You are on page 1of 12

Script:

SCENE 1

Setting: tahanan ni kapitan tiago

Kapitan tiago: magandang gabi sa inyong lahat…(tumingin ang lahat kay kapitan tiago) … ako ay nagagalak at nakadating kayo
sa handaan na ito, para sa pagbalik mula sa europa ng anak na aking matalik na kaibigan, si don crsostomo Ibarra.

(ang lahat ng mata ay nakay Ibarra. Kitang kita sa mga muhka nila, maliban kay padre damaso, ang kanilang
pagkamangha.)

Ibarra: ikinararangal kong makita kayong lahat.

(madaming bumati kay Ibarra, sandaling matitigil si Ibarra at magagawi ang mata niya sa isang padre…)

aba! Naririto pala si padre damaso (lalapit kay padre damaso…), ang matalik na kaibigan ng aking ama. Ikinagagalak ko kayong
makita (agad na inilahad ni Ibarra ang kanyang kamay upang kamayan ang kura. Bakas sa muhka nito ang pagkagalak,
ngunit tila napako ang tingin ng padre sa kamay ng binata kung kaya’t di niya nagawang kumibo sa kanyang pagkaupo)
ipagpatawad niyo kung ako ma’y nagkamali.

Padre damaso: hindi ka nagkakamali, ako nga si padre damaso, ngunit kailanman ay hindi ko naging kaibigan ang iyong ama.

(dahan-dahang inurong ng binata ang kanyang kamay dahil sa labis na pagkahiya sa inasal ng pransiskano. Maglalakad na
siya palayo ng biglang…)

Tiyente guevarra: ikaw ba talaga ang anak ni don Rafael Ibarra?

Ibarra: ako nga po ginoo.

Tiyente gueverra: (kita ang paggalak ng tinyente) maligayang pagbabalik don Crisostomo… (kinamayan ng tinyente si ibarra
gamit ng kanyang dalawang kamay. Biglang nagiba ang expresyon ng tinyente, naging malungkot ang kanyang tinig…)
nakasama at nakilala ko pa ang iyong ama, at masasabi kong tunay siyang marangal na tao. nararapat lamang na siya ay
kilalanin. Sana ay mas maging mapalad kayo sa iyong ama.

Ibarra: ginoo… maraming Salamat sa iyong papuri sa aking ama dahil sa iyong sinambit ay tila ba’y nabunutan ako ng tinik sa
dibdib. Sandaling mawala ang aking pagaalinlangan sa kanyang sinapit.

(hindi natapos ang pag-uusap ng dalawa dahil biglang pumasok sa bulawagan ang isang katulong at…)

Katulong: mga ginoo at binibii (yuyukod)… nakahanda na po ang hapunan.

(isa-isang nagsipuntahan ang mga panauhin sa hapag- kainan. Ngunit sa di-inaasahang pangyayari ay nagkasabay sina
padre damaso at si padre sibyla sa kabisera ng lamesa…)

Padre sibyla: ang upuang ito ay nakalaan sa inyo padre damaso. Higit kayong nakatatanda, mataas ang katungkulan at
kapangyarihan (wika nito na hindi painaalis ang kamay sa upuan.)

Padre damaso: hindi naman ako ganung katanda. Sa tingin ko’y ikaw ang para sa upuang ito sapagkat ikaw na ang kura ng
bayan na ito.

Padre sibyla: sumusunod lamang ako sa iyong pinag-uutos padre.

Padre damso: hindi ko inuutos! (madiin na binigkas ng padre) hindi ko inuutos! (patangging muli ng padre, hindi na ito
pinansin ni padre sibyla at umupo na lamang. Wala nang nagawa si padre damaso at kumuha na lamang ng ibang upuan.)

(isa-isang dudulog ang mga panauhinsa hapag-kainan at lahat sila ay umupo na. okupado na lahat ng upuan ngunit si
kapitan tiago na mismo may-ari ng tahanan ay hindi pa rin nakakauopo. Napansin ito ni Ibarra kug kaya’t akamang tatayo
na siya at…)

Ibarra: kapitan, halina at saluhan ninyo kami. Dito kana maupo sa upuan ko.
Kapitan tiago: naku! Huwag ka ng tumindig. Ang salo-salong ito ay sadya kong pinahanda bilang pasasalamat sa birhen sa
inyong pagdating. Kaya maupo ka lang diyan.

(matapos iyon ay inihanda na ang kanilang kakainin. Nagpasalamat muna sila sa diyos na pinngunahan ni padre sibyla,
tahimik lamang ang ginagawa niyang pagbabasbas. At matapos iyon ang lahat ng panauhin ay tahamik ng kumain.
makailang oras pa ay binasag ni Donya victorina ang katahimikan…)

Donya victorina: don Crisostomo, ilang taon kayong Nawala sa pilipinas?

Ibarra: (titingin si Ibarra dito) hmm. Siguro po mga pitong taon.

Donya victorina: hindi nyo ba nalimutan ang pilipinas? Matagal-tagal din ang pitong taon.

Ibarra: hindi mangyayari iyon, ako marahil ay malimutan ng aking bayan. Pero ako, lagi kong aalalahin ang lupang aking
sinilangan.

Donya victorina: ano ibig niyong sabihin? (buong pagtatakang tanong ng Donya)

Ibarra: mahigit isang taon na rin akong hinid nakakabalita sa pilipinas. Ni hindi ko alam kung paano at kailag namatay ang aking
ama.

