Professional Documents
Culture Documents
SCENE 1
SETTINGS: TAHANAN NI KAPITAN TIAGO
Isang marangyang salu-salo ang ipinag anyaya ni Kapitan Tiago. Ang handaan ay
ginaganap sa kaniyang bahay na nasa daang Anluwage na karatig ng Ilog-Binundok.
KAPITAN TIAGO: Magandang gabi sa inyo, mga padre, gayundin sa inyo mga ginoo at
binibini.
KAPITAN TIAGO: Ikinararangal kong ipakilala sa inyo si Don Crisostomo Ibarra, anak ng
kaibigan kong si Don Rafael Ibarra. Kararating niya lang mula Europa.
*Ang lahat ng mata ay na kay Ibarra. Kitang kita sa mga mukha ng mga panauhin ang
pagkamangha. Maliban lamang kay Padre Damaso na hindi maipinta ang itsura*
IBARRA: Aba! Naririto pala si Padre Damaso. Ang matalik na kaibigan ng aking ama.
Ikinigagalak ko kayong makita.
*Agad na inilahad ni Ibarra ang kaniyang kamay upang kamayan si Padre Damaso.
Tila naestatwa si Padre kaya hindi nagawang kumibo sa kaniyang pagkaupo*
PADRE DAMASO: Hindi ka nagkakamali, Ginoo. Ako nga si Padre Damaso. Ngunit
kailanman ay hindi ko naging kaibigan ang iyong ama.
*Dahan dahan inurong ng binata ang kaniyang kamay dahil sa labis na pagkahiya.
Maglalakad na sana palayo si Ibarra ng biglang..*
IBARRA: Ginoo, maraming salamat sa iyong papuri sa aking ama, dahil sa iyong
sinambit ay tila ba'y nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Sandaling nawala ang aking
pagaalinlangan sa kaniyang sinapit.
*Hindi natapos ang usapan nila dahil pumasok ang tagasilbi. Ang pagsulyap din ni
Padre Damaso sa Tinyente ay sapat para layuan niya ang binata.*
*Isa isang magsisipuntahan ang mga panauhin sa hapag kainan. Ang ibang bisita ay
magiliw na nag uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiago.*
DONYA VICTORINA: Ano ba yan! (Nainis dahil natapakan ng tinyente ang Kola ng
kaniyang saya habang tinitingnan nito ang pagkakulot ng kaniyang buhok)
*sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasabay sina Padre Damaso at Padre Sibyla
sa kabisera ng lamesa*
PADRE SIBYLA: Ang upuang ito ay nakalaan sa inyo, Padre Damaso. Higit kayong
nakakatanda, mataas ang katungkulan at kapangyarihan.
PADRE DAMASO: Hindi naman ako ganun katanda. Sa tingin ko'y ikaw ang para sa
upuang ito sapagkat ikaw na ang kura ng bayang ito.
PADRE DAMASO: Hindi ko inuutos! (Mariin na bigkas ng Padre ngunit hindi na ito
pinansin ni Padre Sibyla at umupo na lamang. Wala ng nagawa si Padre Damaso at
kumuha na lamang ng ibang upuan.)
*Isa isang dumudulog ang mga panauhin sa hapag kainan at lahat sila'y nakaupo na.
Ngunit si Kapitan Tiago na mismong may ari ng tahanan ay hindi pa rin ito nakaupo.
Napansin ito ni Ibarra.*
IBARRA: Kapitan Tiago, halina at saluhan ninyo kami. Dito ka na maupo sa upuan ko.
KAPITAN TIAGO: Naku! Huwag na. Ang salu-salong ito ay sadya kong ipinahanda
bilang pasasalamat sa Birhen sa inyong pagdating.
DONYA VICTORINA: Hindi niyo ba nalimutan ang Pilipinas? Matagal tagal din ang
pitong taon.
IBARRA: Hindi mangyayari iyon. Lagi kong aalalahanin ang lupang aking sinilangan.
IBARRA: Mahigit isang taon na rin akong hindi nakakabalita sa Pilipinas. Ni hindi ko alam
kung paano at kailan namatay ang aking ama.
IBARRA: Wala po ako masiyadong nakilala roon sapagkat hindi ako nagsasalita ng
Kastila. Maliban na lamang kung ako'y nasa harap ng ilang konsulado.
IBARRA: Bago ko puntagan ang isang lugar ay pinag aaralan ko muna ang
kasaysayan nito, maging ang dahilan ng pag unlad nito. At lagi kong napapansin ang
kasaganahan ng isang bayan ay may kaugnayan sa kalayaan.
*Nasamid si Padre Damaso sa sinabi ni Ibarra kaya't nabaling ang tingin ng lahat sa
kaniya*
PADRE DAMASO: Yun lang ba ang natutunan mo? Nag aksaya ka pa ng salapi para sa
iyong paglalakbay. Kahit bata alam yang sinasabi mo.
IBARRA: Ipagpatawad niyong lahat kung inakala ni Padre Damaso na ako'y musmos
pa rin kagaya ng dating madalas silang magsalo ng aking ama.
*Dadako ang tingin ni Padre Sibyla kay Padre Damaso at kapansin pansin na nanginig
si Padre Damaso sa sinambit ng binata.*
IBARRA: Mga ginoo at binibini, hayaan niyong ako ay magpaalam na. Marami pa
akong dapat tapusin na pangangailangan. Natapos nanaman ang
pinakamahalagang bahagi ng hapunang ito. (Itataas ang baso ng alak.) Mga ginoo..
Sa ngalan ng Espanya at Pilipinas.
KAPITAN TIAGO: Sandali lamang! Huwag kayong umalis! Mga ilang oras na lamang
siguro ay nandito na si Maria Clara, sinusundo na siya ni Isabel. At ang bagong kura ng
iyong bayan ay darating din
IBARRA: Pupunta po ako dito bukas. Sadiyang may kailangan lamang akong dalawin
ngayon na hindi maaring ipagliban.
*Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudoos Coloniales ang tungkol sa
leeg at pakpak ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu salo. Ang may handa ay
walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang
lupain.*
SCENE 2
Walang matunguhan si Ibarra. Wari'y paikot ikot lamang siya. Ilang sandali pa
naramdaman ng binata na may kamay na pumatong sa kaniyang balikat. Agad
niyang nilingin ito at nasilayan niya ang isang nakangiting tinyente.
TINYENTE GUEVARRA: Binata, mag iingat kayo. Nawa'y nagsilbing aral sa inyo anf sinapit
ng inyong ama.
IBARRA: Mukhang malapit sa puso ninyo ang aking ama. Maari niyo bang ikwento sa
akin ang totoong sinapit ng aking ama?
TINYENTE: Batid ng lahat ang nangyari sa inyong ama. Namatay ang inyong ama sa
bilangguan.
IBARRA: Ang ama ko? (Kunot noong tanong niya) Nakulong? Siya ay namatay sa
bilangguan? Sandali lamang. Kilala niyo ba ang aking ama?
TINYENTE: Opo. Si Don Rafael Ibarra ang inyong ama. Akala ko'y malalaman ninyo.
Huwag kayong mababahala. Sa bayang ito ay hindi maaaring maging marangal ng
hindi nabibilanggo. Nakapagtatakang hindi niyi pa alam na siya ay nakulong.
IBARRA: Maaari po bang isalaysay ninyo aa akin ang nangyari? At kung bakit siya
nakulong?
TINYENTE: Maraming nagmamahal sa inyong ama dahil sa likas nitong kabaitan. Ngunit
marami rin ang naiinis at naiinggit. Karamihan dito ay Kastila na sadiyang masasama
ang ugali.
TINYENTE: Ilang buwan pa lamang kayong umalis nang magkasamaan ng loob si Padre
Damaso at ang iyong ama. Pinagbintangan ni Padre Damaso na hindi
nangungumpisal ang ama mo. Mula noon ay palagi ng pinasasaringan ni Padre
Damaso ang iyong ama tuwing nagmimisa siya.
TINYENTE: Nang mga panahong iyon ay may isang kolektor ng buwis na dating
artilyero. Tinanggal siya bilang artilyero dahil sa kasamaan ng ugali at kamangmangan.
Dahil hindi marunong magbasa at magsulat ay lagi siyang niloloko. Isang araw
nagkaroon ng alitan ang iyong ama at ang kolektor. Ganito ang nangyari..
FLASHBACK
KOLEKTOR: (Inabutan ng sulat) Aaa-a-Nun-Naaaa? (Kunot noong sambit ng Koletor.
Pinipilit niyang intindihin ang nakasulat sa papel.)
BATA 3: (Senyas ng 1 2 3)
Dahil sa inis ng kolektor ay hinabol niya ang mga bata at sinugod ito. Hindi niya ito
naabutan dahil sa mabilis ang mga ito. Binato niya ng bato ang mga bata. Napaluhod
ang bata dahil sa lakas ng pagkabato. Nang malapitan ng kolektor ang vata ay agad
niya itong pinagsisipa.
Natiyempo na dumaan si Don Rafael sa lugar na iyon. Lalong nagpuyos sa galit ang
artilyero dahil minsan na niyang nakaalitan si Don Rafael, at si siya ang kaniyang
hinarap. Walang ibang nagawa si Don Rafael kundi ipagtanggol ang sarili. Sa hindi
malamang dahilan ay bigla na lamang itong sumuray suray at dahan dahang
dumuwal. Terible na ang kaniyang pagduduwal dahil sa pagtama ng ulo nito sa isang
malaking bato.
END OF FLASHBACK
TINYENTE: Namatay ang kolektor at nakulong ang iyong ama. Lumabas ang maraming
kaaway ng iyong ama at maraming ibinintang sa kaniya. Sinabi ng isang doctor na
alta presyon ang naging sangi ng pagkamatay ng kolektor, malinaw na malinaw na
walang kasalanan ang iyong ama. Ginawa ko ang lahat upang makalaya si Don
Rafael, maraming tao ang tinanggihan ako dahil ayaw nilang madamay. Dumating
ang araw ng katarungan ngunit huli na ang lahat. Nagkasakit si Don Rafael sa loob ng
kulungan at doon na siya binawian ng buhay.
TINYENTE: Malalaman mo ang ibang pangyayari kay Kapitan tiago. (Nagkamayan sila)
Kailangan kong bumalik sa kwartel. Hanggang sa muli, ginoo.
KAPITAN TIAGO: Oh, Maria, hija. Bakit mag isa ka lang? At bakit tila malungkot ka? May
problema ba? (Hahawakan ni Kapitan Tiago sa balikat si Maria)
MARIA CLARA: Sa San dieg- (Hindi na natapos ang sasabihin pa ni Maria dahil kay Tiya
Isabel)
TIYA ISABEL: Pinsan, maari ko bang makausap ko muna ang pamagkin ko?
*Matapos niya itong sabihin ay biglang papasok si Ibarra. Agad na lumiwanag ang
mukha ni Maria. Nagkatitigan sila..*
KAPITAN TIAGO: Oh, narito ka pala Don Ibarra. An-- (Siniko ni Tiya Isabel ang kaniyang
pinsan. Napa-aray naman ito at tinanong kung bakit niya iyon ginawa. Pinandilatan
lamang ng mata ni Tiya Isabel si Kapitan Tiago. Naunawaan naman nito agad ang
gustong iparating ng pinsan)
TIYA ISABEL: Sige. Maiwan ko muna kayo rito. Mamamalengke papala ko.
KAPITAN TIAGO: Ako rin. May aasikasuhin lang. Maiwan ko muna kayo.
*Umalis na ang dalawa ngunit hindi parin nag uusap si Maria at Ibarra. Kaya naman
napagpasiyahan ni Maria na basagin ang katahimikan*
IBARRA: (Yayakapin mula sa likod si Maria) Hinding hindi kita makakalimutan, Maria.
Ultimong sa panaginip ko ay ikaw ang aking nakikita. Hindi ka kailanman nawala sa isip
at puso ko. Sumumpa ako sa harap ng bangkay ng aking ina na ikaw lamang ang
aking mamahalin.
IBARRA: Kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sa iyo. Lalo na't ang mga binibitawan
kong salita ay mula sa aking puso.
