You are on page 1of 15

Buod ng Noli Me Tangere

*Sa bahay ni Kapitan Tiyago*

Donya Victoria: Bakit ba tayo pinatawag ni Kapitan Tiyago?

Tenyente Guevara: Darating daw kasi ang anak ng yumaong kaibigan ni Kapitan Tiyago.

Padre Damaso: (Naiinis) Dapat hindi na lang pala ako pumunta dito, aksaya lang ito ng oras ko
para lang sa isang indiyo!!!

Panauhin 1: Ipagpaumanhin niyo pero tayo’y nasa bahay po ng isang indiyo.

Tenyente Guevara: Oh, nandito na pala sila.

(Tumayo ang lahat)

Kapitan Tiyago: Ikinararangal ko pong ipakilala sa inyo si Don Crisostomo Ibarra, anak ni Don
Rafael. Siya’y nanatili sa Europa ng pitong taon.

Ibarra: Ikinalulugod ko po kayong makilala lahat.

Tenyente Guevara: (Kakamayan si Ibarra) Binabati ko po kayo sa inyong pagdating, ako po si


Tenyente Guevarra. Nakilala ko na po ang iyong Ama at masasabi ko po na isa siyang marangal
ng Pilipino.

Kapitan Tiyago: Halina kayo’t naghihintay na ang pagkain sa mesa.

(Pumunta ang mga panauhin sa mesa at matapos silang umupo…)

Panauhin 2: Kamusta naman Ginoong Ibarra ang paninirahan niyo sa Europa ng pitong taon?

Ibarra: Mabuti naman. Marami akong natutuhan na iba’t ibang kultura mula sa kanila. Pero hindi
pa rin maikokompara ang ating sariling kultura.

Padre Damaso: Anong sabi mo, nagsayang ka lang ng pera para matutunan ang mga bagay na
iyon na maski batang nag-aaral ay alam iyon.

Ibarra: (Tumayo) Paumanhin po pero ako’y may mahalagang pupuntahan, ako’y mauuna na po
sa inyong lahat.

Kapitan Tiyago: Pero darating na si Maria Clara.

(Bahagyang ngumiti si Ibarra)

Ibarra: Paparito po ako bukas ngunit ako’y may dadalawin na hindi dapat ipagliban.

(Nang umalis na si Ibarra)

Padre Damaso: Tingnan niyo ngayon ang nangyayari sa mga kabataang Pilipino na ipinapadala
sa Europa… dapat itong ipabawal ng pamahalaan!

(Habang pinagmamasdan ni Ibarra ang kapaligiran…)

Tenyente Guevarra: Binata…

(Nang hawakan ng Tenyente and balikat ni Ibarra nagulat ang binata)


Ibarra: Huh!!! Tenyente kayo pala.

Tenyente Guevarra: Ginoong Ibarra, may dapat po kayong malaman tungkol sa iyong Ama.

Ibarra: Tungkol po sa aking Ama?!

Tenyente Guevarra: Tama po. Ito’y tungkol po sa pagkamatay ng iyongAma sa bilangguan.

Ibarra: (gulat na gulat) Sa bilangguan?! Namatay ang aking Ama sa bilangguan?!

Tenyente Guevara: (Gumilid) Isang araw ay tinukso ng mga bata ang mangmang na taga singil
ng buwis… *(Flashback)

Bata 1: Ba…be…bi…bobo!!!

Bata 2: Utak pagong…utak pagong…

Taga singil ng buwis: (Galit na galit) Anong sabi nyo?!

(Tumakbo ang mga bata ngunit nang mapadapa ang isang bata ay naabutan siya ng taga singil ng
buwis at pinagsisipa niya ito)

Taga singil ng buwis: (Habang sinisipa) Iyan ang bagay sa mga batang katulad mo!

Bata 1: (Nakakulobot ang katawan habang tinatakpan ang mukha) Patawad po…patawad po…

(Napadaan si Don Rafael at nakita niya na pinagsisipa ng taga singil ng buwis ang bata)

Don Rafael: Hoy! Mga bata iyan, hindi mo dapat pinapatulan ang mga paslit!

(Lumingon ang taga singil ng buwis kay Don Rafael. Galit na galit na nilapitan niya si Don
Rafael ngunit habang siya’y naglalakad palapit sa kanya ay biglang nagbago ang ekspresiyon ng
kanyang mukha na para bang may hinanakit sa katawan at dahan-dahang siyang natumba at
namatay)

Tenyente Guevera: Dahil sa pangyayaring iyon ay nabilanggo ang iyong Ama at doon na rin
namatay.