Donya victorina: nasaan ba kayo nun at hindi man lang nagpadala ng telegrama? Noong kami’y ikasal, nagpadala naman ako ng
telegrama sa espanya. Hindi niyo ba natanggap iyon?

Ibarra: malamang ay nasa alemanya po ako ng mga oras nay un. At sa polonyang sakop ng rusya nitong huling dalawang taon.

Panauhin: kung gayon ay may mga nakilala na rin kayo duon?

Ibarra: wala po akong masyadong nakilala duon, sapagkat duon ay hindi ako ng kastila. Maliban na lamang kung ako’y nasa
harap ng ilang konsulado.

Donya victorina: kung gayo’y paano kayo nakikipag-usap dun?

Ibarra: ginagamit ko ang wika ng aking bayan. Ang wikang Pilipino.

Padre sibyla: marunong ba kayong maagsalita ng ingles?

Ibarra: nanirahan po ako sa inglatera ng isang taon. At doon ay ingles lamang ang ginagamit.

Donya victorina: tila’y marami na kayong napuntahang bansa… don Ibarra, ngunit alin sa mga bansang iyong napuntahan, ang
labis mong naibigan. At ano ang pinakamahalangang bagay na iyong nakita sa mga bansang ito?

Ibarra: bago ko puntahan ang isang lugar ay pinagaaralan ko muna ang kasaysayan nito maging ang dahilan ng pag-unlad nito.
at lagi kong napapansin na ang kasaganahan ng isang bayan ay may kaugnayan sa Kalayaan. Kung gayo’y ang Kalayaan ay
nakakamit kung aang isang bayan ay may labis na pagmamahal sa sarili at sa kaniyang mga ninuno.

(nagmasid si padre damaso sa sinabi ni Ibarra, kaya’t nabaling ng tingin ng lahat sa padre…)

Padre damaso: yun lang ba ang natutunan mo? nag-aksaya ka lamang pala ng salapi sa iyong paglalakbay. Kahit BATA alam yang
sinasabi mo.

(tila nagpantig ang tenga ni Ibarra sa inasal ng padre. Mas pinili niya ang magtimpi at lumisan na lamang sa lugar na iyon.)

Ibarra: ipagpatawad niyong lahat kung inaakala ni padre damaso na ako’y musmos pa rin kagaya ng dati na madalas silang
magsalo ng aking ama…

(dadako ang tingin ni padre sibyla kay padre damaso at kapansin-pansin na nanginig si padre damaso sa sinambit ng binata)

Ibarra: mga ginoo at binibini, hayaan niyo na akong makapagpaalam na. marami pa akong pangangailangan dapat tapusin.
Natapos naman ang pinakamahalagang bahagi ng hapunang ito. (itinaas ang baso ng alak) mga ginoo, sa ngalan ng espanya at
pilipinas.
(at agad na niyang tinungga ang alak. Nakigaya naman sa kanya ang tiyente.)

Kapitan tiago: sandali lamang, Crisostomo. Huwag ka munang umalis! Mga ilang oras na lamang at sigurado akong ay nandito
na si maria clara, sinusundo na siya ni Isabel. At ang bagong kura ng bayan ay darating din.

Ibarra: pupunta na lamang ako bukas. Sadyang may kailangan lang akong dalawin na hindi maaring ipagpaliban.

(agad ng lumisan si Ibarra natapos ang kanyang sinabi…pagkaalis ni Ibarra ay lumapit si padre damaso sa tabi ni kapitan
tiago)

Padre damaso: nakita mo na?! hindi matanggap ng binata na iyon na napagsalitaan siya ng isang kura. Akala mo kung sino sya
makaasta. Ito ba ang bunga ng pag-aaral sa ibang bansa? Kung ako ang masusunod… dapat ipagbawal na ang pagpapaaral ng
mga batang indyo sa Europa, sapagkat may masama itong epekto.

SCENE 2

Setting: sa isang kalsada sa binondo.

(walang matungguhan si Ibarra. Wari’y paikot-ikot lamang siya. Ilang saglit at naramdaman niya na may kamay na
pumatong sa kanyang balikat. Agad siyang lumingon at nasilayan niya aang isang makiting tinyente…)

Ibarra: tinyente, bakit po kayo naririto. Ano po ang kailangan ninyo?

Tiyente guevarra: halika at sumnod ka saakin.

Ibarra: ho?

Setting: sa kwartel ni tinyente guevarra

(walang nagawa si Ibarra kundi sundin ang tinyente…punta sa gilid. Sa pagkaupo ni Ibarra, muling nagsalita ang makiting
tiyente, hawak ang sigarilyo sa kanyang kamay.)

Tinyente guevarra: binata, magiingat ka at nawa’y magsilbing aral sa iyo ang nasapit ng iyong ama, at itinuri kong matalik na
kaibigan.

Ibarra: (ngumiti pero hindi ngumingiti sa saya kundi na nernerveous ka) muhkang… malapit po talaga sa puso niyo ang aking
ama.

Tiyente guevarra: gusto mo ba malaman ang sinapit ng iyong ama?

(Nawala ang pagkanerveous ni Ibarra, sapagkat nais niya talagang malaman kung ano ba talaga ang dahilan ng
pagkamatay ng kanyang minamahal na ama.)

Ibarra: ano po ba talaga ang nanayari? Alam niyo po ba?

Tiyente guevarra: alam ng lahat ang nangyari sa inyong ama, Akala ko alam mo na…

Nakapagtatakang hindi mo pala alam na siya ay nakulong.

