You are on page 1of 8

[INTENSE MUSIC]

NARRATOR:
“Sa isang bayan kung saan ang lihim ay bumabalot sa dilim, at ang mga pangarap ay tila isang
mahinang alon sa lawa ng misteryo...”

[SCENE 1]
[Tense music builds as a dimly lit room is revealed. A lamp suddenly flickers to life.]

NARRATOR:
Puno ng pag-asa, at isipang puno ng makabagong mga ideyal...

[SCENE 2]
[Tense music continues as Ibarra is introduced in a grand ballroom.]
Kapitan Tiago: Mga ginoo, ipakilala ko si Juan Crisostomo Ibarra, anak ng aking nasirang kaibigan na
galing Europa.

NARRATOR:
“Puno ng pagibig”

[SCENE 3]
[Maya-maya pa ay makikita na ang dalawang nag-uusap sa asotea.]

Ibarra: Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal. Dahil kung hindi ay
hindi na ako makakikita pa ng isang babaeng katulad mo.
Maria Clara: (nagtakip ng bibig gamit ang pamaypay) Sinungaling. Hindi ako makapaniniwalang sinasara
mo ang iyong mata pagdating sa ganda ng ibang dilag sa Europa.
Ibarra: Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng kagandahan. At
mula sa aking puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig.

(mga scenes din na nandoon si maria clara at Ibarra. Like kahit pahaging lang tapos dialogues nila? (wala
baka lang makatulong HAHAHAHA)
NARRATOR:
“Ngunit sa isang tahimik na bayan, hindi inaasahan ang matatagpuan pala ay masalimuot na
katotohanan”

[SCENE 4]
[Tension rises as Ibarra encounters a web of deceit in his hometown.] [Bahay ni Ibarra/Simabahan]

T. Guevarra: Binata, mag-iingat ka sa mga lihim ninyong kaaway. Ang nangyari sa inyong ama ay dapat
maging isang aral sa inyo.
Ibarra: Ipagpatawad ninyo sa wari ko’y naging mahal sa inyo ang aking ama. Ngunit sa aking
pagkakabatid ay wala ako o kahit ang aking ama na mga lihim na kaaway.

[SCENE 5] (Tension rises and music as abuse of Crispin and Basilio was introduced in church]
Sakristan Mayor: Mga pasaway na bata! Kahit kailan, wala na kayong magawang tama sa simbahan!
Ikaw Basilio! Magmumulta ka ng dalawang reales dahil sa hindi magandang tunog ng kampana! Hindi ka
rin uuwi ng alas-otso kundi alas-diyes na ng gabi!
Basilio: Pero baka huhulihin ako ng gwardya...
Sakristan Mayor: Wala akong pakialam! At ikaw Crispin, ilabas ang ninakaw mong ginto!
Crispin: Wala po akong ninakaw!
Sakristan Mayor: Sumasagot ka pa? (suntok at kaladkad kay Crispin)
Crispin: Aray ko po, tama na!
Basilio: (umiiyak) Tama na po! Maawa na kayo!
Sakristan Mayor: Huwag mo akong pigilan! (sinampal at natumba si Basilio)
Crispin: (umiiyak) Kaka, huwag mo akong iwan!
Basilio: Crispin!
[ Scene ni Sisa ]

(Tumatakbo si Sisa pauwi halos madapa-dapa gula gulanit damit)


Sisa: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo?
[SCENE 6]

(Abuse inflicted by civil guards on helpless citizens.)

NARRATOR: “Sa bayan na ito, kung saan ang mga lihim ay tila mga lobo na nakadamit”

[SCENE 7]
[Captain Tiago and Padre Damaso discuss Maria Clara's impending marriage.]
Padre Damaso: Tandaan mo nang mabuti ang mga sinabi ko sa iyo, Santiago. Iniisip ko lamang ang
inyong kapakanan.

[SCENE 8]
[Ibarra confronts the grave digger. Pakita din yung scene na tinatapon yung bangkay ni don Rafael sa ilog
tapos pwedeng voice over na lang ibang line WITH INTENSE MUSIC CHAROT KAYO NA BAHALA
ANO MAGANDA IBAHGAY AHAHAHHA]
Sepulturero: Inutusan ng kurang malaki na ilibing sa libingan ng mga Intsik ang iyong ama
Ibarra: (galit) Ginawa mo ba ang sinabi niya?!
Sepulturero: (nanginginig) Hindi po. Mabigat ang bangkay at malakas ang ulan. Inilagay ko muna sa
ilog. Patawad po, Señor.