(Masaganang luha ang sumaloy sa mga mata ni Ibarra)

Ibarra: Ngayong ko lang nabatid ang kinasapitan ng aking Ama.

Tenyente Guevera: (Nakipagkamay) Sige po Ginoong Ibarra ako po’y mauuna na sa inyo dahil
may mahalaga pa akong aasikasuhin.

Ibarra: Sige po, maraming salamat.

*Sa bahay ni Maria Clara*

Maria Clara: (Habang may tinatahi) Hay…hanggang ngayon wala pa rin siya. Marami sigurong
inaasikaso…

(Pagtuktuk ng pinto)

(Binuksan ng kasambahay ang pintuan)

Ibarra: Magandang gabi po.


Kasambahay: Magandang gabi rin po. Pasok kayo at naghihintay na po si Maria Clara.

Ibarra: Salamat po.

(Nang palakad papuntang sala si Ibarra ay nakita niya si Maria Clara)

Ibarra: Maria Clara…

Maria Clara: Ibarra…

(Binaba ni Maria Clara ang damit na tinatahi at tumakbong siyang palapit kay Ibarra)

Maria Clara: Buti naman at nakapunta ka rito.

Ibarra: Kamusta ka na?

Maria Clara: Ito mabuti naman…halika at maupo muna tayo.

(Hinawakan ni Maria Clara ang isang kamay ni Ibarra. Matapos umupo ang dalawa…)

Maria Clara: Siguro hindi muna ako naaalala sa pitong taon mong pamamalagi sa Europa.

Ibarra: (Hinawakan ang kamay ni Maria Clara) Mahal ko, kahit saan man akong lugar na
mapadpad ay lagi kitang naaalala.

Maria Clara: Ibig mo bang sabihin ay wala kang nakitang magagandang dilag sa pinuntahan mo?

Ibarra: Marami akong nakitang magaganda ngunit hindi pa rin matutumbasan ang gandang
kayumanggi.

Maria Clara: Hindi pa rin nagbabago ang tamis ng iyong pagsasalita.

Narrator: Marami silang napag-usapan hanggang…

Ibarra: Mahal ko, kailangan ko na pa lang pumunta sa San Diego dahil bukas ay araw ng mga
patay at kailangan kong bisitahin ang aking yumaong Ama.

Maria Clara: Nauunawaan kita…mag-ingat ka mahal ko.

(Pumunta sa pinto si Ibarra at umalis na papuntang San Diego)

*Sa San Diego*

Ibarra: (Hinawakan ang damit na galit na galit) Anong sabi mo?! Itinapon mo na lang ang
bangkay na nandito!

Tagahukay: Opo dahil umuulan po kasi ng mga panahon na iyon at mabigat pa po yung bangkay
kaya itinapon ko na lang po ito sa ilog.

(Nakapagpigil sa sarili si Ibarra matapos nito ay parang baliw na nilisan niya ang kausap
hanggang sa mamataan niya si Padre Salvi)

Ibarra: Ikaw!!! Ano ang ginawa mo sa aking Ama?

Padre Salvi: Nagkakamali ka binata, wala akong ginagawa sa iyong Ama.

Ibarra: Kung hindi ikaw, sino?! Sino ang mapangahas na gumawa ng ganoong bagay?!!
Padre Salvi: Sa aking paghihinala…ay kagagawan iyon ni Padre Damaso.

(Nang mabatid iyon ng Ibarra ay nilisan kaagad niya si Padre Salvi)

*Sa simbahan*

(Naririnig ang batingaw ng kampana)

Basilio: Batikan mo ng maigi ang lubid Crispin, baka sabihin ng sakristan-mayor na tinatamad
tayo.

Crispin: Eh paano kuya eh nanghihina na ako.

Basilio: Halika umupo muna tayo.

(Umupo ang dalawa)

Crispin: Magkano ba ang sasahurin mo ngayon kuya?

Basilio: Dalawang piso lang…

Crispin: Kuya pwede mo bang bayaran ang sinasabi nilang ninakaw ko?

Basilio: Naloloko ka na ba, ano naman kaya ang ipangbibili nating pagkain kay Inay?

(Tumalikod si Crispin at umiyak)

Basilio: Tahan na. Di ba sabi ni Mang Tasyo sa atin na may masarap daw tayong hapunan.

Crispin: Hindi pa ako na nananghalian. Hindi raw ako pwedeng umalis hanggang sa hindi ko
ibinabalik ang dalawang onsa na ninakaw ko raw. Pero hindi naman talaga ako nagnakaw kundi
ang sacristan mayor.

Basilio: Ano?!