Ibarra: ang ama ko nakulong…?... sanadali lamang. Anong ibig sabihin nito, isang mabuting tao ang aking ama bakit at paano
siya nakulong.

(isinilaysay ng tiyente ang nanyari)

Tiyente guevarra: maraming nagmamahal sa iyong ama dahil sa likas nitong kabaitan… ngunit marami rin siyang mga kaaway.
Karamihan dito ay mga kasitilang sadyang masasama ang uga
Ilang buwan palamang ikaw umalis ng magkasamaan ng loob si padre damaso at ang iyong ama. Pinagbintangan ni padre
damaso na hindi nagngungumpisal ang ama mo gayong matagal na niya itong alam. Mula noon ay palagi ng pinagsasaringan ni
padre damaso ang iyong ama sa tuwing nagmimisa siya. Ngunit masasabi kong higit na marangal sa kanilang lahat si Don
Rafael…

(patuloy lamang sa pakikinig si Ibarra)

Tiyente guevarra: nang mga panahong iyon ay may isang kolektor ng buwis na dating artilyero. Tinanggal siya bilang artilyero
dahil sa kasamaan ng kanyang ugali at sa kamangmangan. Dahil nga hindi marunong magbasa at magsulat ay lagi siyang
niloloko ng mga indyo. Inaabot nila ng pabaliktad ang kasulatan, kunawari’y babasahin ito ng kolektor at at pipirmahin ng akala
mo ay kinahig na manok. Isang araw ay nagkaroon ng alitan ang inyong ama at ang kolektor. Ganito ang nanyari.

--(flashback)—

Kolektor: (inabutan ng sulat) Aaa-A Nnn-naaa? (kunat noong sambit ng kolektor. Pinipilit niyang intindihin ang nakasulat sa
papel. Binabaliktad niya ang papel ngunit wala parin siyang maintindihan. Mapapansin ng mga bata ang kolektor na hirap
na hirap sa pagbabasa.)

Bata 1: (bubulongbulungan ang kasama nito at ituturo ang kolektor)

Bata 2: (tatango at tatawa ng mahina)

Bata 3: (sesenyas ng 1-2-3)

Mga bata: BA-BE-BI-BO-BO!!!! HAHAHAHAHAHAHAHHA!!!(tatakbo)

(dahil sa inis ng kolektor sinugod niya ang mga bata. Hinabol niya ito, dahil nga mabilis ang mga bata ay hindi niya ito
maabutan. Binatuhan niya ito ng mga bato. Sakto namang natamaan niya ang isa at nadapa. Nang malapitan ng kolektor
ang bata ay agad niya itong pinagsisipa.)

Bata: ah! Aray! Tama na po! Taman a po!

(Biglang makikita ito ni Don Rafael at agad pipigilan ang kolektor. Naitulak niya ang kolektor at tumama ang ulo ng kolektor
sa isang malaking bato.)

--pagtatapos ng flashback—

Tiyente guevarra: namatay ang kolektor at nakulong ang iyong ama. Lumabas ang mga kaaway niya at pinagbintangan siyang
erehe at filibustero. Bukod pa doon ay pinagbintangan din ang iyong ama na nagbabasa ng mga pahayagang galing sa madrid.
Nag-iingat din daw siya ng mga litrato at mga sulat ng isang pilipinong pari na binitay dahil sa pagsasangkot sa rebelyon. Maging
ang pagsusuot niya ng barong tagalog ay kasalan din daw sapagkat ang iyong ama ay apo ng isang kastila…(naglalakadka,
nilagpasan mo si Ibarra…dito muhkang nagiisip ka…bilang ka tatlo… tapos tingin ka kay Ibarra) siguro kung walang mga
kaaway ang iyong ama ay hindi siya makukulong…sinabi ng doktor na walang kasalan talaga ang iyong ama, malinaw na
malinaw iyon, pero lahat ng mga ginawa namin para lang makalaya siya ay naging walang saysay. Dumating ang panahon ng
katarungan ngunit… huli na ang lahat. Nagkasit si Don Rafael sa loob ng kulungan at doon siya binawian ng buhay.

(malungkot na yumukod si Ibarra sa upuan. Nagdadalamhati sa kinaawakasan ng kanyang ama. Malungkot ang pagtingin
ng tinyente kay Ibarra… naglakad muli malapit sa kurtina at hinawakan ito.)

Tinyente guevarra: Malalaman mo ang ibang pangyayari kay kapitan tiago.

(tumayo ka Ibarra… nilapitan ang tinyente malungkot ang tono, pero ngumiti padin… inilahad ang iyong kamay)

Ibarra: Maraming Salamat, tinyente. Hanggang sa muli.

(magkakamayan ang dalawa)

Tinyente guevarra: hanggang sa muli ginoo.


(hahawakan ng tinyente sa balikat si Ibarra. Matapos iyon ay tahimik na nilisan ang lugar.)

SCENE 3

Setting: bahay ni kapitan tiago

(nakadungaw at nakaupo lamang si Maria Clara sa kanilang Asotea. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot at
pagkabalisa. Tila ba may hinihintay siya ngunit hindi pa ito dumadating…)

Kapitan tiago: oh. Maria hija(iha). Bakit mag-isa ka lang? at bakit tila malungkot ka? May problem ba? (hahawakan ni kapitan
tiago ang balikat ni maria)

Maria clara: wala naman po. May iniisip lang.