[SCENE 11]
Scene of Padre Salvi, Ibarra, Maria Clara (mga scenario na weird si padre salvi. Any scenes na tinignan or
parang minamanmanan niya si maria clara):
Maria Clara: Ayokong makasama ang kura.
Ibarra: Bakit? (nagtataka)
Maria Clara: Pakiwari ko’y binabantayan niya ang lahat ng kilos ko. Natatakot ako sa kanyang mga
tingin. Kinikilabutan ako sa tinig niya na waring napakahiwaga. Madalas ay hindi ko maunawaan ang
kanyang mga sinasabi. (takot)
Ibarra: Ngunit hindi maaaring hindi natin siya kumbidahin. May kaugalian tayo dito. At isa pa’y narito
na siya.

NARRATOR: at bawat bagong mukha ay isang tanong sa iyong isipan.

[SCENE 12] [Mysterious music as Elias emerges from the shadows.]


Ibarra: Ano ang pangalan mo, magiting na bangkero?
Elias: Elias, Elias po, Señor.

[SCENE 13] [Scene of Elias taong dilaw (yung may disgrasya sa school or paaralanna tinayo ni Ibarra):]
Elias: Patawad, Señor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na kaaway!

[SCENE 14] [Linares was introduced]


Donya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaña, Siya’y inaanak ng
kamag-anak ni Padre damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro.

[SCENE 15] [Another scene pero linares pa den. Transition na langs is da key to success. Pwede din
bawasan. Si Linares ay napatigagal sa pagtingin sa mga matang iyon na waring may hinahanap, kaya’t di
marinig ang tawag ni Donya Victorina.]
Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay gamutin ka.
Ipakikilala kita sa aming pinsan.

NARRATOR: At bawat desisyon, ay may kaakibat na panganib at pagtataya

SCENE 16
Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan tayo ni Senor Ibarra.

SCENE 17
Yung muntik mapahamak si Ibarra tapos niligtas siya ni Elias

NARRATOR: sa pagitan ng dilim at liwanag.

SCENE 18
Pilosopo Tasyo: Ang pamahalaan ay walang ibang pinakikinggan kundi ang kura. Sumusunod lamang
ang kamay sa idinidikta ng isip.
Ibarra: Parang isang pagmamalabis ang inyong pahayag. Sa katunayan ay wala pa pong bayang
dumaraing.
Pilosopo Tasyo: Pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Ngunit hindi magtatagal ay darating din ang
panahong iyon. Malalaman ninyo ang kanilang mga pagtitiis

[BLACK]

SCENE 19
Sisa: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo?

PUTOK NG BARIL. GULO. IYAK. TAWANAN NA KUTSA. BASTA HALO HALO TAPOS
MABILIS NA SCENE NA TO PARANG CLIPS NA LANG. [INTENSE MUSICCCCCC ALTHOUGH
MAY MUSIC NA TALAGA NUNG UNA PERO AYUN KAYO BAHALA]
[PWEDENG SCENE NI SISA, SCENE NUNG AWAY NI DONYA VICTORINA AT DONYA
KONSOLASYON MG GANUN RANDOM NAAA]

WORDS OR THE NARRATOR: SA BAYAN KUNG SAAN AY KAPWA MISMO ANG NAAPI

[SCENE 20]
P.SALVI: Ngayon ninyo mapapatunayan ang kahalagahan ng mga prayle. Isang babae ang nangumpisal
na ngayong gabi, ganap na ikawalo ay sasalakayin ang kwartel, papasukin ang kumbento at papatayin ang
mga Kastila. Magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa.
ALPERES: [kinuha ang rebolber] Sino ang taong huhulihin ko?

[SCENE 21]
Si sisa ulit? Yung sa kumbento. O kaya si crispin at basilio. Or si elias at Ibarra.

WORDS OR THE NARRATOR: HANGGANG SAAN NGA BA KAKAYANIN AT MADADALA


NG TAPANG PARA SA ISANG HUSTISYANG NAPAKAHIRAP KUNIN?
SCENE 22 [hinawakan ni Ibarra and ang leeg ng pari upang hindi ito makakilos at saka iniamba ang
matalim na kutsilyo.
Ibarra: Wala kahit sinuman ang maaaring umalipusta sa aking ama! Itong paring ito ang pinakainiwas-
iwasan ko. Isang paring walang galang, at walang utang na loob! Isa siyang demonyong nagbabanal-
banalan! Siguro naman ay dapat siyang mamatay!
M. Clara: Crisostomo, huwag! Para sa akin, maawa ka sa kanya!
SCENE 23 [Elias reveals the plan for a revolution and urges Ibarra to leave.]
Elias: Natuklasan na nila ang iyong pagtakas. Kailangan na ninyong umalis.

SCENE 24 OF IBARRA IN THE HOUSE OF TIAAGO:


GS: Sa ngalan ng Hari ng España, buksan ninyo ang pinto.
Narrator: Sumilip sa bintana si Ibarra at nagkasa ng baril. Saglit pa ay pinagbuksan niya ng pinto ang mga
ito.
GS: Hinuhuli namin kayo sa ngalan ng hari!
Ibarra: Bakit?
GS: Sa kwartel na kayo magtanong. Kung nangangako kayong hindi kayo tatakas ay hindi naming kayo
igagapos. Ito’y kaluwagang ibinibigay sa inyo ng alperes.