Crispin: (Lumingon kay Basilio) Hindi ba siya ang laging pumupunta sa silid ng kura.

(Biglang dumating ang Sakristan Mayor)

Sakristan Mayor: Ano ka mo?!

(Nagulat ang dalawang bata sa pagdating ng Sakristan Mayor. Tumayo silang dalawa.)

Sakristan Mayor: Hoy Basilio, minumultahan kita ng kalahati sa hindi mo tamang pagtugtug at
ikaw Crispin, mananatili ka dito hanggang sa hindi mo binabalik ang ninakaw mo at halika
sumama ka sa akin.

Crispin: (Nagmamakaawa) Kuya, kuya tulungan mo ako!!!

(Ipinagsang gala ni Basilio si Crispin kaya nagalit ang sacristan Mayor)

Sakristan Mayor: (Sabay sampal kay Basilio) Makulit ka ah.

(Natumba si Basilio. Dahil sa sakit hindi niya na nagawang makatayo)

Crispin: Kuya! kuya!


(Samantala, upang maaliw si Sisa sa paghihintay sa kanyang mga anak ay mahina siyang
umaawit hanggang sa…)

(Pagtuktuk ng pinto)

Basilio: Nay! Nay!

(Patakbong pumunta sa pinto si Sisa at sa pagbukas ng pinto ay..)

Sisa: Basilio…

Basilio: (Hinawakan ang dalawang siko ni Sisa. Umiiyak.) Nay…si Crispin po…

Sisa: Si Crispin?! Anong nangyari sa iyong kapatid?!

Basilio: Kinuha po ng sacristan mayor si Crispin…

Sisa: Bakit?!

Basilio: Sinasabi po kasi ng Sakristan Mayor na nagnakaw daw po si Crispin sa Kura. Hindi ko
po alam ngayon kung saan dinala ng Sakristan Mayor si Crispin.

Sisa: Diyos ko po, pinararatangan nilang magnanakaw si Crispin ko. (Hinawakan sa balikat)
Hayaan mo Basilio at makikiusap ako sa kura bukas. Halika at kumain ka muna.

(Pumunta sila sa mesa)

Basilio: Nay, wala po akong gana.

Sisa: Alam kong hindi mo naibigan ang tuyo. Ipinaghanda ko kayo ng pagkain ngunit dumating
ang iyong Ama at inubos lahat.

*Kinubukasan…

(Sa simbahan)

Sisa: (Ibinaba ang hawak-hawak na bayong) Magandang umaga po, pwede ko po bang makita si
Crispin.

Utusan: Huwag ka nang magkaila Sisa, matapos makapagnakaw ang anak mo ay umalis siya
kaagad. Dahil dito ay inutusan akong ipagbigay-alam ‘to sa guardiya sibil. Marahil ay naroon na
sa inyo ang mga sibil upang dakpin ang anak mo.

Sisa: Ano ho?!

(Nagmamadaling nilisan ni Sisa ang kausap)

Sisa; (Habang tumatakbo) Diyos ko, huwag mong pabayaan ang aking mga anak!

(Nang malapit na si Sisa sa kanilang tahanan ay nakasalubong niya ang mga guardiya sibil)

Guardiya Sibil 1: Di ba ikaw si Sisa? Nasaan ang mga ninakaw ng anak mo?

Sisa: Ninakaw?! Wala po akong nalalaman sa mga sinabi ninyo.

Guardiya Sibil 2: Ganoon pala ah, hala sumama ka sa amin. Hindi ka makakalaya hanggang
hindi ibinabalik ang ninakaw ng mga anak mo!
(Hinawakan ng mga guardiya sibil si Sisa sa siko)

Sisa: Huwag po…maawa naman po kayo sa akin…

*Sa kwartel

(Itinulak ng guardiya sibil si Sisa papunta sa kulungan)

Guardiya Sibil 1: Mananatili ka dyan hanggang hindi nagpapakita ang mga anak mo!

(Isinara ng guardiya sibil ang kulungan)

*Makalipas ang ilang sandali…

(Binuksan ng guardiya sibil ang kulungan. Nakita niyang nakaupo si Sisa)

Guardiya Sibil 2: (Lumapit kay Sisa) Sige, umalis ka na at baka magbago ang utos ng alperes!

Sisa: (Tumayo) Talaga po…

Guardiya Sibil 1:Oo sige na, at huwag mo palang kakalimutan na hanapin ang mga anak mong
magnanakaw!

Sisa: (Mahina ang boses) Basilio, Crispin…

(Tumakbong mabilis palabas sa kulunga si Sisa)

*Sa bahay nila Sisa

(Pumasok si Sisa mula sa pintuan ng kanilang bahay)

Sisa: Basilio! Crispin! mga anak ko nariyan na ba kayo?

