sainyo! Hindi manggagamot
ang aking asawa kundi sa matataas na tao lamang, at kahit na yon, kahit na yon!
Hindi katulad ng ibang doctor ang aking asawa, ano sa palagay ninyo? Sa Madrid
ay wala siyang ginagamot kundi ang mga sinasabing tao.
[nagpatuloy sa silid ng may sakit.]
[pinulsuhan ni de espadana, tinignan ang dila]
Don Tibrucio: may sakit si-si-siya, pero gagaling!
[naakit si Linares sa dalaga]
[nangungusap ang mata ng dalaga at tila may hinahanap]
Padre salvi: Ginoong Linares, narito na si Padre Damaso.
PAUWI NA AKO

KABANATA 43 – MGA BALAK

[walang pinansin, dirediretso sa may sakit at hinawakan ang kamay ng dalaga]


Padre damaso: Maria, [naluluha] Maria, anak ko, hindi ka mamamatay!
[nagulat si Maria clara] [Narrator]
Padre Salvi: Mahal na mahal niya ang kaniyang anak!
[Narrator]
Padre damaso: At sino ka?
Linares: Ako ho si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw.
[umurong si padre damaso at pinakatitigan muli ang binate]
Padre damaso: at ikaw pala ang inaanak ni carlicos!
[niyapos si linares]
Padre damaso: Katatanggap ko po lamang ng kaniyang sulat, ikaw pala!
Hindi ko namukaan. Bweno, hindi ka pa nga ipinapanganak nang umalis ako sa
espanya. Hindi kita talagang kilala.
[hinigpitan ni Padre Damaso ang pagyakap]
Padre Damaso;Ngayon, ano ba ang gusto ni Carlicos na gawin ko para sayo?
Linares:Palagay ko po’y nabanggit niya iyon sa kanayang sulat.
[bulong niya]
Padre Damaso:Sa kanyang sulat?Tingnan natin [tiningnan ang sulat]
Tama ka. Gusto niyang ihanap kita ng trabaho at isang asawa.Trabaho, madali iyon.
Marunong ka bang bumasa at sumulat.
Linares:Nag tapos po ako ng abogasya sa unibersidad Central sa Madrid
Padre Damaso:Calamba!Mapaghanap ka ng kaso,gayon ba?Pero, wala sa tipo
mo.Para kang kolehiyala. Pero, lalong mabuti. Ngayon, tungkol sa isang asawa.
hmmm isang asawa!
Linares: Hindi ako nag mamadali padre.
[ nagpalakad lakad si Padre Damaso at bumubulong ]
Padre Damaso: Isang asawa, isang asawa!
[ pinanood ni padreng Salvi sa isangtabi ]
Padre Damaso: Hindi ko akalaing daramdamin kong mabuti ang bagay na ito. [
malungkot na wika ] Ngunit sa dalawang masama ay piliin ang hindi kasamaan. [
sara ang mga kurtina ]
[ si Padre Salvi naman ang nag papalakad lakad. ] [ narrator ]
[ nakita ni Padre Salvi si Lucas ]
Lucas: Padre, ako po ang kapatid ng lalaking namatay nang araw ng pista.
( napaurong si Padre Salvi )
Padre Salvi: Ano ngayon? ( mahinang pag kakasabi)
Padre S:Ano ngayon? (mahina)
Lucas:Padre;Galing ako sa bahay ni Don Crisostomo para humingi ng bayad-
pinsala . Sa simula ay hindi mabuti ang pakikiharap niya sakin at sinabing ayaw
niyang magbayad, pagkat kamuntik na siyang mamatay kahapon, ngunit lumuwas
na siya ng maynila at iniwanan lang ako ng limangdaang piso bilang abuloy.
Ipinagbilin’g huwag na akong babalik sa kanya b.[kinuha ang pera at pinakita] O,
padre limandaang piso Padre,
Padre s: ano ngayon ang ibig mo? [tumalikod]
Lucas: O padre, alang-alang sa pag ibig ng diyos, sabihin niyo saakin dapat ang
dapat kong gawin. Ang pari ay lagging mabuting magpayo.
Padre S: Sino ang nagsabi saiyo nan? Hindi ka tagarito.
Lucas: A, padre kilala kayo sa buong lalawigan .
[nagalit si padre salvi]
Padre S: umuwi ka’t magpasalamat kay Don Crisostomo at hindi ka nya
ipinabilanggo! Lumayas ka!
Lucas: Ngunit akala ko’y…
Padre S: Lumayas ka! [nanginginig sa galit]
Lucas; ibig kong Makita si padre damaso.
Padre S: abala si padre damaso. Lumayas ka rito!
Lucas: [bumulong] ang taong ito’y katulad din ng isang… kapag hindi siya
nagbayad ng husto’y… ang sino mang magbayad ng husto’y.
[patakbo naming lumabas si padre damaso, kapitan tiago at linares]
Padre S: [habang kinukuha ang sombrero at baston]
-isang walanghiyang palaboy na nagpapalimos at ayaw magtrabaho.