Kapitan tiago: Gusto mo bang magbakasyon muna? Saan mob a nais makapagpahinga, sa Malabon o sa San diego.

Maria clara: sa San die—( hindi natapos ang sasabihin ni maria dahil kay tiya Isabel…)

Tiya Isabel: pinsan, maari ko ba munang makausap ang pamangkin ko? (tumango na lamang si kapitan tiago bilang sagot.
Lalapit si tiya Isabel kay maria at sasabihin…) nandyan na ang kanina mo pang inintay maria. (matapos nya itong sabihin ay
biglang pumasok si Ibarra. Agad na lumiwanag ang muhka ni Maria ng masilayan si Ibarra. Magkakatingin sila.)

(AYIEEEE PLAY LOVE SONG XD)

Kapitan tiago: oh nandirito ka pala Don Ibarra. An— ( siniko ni tiya Isabel si kapitan tiago, napa “aray” ito sa ginawa ng pinsan
at sinabihang “bakit mo ginawa iyon?” pinandalitanng mata ni tiya Isabel si kaapitan tiago. Naunawaan naman agad nito
ang gustong iparating ng pinsan.)

Tiya Isabel: ah eh sigeh maiwan ko muna kayo. Mamamalengke pa ako.

Kapitan tiago: samahan na kita pinsan, may aasikasuhin lang ako sa labas. Maiwan muna naming kayo.

(umalis na ang dalawa at hindi pa rin nag-uusap ang dalawa. Para bang may malaking pader sa pagitan ng dalawa.
Napagpasyihan ni maria na basagin ang katahimikan…)

Maria clara: mabuti naman at naisip mong dumalaw. Akala ko nakalimutan mo na ako. (sabi niya at niyuko ang kanyanng ulo)

Ibarra: (luluhod at hahawakan ni Ibarra ang kamay ni Maria clara) hinding-hindi kita makakalimutan maria. Ultimong sa
panaginip ko ay ikaw ang aking nakikita. naalala ko pa na minsan pinapagalitan ako ng aking compesor, sinasabi niya sa akin na
kalimutan ka na. Ngunit ikaw pa rin ang isinisigaw ng aking puso at isip.

Maria clara: Totoo ba ang mga sinasabi mo?

Ibarra: Hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Lahat ng mga sinsabi ko ay nanggagaling sa puso ko.

(ngumiti si maria clara sa mga matamis na pananalita ni Ibarra.)

Maria clara: kahit kailan talaga napaka bolero mo. (nanahimik muli ang dalawa, saglit lamang ay tumayo na si Ibarra
binitawan ang kamay ni maria clara at salita…)

Ibarra: nakalimutan ko may kailangan akong sabihin saiyo.

Maria clara: ano iyon?

Ibarra: aalis ulit ako sa sumunod na araw patungo sa san diego, kailangan kong puntahan ang pintod ng aking ama sa
sementeryo.

(nalungkot ang talaga sa sinambit ng binata, ngunit hindi niya ito pinigilan. Bagkus binigyan nya ito ng bulalaklak)
Maria clara: humayo ka na, hindi kita pipigilan. Pagdating mo doon ay ialay mo itong bulaklak sa libingan ng iyong ama. Huwag
kang magalala ilang araw rin ay magkikita tayo muli. (yayakapin si ibarra) magiingat ka ibarra. Mahal na mahal kita:

Ibarra: (hihigpitan ang yakap) mahal na mahal din kita, maria clara.

SCENE 4

Setting: Sementeryo

(May dalawang tagalibing na abalang-abala sa paghuhukay. Ang isa sa kanila ay pursigido sa ginagawa, ang isa naman ay
hindi na maipinta ang itsura dahil naaasiwan na ito ng hinuhukay…)

Tagalibing 1: pwede bang sa ibang lugar na lang tayo maghukay?

Tagalibing 2: anu ka ba! ganyan din sa iba!

Tagalibing 1: pero sariwang-sariwa pa itong hinuhukay natin. Yung mga buto ay nagdurugo pa. at ang buhok… woohhhhhh
(yinakap ang sarili at manginginig) hindi ko na kaya! Hindi ako makakatagal masusuka na ako!

Tagaibign 2: napakaselan mo naman! Paano na lamang kung ikaw yung inutusan na humukay ng isang bangkay na dalawanpung
araw pa lamang nalilibing? At Malala pa ay namatay pa ang dala kong ilaw! Isipin mo nga yon!

Tagalibing 1: nakakakilabot naman yang sinasabi mo…

Tagalibing 2: hindi lang iyon. Paano kung natanggal sa pagkakapako ang kabaong at lumuntad yung kalahating katawan ng
bangkay, at napakabaho ng amoy nito.

Tagalibing 1: naku po bakit mo naman kasi hinukay ang bangkay? Atsaka sino ang nag-utos sa iyo na gawin yun?

Tagaibing 2: Makatanong naman ito… TIGILAN MO NA NGA, parang ikaw lang yung kastila na nagtanong sa akin ng palihim. At
gaya ng sagot ko sa kanya, kaya ko hinukay ang bangkay ay dahil inutos ito ng kurang malaki.

Tagalibing 1: ganun? Eh pagkatapos non? Anong nanyari?

Tagalibing 2: edi ayun, ililibing ko na sana sa libingan ng mga intsik. ngunit hindi ko nagawa dahil mabigat yung bangkay at dahil
na rin sa malakas na ulan…. Ayyyyy tigilan mo na nga magtanong, maghukay na lamang tayo. (tahimik na naghukay muli ang
dalawa.)