(Hinahanap ni Sisa ang kanyang mga anak hanggang sa makita niya ang kapirasong damit ni
Basilio na may dugo. Dahan-dahan na kinuha ni Sisa ang kapirasong damit habang nanginginig
ang kanyang kamay.)

Sisa: (Umiiyak na tumatawa) Kapirasong damit ni Basilio ko may dugo…Oo nga may dugo!
He…he…he…mapulang dugo. La,la,la,la,la…may dugong mapula…dugo…ha…ha…ha…
dugo…

*Sa pangpang ng ilog

Guro: Ginoo, dito po itinapon ang bangkay ng iyong Ama.

Ibarra: Maraming salamat sa iyong pagtuturo sa akin.

Guro: Wala po iyon. Marami po akong utang na loob sa inyong Ama dahil sa kanya maraming
bata ang nakapag-aral.

Ibarra: Hmmm…Kung gayon ay dapat ko palang ipagpatuloy ang nasimulan ng aking Ama.

Guro: Ang ibig niyo pong sabihin ay…

Ibarra: Oo, magpapatayo ako ng paaralan upang marami pang bata ang maturuan.

Guro: Talaga po. Maraming, maraming salamat po.


Ibarra: Walang anuman. O sige ako’y mauuna na sa iyo at may mahalaga pa akong pupuntahan.

Guro: (Kakamayan) Mag-ingat po kayo.

Ibarra: Ikaw din…

(Umalis na si Ibarra)

*Kinabukasan…

Ibarra: Magandang umaga po, Mang Tasyo...

Mang Tasyo: Ginoong Ibarra, tuloy po kayo, ikinararangal ko na maging panauhin kayo.

Ibarra: Salamat po.

Mang Tasyo: Umupo po kayo. (Matapos umupo ni Ibarra) Ano po ba ang aking maipaglilingkod
sa inyo?

Ibarra: Ibig ko po sanang bigyan niyo po ako ng payo kagaya po ng payo niyo sa aking Ama
tungkol po sa pagbabalak ko po na pagpapatayo ng paaralan.

Mang Tasyo: Kung ako’y inyong tatanungin ay nararapat na sa kura kayo sumangguni dahil sila
ang may lakas, maging ng may kaya, tungkulin at kayamanan. At kailangan din ng tatag ng
iyong loob na siya mong magiging gabay.

Ibarra: Papaano po kung ako’y mabigo?

Mang Tasyo: Mabigo man ang iyong panukala ay ikatutuwa naman ninyong maisip na ginawa
ninyo ang lahat na makakaya, at ang tibay ng inyong loob ang siyang magiging tanglaw sa lahat.

Ibarra: Naniniwala po ako sa inyo, hindi nasayang ang pag-asa kung magtamo ng mabuting
payo. (Tumayo) Sa ngayon po ako’y magpapaalam na. Maraming salamat po.

Mang Tasyo: Mag-ingat po kayo.

*Sa bahay ni Ibarra

(Pagtuktok ng pinto)

Ibarra: (Nakaupo) Sino kaya ‘yun?

(Lumapit sa pinto si Ibarra at binuksan)

Ibarra: Elias, ikaw pala. Tuloy ka kaibigan, ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?

Elias: Ako’y may mahalaga pong dapat sabihin sa inyo.

Ibarra: Kung gayon, pumasok ka muna at mag-usap tayo sa loob.

Elias: Maraming salamat po.

(Pumasok si Elias)

Ibarra: Halika at umupo muna tayo.

(Umupo ang dalawa)


Ibarra: Tungkol saan ba ang iyong sasabihin?

Elias: Tungkol po ito sa iyong mga kaaway.

Ibarra: Kaaway?! Mayroon akong mga kaaway?!

Elias: Marami po sa panahon ngayon, hindi ang salarin kundi mararangal na tao ang lalong
nakakapootan. Isa na po sa iyong mga kaaway ay ang kamamatay lang po kanina. Kitang-kita ko
po sa aking mga mata ang pagsasagawa niya ng plano, nang tatakas siya’y sinunggaban ko siya
at sa kasamaang palad ay nadaganan siya ng mga gumuhong kahoy.

Ibarra: Kung gayon, ikaw ang nagligtas sa akin. Maraming salamat sa iyo.

Elias: Huwag niyo po akong pasalamatan. Utang ko po sa inyo ang aking buhay nang ka muntik
na po akong mapatay ng buwaya noong araw po ng kapistahan. (Tumayo) Sige po, aalis na po
ako. Huwag niyo pong kalimutan ang mga sinabi ko po sa inyo. Mag-ingat kayo, kailangan kayo
ng ating bayan.