KABANATA 44 – ANG PANGUNGUMPISAL


[narrator]
Don tibrucio; ikinalulungkot kong mabalitaan yan, hindi naiibigan nni padre
damaso.
Linares: saan nga wika ninyo sila malilipat [ tanong sa kura]
Padre S: Sa lalawigan ng Tayabas.
Kapitan Tiago: Daramdaming mabuti ito ni Maria Clarapag nalaman niya. Mahal
niya siyang parang ama.
[tinitigan ni padre salvi]
Kapitan Tiago: may palagay ako, padre na ang pagkakasakit ni maria clara ay
nagsimula sa mga sama ng loob niya nong araw ng pista.
Padre S: Oo nga, at mabuting hindi ninyo pinayagang magpakita si Ibarra sa kanya.
Maaaring malubha siya.
Donya V: kundi lamang dahil samin [sabad niya] ay nasa langit na si clarita at
umaawit ng haleluya
Kaptan Tiago: Amen!
Donya V: mabuti na lamang at walang pasyenteng mas mataas na tao ang aking
asawa. kundi’y mapipilitan kayong tumawag ng ibang doctor, at lahat ng mga
doctor dito ay ignorante. Ang asawa ko…
Padre Salvi: [putol ng kura] sa palagay ko’y tama ako. Ang pangungumpisal ni
Maria Clara ang nagligtas sa kaniyang buhay. Ang malinis na konsensiya ay mas
mahalaga kaysa gaanumang karaming gamut. Ngunit hindi ko ikinatutuwa ang
kapangyarihan ng siyensa, higit sa lahat ay ang pag-oopera! Pero ang isang malinis
na konsensiya… magbasa kayo ng mga aklat sa relihiyon at malalaman ninyo ang
maraming nagpagaling sa isang mabuting pangungumpisal.
Donya Victorina: Ipagpaunmahin nyo. [tutol niya] [naiinis] sinasabi ninyong
mabisa ang pangungumpisal. Tingnan natin kung mapapagaling ng pangungumpisal
ang asawa ng puno ng mga guaedia civil.
Padre salvi: ang pasa sa mata, madam, ay hinid isang sakit na maiimpluwensiyahan
ng konsensya. Bagama’t ang isang mabuting pangungumpisal ay maaaring
makapagligtas sa kanya. Sa mga hinaharap sa mga suntok na dumapo sakanya
kaninang umaga.
Donya V: Mabuti nga sakanya!
Donya V: mapainsulto ang babaeng iyon! Sa simbahan ay lagi siyang nakatitig
saakin. Kung sa bagay ay mabaab ang kaniyang uri. Noong nakaraang lingo
itatanong ko na sana sakanya kung ano ang diperensya, kung may bigote ba ako?
Pero bakit ko ba sya papatulan? [hindi pinansin ng kura]
Padre salvi: maniwala sa akin, Don Santiago. Kailangan mangumunyon bukas ang
iyong anak para lubusan siyang gumaling. Ako na ang paparito. Sa palagay ko’y
hindi na niya kailangan pang mangumpisal na muli, pero kung may nakababalisa pa
sa kanyang konsensya ay paparito ako mamayang gabi.
Donya V: aywan ko! Hindi ko maintindihan kung bakit may mga babae. Malayo ka
pa sakanya’y nasasabi mo na kung anong klase siyang babae. Sinuman ay
makapagsasabing masyado siyang inggitera. Maliwanag na maliwanag. Anong
nangyare sa komandate?
Padre Salvi: ihanda ninyo ang pamangkin para sa pangungumpisal ngayong gabi.
Bukas ay bibigyan ko siya ng komunyon. Sa gayon ay mas madali siyang gagaling.
Linares: pero, padre, baka akalain niyong mamamatay na siya.
Padre S: huwag kayong mag alala tungkol don. Alam ko ang aking ginagawa.
Marami na akong dinadalaw na mga may sakit. Kung sabagay ay siya naman ang
magpapasiya kung mangunguunyon siya o hindi. Makikita mo’t papaya siya sa
lahat.
[narrator]
Sinang: uminom ka pa ng isa [bulong niya] sabi niya ay ihinto mo lamang ang pag
inom nito kapag huminghing na ang iyong tainga.
Maria Clara: hindi pa ba siya sumusulat saiyo? [bulong nito]
Sinang: hindi pa. masyado kasi siyang abala.
Maria clara: wala ba siyang pasabi saakin?
Sinang: Sisikapin daw niyang makausap ang arsobispo para siya mapatawad sa
kaniyang ekskomunyon upang…
[pumasok si tiya Isabel, naputol ang usapan]
Tiya Isabel: sabi ni Padre Salvi ay ihanda mo ang iyong sarili anak, para sa iyong
mabuting pangungumpisal. Kaya iwan na muna ninyo siya para makapag dili-dili.
Sinang: ngunit kapangungumpisal lamang niya noong isang lingo! Kung akong
walang sakit ay hindi nagkasala ng ganong kadalas.
Tiya Isabel: naku, hindi ba ninyo natatandaan ang sinabi ng kura na kahit na banal
na tao ay nagkakasala ng pitong beses sa isang araw? O ibibigay ko ba saiyo ang
patnubay sa kaligtasan, punpon ng kabandalan, o ang matuwid at makitid na
landas?
[hindi sila nakasagot]
Tiya Isabel: “o mabuti pa’y” payuloy nang butihing si Tiya Isabel, para hindi ka
mapagod ay babasahin ko sa iyo ang paglilinis ng konsensiya at aalalahanin mo na
lang ang mga kasalanan mo.
[lumabas si tiya Isabel]
Maria Clara: “sumulat ka sa kanya at sabihin mong kalimutan na niya ako”
Sinang: ano?!
[siyang pagpasok na muli sa silid ni tiya Isabel]
Tiya Isabel: making kang mabuti anak, sisimulan ko ang pagbasa sa sampung utos.
Babasahin ko nang madalang para makapagisip-isip. Kung hindi mo narinig ay
ipaulit mo saakin, alam mo naming hindi ako napapagod sa paggawa ng para sa
ikabubuti mo.
[narrator]
[pinagmasdan ni tiya Isabel]
[narrator]
Tiya Isabel: isunod na natin ang ikatlong utos.
[narrator]
Tiya Isabel: Aha! Marahil ay nakatulungan ng kaawa-awang bata ang ilang sermon.
Tignan natin ngayon kung mas iginalang niya ang kanyang ama at ina kaysa araw
ng pagilin
[narrator]
Tiya Isabel: “anong buting kaluluwa!” naisip ng matandang babae.
Napakamasunurin nya at mapagkumbaba sa lahat! Higit akong makasalanan ngunit
hindi pako nakaiyak ng gayong kataimtim.
[narrator]
Tiya Isabel: “tama” yan anak, umiyak ka, umiyak ka pa nang madali kang
mapatawad ng Diyos. Pagsisihan mo ang iyong mga kasalanan dahil sa
pagmamahal mo sa diyos at hindi dahil sa takot sa impyerno. Umiyak ka, anak,
umiyak ka. Hindi mo lang alam kung gaano ako kaligaya kapag nakita kitang
umiiyak. Pwede mo rin dagukan ang iyong dibdib pero huwag mo masyadong
ilakas at hindi ka pa luusang gumagaling.
[narrator]
Tiya Isabel: “hindi ako makapaniwala kundi nakita ng sarili kong mga mata”
totoong nagkasala ang batang ito sa mga unang limang utos, pero wala syang
kasalanan sa ikaanim hanggang ikasampu, siyang kabaligtaran naming lahat.
Nagbabago nga naman ang mundo.
[narrator] (nagsindi ng malaking kansila si tiya Isabel)
Padre salvi: “Jesus, Maria, Joseph!” sino ang makauunawa sa kabataan ngayon.

KABANATA 45 – ANG MGA API


[narrator]
Tao: sino ka?
Elias: kasama mo ba si Pablo?
Tao: ang tinutukoy mo ba ay si komander? Oo narito siya!”
Elias: kung gayon ay sabihin mong hinahanp siya ni Elias
[pumasok si Pablo]
Pablo: ikaw ba si elias?
[narrator]
[narrator]
pablo: ikaw nga, hindi ba
Elias: kalian man ay hindi ko inakalang madaratnan ko kayo ng ganito.
[tumango tango ang matanda ]
pablo: totoo, anim na buwan na ang nakalilipas nang patuluyin kita sa aming bahay.
Ako po ang naaawa sa iyo noon. Ngayon ay nagbago ang takbo n gating buhay.
Ikaw ngayon ang nahahabag sa sakin ngunit maupo ka sabihn mo sa akin kung
bakit ka napunta rito.
Elias: nabalitaan ko ang masamang kapalarang sinapit ninyo. May labinlimang araw
na ang nakararaan, lumakad agad ako at hinanap kayo sa lahat halos ng
bundok.hinanap ko kayo sa halos dalawang lalawigan.
Pablo: kinailangang tumakas ako upang maiwasan ang pagandak ng dugo ng
walang kasalanan. Takot makipag harap sa akin ang aking mga kaaway. Ang mga
pinaglalaban sa akin ay ayang mga taong wala naming nagawang anumang pinsala
sa akin.
Elias: Naparito ako para sabihin sa inyo ang isang balak. Ngayon ay ipinasiya kong
lumipat sa Norte at makipanirahan sa piling ng tribo ng mga hindi binyagan .Maari
bang magbagong-buhay na kayo at sumama sa akin? Magsisilbing anak ninyo ako
yamang nawala nang lahat ang iyong minamahal. Ako, na Wala na ring pamilya ,
ay mag tuturing sainyo bilang isang ama.
[Umiiling ang matanda]
Pablo: Sa gulang kong ito , ang mararahas na hakbang ay ginagawa lamang
sapagkat wala nang ibang pamimilian.
: Bakit kailangang mamuhay nang kahabag habag sa ibang lupain? May dalawa
akong anak na lalaki, isang anak na babae, tahanan, sariling salapi; iginagalang ako
at pinapipitaganan.
Subalit ang lapastangan taong yaon ay natakot na paghigantihan kaya't hinangad
niyang wasakin ang dalawa kong anak na lalake.