SCENE 5

Setting: Sementeryo

(nakarating na si ibarra sa libingan kasama ang isang utusan)

Utusan: pasenya na po at hindi po masyadong nadalaw, ang puntod ng iyong ama, sapagkat ako po ay nagkasakit. Sabi po ni
kapitan tiago ay siya ang magpapagawa ng nitso. Tinaniman ko po ng bulaklak at nilagyan ko po ng krus ang kanyang puntod.
Nandun, banda roon po! (itinuro ng utusan, pero sa makikita na ang itinuturong libingan ni don Rafael ay wala doon)

Utusan: hala! Nasaan na? Ang alam ko nadirito lamang iyon (kinamot ng utusan ang kanyang ulo) ah! Masmabuti pa lamang
kung magtanong na lang po tayo doon sa supolturero.

(lumapit sila sa tagapaglibing at…)

Utusan: paumanhin na po ginoo, magtatanong lang kami kung nasaan na po yung libingan po doon? (itinuro ng utusan ang
walang laman na libingan)

Tagapaglibing 2: alin po doon?


Utusan: ayun yung nagiisang libingan na wala nang laman (itinuro niya muli ang nawawalang puntod ni don Rafael)

Tagapaglibing 2: ayun ba?! eh sinunog ko na yung krus nun eh (tinatamad niyang sinabi)

Ibarra at utusan: bakit mo sinunog?!

Tagapaglibing: ahhhhmmmm sinabi kasi ito ng kurang malaki, yung mataba ah este malaki ay matangkad pala. Yung namamalo
(ginagaya yung nagpapalo na parang may hawak na latigo), si…. Ah ayun si padre garote.

Ibarra: kung gayo’y nasaan na ang puntod ng aking ama? Siguro naman ay naaalala mo kung saan siya inilibing.

(bahagyang natawa ang tapaglibing)

Tagapaglibing 2: ngunit wala yung bangkay na hinahanap niyo diyan, inutusan ako nung kurang malaki na ilibing ito sa libingan
ngmga intsik, ngunit malakas yung ulan noon kaya…

(hindi na mapigilan ni ibarra ang kanyang sarili at hinawakan niya ng madiin ang tagapaglibing sa kanyang bisig at ito ay
kanyang niyugyog)

Ibarra: AT ANO ANG GINAWA MO HA?! (yugyog)SABIHIN MO!

Tagapaglibing 2: H-hindi ko p-po nagawang iyon, k-kaya naisip ko na itapon ko na lang sa may ilog kaysa mapasama sa mga
intsik. Kaya ginoo huwag na po kayo Magalit (matakot na nasabi ng tagapaglibing. Hindi mapigilan ni ibarra ang kanyang
pagkagalit at lalong diniin ang paagkahawak sa tagapaglibing at…)

Ibarra: IKAW AY ISANG SAWIMPALAD!! (pabigla ang bitaw nya sa tagapaglibing at ito sa nahulog sa lupa at tumakbo ito
paalis sa lugar, umikot pabalik si ibarra sa puntod ng kanyang ama ng biglang natanaw nya si padre salvi, bigla na lamang
dumilim ang kanyang paningin)

Ibarra: ANONG GINAWA MO SA BANGKAY NG AKING AMA?! (sambit nito habang hawak ang pare sa magkabila nitong
balikat- madiina ng paghawak nito at unti-unting naluhod ang pari sa ginawa ng bata)

Padre salvi: wala akong alam sa sinasabi mo!

Ibarra: anong walang alam! Magsabi ka ng totoo! (mas lalo pa nyang diniinan ang hawak sa padre)

Padre salvi: wala talaga akong ginawa, maniwala ka saakin. Baka ang kurang pinalitan ko na si padre damaso ang tinutukoy
niyong may nagawang masama sa inyong ama.

Ibarra: ah! (napasapo sa kanyang ulo si ibarra at mabilis na siyang lumisan. Iniwan naman niya ang padre na nakaharang sa
daan, tinulungan naman ito ng utusan upang makatayo ng maayos)

SCENE 6

Setting: Sa loob ng simbahan-kampanaryo

(tuloy-tuloy ang pagbuhos ng malaks na ulan. Ngunit patuloy ang parin ang pagbatingaw ng kampana- play music kidlat,
umuulan at kulog)

Note: Anak ni sisa na si basilio ay hindi si kapitan basilio. Magkaibang tao sila at walang relasyon sila sa isa’t isa, kaya tawag ko
kay basilio ay B. basilio

B. basilio: batakin mo pa ang lupid crispin!

Crispin: kuya! Ayoko na dito natatakot na ako. Umuwi na tayo. Sa bahay ay hindi ako natatakot, doon hindi ako nasasaktan at ay
hinding- hindi ako pagbibintangan na magnanakaw…hanggang kelan tayo ganto kuya? Sana paguwi natin kuya magkasit na
lamang tayo, tapos aalagaan tayo ni nanay…

B. basilio: huwag! Mas mahirap kung magkakasakit tayo. Mamamatay sa sama ng loob si nanay at tayo naman ay dahil sa
gutom.
(ilang sandal pa ya darating ang sakristan mayor)

Sakristan: Basilio! Walang hiya ka! Mimultahan ko ng kalahati ang sweldo mo!

B. basilio: po?! Bakit naman po!

Sakristan: anong bakit! Maling mali ang pagtunog ng kampana! At ikaw naman crispin! Hindi ka makakauwi hanggat hindi mo
nailalabas ang iyong ninakaw!!