Ibarra: Salamat sa iyong babala.

(Nang makaalis na si Ibarra ay sinara niya na ang pinto. Napaisip siya ng malalim at sinabing…)

Ibarra: Kaaway…sino pa kaya ang mga kaaway ko dito?

*Matapos ang pagpapatayo ng paaralan

Padre Damaso: Sobra ang naging gastos ng paaralang iyan. Ang hirap sa mga indiyo ay nakapag-
aral lang ng kaunti, akala mo kung sino na! Buhay pa man ay pinarurusahan na ang ganyang
mapagmalaking tao. (Tumayo)At ang mga taong iyan ay nangamatay na at nabubulok sa
bilangguan tulad ni…

(Bago tapusin ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin ay biglang sumabat si Ibarra)

Ibarra: Wala kang karapatang alipustahin ang banal na ala-ala ng aking Ama!

(Tinangkang saksakin ni Ibarra si Padre Damaso)

Ibarra: (Habang sinasakal ni Ibarra) Magdasal ka na ng maikli mong nalalaman pagkat dumating
na ang oras mo!

(Namataan ni Ibarra ang isang kutsilyo)

Ibarra: Malalaman ko ngayon kung anong klaseng putik ang nananalantay sa iyo!

(Nang sasaksakin na ni Ibarra si Padre Damaso ay…)

Maria Clara: Ibarra, huwag!!! Alang-alang man lang sa akin ay huwag mong gawin ang bagay na
iyan.

(Napaiyak si Maria Clara)

Ibarra: (Binitawan ni Ibarra ang kutsilyo at hinawakan ni Ibarra ang dalawang magkabilang
braso ni Maria Clara) Pinapalad pa rin ang taong iyan subalit maliit ang daigdig sa ating dalawa.

(Walang kibong iniwan ni Ibarra ang mga ibang panauhin)

*Sa bahay ni Kapitan Tiyago*


(Nakita ni Tiya Isabel na umiiyak si Maria Clara)

Tiya Isabel: Bakit ka umiiyak iha?

Maria Clara: (Umiiyak) Tiya Isabel, ginawa pong eskomulgado si Ibarra at hanggang sa hindi
siya inaalisan nito ay pinagbabawalan po ako ni Ama na makipagkita sa kanya.

Tiya Isabel: Iha, hindi naman namatay si Padre Damaso kaya nasisigurado kong patatawarin niya
rin si Ibarra.

Maria Clara: Ewan ko Tiyang ngunit natitiyak kong may kinalaman si Padre Damaso sa
ginawang pagpapasiya ng Papa.

(Biglang bumukas ang pinto)

Maria Clara: Papa… Kapitan Tiyago: Ang pinangangambahan kong mangyari ay nangyari na,
Isabel.

Tiya Isabel: Anong ibig mong sabihin?

Kapitan Tiyago: Iniutos sa akin ni Padre Damaso na sirain ang kasal nina Ibarra at Maria Clara.

(Nang marinig ito ni Maria Clara ay napaiyak siya)

Kapitan Tiyago: Taha na iha, sabi sa akin ni Padre Damaso ay may ipakikilala siyang binatang
kamag-anak at inilalaang katipan mo.

Tiya Isabel: Naloloko ka na ba?! Akala mo ba na parang pagpapalit lang ngdamit ang pagpapalit
ng kasintahan! Bakit hindi mo kasi kausapin angarsobispo?!

Kapitan Tiyago: Isabel, kung ano ang sinasabi ng prayle ay iyon lamang ang susundin ng
arsobispo.

*Makalipas ang ilang araw*

(Biglang dumating si Donya Victorina)

Donya Victorina: Kapitan Tiyago, nabalitaan kong nagkasakit si Maria Clara kaya dinala ko si
Dr. De Espadaña.

Kapitan Tiyago: Gracias Donya Victorina. Isabel, pwede mo bang samahan si Dr. De Espadaña
sa silid ni Maria Clara.

Tiya Isabel: O sige. Sumunod po kayo sa akin.

(Nang makaalis na ang dalawa ay…)

Donya Victorina: Kapitan Tiyago, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo si Don Alfonso Linares,
ang inaanak ng isang kamag-anak ni Padre Damaso.

Kapitan Tiyago: (Makikipagkamay) Karangalan ko pong makilala kayo.

Linares: Gayun din po ako.