2/9
Hindi napatunayan ang nakawan. Nabulgar sng pakana. Naparusahan ang kura sa
pamamagitan ng pag dedestino sa ibang bayan. Ngunit ang anak ko ay namatay
dahil sa tinamong sobrang Pahirap.
Natitiis ko ang lahat ng kahihiyang ito! Hindi man ako nagkaroon ng tapang na
ipagtanggol ko noon ang aking mga anak ay maaari kopa naman silang
ipaghiganti… at ito ay gagawin ko! Marami akong tauhang mga api rin… at
mismong ang mga kaaway ko ang nag tataboy saakin sapat na akong lakas ay
bababa ako mula sa kabundukan.
[Tumayo si pablo]
:Ako at walang Iba! [pasigaw] ang nag tulak saaking mga anak sa kajilang
kamatayan. Kung pinayagan ko lamang silang katarungan ng tao at Diyos, disin
sana ay buhay pa at kasama ko ngayon.
Elias: Iginagalang ko ang inyong kalungkutan at nauunawaan ko ang hangarin
ninyong maghiganti.
Pablo: Magagawa mong lumimot sapagkat bata kapa… at sapagkat hindi ka
nawalan ng kahit isang anak o huling pag asa.
Elias: Ngunit isipin ninyo… isipin ninyo ang malagim na ibubunga sa ating
kabahag bahag na bayan ng binabalak ninyong gawin .
Pablo: Bayaan nananting matutuhan ng mamamayan ang pagtatanggol sa kanilang
sarili ! bayaan nating bawat isa ay magtatanggol sa sarili nya.
Elias: Alam ninyong imposible iyan.Nakilala kopo kayo noong kayo ay maligaya
pa.
Ginoo, nag karoon ako ng kapalarang makapaglingkod sa isang mayamang binatang
may mabuting kalooban , isang marangal ns lalaking nag hahangad namg mabuti
para sakanyang bayan..
[Umiiling si pablo]
Pablo: sabi mo ay mayaman sya. Ang mayaman ay walang ibang iniisip kundi
lalong makapagpayaman.
Elias: Subalit ang binatang tinutukoy ko ay hindi katulad ng iba.
Pablo: Sa gayon ay magiging maligaya sya….. at ang layunin namin ay hindi para
sa maliligayang tao.
Elias: Ngunit ang layuning ito ay para sa mga taong may mabubuting puso
Pablo: Buweno, [Sabay upo] Halimbawa pumayag siyang msging tagapagsalita
natin sa kapitan Heneral…
Elias: Subukin po muna natin bago tayo gumawa ng karahasan.
Pablo: at kung walang mangyari
Elias: Manalig po kayo sakin. Tiyak na may mangyayari.
[Niyakap ni pablo si elias,]
Pablo: tinatanggap ko ang iyong panukala. Tulungan mo akong ipaghiganti ang
aking mga anak .
Elias: Pansamantala po muna ninyong iiwasan ang karahasan?
Pablo: Ipaliliwanag mo ang karaingan ng mga mamamayan . alam mona ang mga
yaon.

3/9
Elias: pagkaraan ng apat na araw ay mag padala kayo ng isang tauhan para
katagpuin ako sa dalampasigan
ng San Diego.
Pablo: Hindi mamamatay si elias, kapag napatay si Kapitan pablo
Nang maligaya sa kanyang paghihiganti ay si elias ang papalit na mamumuno.!
[sabi nito habang inakay si elias palabas ng yungib.]

Kabanata 46- Ang Sabungan


[Narrator]
Kapitan Basilio: Alam mo ba kung aling sasabungin ang ilalaban ngayon ni kapitan
tiago?
Tauhan: Hindi po pero dalawa po ang dinala rito ngayong umaga. Isa po roon ang
pula at putting tinali na tumalo sa talisain ng konsul.
Kap. B: palagay mo ba'y laban ang aking puti at itim?
Tauhan: Sigurado. Ipupusta ko ang aking bahay at damit na suot.
[Narrator]
Kap.B: Balita saakin ni sinang ay pabuti na nang pabuti si maria
Kapitan Tiago : Bumaba na ang kanyang lagnat , pero nanghihina pa.
Kap.B: Natalo ba kay kagabi?
Kap.T: Kaunti. Alam kong nanalo kayo. Titingnan ba natin kung makakabawi ako
sainyo ngayon?
Kap.B: Gusto ba ninyong ilaban ang inyong pula at puti?
Kap.T: Depende. Depende sa pustahan
Kap.B: mag kano ang ipupusta nyo?
Kap.T: Hindi kukulangin sa dalawa.
Kap.B: nakita na ba ninyo ang aking itim at puti?
[sinenyasan ang isang lalaking siyang may dala ng tinali, tiningnan ni kap. Tiago]
Kap. T: mag kano ang inyong ipupusta?
Kap. B: Kayo?
Kap. T: Dalawa't kalahati?
Kap. B: Tatlo?
Kap. T: O sige tatlo