B. basilio: may paintulot na po kaming umuwi! Hinihintay na lang po naming dumating si ina.

Sakristan: hinde! Mamayang pa kayo makakalis dito!

B. basilio: ginoo, alas-nuwebe palamang po ay hindi na maaring maglakad sa daan. Sigurado po ako na mahuhuli kami ng
guawrdiya sibil!

Sakrstan: Abaaaa’t inuutusan mo ako?! (tinig nito at hinawakan ang magkabilang balikat ni basilio at hinila papalapit sa
kanya) ito ang tandaan mo. MAS mataas ang posisyon ko kaysa sa inyo, isaksak mo yan sa kukote mo (duduruin ang noo ni
basilio) kaya wala kang karapatan na pagsabihan moa ko, naiintindihan moa ko? hah?! (tatango si basilio at sasagot ng opo)
mabuti naman kung ganon. At ikaw naman! (itinuro si crispin) sumama ka sa akin (hindi gumalaw si crispin kaya kinaladkad
siya ng sa kristan mayor)

Crispin: kuya!!!kuya tulungan mo ako!!!(sigaw nito nagpupumiglas pa)

B. basilio: babalikan kita crispin pangako, ngunit ngayon kailangan ko muna makatakas dito (wika nito sa sarili)

SCENE 7

Setting: bahay ni sisa

(nag-aayos ng hapagkainan si sisa ng may biglang pumasok…)

Sisa: oh! Ikaw pala yan pedro.

Pedro: at sino pa ba inaasahan mo ah?! Tabi nga (tutulak si sisa. Diretso agad si pero sa kanilang kainan.)

Sisa: para sa mga anak natin yang hinahanda ko.

Pedro: peste naman oo! Edi hindi ako kakain?? Yun ba ang gusto mong sabihin?! (hahawakan ng mahigpit sa braso ni sisa.)

Sisa: hindi naman sa ganun. Sige kumain ka na.

(bibitawan ni pedro si sisa at marahing itutulak)

Pedro: wag na! wala na akong gana…kapag dumating ang mga anak siguraduhin mong ipagtatabi moa ko ng pero galing sa
sweldo nila. (biglang umalis)

B. basilio: nay! Nay! (patakbo at niyakap si sisa)

Sisa: anong nanyari sayo! at nasaan na ang kapatid mo?!

B. basilio: (binitaw ang yakap sa ina) si crispin po. Kinuha po siya ng sakristan mayor papunta sa kumbento. Pinagpintangan po
nilang nagnakaw si crispin. Ayaw rin po nila akong pauwiin pero nakatakas po ako.

Sisa: mahabag na diyos, iligtas ang akin anak.

B. basilio: inaantok na po ako inay. Matutulog naa lamang po ako.

Sisa: ganun ba? sige humiga ka na sa silid anak susunod din ako…
SCENE 8

Setting: bahay ni sisa/ lansangan

(habang nagaayos si sisa may biglang kumatok…)

Kawal 1: ikaw ba ang ina ng magnanakaw?

Kawal 2: magtapat ka kung ayaw mong barilin ka namin.

Sisa: ina ng magnanakaw?

Kawal 1: nasaan na ang salapi na binigay ng anak mo?

Sisa: salapi? Anong salapi?

Kawal 2: huwag ka nang magsinungalin! Sabihin mo na lang kung nasaan ang anak mo. ang malaki ay nakatakas. Saan mo dinala
yung maliit?

Sisa: mga ginoo, si crispin po ay matagal na hindi umuuwi dito. Pumunta po ako sa kunmbento kanina at ang sabi ay-

Kawal 1: tama na! ang mabuti pa ay ibigay mo ang salapi na ninakaw ng mga anak mo at pababayaan ka na namin.

Sisa: pero hindi magnanakaw ang mga anak ko, kahit wala na sila makain hinding-hindi nila magagawa iyon. Kilala ko ang mga
anak ko.

Kawal 2: kung gayon sumama ka na lang saamin sa kwartel!

(kinulong nila si sisa sa kwartel. Dalawang oras siya nanatili doon hanggang sa nalaman ito ng alperes at pinalaya agad
siya. Ng makalaya naman si sisa ay mabilis na tuakbo puawi sa tahanan nila. Ng makauwi siya nakakita ng kapirasong
damit na may bahid ng dugo…)

Sisa: ang damit ni basilio… may dugo… hahahahah may dugo…huhuhuhu. May dugo ang damit ni basilio. hahaha…
hahahaha…huhuhu…ahahhaaha… hahahha…

BASILIO! CRISPIN! MGA ANAK KO HUHUHUHU! NASAAN NA KAYO! NASAAN NAAAAA…HAHAHAHA NAWAWALA YUNG MGA
ANAK KOOOOO… IKAW! (POINT SA MGA CROWD) IKAW SIGURPO ANG KUMUHA SA KANYA NO?! SUMAGOT KA?! NAWAWALA
YUNG MGA ANAK KO AT KAGAGAWAN NIYO TONG LAHAT. LAHAT KAYO?! Huhuhuhuuuu…. Ay sandali ahahaha… yung mga
naghihintay siguro sa aking yung mga yun haha. Sandali lamang ha… babalik lang ako

SCENE 9

Setting: ilog

(kasalukuyang nakasakay sa bangka sina maria clara and co w/ ibarra)

Iday: maria kumanta ka naman, para naman magkaroon ng pagkakasigla ang paglakbay na ito.