(Biglang dumating si Padre Damaso) Padre Damaso: Santiago, may sakit daw ang aking
inaanak?!
Kapitan Tiyago: Opo Padre Damaso!

(Nang mapag-alaman ito ni Padre Damaso ay mabilis na tinungo niya ang silid ni Maria Clara)

(Pagbukas ng pinto ni Padre Damaso, nakita niya na ginagamot siya ng manggagamot)

Padre Damaso: Maria Clara!

(Lumapit si Padre Damaso kay Maria Clara)

Padre Damaso: Iha, maayos ka lang ba, magpahinga ka nang maayos ah, sigurado ako na
gagaling ka kaagad.

Maria Clara: (Malumanay na nagsalita) Opo…

Padre Damaso: Sige maiwan mo na kita saglit, magpahinga ka lang ah.

Maria Clara: (Malumanay na nagsalita) Opo…

(Nang papaalis na si Padre Damaso…)

Padre Damaso: (Nalulungkot) Kaawa-awang bata…

(Nang lumabas si Padre Damaso ay lumapit si Linares)

Padre Damaso: Sino ka?

Linares: Ako po si Linares, inaanak ng iyong bayaw na si Carlicos.

Padre Damaso: Ah, ikaw ba iyon…ikinagagalak kitang makilala.

(Nagyakapan ang dalawa)

Linares: Ito po ang sulat ng aking Ama at Ina.

(Agad itong binuksan ni Padre Damaso)

Padre Damaso: Hmmm…trabaho at asawa. Kung trabaho ay madali lang at ang asawa ay…
Linares: Hindi pa naman po ako nagmamadali…

Padre Damaso: Ah! Alam ko na...halika iho at sumama ka sa akin. Isabel, pwede mo bang
ipabatid kay Maria Clara na may gusto akong ipakilala sa kanyang panauhin.

Tiya Isabel: O sige po, Padre Damaso.

(Binuksan ni Tiya Isabel ang pintuan sa silid ni Maria Clara. Nilapitan ni Tiya Isabel si Maria
Clara.)

Tiya Isabel: Iha…

Maria Clara: Tiya Isabel…

Tiya Isabel: May gusto daw ipakilala sa iyo si Padre Damaso.

Maria Clara: Sige po tiya papasukin mo po sila.

(Binuksan huli ni Tiya Isabel ang pintuan)


Tiya Isabel: Maaari na po kayong pumasok Padre Damaso.

Padre Damaso: Halika iho, sumama ka sa akin.

(Pumasok ang dalawa sa silid ni Maria Clara)

Padre Damaso: Iha, ikinagagalak kong ipakilala sa iyo si Don Alfonso Linares, isang kamag-
anak ko.

Linares: Hindi ko akalain na makakakita ako ng mala-anghel na kagandahan.

Padre Damaso: (Napangiti) Huwag kang mahiya iha, hindi siya iba sa akin.

*Makalipas ang ilang araw*

(Pagtuktok ng pinto)

(Binuksan ni Ibarra ang pinto)

Ibarra: Aba, ikaw pala Elias, ano ang kailangan mo?

Elias: Ginoong Ibarra, kailangan niyo na pong lumisan!

Ibarra: Ah! Bakit?

Elias: Natuklasan ko po na may isasagawang pag-uusig at kayo raw po ang isisigaw na may
pakana nito! Ayon po sa aking kausap, inupahan mo po sila upang manggulo!

Ibarra: (Nagulat) Diyos na mahabagin! Ano ngayon ang aking gagawin?

(Nag-isip ng malalim si Ibarra at ilang sandal pa’y tumalikod ito)

Ibarra: Wala na akong magagawa kundi ang…

Elias: Lisanin ang pook na ito!

(Hindi mapakali si Ibarra sa kanyang gagawin at biglang…)

Ibarra: Sandali, kailangan ko munang ayusin ang mga kasulatan…

(Mabilis na tumakbo si Ibarra papunta sa kanyang silid at isinaayos kaagad ang kanyang mga
kasulatan ngunit habang inaayos niya ito ay…)

(Padabog ang pagtuktok ng pintuan)

Kawal 1: Sa ngalan ng Espanya, ay buksan ang pintong ito kundi ay gigibain namin ito.

(Napalingon ng mabilis si Ibarra nang marinig niya ito)

Ibarra: (Nagulat) Ha! Mukang nandito na yata sila.

(Mabilis na inilagay ni Ibarra ang kanyang mga kasulatan sa isang kabinet at tumakbo sa likod
ng kanilang bahay. Sumabay naman sa kanya si Elias.)