4/9
Kap. B: para sa susunod
[Narrator]
Bruno: Simgkuwenta manalo ng bente sa puti!
Tarliso: Sinabi ko na sa iyo ng huwag mong ipustang lahat ang pera natin [bulong
ng kapatid]
[Lumapit ang nakababatang kapatid kay lucas]
Lucas: o, ikaw pala? [kungwaring nagulat] Payag naba ang kapatid mo sa balak ko
?
O pumarito kayo para pumusta?
Bruno: Paano kami makakapusta?Naipatalo nanaming lahat
Lucas: Kung gayo'y pumayag ka?
Bruno: ayaw nya e. Kung mapauutang mo sana kami …. Sabi mo'y kilala mo
naman kami.
Lucas: Kilala konga kayo. Kayo'y sina Tarliso at Bruno, malalakas kayong binata.
Tarliso: huwag nyong pakielaman ang buhay namin. Malas lang at may kapatid
kaming babae ,kung wala'y matagal na kaming nabitay.
Lucas: Nabitay? Mga duwag lamang ang nag tibay at iyong mga walang kuwarta ni
impluwensya . Kung sabagay ay hindi naman kalayuan ang mga bundok.
[Mga taong sumisigaw] : Sandaan manalo, ng bente sa puti.
Bruno: Pautangin nyo kami ng apat na piso, … tatlo … dalawa.
Babayaran namin ng doble. Magsisimula na ang laban.
[nag kamot ng ulo si lucas]
Lucas: Hindi akin sng kuwartang ito. Ibinigay ito saakin ni Don Crisostomo para sa
mga makikipaglaban para sa kanya, pero sa tingin ko'y d kayo katulad ng inyong
ama.
[Lumayo ng onti]
Bruno: Halika na, pumayag na tayo sa kanya. Bitayin o barilin, pareho; balewala
naman tayong mahihirap.
Tarliso: Tama ka, Ngunit alalahanin mo ang ating kapatid.
[Narrator]
Lalaki: Sandaan manalo ng bente sa puti, pre. [Kinalabit ni bruno sa tagliran ang
kapatid]
[Narrator]

5/9
Bruno: Nakita mo ba yon? Kung naniwala ka sakin ay may sandaang piso sana tayo
ngayon. Kasalanan mo kung kahit isang pera. [Hindi makasagot si tarliso]
Tarliso: Hayun siya! Nakikipag usap kay pedro.
Bruno: nag bibigay sya ng salapi, maring salapi.
Bruno: Sumapi si pedro, yan ang lalaking nakukuha ang gusto.
[patuloy na walng kibo si tarliso at nagpunas ng pawis sa noo]
Bruno: Kuya Sasama ako kung hindi ka pa makapagpasiya.
Gumagana ang aking sistema.
Tarliso: Teka Sasama ako sayo. Tama ka.
Bruno: Ano pang hinihintay mo m? [Naiinip na tanong ni zbruno]
Tarliso: Hindi moba naririnig ? Bulik ni Kapitan Basilio laban sa lasak ni kapitan
Tiago.
Bruno: Sige, pupusta rin ako r'on , pero siguraduhin natin . [sumunod sa kapatid]
Bruno: Hindi moba nakikita ang malalapad noong kaliskis sa tahid? Tignan mo ang
tari , ano psng gusto mo? Tingnan mo ang mga paa. [Hindi naikinig si Tarliso,
patuloy na kinakaliskisan ang tandang]
Tarliso: Tingnan naman natin ang sasabungin ni kapitan basilio.
[hinaplos niya ang noo at namamaos na tinanong ang kapatid]
Tarliso:, Handa kana?
Bruno: Ako, matagal na!
Tarliso: Ngunit…. ang kawawa nating kapatid
Bruno: pero, hindi ba sinabi sa iyong si Don Crisostomo ang at ng magiging lider?
Hindi moba nakitang kasa-kasama nya ang kapitan heneral.
Tarliso: E, kung mapatay tayo?
Bruno: E ano? Ang atin namang ama'yy pinatay sa palo.
Tarliso: Tama ka.
[Narrator]
Tarliso: Hindi. Mabuti pa'y umalis na tayo rito. Madedesgrasya tayo.
Bruno: Umalis kung gusto mo, basta akosasama ako.
Tarliso: Bruno!
[<biglang may lumapit na lalaki]
Lalaki: gusto nyong pusta? Ako'y Bulik ni kapitan basilio.

6/9
[Hindi sumagot ang mag kapatid]
Lalaki: Sasabihin ko sainyo ang pustahan
Bruno: Mag kano?
[nag bilang ang lalaki]
Lalaki: may dalawandaang piso ako- Singkuwenta sa kuwarenta.
Bruno: Ayoko. Gawin mong …
Lalaki: sige Singkwenta sa Trenta.
Bruno: Doblehin mo
Lalaki: Sige na nga tandang ito ng amo ko , at kapapanalo ko pa lamang. Sandaan
sa Sisenta.
Bruno:, Payag ako, mag intay ka rito at kukuha ako ng pera.
Lalaki: ako ang hahawak ng pusta
[D gaanong nag tiwala kau bruno,]
Bruno: Pareho lang sa kin, [nag tiwala sa kanyang kamao]
-Kung Hindi ka sasama'y aalids na ako.[ sabi kay Tarliso]
[Narrator]
Tarliso: Sasama ako! [nilapitan si lucas ]
Tarliso: Ginoo
Lucas: Ano yon
Tarliso at Bruno : Mag kano ang ibibigay nyo samin.
Lucas: Sabi ko sainyo. Kung makapagsasama kayo ng mga sasalakay sa kuwartel
ay may trenta pesos ang bawat isa sainyo. At sampung piso sa bawat kasama ninyo.
Pag nag tagumoay ay tigisang daangpiso ang bawat isa. At doble naman sainyo.
Makuwarta si don crisostomo.
Bruno: Sige, Sasama kami.
Lucas: aalam kong kasintapang nyo din kauo ng inyong ama Dito tayo't nang hindi
Tayo marinig ng mga pumatay sakanya [ Sabay turo sa Mga sundalo]
Lucas: bukas ay darating si Don Crisostomo na dala ang mga armas. Sa makalawa,
alas otso ng gabi mag punta kayo sa sementeryo st may iba pakong sasabihin sainyo
tungkol sa mga dapat gawin
[Naghiwa hiwalay sila.]

7/9

Kabanata 47- Ang Dalawang Donya.


[Narrator]
Donya Victorina: Napaka pangit naman ng mga bahay ng Indiong Ito [Lumabi]
Paano kaya sila nakapaninirahan dito A, kailangang msging Indio ka muna bago mo
magawa ang gayon. At ang Sasama ng kanilsng ugali, puro mayayabang!
Nasalubong na tayo ay hindi man pang nag alis ng sombrero. Sige nga pukpukin
mo sa sumbrero na tulad ng mga pari at opisyal ng guardia Civil !Turuan mo ng
URBANIDAD!
Don Tiburcio: Pano kung pukpukin din nila ako?!
Donya V: Bakit!?, Hindi kaba lalaki!?
Don Tiburcio: pe-pero …. Pilay ako!
[Narrator]

Donya V: Tingnan mo! Ang bastos ng kutserong yon! Isusumbong ko siya sa amo
nya!
Para maturuan ng leksyon! [Hinarap ang asawa] Tayo na't umuwi!
[Narrator]
Donya V: Hindi ka dapat nakipag kamay sa isang tenyente lamang [sabe nang
makalayo layo]
-at saka medyo tinikwas lamang nya ang kanyang helmet, samantalang ikaw ay nag
hubad ng iyong sumbrero. Wala kang kaalam alam sa Protocol!
Don Tiburcio: Pe-pero sya ang Komandante rito!
Donya V: e ano? Bakit? Tayo ba ay mga indio?
Don T: Sa palagay ko'y tama ka nga [pag amin ng lalaki]
[Narrator]
Donya Consolasion: Bakit Donya? Anong nangyayari sayo?
Donya Victorina: puwede bang ipaliwanag ninyo senyora, kung bakit ganyan ang
tingin ninyo ?
-Naiingit ba kayo?
Donya C: ako? Naiingit? At saiyo? … Ahh oo, naiingit ako sa Kulot mo
Don T: Tayo na iha, … huwag mo na syang pansinin !
Donya V: Bayaan mong turuan ko ng leksyon ang hampasluoang walang hiyang
ito! [Sabay tulak sa na muntik ng mapasubsob] [Hinarap si Donya Consolasion at
binantaan:

8/9
Donya V: Kilalanin mo munang mabuti kung sino ang kausap mo! Baka akala mo
ay kung sino lang akong probinsyana o babaeng kaladkarin ng mga sundalo!
Donya C: Aba, ipagpaumanhin ninyo, Senyora P…..! Maaaring hindi nga
nakakapasok sa bahay ninyoang mga tenyente , pero puwede ang mga pilantod na
tulad nya! [Tinuro si Don Tiburcio at humalakhao sa tawa]
[Sumugod sanang paakyat si donya v ngunit hinadlangan sya ng mga bantay na
sundalo, samantalang kumakapal na ang ils g ng mga tao sa kalye]
Donya V: Pakinggan mo ako! Akong mataas at marangal na tao aymag
paoakababang makipag usap sa iyo! Gusto mo bang labhan ang mga damit ko?
Babayaran kita!
[Gimbal sa galit si donya conso]
Donya C: at sa palagay mo kaya naman ay hindi namin alam kung anong klasing
tao ka at ang kasama mo? Bistado kana! Ipinagtapat na sakin ng asawa ko
senyora… iisa lsng ang lalaki sa buhay ko, pero ikaw?? Ilan? Maraming lalaking
dahil sa gutom ay kakainin ang tira-tirahan ng lahat! Pweee!
[sapol na sapol si Donya Victorina, nag lilis ng manggas at idinakot sng kamao]
Donya V: Baboy!! Bumaba ka rito! At dudurugin ko ang marumi mong bunganga!
[Biglang nawala sa bintana si Donya Conso, wala ano ano ay humahangos na
pababa si donya Consolasion sa hagdan na hawak ang latigo ng asawa. ]
Alperes : Mga ginang! Don Tiburcio!
Donya V: Dapat mong Turuan sng asawa mo . Ibili mo siya ng magagandang
damit?!
Donya C: Narito nako sa baba senyora, bakit dimo pa durugin ang aking bunganga?
Panay daldal lang pala ang kaya mo senyora P….!
Alperes: Ginang! [sigaw neto] Psalamat kat't nagugunita ko pang isa ksng babae!
Kung hindi at tinadyakan na kita!
Don T: Te-tenyente.
Alperes: Tama na ! doktor na pilantod! Magsaluwal ka muna!
[Narrator]
Padre salvi: Mga Ginoo, mga ginang mahiya kayo,! Tenyente!
Alperes: huwag ksng makielam dito!
Padre Salvi: Don Tiburcio parang awa muna… iuwi mona ang iyong asawa.
Donya V: Sa mga magnanakaw na iyan mo iparangal ang ganyan!
-babalik tayo sa maynila at sasangguniin ko ang Kapitan-heneral!
Don T: pe… pe.. pero iha ….pa .. paano ang mga ..s …s sundalo? Pilay pa ako!

9/9
Donya V: Dapat mong hinamon ng duwelo ang tenyente! Barilan… eskrima.. okaya
ay… [Tiningnan ng babae ang pustiso ng asawa]
Don T: I… i… iha ; Kailan may ay hindi ako nakahawak ng bar….bar ..!
[Sinungabmgaban ang pustiso sa bibig nito hinagis sa kalye at pagkatapos ay
tinadyakan hanggang sa madurog] [Mangiyakgiyak ang doktor] [Dumating sa
bahay nina kapitan tiago, at naabutang nakikipagudap si linares kina sinang ,
mariaclara, at Victoria ]
Donya V: Pinsan, Hamunin mo ng Duwelo ang tenyente , kundi ay
Linares : pero…. Bakit?
Donya V: Hamunin mo ng duwelo kung ayaw mong ibulgar ko lahatkung sino ka
talaga!
Linares: Donya Victorina!
Donya V: O, ano! Ininsulto ka kami ng tenyente,! Pati ikaw!
Sinang: Naku! May away pala ay hindi tayo nakapanood .
Victoria: nalunok ng doktor ang pustiso nya sa suntok ng tenyente
Donya V: babalik na kami sa maynila at ikaw ay maiiwan dito para hamunin ang
tenyente!
Linares: Pero donya Victorina … Donya Victorina.[Lumapit sa babae] huminahon
kayo huwag nyong ipaalala sa aking…. [Pabulong] kaunting lamig , huwag na
kayong mag kalat …. dito pa naman!
[Narrator]
Donya V: Alam ba ninyong hahamunin siya ni linares ng duwelo?kapag hindi ay
hiwag nyong ipakakasal ang inyong anak sakanya!
Sinang: aha! Pakakasal ka pala sa lalaking yan! Sabi ko na ngaba't mapaglihim ka!
Salawahan!
[putalng putla na napatingin sa ama si maria clara] [Namula ang binata]
Donya V: Tandaan mo! Clarita… huwag kang pakakasal sa lalaking duwag! Baka
pati aso'y insulutuhin ka!
[narrator]