MARIA CLARA: (haharap kay Ibarra at hahampasin ito ng mahina sa braso) Kahit kailan
talaga napakabolero mo. Sandali.. (bibitaw sa yakap si Ibarra) Naalala mo ba ito?
(Pinakita ang sulat ni Ibarra)
IBARRA: Nakalimutan kong may kailangan pala akong gawin. Kailangan kong
magtungo sa aking bayan upang madalaw ang aking ama sa sementeryo.
*Nalungkot si Maria sa sinambit ni Ibarra ngunit di niya ito pinigilan bagkus nag abot pa
ito ng bulaklak*
MARIA: Humayo ka na, hindi kita pipigilan. Pagdating mo roon ay ialay mo itong
bulaklak sa libingan ng iyong ama. Huwag kang mag alala ilang araw rin lang ay
magkikita tayong muli. (yayakapin ai Ibarra) Mag iingat ka Ibarra. Mahal na mahal kita.
IBARRA: Maraming salamt sa iyong pag unawa Maria. Mahal na mahal din kuta.
SETTINGS: SEMENTERYO
Tagapalibing1: Naku po! Bakit mo naman kasi hinukay ang bangkay? Atsaka sino ang
nag-utos sa iyo na gawin yun?
Tagapalibing2: Makatanong naman ito! Parang ikaw lang yung Kastila na nagatnong
sa akin ng palihim. At gaya ng sagot ko sa kanya ay kaya ko hinukay ang bangkay na
iyo dahil inutos ito ng kurang malaki.
Tagapalibing2: Inilibing ko ito sa libingan ng mga Intsik gaya ng sabi ng kurang malaki.
Ngunit hindi ko ito nagawa dahil sa kabigatan ng bangkay at dahil na rin sa malakas
ang ulan ng mga panahong iyon. Hay naku! Wag ka na nga ulit magtanong
maghukay na lamang tayo.
SETTINGS: SEMENTERYO
Matanda: Magandang araw sa iyo,ginoo. Magtatanong lamang sana kami kung may
napansin kayong libing,may palatandaan itong malking krus. At noon ay nakalibing
banda duon.
Matanda: Oo yun nga! Maaari niyo bang dalhin kung nasaan ang libing na yuon?
Tagapalibing2: Yun ba?! Eh sinunog ko na ang krus nun eh (sagot nito na wari’y
tinatamad)
Tagapalibing2: Dahil ito ang sabi ng kurang malaki. Yung kurang namamalo,si Padre
Garote. (sagot nito na halatang natatakot na)
Ibarra: Kung gayo’y nasaan na ang puntod ng aking ama? Siguro naman ay naaalala
mo kung saan siya nakalibing.
Tagapalibing2: Ngunit wala na ang bangkay na sinasabi niyo diyan. Hinukay ko na ito
at inutos sa akin ng kurang malaki na ilibing ito sa libingan ng mga Intsik ngunit dahil
nga malakas ang ulan ng gabing iyon ay…..
(Hindi na napigilan ni Ibarra ang sarili,hinawakan niya ng madiin ang tagapaglibing sa
kanyang bisig at niyugyog…)
(At tumuyan na itong umalis sa lugar na iyon. Habang naglalakad si Ibarra ay natanaw
niya si Padre Salvi,bigla na lamang nandilim ang paningin niya at….)
Ibarra: Anong ginawa mo sa bangkay ng aking ama?! (Sambit nito habang hawak
ang padre sa magkabila nitong balikat-madiin ang pagkakahawak nito. Unti-unting
napalunod ang pari sa ginawa ng binata)
Ibarra: Anong wala! Magsabi ka ng totoo! (Mas lalo pa niyang dinianan ang hawak sa
padre)
Padre Salvi: Wala po talaga akong ginawa. Baka po ang kurang pinalitan ko na si
Padre Damaso ang tinutukoy niyong may nagawang masama sa inyong ama.
Ibarra: Ah! (Napasapo sa kanyang ulo si Ibarra at mabilis na siyang lumisan. Iniwan niya
ang padre na nakalupasay sa daan,tinulungan naman ng matandang utusan ang
padre upang makatayo ng ayos.)
SCENE 6
Anak siya ng mayaman. Pero dahil sa sobrang katalinuhan ay pinahinto siya pag aaral.
Natakot ang mga magulang na baka makalimutan na niya na may Diyos. Isa pa, gusto
nang kaniyang Ina na siya'y mag Pari kaso hindi niya ito sinunod, bagkus siya ay nag
asawa. Gayunpaman, pagkalipas ng isang taon, namatay ang kaniyang asawa.
Iniukol na lamang ni Pilosopo Tasyo ang sarili sa pagbabasa.
KAUSAP: Bakit masaya pa rin ang iyong mukha kahit nagbabadya na ang malakas na
ulan?
PILOSOPO TASYO: (nakangiti) Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag asa
sapagkat ito ang magdadala sa ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at
susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat sa may
sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng
tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako'y pinagtawanan lamang ng lahat.
Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang
bata ng pagkain ngunit tumaggi ang mga ito.
SCENE 7
Crispin: Kuya,ayoko na dito natatakot ako. Umuwi na tayo. Sa bahay ay hindi ako
natatakot,doon ay hindi ako sasaktan at doon ay hinding-hindi ako pagbibintangang
magnanakaw….. Hanggang kelan tayo ganito,kuya? Sana pagkauwi natin ay
magkasakit na lamang ako para aalagaan ako ni nanay at hinding-hindi na niya ako
pababalikin dito sa kumbento. Ikaw din kuya,sana magkasabay tayong magkasakit.
Basilio: Huwag! Mas mahihirapan tayo kung magkakasakit tayo. Mamamatay sa sama
ng loob si nanay at tayo naman ay sa gutom.
Basilio: Dalawang piso. Malaki ang nabawas dahil sa ilang beses na multa.
Basilio: Nasisiraan ka na ba? Ang sabi ng sakristan mayor ay dalawang onso ang
kinuha mo katumbas iyong ng tatlumpu’t dalawang piso. At hindi ko kayang bayaran
iyon. Kulang pa ang sinusweldo ko.