Ibarra:(Habang tumatakbo papunta sa likod ng bahay) Isang pagpapatiwakal ang lumaban ako,
baka pati ikaw ay mapahamak!
Elias: Kahit ano pong mangyari, tutulungan po kita! (Nang nakalabas na si Ibarra ay nahuli siya
ng mga kawal ngunit nagawa namang makapagtago ni Elias)

Kawal 2: Ginoong Ibarra!!!

Ibarra: (Nagulat) Ha!

(Patakbong lumapit ang mga kawal kay Ibarra)

Kawal 1: (Sabay hawak sa mga braso ni Ibarra) Halika at sumama ka sa amin!

Ibarra: Wala po akong ginagawa…

(Hindi nakinig ang mga kawal sa kanya at kaagad siyang idinala sa kwartel)

*Sa kwartel*

Ibarra: Subalit Ginoong Alperes, wala po akong kinalaman sa mga ibinibintang niyo po sa akin.

Alperes: Ginoong Ibarra, ginagawa ko lang po ang aking tungkulin. Kayo po ang kanilang
ibinibintang sa amin!

*Makalipas ang ilang araw*

Tao 1: Narinig niyo ba na ikakasal na si Maria Clara?!

Tao 2: Subalit nakakulong pa rin hanggang ngayon si Crisostomo Ibarra.

Tao 1: At sino namang nagsabi na kay Ibarra siya ikakasal.

Tao 3: Kung hindi siya, e di sino?

Tao 1: Kayo talaga… e di kay Don Alfonso Linares, ang kamag-anak ni Padre Damaso.

Tao 4: Kaawa-awang binata…nasunog na ang bahay, nabilanggo at ngayon ay nawalan pa ng


katipan.

*Isang gabi*

(Nagtatago si Elias at mga ibang niyang kasama sa isang pader)

Elias: (Mahina ang boses) Kayong ng bahala sa mga kawal at ako namangbahala na iligtas si
Ibarra.

Kasamahan 1: O sige…

(Dahan-dahang pumunta ang mga kasamahan ni Elias sa dalawang kawal at kaagad nilang
sinakal ang kanilang leeg. Pilit namang inaalis ng mgakawal ang mga braso nila.)

Kasamahan 2: Elias! Sige pumunta ka na…

Elias: Salamat sa inyong dalawa…

(Mabilis na pinuntahan ni Elias si Ibarra ngunit nang paparoon na siya ay nakita niya na may
kawal na nagbabantay sa kulungan ni Ibarra. Dahan-dahang nilapitan ni Elias ang kawal at
kaagad niyang tinakpan ang kanyang ilong gamit ang isang panyo. Pagkatapos nito ay kinuha
niya ang susi para sa kulungan. Binuksan niya ang kulungan.)
Elias: Ginoong Ibarra, kailangan na nating tumakas!!!

Ibarra: Elias!

(Mabilis na tumakas ang dalawa)

*Sa bahay ni Kapitan Tiyago*

(Sa isang bahagi ng kanilang bahay ay malalim na nag-iisip si Maria Clara.)

Maria Clara: Aba…si Ibarra at Elias!

(Nang makita siya ni Ibarra ay kaagad siyang lumapit kay Maria Clara)

Maria Clara: Ibarra… Paano…

Ibarra: Tinulungan ako ni Elias na makatakas. Mahal ko, marahil sadyang hindi tayo nauukol sa
isa’t isa. Naparito ako upang sabihin sa iyo na pinapatawad na kita. Lumigaya ka sana. (Bakas pa
rin ang lungkot samukha ni Ibarra) (At anyong aalis na si Ibarra ay..)

Maria Clara: Hindi ka magsasalita kung hindi mo alam ang buong katotohanan. Natuklasan ko
na ang aking tunay na Ama ay si PadreDamaso.

Ibarra: (Lumingon si Ibarra) Ano?!(Nagulat sa sinabi ni Maria Clara)

Maria Clara: Nagtaksil ang aking Ina sa kinikilala kong Ama. Ayon kayPadre Damaso ay hindi
ako maaaring magpakasal sa inyo kung hindi ay ibubunyag niya sa mga tao ang aking lihim.
Alang-alang sa ala-ala ngaking Ina at sa karangalan ng kinikilala kong Ama, patawarin mo sana
ako Ibarra.

Ibarra: (Hinawakan niya ang mga kamay ni Maria Clara) Ako ang dapatmong patawarin
sapagkat pinag-alinlangan ko ang iyong katapatan.

Maria Clara: Tumakas ka aking mahal at saan ka man papadpad ay lagingtandaan na ikaw ay
laging nasa puso.