Chapter 48 – TAGAPAGBALITA NG MGA API


[sumakay si Ibarra sa Bangka ni Elias sa lawa]
Elias: pasensiya na po kayo. Ipagpatawad po ninyo ang kapangahasan kong
makipagtipan sa inyo. Gusto ko pong Malaya tayong makapag-usap at dito ay
walang ibang makaririnig sa atin. May isang oras lang po tayo.
Ibarra: Nagkakamali ka kaibigan, kailangan mo ako sa baying iyon. Nakikita mob a
ang kamparyo ng simbahan? Isang masamang pangyayari ang nag-atas sa aking
magtungo roon.
Elias: masamang pangyayari?
Ibarra: oo.di sinasadya ay nasalubong ko ang tenyente habang patungo ako rito.
Naalaala kita.
E: salamat po sa inyongpag-aalaala, pero dapat po ay binayaan na ninyo siyang
sumama ritobagaman mayb
I: ngunit paano ka?
E: hindi po nya ako makikilala. Miminsan po niya akong nakita, at hindi niya ako
matatandaan
I: napakamalas ko naman sa araw na ito.
[bumuntong hininga si ibarranang nagunita si maria clara]
I: ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?
[luminga si elias]
E: ginoo, tagapaghatid po ako ng karaingan ng maraming mga sawing palad.
I: may maitutulong ba ako sa kanila?
E: marami po! Higit sa maitutulong ng sinuman!
[sa ilang pangunguap ay inilahad ni elia ang napag usapan nila ng puno ng mga
manghihimagsik]
I: samakatwid ay humihingi sila ng…
E; ng radikal na reproma sa hukbong-sandatahan, sa mga pari, sa paglalapatng
katarungan, sa maikling salita ay makaamang pang-unawa ng gobyerno.
I: reporma? Sa paanong paraan?
E: halimbawa po, ibayong paggalang sa dignidad ng isang tao, karagdagang
seguridad, pagbabawas sa lakas ng hukbong-sandatahan, at pag aalis ng ilang
pribilehiyo samga organisasyonna nagiging sanhi ng kanilang pagmamalabis.
I: elias, hindi ko alam kung sino ka ngunit may kutob ako na hindi ka isang
ordinaryong tao. Iba kang mag-isip at kumilos.Makakakuha ako sa Madrid ng mga
kaibigang puwedeng gumawa ng mga talumpati, kung babayaran ko. Ako mismi,
puwede akong magsalita kay Kapitan-Heneral. Hindi sapat ang kapangyarihan ng
kapitan-heneral para makagawa ng gayong mga pagbabago. Kahit ako, hindi ako
gagawa ng gayong hakbang sapagkat alam kong bagaman may kasiraan ang
institusying ito ay kailangan naman sa panahong ito. Sila ang tinatawag na
necessary evil!
[nagtaas ng ulo si Elias]
E: naniniwala rin kayo sa necessary evil? Naniniwala kayong upang makagawa
nang mabuti ay dapat gumawa nang masama?
I: hindi. Ang paniniwala ko sa necessary evil ay tulad ng paniniwala ko sa marahas
na panggagamot kung nais nating malunasan ang isang akit.
E:hindi mabuting doctor ang naglalapat agad ng lunas upang masugpo ang sintomas
nang hindi muna sinusuri at inaalam ang sanhi at ugar ng sakit, o sakali mang alam
niya ay natatakot naming bakahin.
I: kapag pinahina ang guardia civil ay masasapanganib ang kaligtasan ng mga
bayan.
E: kaligtasan ng mga bayan!
E: maglalabinlimang taon nang pinangangalagaan ng mga guardia civil ang mga
baying ito at tingnan niniyo… may mga tulisan pa rin.
I; sang ayon akong mayroon ngang masasama
I: ngunit tanggapin natin ang masama alang alang sa mga kabutihang kasabay ng
mga iyon
E: ang sabihin po ninyo ay nakapagdaragdag pa.
I: bago natatag ang organisasyong ito, halos lahat ng criminal, libansa ilan, ay
nabuyo sa krimen dahil sa gutom. Nanghaharang sila at nagnanakaw para may
makain at mabuhay.
E: natatandaan ba ninyo ang ginawa ng mabait na si kapitan-heneral de la Torre? Sa
pamamagitan ng pagbibigay niya ng amnestiya sa mga sawimpalad na ito ay
napatunayang ang mga tulisan ay mga tao rin at naghihintay lamang ng
pagkalooban sila ng amnestiya.
I: nalilito ako elias, kpaag naririnig kong nangungusap ka ng ganyan!
E: kasalukuyan at malapit nang maging salarin… ngunit bakit sila nagging
gayon?sapagkat winasak ang kanilang kapayapaan.
I: may kamalian sa iyong pangangatwiran na hindi ko agad masakyan ngayon
E: hindi ako nag aalinlangan doon. Marahil ay higit na mabuti ang kanilang
organisasyon.
I:kaibigan, kailangang pag-aralan ito nang mataman.
E: totoo poi yon ginoo, kung ang pamahalaan ay kaaway ng mamamayan.
[kumikislap ang kaniyang mga mata at mataginting ang kaniyang tinig]
[namagitan ang katahimikan]
I: at ano pa ang kanilang hinihingi?
E: reporma g mga pari, hinihinilng ng mga sawimpalad ang ibayong proteksyon
laban sa…
I: laban sa korporasyon ng mga pari?
E: laban sa mga nang-aapi.
I: nakalimutan na ba ng pilipinas ang kanyang utang na loob sa mga korporasyong
ito? Nalimot na ba niya ang ginawang paghango sa kanya sa kasalanan at
pagbibigay ng tunay na pananampalataya? Ang pangangalaga sa kanya laban sa
kalupitan ng kapangyarihang sibil? Ito ang masamang bunga ng hindi pagtuturo ng
kasaysayan n gating bansa.
[nabigla si elias at halos hindi mapaniwalaan ang narinig]
E: ginoo [malungkot na salag ni elias] pinararatangan ninyo ang mga mamamayan
ng kawalang utang na loob. Pinahintulutan ninyo ako…
I: mahal ko an gating bayan elias, gaya ng pagmamahal mo rin. Nauunawaan ko
kahit bahagya kung ano ang kailangan. Gayunman kaibigan, may palagaay akong
natatangay tayo sa simbuyo n gating damdamin. Nadarama kong hindi gaanong
kailangan ang reporma sa bagay na ito kung ihahambing sa ibang bansa.
E: possible ba ang gayon?
I: hindi ko isinasaalang alang ang sarili ko at ang aking mga kasawiang-paladkung
ang paguusapan ay ang kaligtasan ng pilipinas at kapakanan ng espanya.
E:totoong sinakop ng mga misyoneryo ang bansang ito para sa espanya. Ngunit sa
palagay kaya ninyo ay pamamalagiin ng espanya ang pagsakop dito dahil lamang sa
mga pari?
I: oo,at dahil lamang sakanila. Nagkakaisa sa paniwalang ito ang lahat ng sumulat
tungkol sa pilpinas.
E: O! [nanlulumong bulalas ni Elias at ibinagsak ang sagwan sa Bangka] hindi ko
akalaing magkakaroon kayo ng ganyang palagay sa pamahalaan at sa mamamayan.
I: dapat muna nating pagusapang mabuti ito. Kailangang malaman natin kung sino
ang tama sa napakahalagang paksang ito.
E: patawarin po ninyo ako ginoo. Hindi po ako mahusay magpaliwanag para
makumbinsi kayo. Isa lamang ho akong indio. Lagi ninyong pagdududahan ang
karapatan kong magpahayag ng anuman.
I: elias, ang masasakit mong pangungusap ay tumitimo sa aking puso at nagtulak
tuloy na magalinlangan ako sa aking sarili. Ngunit…ano ang magagawa ko? Hindi
ako lumaki sa piling ng aking mga kababayan… at marahil ay hindi ko alam kung
ano ang kanilang kailangan.
E: iba ang dahilan ng aking kasawian. Kung makabubuti para sa makatutulong
layunin ay isasalaysay ko sa inyo. Kalian ma’y hindi koi to inilihim, saka maramina
rin ang nakaalam nito.
I: maaaring magbago ako ng isip kung malalaman ko. Batid ninyong hindi ako
naniniwala sa mga palagay lamang. Kailangang mapatunayan ako ng katotohanan
E: kung gayon, ay sandal kong ikukwenta ang aking kasaysayan.