Crispin: Sabi ng sakristan mayor ay papatayin niya daw ako sa palo kapag hindi ko
nailabas ang kwarta,kuya kung nasa akin mna iyon edi sana matagal ko ng ibinalik.
Hay naku sana lang talaga totoong ninakaw ko na lamang ang mga salapi. Ang
kinatatakot ko lamang ay baka malaman ito ni nanay.
(Ilang sandal pa ay darating ang sakristan mayor…)
Basilio: Parang awa niyo na. Isang linggo na naming di nakikita an gaming ina
(Pakiusap ni Basilio habang nakaluhod at ang magkabilang kamay ay nakahawak sa
kamay ng sakristan. Tila ba’y pinipigilan niya ang sakristan sa paghigit sa kapatid.
Ngunit itinulak siya ng sacristan ng malakas kaya napaupo siya sa sahig.)
(Wala ng nagawa si Basilio kundi ang umiyak. Iyak lamang siya ng iyak habang
nakalupasay sa sahig at ilang saglit pa ay….)
Basilio: *sniff* Babalikan kita Crispin pangako, ngunit ngayon ay kailangan ko munang
makatakas ditto (wika nito sa sarili)
SCENE 8
(Masayang inilapag ni Sisa ang pagkain ng kanyang mga anak sa kanilang hapag…)
Pedro: At sino ba pa ang inaasahan mo? Ha?! Tabi nga (tutulak si Sisa. Diretso agad si
Pedro sa kanilang kainan…)
Pedro: (papaluin ng malakas ang lamesa) Peste naman oo! Edi hindi ako kakain?! Yun
ba ang gusto mong sabihin?! (hahawakan ng mahigpit sa braso si Sisa)
Pedro: Wag na! Wala na akong gana…. Kapag dumating na ang mga anak mo ay
siguraduhin mong ipagtatabi mo ako ng pera galing sa sweldo nila.
(Nang buksan ni Sisa ang pinto ay agad siyang yinakap ni Basilio. Iyak ng iyak si Basilio
at halatang natatakot…)
Sisa: Anak,anong nangyari sayo?! At nasaan ang kapatid mo? Si Crispin,nasaan siya?
Sisa: Mahabaging Diyos! Iligtas niyo ang aking anak. Si Crispin,ang mabait kong si
Crispin ay pinagbintangan nilang magnanakaw,kawawa naman ang aking bunso.
Sisa: Kumain ka na muna anak. Ngunit ito na lamang ang natira ng iyong ama.
Basilio: Umuwi dito si tatay? At umalis agad? Nay ano kaya kung tayo na lamang tatlo
ang magsamasama. Ako,ikaw at si Crispin. Mas tahimik ang buhay natin kung wala si
tatay sa buhay natin.
Basilio: Inaantok na po ako nay. Matutulog na lamang muna ako mamaya na lang ako
kakain.
Sisa: Ganun ba? Sige pumasok ka na sa ating silid at susunod na rin ako. Liligpitin ko
lang ito.
SCENE 9
Sisa: Mga ginoo,si Crispin po ay matagal ng hindi umuuwi dito. Pumunta po ako kanina
sa kumbento at ang sabi ay---
Kawal1: Tama na! Ang mabuti pa ay ibigay mo na lamang sa amin ang salapi na
ninakaw ng mga anak mo at pababayaan ka na namin.
Sisa: Pero hindi magnanakaw ang mga anak ko kahit na wala silang makain,ay
hinding-hindi nila magagawa iyon. Kilala ko ang mga anak ko.
(Kinulong nila ng si Sisa sa kwartel. Dalawang oras din siyang nanatili duon hanggang
sa nalaman ito ng Alperes at pinalaya agad siya. Ng makalaya naman si Sisa ay mabilis
siyang tumakbo patungong sa tahanan nila. Ng makauwi siya ay nakita niya ang
kapirasong damit ni Basilio na may bahid ng dugo…)
Sisa: Ang damit ni Basilio… May dugo… Hahahahah. May dugo. Huhuhuhuh. May dugo
ang damit ni Basilio. Huhuhuhuhu (Unti-unting mawawala sa katinuan si Sisa. Iyak tawa
ang ginagawa niya. Lalabas siya ng kanilang tahanan at magsisigaw…)
Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Huhuhuhuh. Nasaan na kayo? Hahahaha lalalalala.
Nawawala yung mga anak koooo….. Ikaw! Ikaw siguro ang kumuha sa kanya ano?!
Sumagot ka! (Kinakausap na ni Sisa pati ang mga bagay…) Nawawala ang mga anak
ko at kagagawan ninyo iyong lahat. LAHAT! KAYO! Huhuhuhu…Ay sandali hahahahah
yung mga anak ko naghihintay na siguro sa akin yung mga yun hahah. Sandali lamang
ha hahah babalik ako.
(Tuluyan na ngang nasiraan ng bait si Sisa at lagi na lamang siyang nakikita na pagala-
gala habang kumakanta at sumasayaw.)
SCENE 10
SETTINGS:ILOG
Iday: Maria kumanta ka naman, para naman magkaroon ng sigla ang paglalakbay na
ito.
Victoria: Ayos lang kahit malungkot para lang magkaroon tayo ng ingay ang tahimik
eh hahahaha.
(Walang kaabog-abog na tumalon ang bangkero sa lawa matapos makinig ang sinabi
ni Leon… Agad na nagsigawan ang lahat ng nasa Bangka ng tumalon ang bangkero)
Leon: Huwag kayong mabahala ang binatang iyon ay kilala sa paghuli ng mga
buwaya.
Ibarra: Hindi niyo dapat ginawa iyon. Hindi dapat kayo nagpapadalos-dalos sa mga
desisyon na gagawin niyo. Mabuti na lamang ay hindi kayo napahamak.
Maria Clara: Ngunit paano kung ikaw ang napahamak?! Ha! Ano na lang sa tingin mo
ang mangyayari sa akin?!
Sinang: Ang mabuti pa siguro ay umuwi na tayo. Hindi maganda ang nangyari at tiyak
akong mga pagod na rin ang ilan sa atin.