Maria clara: malulungkot ang mga kinakanta ko kaya wag na lang.

Victoria: ayos lang kahit malungkot para lang magkaroon tayo ng inga ang tahimik eh hahaha.

Sinang: sigeh na maria pumayag ka na.

Maria clara: hay, sigeh na nga.

Leon: buwaya? May buwaya!

(napatutulala ang lahat sa ma-anghel na boses ni maria hanggang sa may buwaya nag pakita… nagulat ang lahat. Walang
kaabog-abog na tumalon ang bangkero sa lawa, aga na nagsigawan ang lahat)
Leon: huwag kayong mbahala magaling ang binatang iyon sa paghuhuli ng mga buwaya.

(ilang sandal pa ay wala pa ring bangkero na lumilitaw kaya napagdesisyonan ni ibarra na sumunod sa lawa. Mabilisang
nasagip ni ibarra ang bangkero)

Ibarra: ginoo… (tapik ang pisngi ni elias) ginoo…

Elias: ahem ahem ahem… Salamat ginoo, utang ko sainyo ang buhay ko. (sambit na halatang nang hihina pa)

Ibarra: hindi niyo dapat ginawa iyon. Hind dapat kayo nagpadalos-dalos sa mga desisyon na gagawin niyo. Mabuti nalang ay
hindi kayo napahamak.

Maria clara: ngunit paano kung ikaw ang napahamak?! Ha! Ano na lang sa tingin mo ang mangyayari saakin?!

Ibarra: kung ako’y napahamak at sinundan mo ako ay malamang ay kasama ko na ang aking mga mahal sa buhay ngayon.

Sinang: ang mabuti pa ay siguro umuwi na tayo. Hindi maganda ang nanyari at tiyak akong pagod na rin ang ilan.

(at nag sa gawa na ng pagbalik ang bangkero)

SCENE 10

Setting: lansangan

(namamasyal sina maria claara at ibarra kasama ang mga kaibigan ng may nakita silang ketongin na nagmamalimos)

Maria clara: sino kahabag-habag na tao na iyon?

Iday: apat na taon na syang ganyan. Ang sabi nagkaganyan siya dahil inaalagaan nya ang kanyang ina pero ang sabi ng mga iba
pa ay nakuha niya daw yan sa loob ng bilangguan. Lumalayo siya sa mga tao ngunit pinapalo siya ng kaptan.

Maria clara: bakit naman piapalo ng kapitan?

Iday: may inigligtas daw kasi siyang bata na nahulog sa kanal. Nakita ito ng kapitan at nagalit sa kanya, sinasabi na mas mabuti
na lang na mamatay ang bata kay sa mahawa sa sakit niya.

(naawa sim aria sa kwento ng ketongin at nilimusan niya ito ng kanyang kwuntas na ibinigay sa kanyang ni kapitan tiago)

Victoria: bakit mo ginawa iyon maria?

Maria clara: kase wala akong kayang ibigay sa kanya kundi yuon lamang.

(biglang papasok si sisa mula sa kawalanat hahawakan ang kamay ng ketongin)

Sisa: halika, magdasal tayo sa simbaha ayun oh hahahhaa. Andun yung mga anak koo~~~ dalawa sila at sadyang mabait hahha
(at magsasagawa ng sayaw na paring baliw)

Maria clara: akala ko ba may ginawa ka nang paraan para matulungan ang babae na iyan?

Ibarra: wala pa akong nagagawa. Pero nakausap ko na yung kura at hana niya akong tulungan.

(mapapansin na may mga kawal na lumapit kay sisa)

Ibarra: at saan niyo siya dadalhin? Anong ang nagawa niyang kasalan at huhulinhin niyo siya.

Kawal 1: malinaw na malinaw naman ginoo na nanggugulo ang babaeng ito kaya naming siya huhulihin.

(agad na umalis ang mga kawal habang kinakaladkad si sisa- na baliw parin magsalita. Nilisan agad nila ibarra ang lugara
bumalik sa tahanan)
SCENE 11

Setting: Simbahan

(labis na namangha at labis ng nakaintindi sa sinabi ni pare damaso. Aalis na dapat si alperes, sa pagkaalalang
pinasasaringan siya ni padre damaso ngunit…)

Padre damaso: ginoong alperes, diba’t higit na matapang at makapangyarihan ang krus kay sa kahit anong sandata?

(si kapitan tiago ay napapapikit na at halos lahat ay naghihikab na. sim aria clara naman ay di na rin nakikinig bagkus
nakaitingin na lamang siya kay ibarra. Patuloy parin ag pagsesermon ng padre kahit wlaa nang nakikinig sa kanya)

(biglang lumapit si elias kay ibarra)

Elias: mag-ingat ka kapatid. Sa pinatatayo nyong paaralan ay huwag kayong lalapit unang batong ihuhugos at huwag rin kayong
lalayo sa kura.

Ibarra: ngunit bakit?

Elias: may nangangamabang panganib sa iyo. Basta’t wag na po kayong magtanong at sundin niyo na lang sinasabi ko, ito ay
para rin sa inyo.

Padre damaso: …. Dapat niyong malaman ang mga mahahalaga at mga kailangan bagay ngunit marami sa inyo ang nakakalimot
kaya namamatay ng di nagsisi. Nasasabi nga bibliya na “kung meron kayong isang bahagi ng katawan na nagtutulak sa inyo sa
pagakasala, putulin iyon at itapon sa apoy!” mga kaibigan, magsitayo tayong lahat.