KABANATA 50 – ANG KASAYSAYAN NI ELIAS

Elias; nanirahan ang lolo ko sa Maynila may animnapung taon na ang nakalilipas.
Namasukan siya bilang bookkeeper sa opisina ng isang negosyanteng kastila.
Matang-bata pa noon ang lolo ko ngunit may asawa na siya at may isang anak na
lalaki.
Elias: isang gabi ay nasunog ang bodega ng negosyante dahil sa di malamang
dahilan. Lumaganap ang apoy at kumalat pa sa ibang ari-arian. Napakalaki ng
napinsala. Kailangang may managot sa sunog na iyon, kaya’t pinagbintangan ng
negosyante ang aking lolo. Sinabi ng lolo ko na wala siyang kasalanan ngunit hindi
siya pinakinggan. Dahil mahirap lang siya kaya hindi nakakuha ng mahusay nab
abugado. Dahil dito ay kinondena siya at inilibot sa maynila habang patuloy na
nilalatigo. Ang kahiya-hiyang parusang ito ay kalian lamang natigil. Ipinahila sa
kabayo at hinagupit ng latigo sa daan sa harap ng dati niyang mga kaibigan, malapit
sa tahanan ng Diyos, ng pag ibig.
Elias: nang magsawa na ang malulupit na berdugo sa pagdanak ng kanyang dugo,
sa nakakabinging mga sigaw at paghihirap ay kinalag siya sa pagkakatali sa kabayo
pagkat nawalan na rin lamang siya ng malay-tao. Pinalaya siya. Ang kaniyang
ginang na buntis noon ay dumulog sa bawat tahanan alang alang sa may sakit
niyang asawa at nagugutom na anak ngunit walang naawang magbigay ng limos.
Dahil dito ang babae ay nagging isang puta!
E: gumaling ang mga sugat ng lalaki at nagtago sila ng kaniyang maybahay at anak
sa kabundukan ng lalawigang ito. Doon ipinanganak ng babae ang isang kulang sa
buwan at may diperensiyang sanggol na sa kabutihang palad ay namatay. Ilang
mahahabang buwan silang nanirahan sa gitna ng paghihirap. Nang hindi na makatiis
ang aking lolo ang kanilang paghihirap ay nagbigti siya.
E: naagnas at nabulok ang kaniyang bangkay sa harao ng kaniyang anak at ang may
sakit na maybahay. Ang pangangamoy na bangkay ay nakarating sa may
kapangyarihan. Inusig ang aking lola dahil sa hindi pagbibigay-alam sa mga
awtoridad. Isinisi rin sa kaniya ang pagkakamatay ng aking lolo. Pinaniwalaan ang
bintang… sapagkat para sa kanila ang maybahay ng isang kondenado na nagging
isang puta ay may kakayahang gumawa ng krimen.
E:gayunman ay kinaawaan din siya dahil buntis siya. At hindi muna siya hinagupit
hanggang sa makapanganak. Basahin ninyo ang sinabi ni Padre Gaspar de San
Agustin.
E: sa ilalim ng hatol na ito, susumpain ng isang ina ang arawng pagsilang ng
kaniyang anak. Sa kasamaang palad ay nagsilang siya ng isang malusog na sanggol
na lalaki. Pagkaraan ng dalawang buwan ay ipinatupag ang parusa sa babae.
Tumakas at umalis sa kabundukan ang mag-iina. Lumipat sila sa karatig-lalawigan
at doon ay namuhay sila tulad ng mga hayop. Ang nakatatandang kapatid ay
nagging isang tulisan at lumakas. Di naglaon at kumalat sa buong lalawigan ang
bansag na Balat, ang kilabot ng mga bayan, isang lalaking sa udyok ng paghihiganti
ay nanunog at pumatay. Ang nakababata niyang kapatid ay likas na may mabuting
kalooban ay nanatili sa piling ng kanilang ina. Kung ano ang inihahandog ng
kagubtan ay kanilang ikinabubuhay. Nakalimutan na ang pangalan ng babae.
E: isang araw ay hinahanap ng nakababatang kapatid ang kaniyang ina na nagtungo
sa bukid upang manguha ng kabute ngunit hindi na umuwi. Natagpuan niya ang
kaniyang inang nakahiga sa lansangan, sa ilalim ng punong kapok. Nakatingala ito
sa langit, luwa ang mata, nakadakot ang kamay sa duguang lupa. Sinundan ng anak
ang tinitignan ng mga mata ng kaniyang patay na ina, at nakita niyang nakabitin sa
sanga ng isang kahoy ang isang basket na kinaroroonan ng pugot at tigmak sa dugo
na ulo ng nakatatandang kapatid.
Ibarra: Diyos ko!
Elias; iyon ang sabi ng ama ko. Pinagputol-putol ng mga tao ang bangkay ng
tulisan. Ang katawan ay ibinaon, ngunit ang mga kamay at paa ay hiwa-hiwalay na
ibinitin sa iba’t ibang bayan. Kung madaraan sa pagitan ng Calamba at Santo
Tomas ay makikita pa ninyo ang isa sa mga paa ng amain ko.
[nagyuko ng ulo si Ibarra]
E; buong panghihilakibot tumakbong palayo ang nakababatang kapatid.nagpalipat
lipat siya ng lugar. At nang inaakalang wala nang makakakilala sa kanya ay
namasukan sa bahay ng isang mayamansa probinsya ng Tayabas.dahil sakaniyang
kabaitan ay napamahal siya sa lahat ng taong hindi nakakaalam ng kaniyang
kahapon.
Elias: bunga ng pagiging dumog sa trabaho at katipiran ay nakaipon siya ng
malaking halaga. At yamang nakalipas na ang malungkot na kahapon at bata pa
naman siya kaya’t nangarap siya ng kaligayahan.
Elias: makisig siya, bata, at may naimpok kaya’t madali nyang napaibig ang isang
dalaga roon. Siya ay natatakot na hinigin ang kamay ng dalaga dahil baka mabukllat
ang kaniyang nakaraan. Ngunit higit na makapangyarihan ang pag-ibig. Nabunyag
ang kaniyang kahapon nang halungkatin ang kinakailangang mga kasulatan.
Mayaman ang ama ng dalaga kaya nagtagumaoy ito na makagawa ng parata sa
binata. Inamin niya ang lahat hanggang sa siya ay makulong.
E: nagsilang ng kambal na babae’t lalaki ang dalaga. Nagsilaki na ang paniwala ay
patay na ang kanilang ama. Bata pa sila nang mamatay ang kanilang ina at hindi na
nagsiyasat pa kung sino talaga ang kanilang ama. Sandali lamang halos kaming
nag-aral.Ang nais lamang naming magkapatid ay maging magsasaka kaya’t umuwi
kami upang pamahalaan ang lupain ng aming lolo.
E: dahil sa isang usapin sa pananalapit at gawa rin ng aking pagmamataas ay nagalit
sa akin ang isa naming malayong kamag-anak.Isang araw ay ibinunyag niya ang
pagiging iho de bastardo ko gayundin ang pagiging criminal ng aking angkan.Akala
ko’y sinisiraan lamang ako.Humingi ako ng paliwanag hanggang sa matuklasan ang
karumal-dumal na kahapon ng aking angkan.Ang lalong masakit , may utusan