[Show a confrontation between Dona Victorina and Donya Consolacion. Dona Victorina goes to Manila
to report the incident to the Kapitan-Heneral.] (kahit pakita lang sa mga ganitong scene for example
nagsabunutan tapos may isang scene nakipagkamay sa kapitan heneral (wait nakikipagkamay ba sila noon
pwede bay un?) basta short clips lang pero if may idea pa kayo go lang yiee.

NARRATOR: hanggang saan nga ba makakarating ang pagmamahalan

SCENE 25 [Donya Victorina, tiago, linares, maria clara]


Doña Victorina: Ang pinsan kong si Linares ay hahamunin ang alperes. Kung hindi siya pumayag ay
huwag mo siyang ipakasal sa iyong anak!
Narrator: Nabigla si Maria Clara sa nasabi ni Doña Victorina. umiyak
Doña Victorina: Bakit umiiyak si Clarita?
K. Tiago: Hindi siya nasabihan sa ating pagkakasundo… na hindi si Ibarra ang pakakasalan niya kundi si
Linares.

NARRATOR: kung lahat ay hadlang sa kanila

SCENE 26 [Scene of Linares and Victorina and Tiago]


Kapitan Tiago: Ano pala ang sabi ng Kapitan-Heneral sa kalagayan ni Crisostomo Ibarra?
Dona Victorina: Iminugkahi ng pinsan kong si Linares na siya’y bitayin.(sabay tawa)
Linares: Hindi..(tututol pa sana siya, ngunit di siya binigyan ng pagkakataong magsalita ng donya)
Dona Victorina: Wag mo nag ipaglihim sa amin, pinsan. Ikaw ang tagapayo ng Kapitan.

SCENE 27 [Scene of Linares and Victorina and Tiago]


Finding out about the truth sa mother niya dun sa letter kung sinong tatay niya. Iyaq maria clara with
nginig nginig effect.

SCENE 28 Maria Clara's Revelation Scene (BANGKA SCENE)


Maria Clara: Totoong pinagtaksilan kita. Ngunit gusto kong malaman mo na minsan lamang ako umibig
at hindi na ito maaangkin ninuman. Paalam, Crisostomo.

NARRATOR: hanggang saan nga ba ang kayang isakrispisyo?

SCENE29: BANGKA TUMATAKAS SILA


Ibarra: Huwag kang umalis. Lumaban na lang tayo.
Elias: Hindi tayo magtatagumpay..wala tayong sandata. (Isang punglo ang humaging sa tubig. Sinundan
pa iyon ng isa pang putok.)
Elias: Magkita na lamang tayo sa Noche Buena, sa libingan ng inyong nuno.

NARRATOR: para sa bayan at sa mahal mo?

[Scene 30] of maria clara and padre damaso


Clara: Ang kumbento o ang kamatayan!

[SCENE 31] [HALO HALONG CLIPS. SIGAW NI SISA. KAMPANA. TAPOS BIGLA BLACK]
[BLACK]
NARRATOR: Hanggang saan nga ba ang kaya mong punan sa bayan na tila baon sa malupit na
pagsubok?

[MUSIC – EWAN ANO MAGANDA. TRAGIC?]


[SCENE 32 Basilio, Elias and Sisa]
[Tragic music as Basilio, Elias, and Sisa face the consequences of their actions.]

Umuwi si Basilio, naabutan pang buhay, ngunit kalaunan ay namatay si Sisa. Naabutan ni Elias si Sisa
at si Basilio. Sugatan si Elias at dalawang araw ng di kumakain. Mamamatay na siya.

Elias: Sunugin mo ang aming bangkay ng iyong ina. Kung walang darating na sinuman, hukayin mo ang
mga gintong ibinaon ko. Ariin mo iyon at gamitin mo sa pag-aaral. Mamatay akong hindi ko man lamang
nasilayan ang ningning ng bukang liwayway ng aking Inang bayan. Kayong mapapalad na makakakita,
batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nalugmok at nasawi sa dilim ng gabi.

NARRATOR: Hanggang saan nga ba ang kaya nilang isakripisyo para sa bayan at sa mga mahal nila?

[Madilim. Putok ng baril. Papatayin ang lampara.]

[DRAMATIC MUSIC]

NOLI ME TANGERE...
[SCREEN FADES TO BLACK]

[TEXT ON SCREEN]

"Para sa bayan, sa mga mahal, at sa lihim na bumabalot sa dilim..." (palitan niyo to qhahahahaa maawa
kayo)

You might also like