SCENE 11
SETTINGS:LANSANGAN
(Namamasyal sina Maria at Ibarra kasama ang mga kaibigan ni Maria hanggang sa
may nakita si Maria na isang matandang ketongin na nakanta habang naggigitara.)
Iday: Ah may apat na taon na siyang ganyan. Naninirahan siya sa mga libingan ng
mga Intsik. Ang sabi ng iba ay nahawa siya sa sakit ng kanyang ina,ang sabi naman ng
iba ay nakuha niya iyan sa loob ng bilangguan. Lumalayo siya sa mga tao ngunit
minsan ay pinapapalo siya ng kapitan.
Iday: May iniligtas daw kasi siyang isang batang nahulog sa kanal. Ang sabi ng kapitan
ay mas mabuti pang mahulog ang bata sa kanal kaysa magkaroon ng ketong.
Maria Clara: Kase wala akong kayang ibigay sa kanya kundi yuon lamang.
Sisa: Tara,magdasal tayo sa simbahan hahahah. Alam mo may mga anak ako. Dalawa
sila at sadyang mababait hahahah (At magsasayaw si Sisa na parang baliw.)
Maria Clara: Crisostomo akala ko bay may ginagawa kang paraan upang matulungan
ang babaeng iyan.
Ibarra: At saan niyo siya dadalhin? Bakit niyo siya hinuhuli? May kasalanan ba siyang
ginawa?
Kawal1: Malinaw na malinaw ginoo na nanggugulo siya kaya namin siya hinuhuli.
SCENE 12
SETTINGS:SIMBAHAN
Padre Damaso: Ang mga salita ng Diyos ang magpapaunlad sa inyo,kaya’t kayong
mga makasalanan masdan niyo Siya ng buong paggalang at pagsisisi. Tingnan niyo na
lamang si Gideon, ang matapang na si David, ang matagumpay na si Roldan, ang
guwardiya sibil ng kalangitan na lalong marahas kesa sa lahat ng mga sibil.
(Naiinip na ang mga nakikinig kay Padre Damaso,halos lahat ay naghihikab na. Si
Tiyente Guevarra ay napapapikit-pikit na. At si Maria Clara naman ay di na rin nakikinig
bagkus ay tinatanaw niya ang kinaroroonan ni Ibarra. Patuloy pa rin sa pagsesermon
ang padre kahit na wala ng nakikinig sa kanya.)
Padre Damaso: Mga kapatid, nararapat lamang na isabuhay niyo ang mga salita ng
Diyos. Dapat ay sinasaulo ninyo ang Banal na Kasulatan para naman di ko na kayo
sabihan pa…..
Padre Damaso: …..Dapat niyong malaman ang mga mahahalaga at mga kailangan
bagay ngunit marami sa inyo ang nakakalimot kaya namamatay ng di nagsisisi.
Nasasabi nga sa Bibliya na “Kung meron kayong isang bahagi ng katawan na
nagtutulak sa inyo sa pagkakasala,putulin iyon at itapon sa apoy!” Mga
kaibaigan,magsitayo po tayong lahat at sabay-sabay na awitin ang Ama namin.
SCENE 13
Alkalde: Ginoong Ibarra maaasahan niyo ang aking tulong. Anumang kailangan niyo
ay gagawin ko o kaya nawa’y iuutos ko sa mga tauhan ko.
Ibarra: Maraming pong salamat alkalde ngunit sa ngayon ay wala pa naman akong
iuutos.
Ibarra: Hindi na,ayoko namang matulad kay Juan Palomo. Ako na nga ang naghanda
ako pa rin ang kakain. (sambit nito ng may ngiti sa labi)
Ibarra: Sige na nga. (At agad na nyang kinuha ang kutsarang pampalitada.)
Sinang: Maria! Maria! Gising! (Sigaw nito habang tinatapik ang pisngi ni Maria. Habang
ang alkalde naman ay kaagad na lumapit kay Ibarra.)
Alkalde: Don Crisostomo, ayos lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan? Naku!
Ipakukulong ko talaga ang nangangasiwa nito. At Nol Juan iyon.
Ibarra: Ayos lang ako ginoo, at hindi mo na kailangang ipakulong ang nangangasiwa
dito sapagkat hindi naman natin sigurado kung sino ang may sala. At isa pa hindi na
natin naibabalik ang buhay ng lalaki.Ipagpaubaya mo na lamang sa akin ang
pagsisiyasat sa kasong ito,pananagutan ko ang pansamantalang kalayaan ni Nol Juan
kahit man lang sa loob ng ilang araw.
Sinang: Matapos niyang makita na hindi ikaw ang napahamak ay nawalan na siya ng
malay. Marahil ay labis siyang kinabahan sa nangyari.
Sinang: Oo naman, pahinga lamang ang kailangan niya. Sige kayo na lamang ang
magdala sa kanya sa kanilang tahanan.
Ibarra: Maraming salamat at sige ako na ang maguuwi sa kanya. Magiingat ka sa pag-
uwi binibini.
(Ng makaalis si Sinang ay kaagad na binuhat ni Ibarra si Maria na tila ay bagong kasal
at sinambit niya ang katagang….)
Ibarra: Mahal na mahal kita Maria. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung
sakaling may mangyaring masama sa iyo.
Pilosopong Tasyo: Ito ay isang masamang simula. (At agad niyang nilisan ang lugar.)
SCENE 14
SETTINGS:KUMEDOR-HAPAG KAINAN
Padre Damaso: Oh, ano nga pala ang inyong pinaguusapan nuong ako’y hindi pa
nadating?
Padre Damaso: (Matatawa) Balewala sa akin amng mga arkitekto. Natatawa ako sa
mga taong kumukuha pa ng serbisyo sa arkitekto,ipinapakita lamang nila na sila ay
mga mangmang. Ako nga, ako lang ang nagplano ng simbahan natin.
(Lahat ng tao ay napatingin kay Ibarra, ngunit nanatiling walang kibo si Ibarra at
kunwari ay abala sa kanyang kinakain.)