kaming matandang lalaking nagtiis ng pagmamalupit ko ngunit hindi niya kami
iniwan.
E: “ang matandang yaon ay siya ko palang ama. Nagtiis na mamasukang utusan
mapalapit lamang sa kanyang mga anak. At madalas ko pa naman siyang
saktan!gumuho ang kaligayahan naming. Itinakwil ko ang aming kayamanan. Hindi
natuloy ang kasal ng kapatid kung babae.At kasama ng aming ama, kaming
magkakambal ay lumayas. Bunga ng labis na sama ng loob dahil sa inaakala niyang
paghahatid ng kasawiang-palad sa maing magkapatid ay nagkasakit at namatay ang
matanda. Ipinagtapat niya bago namatay ang napakasaklap naming kahapon.
E: “labis na lumuha ang kapatid kong babae. Sa kabila ng patong patong na
kalungkutan at kasawiang palad na dumating sa buhay naming ay hindi parin niya
malimot ang lalaking kanyang minahal. Sinirali niya ang kapighatian nang
magpakasal sa ibang babae ang kanyang kasintahan. Nahulog nang nahulog ang
kanyang kalusugan sa bawat araw na nagdaan. Wala naman akong magawa upang
maaliw siya
E: isang araw ay bigla na lamang siyang nawala. Hinanap ko na siya kung saan saan
ay hindi ko pa rin matagpuan . nagtanong tanong ako. Ngunit pagkaraan lamang ng
anim na buwan mula noon , pagkaraan ng isang malaking baha, saka ko nalaman na
may isang bangkay ng babaing natagpuan sa dalampasigan ng calamba . nalunod at
piñata. May nagsasabing isang patalim ang nakabaon sa kanyang katawan.
Pinatalastasan ng mga makapangyarihan ang bayan bayan tungkol sa
pagkakatagpong ito sa bangkay. Ngunit wala isa mang kumuha rito . wala raw
nawawalang babae. Ngunit sa paglalarawan sa kanyang kaanyuan, sa kanyang suot,
sa kanyang mga alahas sa kanyang malagong buhok at sa kanyang magandang
mukha ay nakilala kong siya nga ang kapatid ko .
E: mula noon ay nagpalipat lipat ako ng lalawigan. Maraming nakakaalam ng
pangalan at kasaysayan ko. Sinasabi nilang marami akong nalalamang gawen… at
kung minsan ay hindi na totoo. Ngunit hindi ko pinapansin ang mga tao.
[ Tumigil sa pagsasalaysay si elias at saka sumagwan]
I: “nagsisimula na akong maniwala na hindi ka nagkamali nang sabihin mong dapat
gantimpalaan ng batas ang mabubuti at repormahin ang criminal,” usa ni
Crisostomo”ang hirap lamang ay imposible ang gayong utopia. Saan manggagaling
ang gayong karaming salapi at mga pinuno?
E: “kung gayon ay ano ang halaga ng mga paring nagpapanggap na ang misyon nila
ay kapayapan at pagibig? Higit bang mabuti ang magbuhos ng tubig sa ulo ng
sanggol at magpakain ng asin sa pagbibinyag kaysa gisingin sa nadirimlang
konsiyensiya ng criminal ang natatagong kislap na kaloob ng Diyos sa bawat tao
upang mapatnubayan siya sa landas ng kabutihan? Mas makatao pa bang ihatid sa
bibitayan ang isang nilikha kaysa akayin siyang manalunton sa tuwid na landas?
Hindi ba ginugugulam ng salapi ang mga espiya , ang berdugo at mga sundalo?
Hindi lamang nagpapasama ang mga ito kundi magugol pa!
I:” kaibigan , gustuhin man nating gawin iyan ay kapwa tayo hindi magtatagumpay.
E:”totoong kung tayo lamang ay hindi nga. Ngunit taglayin natin ang karaingan ng
mamamayan. Sumanib tayo sa kanila. Huwag tayong magbingi bingihan sa daing
nila
I: imposible ang hinihingi ng mamamayang, kailangan maghintay
E:maghintay? Ang maghintay ay pagdurusa
I: kung ako ang hiningi ng mga repormang ito at pagtatawanan lamang ako
E: kung nasa likod ninyo ang mga mamamayan?
I:hindi! Kailanman ay hindi ko pangungunahan ang pagkat ng mga taong ibig kunin
sa dahas ang mga bagay na ipinalalagay ng gobyerno na hindi pa napapanahon.
Kapag nakita ko na sasandatahan ang mararahas na ito, papanig pa ako sa gobyerno
at sasagupain sila sapagkat hindi ko kikilanin ang aking bansa na may mga gayong
uri ng mamamayan.
E: hindi matatamo ang kalayaan nang walan g pakikipaglaban! Agaw ni elias.
I: ngunit ayoko ng gayong kalayaan.
E: “kung walang kalayaan ay walang linawag” ganting tugon ng bangkero, ang sabe
ninyo ay kakaunti ang nalalaman ninyo tungkol sa inyong bayan . naniniwala ako
roon hindi ninyo nakikita ang inihandang pakikibaba, ni ang mga ulap at langit ang
pagbabalikwas ay nagsisimula sa larangan ng kaisipan ngunit magwawakas sa
duguang arena ng sagupaan
N: ibang iba na ang anyo ni elias . tumayo siya sa Bangka at ang mabalasik niyang
muka , walang takip at natatanglawan ng sinag ng buwan ay may hindi
pagkaraniwang tigas. Ipinilig niya ang mahahabang buhok at nagpatuloy:
E: hindi paba ninyo nakikita kung paano nagising ang lahat? Daan daang taong
nakatulog ang mamamayan. Ngunit isang araw ay namilantik ang kidlat… at kahit
na napatay ninyo sina burgos, domez at Zamora ay nabuhay naman an gating bansa.
Mula noon , may mga bagong pagnanasang nagsipuling sa aming mga isipan at ang
mga pagnanasang ito na nakakalay na ngayon ay mabubuklod pagdating ng araw sa
ilalim ng pamamatnubay ng diyos.
E: ano po ang sasabihin ko sa mga nagsugo sa akin? Tanong niya sa ibang himig.
I: sinabe ko na … labis kong dinaramdam ang kanilang kalagayan…ngunit
kailangan nilang maghintay, sapagkat ang kamalian ay hindi maitutuwid ng
panibagong kamalian at sa taing mga kasawiang palad ay pare pareho tayong dapat
sisihin
[hindi tumugon si elias][nagyuko siya ng ulo]
E:salamat po, ginoo, sa pakikitungo ninyo sa akin para sa inyong kabutihan,
hinihiling kong kalimutan na ninyo ako mula ngayon at ni huwag niyong babatiin
kahit saan tayo magkita.
[lumisan na siya][sumagwang papalayo]
I: ano ang sasabihin ko sa komander?tanong nit okay elias
E: sabihin mong paninindigan ni elias ang kanyang salita, malungkot na tugon ni
elias’kung hindi pa siya mamamatay agad.
I:kalian kayo sasanib sa main kung gayon?
E:kung kalian inaakal ng komader niyo na dumating ana ang panahon ng panganib
I:sasabihin ko.paalam!

You might also like