Ibarra: Paalam na aking mahal…

*Sa ilog*

Elias: May palagay na po akong natuklasan na ang iyong pagtakas.

Ibarra: Yamang iisa ang ating kapalaran ay sumama ka sa akin sa ibang

bansa. (Nagsasalita na si Elias ay…)(Tunog ng putok ng Ibarra)

Elias: Natagpuan tayo, magtago ka sa ilalim ng damo Ginoong Ibarra..(Nagtago si Ibarra)

Elias: Huwag kayong aalis sa inyong tinataguan! Ako’y tatalon upang akalain nila na wala nang
laman ang bangka. (Mabilis na tumalon si Ibarra)

Ibarra: Elias!!! (Nang lumitaw si Elias upang huminga ay naputukan siya at ilang sandalpa’y
lumitaw ang kulay pula sa ilog)

*Sa kabilang pampang ng ilog*


Basilio: Lola, may papaki-usap po sana ako sa inyo. Yang magpapasko na po ay gusto ko po ang
umuwi sa aking Ina at kapatid. Siguro ngayon ay tumatangis sila sa pagkawala ko.

Lola: Hindi ka makakarating ng buhat sa bayan anak, at saka hahanapin kang mga anak ko.

Basilio: Marami po kayong anak, ang aking Ina’y wala kundi dalawa. Ibig kopong bigyan siya
mg aginaldo na kanyang ikatutuwa. Ako po’y isang anak na nangungulila sa kanyang Ina at
kapatid at aking hinahangad na makitapo sila. Sana’y inyo po sana akong pahintulutan.

Lola: (Napaluha) Sa pangungusap mo’y natanto ko kung gaano kamahalsa iyo ang iyong Ina at
kapatid. Hala lakad na at pagpalain ka nawa ng Diyos.

Basilio: Talaga po! Maraming salamat po. Sigurado ako na matutuwa po s iInay dahil
magkakasalo na naman kami ngayong Noche Buena. Sige pomauuna na ako.

Lola: Sige anak, mag-iingat ka.(Bagamat may sugat sa paa ay matuling naglakad si Basilio)

*Sa bahay ni Sisa*

(Pumasok si Basilio sa bahay nila)

Basilio: (Masaya) Nay! Nay! nandito na ako.(Nang pumasok si Basilio sa loob ng bahay nila ay
nagtaka siya kung bakitwala doon ang kanyang Ina kaya hinanap niya ito kung saan-saan. Sa
paghahanap niya may nakita siyang isang babaeng nagsasayaw sa lansangan na kasinghawig ng
kanyang Ina.) (Tumatawa si Sisa habang nagsasayaw)

Basilio: Inay?...(Nang mamataan na siya talaga si Sisa) Inay!!! (Lumingon si Sisa sa kanya pero
hindi niya kaagad siya nakilala. Kaya tumakbong palayo si Sisa.)

Basilio: Inay! Ako ‘to si Basilio.(Nang marinig niya iyon ay lumingon si Sisa sa kanya ngunit
ilang saglitpa’y tumakbo huli siya ngunit napatigil siya sa isang puno kaya naabutansiya ni
Basilio.)

Basilio: Inay…inay ko. Hu.-hu-hu.(Pinagmasdan mabuti siya ni Sisa)

Sisa: Basilio! Ikaw nga, buhay ka! Buhay ka! Hu-hu-hu…(Maka-ilang saglit ay parehas silang
nawalan ng malay at nang magising siBasilio ay nakita niyang patay na ang kanyang Ina.)

Basilio: Inay?! Inay…inay gumising naman kayo oh.(Biglang may narinig si Basilio)

Basilio: Ha!!!Elias: Si..sino ka at ano ang ginagawa mo dito.

Basilio: Ako po si Basilio at ang babaing ito ay ang aking Ina. Patay na po siya.

Elias: Basilio..bago magbukang-liwayway ay patay na rin ako. Manguha kanang kahoy


pagkatapos ay bumalik ka dito ipatong mo ang aming bangkayat kami ay iyong silaban.
Pagkatapos…

Basilio: Pero…

Elias: Pagkatapos ay humukay ka sa dako roon. Ang salaping makukuhamo ay sa iyo na. Mag-
aral ka nang mabuti. Hala lumakad ka na at kuninmo ang mga kahoy.

Basilio: Opo…(Nang lumisan na si Basilio ay napaupo si Elias sa puno at sinabing…)


Elias: Mamatay akong di man makikita ang nagniningning na bukang-liwayway ngunit sa mga
mapalad ay alalahanin niyo ang mga nagtanggolsa ating bayan. (Pagkatapos ay dahan-dahang
natumba si Elias)

You might also like