Padre Damaso: Tingnan mo nga naman ang mga indyo, kapag natuto ng kaunti ay
masyado ng nagiging palagay at mayabang. Silang lahat ay hindi nararapat sa
mundong ito. Kaya naman pinarurusahan ang mga magulang ng mga iyan. Ha!
Nangamatay sa piitan.
Padre Damaso: Bakit? Totoo naman ang mga sinabi ko ah. (Sambit ng padre na may
halong panunuya sa tinig niya.)
(Labis na naginit ang ulo ni Ibarra at aambangan na sana niya ng suntok ang padre
ng….)
Maria Clara: Crisostomo! Tama na! (Sigaw ni Maria habang hinihila palayo si Ibarra
ngunit ayaw paawat ni Ibarra kaya kailangan pang tumulong ang ibang bisita
magawat lamang ito.)
Ibarra: Hindi masamang tao ang ama ko!!!! (Sigaw niya kay padre Damaso habang
nagpupumiglas sa mga umaawat sa kanya. Si Padre Damaso naman ay nakaupo na
sa sahig at pinapakalma na ni Padre Sibyla.)…Isang marangal na tao ang aking ama.
Mabuti siya,ang nais lamang niya ay mapabuti ang kanyang bayan.
(Kumuha ng kutsilyo si Ibarra at ilalapat na sana niya kay Padre Damaso ngunit biglang
pumagitna si Maria kaya unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Ibarra sa patalim
na hawak hanggang sa nabitawan niya ito. Tila natauhan siya.Gulong-gulo ang utak ni
Ibarra napatakip siya sa kanyang mukha at patakbong nilisan ang lugar.)
SCENE 15
Kapitan Heneral: Magandang araw sa inyong lahat. Nasaan nga pala si Don
Crisostomo Ibarra?
Padre Sibyla: Maya-maya lamang po siguro ay narito na siya, baka nahuli lang siya ng
dating.
Padre Sibyla/Padre Salvi: Hindi po siya makakapunta/May sakit siya. (Ang magkasabay
na tugon ng dalawang padre.)
Kapitan Tiago: Siya na nga. Si Maria Clara (Punong-puno ng pagkagalak ang tinig
nito.)… Ah sige maiwan ko na muna kayong dalawa, magaasikaso lamang ako ng
mga bisita. Tawagin ninyo lamang po ako kung mayroon kayong kailangan. At maupo
muna kayo habang kayo ay naguusap.
Kapitan Heneral: Hayaan ninyong patunayan ko sa inyo na hindi lang parusa ang
katumbas ng katarungan kundi gantimpala rin.
Padre Sibyla: Mawalang galang na po. Wala akong intensyong makisalo sa usapan
niyo, ngunit heneral nakakalimutan niyo na po ba na si ginoong Ibarra ay isa ng
excomunicado?
Maria Clara: Ah…. Ipagpatawad po ninyo ngunit kailangan ko lang pumunta sa aking
silid. May kailangan lang akong asikasuhin.
Maria Clara: Ah, hindi na po kamahalan, sige po mauuna na ko. (At kumaripas na siya
ng takbo patungo ng kanyang silid.)
(Matapos iyon ay saktong napalingon ang kapitan heneral at nakita niya si Ibarra,
napatingin din sa kanya si Ibarra at agad na tumungo si Ibarra sa pwesto ng kapitan
heneral…)
Kapitan Heneral: Ginoong Crisostomo nagagalak akong makita ka. Pakiusap maupo
ka.
(Mapapakamot sa batok si Ibarra dahil sa hiya. Ngunit sinunod pa rin niya ang kapitan
heneral)
Ibarra: Isa pong malaking karangalan ang pagtanggap ng ganito mula sa kahamalan.
Kapitan Heneral: Oo nga pala, nais kong sabihin sa hari ng Espanya na kayo ay
parangalan dahil ninanais niyong makapagpatayo ng paaralan.
Kapitan Heneral: Wag mo ng isipin iyon ginoo. Sandali lamang maiba ako. Ibig niyo
bang sumama sa akin pabalik sa Espanya? Sapagkat naniniwala ako na hindi bagay
ang bayan na ito sa inyong angking katalinuhan.
Ibarra: Hindi ko po kailanman malilimutan ang inyong kabutihang loob. Ngunit mas
maligayang mamuhay sa sariling lupain kung saan namuhay rin ang aking mga
magulang.
SCENE 16
(Bago dumaan ang prusisyon ay ipinasara ni Donya Consolacion ang lahat ng bintana
ng kanilang bahay at ipinakandado naman ang mga pintuan ayaw niyang making
ang nagkakasiyang mga tao.Hindi siya pinayagan ng asawa niyang si Alperes na
magsimba kaya’t nasa bahay lamang siya. Wala siyang ginagawa hanggang sa….)
(Binulong niya sa isang kawal ang gusto niyang mangyari upang sabihin nito kay Sisa.)
Kawal: Hoy! Ikaw! (Turo kay Sisa) Tumigil na ka daw sa pagkanta mo.
(Ngunit tila wala pa ring nakikinig si Sisa patuloy pa rin siya sa pagkanta ng Kundiman
pero ito ay sintunado.)
Donya Consolacion: (Tatakpan ang tenga) Argh! Tama na! Tumigil ka na sa pagkanta!
(Tumigil naman si Sisa sa pagkanta at nasabi ng kawal na…)
(Pero hindi pa rin sumusunod si Sisa kaya hinataw ni Donya Consolacion ang latigo sa
paa nito.)
Alperes: Bihisan mo ang babaeng ito. Pakainin siya at gamutin ang mga sugat. Huwag
niyong hahayaan na masaktan siyang muli. At bukas na bukas din ay ihatid siya kay
Ginoong Crisostomo Ibarra….Consolacion,mag-uusap tayo.
SCENE 17
Kapitan Tiago: Ganun din ako ginoo.Oh siya mabuti pang dalhin ko na kayo kay Maria
upang magamot na agad siya.
(Mapapadpad ang tingin ni Linares kay Maria tila ba may kung anong kuryente ang
dumaloy sa buong katawan niya ng masilayan niya dalaga…..)