SCENE 12

Setting: paaralan

(maraming tao ang nasa paralan)

Alkalde: ginoong ibarra, maasahan ninyo ang aking tulong. Anumang kailangan niyo ay gagawin ko o kaya nawa’y iuutos ko sa
mga tauhan ko.

Ibarra: Salamat po. Ngunit ngayin wala pa naman po akong inuutos.

(ilang sandali na lamang ay nag basbas na si parenf salvi)

Padre salvi: hindi ba kayo maglalagay ng palitada don ibarra.

Ibarra: hindi na, ayoko naman matulad kay juan palomo. (sambit nya na may ngiti sa labi)

Alkade: sige ginoo, maglalagay na ako ng palitada.

Ibarra: sige na nga

(nang makumpata si ibarra ay nagsitumabahan na lahat ng bato at lumikha ito ng mga alikabok. Nag sigawan at
nagtakbuhan lahat ng mga tao.)

Ibarra: tulungan niyo akong Inahon angsawinpalad na lalaki

(maraming lumapit para tulungan si ibarra at si maria ay nahimatay)

Sinang: maria?! Maria hoy! Gising!

Alkade: don ibarra! Ayos lang po ba kayo?

Ibarra: ayos lang ako. Ako na bahala sa pagsisiyasat ng kasong ito.

Pilosopo tasyo: napakamasama itong simula.


SCENE 13

Setting: hapag-kainan

(isang marangyahang pananghalian ang pinagsasaluhan ng mga mamayanan sa san diego. Nang may nantanggap na
telegram si kapitan tiago na ibinigay ng isang kawani ng telegrapo)

Kapitan tiago: mga padre, ginoo, at binibini. Ipagpatawad nyo at kailangan ko nang umalis. Nagpadala saakin ng telegram ang
kapitan heneral at siya ay darating mamaya. Kailangan ko pang magayaos ng bahay para sa pagdating niya, sapagkat sa tahanan
ko siya ay tutuloy. Paalam

(at kumaripas na ng takbo si kapitan tiago. Ilang saglit pa ay dumating si padre damso binate siya ng lahat maliban kay
Ibarra na nagulat sa pagdating nito. Masiglang pinuntahan ni padre damaso ang isang bakanteng upuan ngunit agad siyang
napasimangot ng Makita niyang nakaupo si maria sa gawing kanan ni Ibarra)

Padre damaso: oh? Ano nga pala ang inyong pinaguusapan nuong ako’y hindi pa dumadating?

Alkalde: binabanggit po ni ginoong Crisostomo ang mga taong tumulong sa kanya sa pagpapatayo ng paaralan at ang
arkitektong gumawa ng plano.

Padre damaso: (matatawa) balewala sa akin ang mga arkitekto natatawa ako sa mga taong kumukuha ng serbisyo sa arkitekto,
ipinapakita lamang nila na sila ya mga mangmang. Ako nga, ako lang nagplano ng simabahan natin.

Alkalde: pero kailangan ng isang eksperto upang makapagtayo ng isang gusali gaya ng paaralan

Padre damaso: eksperto? Nagbibiro ka ba ? ang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang bubong na sawili. Diba
napakadali, tapos kailangan pa ng isang dalubhasa. Hahahaha nagpapatawa ka talaga, ginoo

(lahat ng tao ay napatingin kay Ibarra, ngunit nanatiling walang kibo si Ibarra at kunwaring ay abala sa kanyang kinakain.)

Padre Damaso: Tingnan mo nga naman ang mga indyo, kapag natuto ng kaunti ay masyado ng nagiging palagay at
mayabang. Silang lahat ay hindi nararapat sa mundong ito. Kaya naman pinarurusahan ang mga magulang ng mga
iyan. Ha! Nangamatay sa piitan

(Hindi na napigilan pa ni Ibarra ang sarili at nilundagan na niya ang padre.)

Ibarra: Bawiin mo ang mga sinabi mo. (Sabi ni Ibarra habang nasa itaas ni Padre Damaso at habang
kinukwelyuhan ito.)

Padre Damaso: Bakit? Totoo naman ang mga sinabi ko ah. (Sambit ng padre na may halong panunuya sa tinig
niya.)

(Labis na naginit ang ulo ni Ibarra at aambangan na sana niya ng suntok ang padre ng....)

Maria Clara: Crisostomo! Tama na! (Sigaw ni Maria habang hinihila palayo si Ibarra ngunit ayaw paawat ni
Ibarra kaya kailangan pang tumulong ang ibang bisita magawat lamang ito.)

Ibarra: Hindi masamang tao ang ama ko!!!! (Sigaw niya kay padre Damaso habang nagpupumiglas sa mga
umaawat sa kanya. Si Padre Damaso naman ay nakaupo na sa sahig at pinapakalma na ni Padre
Sibyla.)...Isang marangal na tao ang aking ama. Mabuti siya,ang nais lamang niya ay mapabuti ang kanyang
bayan.

(Kumuha ng kutsilyo si Ibarra at ilalapat na sana niya kay Padre Damaso ngunit biglang pumagitna si Maria
kaya unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Ibarra sa patalim na hawak hanggang sa nabitawan niya ito.
Tila natauhan siya.Gulong-gulo ang utak ni Ibarra napatakip siya sa kanyang mukha at patakbong nilisan ang
lugar.)

You might also like