Don Tiburcio: Magagamot pa naman siya basta inumin lang niya ang reseta ko sa
kanya. (Nagsulat ng reseta si Don Tiburcio at ibinigay sa Kapitan…) Siguraduhan
ninyong iniinom niya ang mga ito araw-araw.
Padre Damaso: Maria hija. Anong nangyari sayo? Nagalala ako ng lubos ng malaman
ko na may sakit ka daw.
Tiya Isabel: (Hahawakan sa balikat ang pari) Maayos naman daw ang kalagayan
niya,kailangan lang daw niya inumin ang mga gamut na nireseta sa kanya atsaka
syempre kailangan din niya ng sapat na pahinga. Kaya wag ka ng magalala.
Kapitan Tiago: Sige,maraming salamat sa inyo. At hayaan niyo akong ihatid hanggang
labas.
(Umalis na nga sila ng tahanan ni Kapitan Tiago at si Linares at titig na titig pa rink ay
Maria kahit ng sila ay paalis na.)
SCENE 18
SETTINGS:LANSANGAN
Donya Victorina: Pwe! Nakakasuka talaga ang mga tao dito. Amoy….Amoy mahirap!
Donya Victorina: Paano mo naman nasabi na para sa iyo ang mga binitawan kong
mga salita? Ah hahaha alam ko na kasi naman isang hamak na labandera ka lang
dati hahahaha.
Donya Consolacion: O sige? pero kumusta naman kaya yang kulot mong buhok.
Donya Victorina: Hindi! Kailangan matuto ang babaeng ito kung saan siya lulugar.
Ikaw! (Ituturo si Donya Consolacion) Hindi mo ba ako nakikilala? Hindi mo baa lam na
ako’y taga Maynila? Hindi nakakapasok sa loob ng aking tahanan ang alperes dahil
hanggang pintuan lamang sila!
Donya Victorina: Gusto kong hamunin mo ng dwelo ang Alperes ngayon din.
Donya Victorina: Gawin mo kundi ay ipagkakalat ko sa buong San Diego ang tunay
mong pagkatao.
Donya Victorina: Kailangang hamunin ni Linares ang Alperes sa isang dwelo kundi ay
huwag ninyong ipakakasal sa kanya si Maria Clara. Hindi nararapat na mapangasawa
ng anak ninyo ang isang lalaking duwag. Yun lamang Kapitan,hanggang sa muli
SCENE 19
SETTINGS:TAHANAN NG ALPERES
Padre Sibyla: N-ngunhit ha-ha-ha h-hindih iyon ahng pinuntah kho dihtoh (Hingal na
pahayag ng Kura.)… Naririto ako upang ipalaam sa inyo na nanganganib ang buhay
ng marami. Mamayang gabi ay may magaganap na pag-aalsa.
(Nanlaki ang mata ng alperes sa narinig at agad na kinuha ang kanyang baril.)
Padre Sibyla: Huminahon kayo at makinig ng mabuti. May sapat na panahon tayo
hanggang ikawalo ng gabi. Nalaman ko ang pagaalsa sa kumpisalan ng isang babae
na nagsabing sasalakayin nila ang kwartel,ang kumbento,kukunin ang palwa ng mga
guwardiya sibil at papatayin ang lahat ng Kastila.
Alperes: Sabihin ninyo sa akin kung sino ang babae. At agad ko siyang ipadadampot.
Padre Sibyla: Ipagpatawad ninyo ngunit hindi ko pwedeng sabihin ang pagkatao niya.
Ang kumpisal ay sagrado at hindi ito dapat pinagkakalat sapagkat kasalanan itong
malaki sa Diyos.
Alperes: Kung gayo’y kailangan nating humingi ng tulong galing sa ibang pankat.
Padre Sibyla: Iyan ang mas mainam na gawin. Oo nga pala maaari rin ba kayong
magpadala ng apat na guwardiya sibil sa kumbento?
Padre Sibyla: Salamat ginoo, magiingat kayo sapagkat mamayang ikawalo ng gabi ay
uulan ng bituin at krus . Aalis na ako,hanggang sa muli.
Ibarra:Elias ikaw pala iyan,anong maipaglilingkod ko sa iyo? Maiba ako alam mo bang
nakatuklas ako ng isang kawayan na hindi nagliliyab? Ang galing diba?
Elias: Hindi po kawayan ang dapat nating pag-usapan. Kailangan niyo pong itago ang
lahat ng inyong kasulatan at tumakas na rin kayo. Sunugin niyo po ang lahat ng mga
kasulatan na makakapagpahamak sa inyo. Kailangan na po nating magmadali.
Ibarra: Ngunit saan naman ako pupunta? Si Maria Clara naghihintay siya sa akin
ngayong gabi.
Ibarra: Sige tulungan mo na lamang akong ayusin ang aking mga papeles.
(Tinulungan naman siya ni Elias,habang inaayos ni Elias ang mga kasulatan ni Ibarra at
may nakita siyang nakapagpagulat sa kanya…)
Ibarra: Opo. Nuno ko siya sa tuhod. Pinaikli lamang naming ang apelyido naming dahil
masyadong mahaba ito.
Elias: Alam ba ninyong siya ang dahilan ng pagkasawi ng aking angkan. Matagal ko
ng hinahanap ang apelyidong ito. At tingnan mo nga naman ikaw ang ibinigay sa akin
ng Diyos. Makakapaghiganti na rin ako. Dapat kang mamatay!
Ibarra: Huminahon ka Elias mapaguusapan natin ito ng maayos (Sabi niya habang ang
dalawa niyang kamay ay nasa harapan niya. Tila ba pinatitigil niya si Elias sa maaari
niyang gawin. Ngunit hindi nagpatinag si Elias,itinaas niya ang kanyang armas at….)
Elias: Ahhh…( Ilalapat n asana niya ang kutsilyo kay Ibarra ng bigla siyang
natauhan,nabitawan niya ang hawak niya at agad na napaatras sa kanyang
kinatatayuan. Napasapo siya sa kanyang noo at kalmadong sinabi kay Ibarra ang….)
Maghahanap lamang ako ng bangka na inyong gagamitin sa pagtakas.
SCENE 20
SETTINGS:ILOG
Elias: Makinig kayo sa akin ng mabuti ginoo ito ang aking plano. Dadalhin ko kayo sa
bahay ng isa sa mga kaibigan ko sa Mandaluyong,pagkatapos ay ihahatid ko sa inyo
ang inyong mga salapi na naitago ko. Maaari ninyo iyong gamitin upang
makapangibang bansa. (Paliwanag ni Elias habang patuloy pa rin sa pagsasagwan)
Ibarra: Elias…. Dalawang ulit mo ng niligtas ang aking buhay sa kabila ng kasawian ng
iyong angkan sa aking angkan. Karapat-dapat lamang na isauli ko sa inyo ang yaman
ninyo. Sumama ka sa akin sa ibang bansa at duon na manirahan maturingan tayong
parang magkapatid. Pareho lamang tayo na sadyang sawimpalad sa sarilinating
bayan.
Elias: Ipagpatawad ninyo ginoo ngunit hindi ako makakasama sa inyo. Hindi ako
magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mawalan ng buhay.
Ibarra: Hindi totoo iyan! Kahit kelan ay hindi ko magagawa ang itakwil ang sarili kong
bayan. Wala akong inisip kundi ang makakabuti para sa bayan.
Elias: Malamang yan ang sinasabi sapagkat hindi niyo pa nadaranas ang paghihirap
dito. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang inyong bayan sapagkat iyon ang itinuro ng
inyong ama sa inyo. Ngunit sa panahon na makaranas kayo ng gutom,paghihirap at
pag-uusig ay baka kalimutan na ninyo ang inyong sariling bayan. Patawarin ninyo ako
sa mga masasakit na salita na nasabi ko pero minumulat ko lamang kayo sa
katotohanan. Minsan ay may lumapit sa inyo na isang kapus-palad ngunit hindi ninyo
siya pinakinggan bagkus ay pinakinggan ninyo ang kanyang mga kaaway. At ngayon
ay tinutugis na nila kayo at itinuturing na kaaway.
Ibarra: May katwiran ka. Aamin ko na ako’y nagkamali umayon lamang ako sa takbo
ng mundo. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa akin, may kanser ang ating lipunan na
kailangan nating gamutin at sugpuin. Ako na nagtatanggol sa sarili kong bayan ay isa
na ngayong pilibustero. Tatlong daang taon silang nagpasasa sa atin habang tayo ay
naging sunod-sunuran lamang. Ngayon ay halos nawawalan na tayo ng pag-
asa….Unti-unti na tayong nawawalan ng paniniwala sa Diyos. Wala ng natitira sa atin
kundi ang ating lakas at karapatan.
Elias: Mahiga kayo upang matakluban ko kayo ng mga damon, mukhang natuklasan
na nila ang inyong pagtakas.
(Sinunod naman ito ni Ibarra, ng matagluban na ni Elias si Ibarra ay….)
Elias: Crisostomo hinahabol na tayo ng mga guwardiya sibil…. Kayo na ang mamangka
at tatalon ako. Ililigaw ko sila. Sige na ginoo.
(At tumalon na nga siya sa ilog. Tiningnan pang muli ni Ibarra si Elias ngunit wala na siya
nagawa kaya nagsagwan na lamang siya papalayo. Rinig na rinig ni Ibarra ang tunog
ng mga bala ngunit hindi siya natinag at nagpatuloy na lamang sa pagsasagwan. Sa
kabilang banda naman ay nakita ng mga guwardiya sibil na may bahid ng dugo sa
ilog aya tumigil na sila sa pagpapaputok at nilisan na ang lugar)
SCENE 21
SETTINGS:GUBAT
Basilio: Nay? Nay! Nanay! Sandali (Hinabol niya ang kanyang ina ngunit takbo pa rin ng
takbo si Sisa. Hanggang sa tumigil sa pagtakbo si Sisa kaya naabutan siya ni Basilio at
niyakap agad.)
Sisa: Sino ka? Hindi ikaw ang anak ko.(Sabi niya habang kinakalasa ng yakap ng anak.)
Nasa kumbento ang mga anak. Naku baka nakauwi na ang mga iyon,sigurado akong
pagod sila. Ah magluluto na lamang ako ng kakainin nila. (Aalis na sana si Sisa ng
pigilan siya ni Basilio sa pamamagitan ng pagyakap ditto ng mahigpit…)
Basilio: Nay… Ako poi to si Basilio hindi niyo na po ba ako nakikilala? Nay… (Sambit ni
Basilio habang naiyak. Pinagmasdan ni Sisa ang anak at unti-unti niya itong nakilala…)
Sisa: Basilio! Anak! (At mahigpit niya itong hinagkan hanggang sa nakarinig sila ng
isang putok ng bala.)
Basilio: Nay…. Nay! (Sigaw niya ng makita niyang dahan dahang nawawalan ng
buhay si Sisa. Nakita niya na may dugo ito sa likod….) Nay!!!!! (Sigaw niyang muli
habang nakahiga ang nanay niya sa kanyang bisig.) Nay….Wag mo akong iwanan
nay….
(May isang lalaking sugatan at sira-sira na ang damit ang darating halos pagapang na
siyang lumapit kayna Basilio hawak niya rin ang parte ng katawan niya na may tama
ng bala….)
Elias: Makinig kang mabuti sa akin. May sugat ako at dalawang araw na akong hindi
kumakain at umiinom,ilang oras na lamang siguro ay mamamatay na rin ako. Ganito
ang ga—aahhh (Namimilipit na siya sa sakit ng kanyang sugat) Sunugin mo ang mga
bangkay namin ng iyong ina. Kung walang dadarating na sinuman ay hukayin mo ang
mga ginto na ibinaon ko. Ariin mong iyo ang mga iyon at gamitin mo sa pagaaral.
(Hingal na hingal na sambit ni Elias.Bago malagutan ng hininga si Elias ay tiningnan niya
ang papalubog na araw at…) Mamamatay akong hindi man lang makikita ang
bukang-liwayway sa mahal kong bayan. Kayong mga nakasaksi nito,batiin niyo siya at
huwag sanang kalimutan kaming mga namatay at nagtanggol sa Inang-bayan.
(Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng buhay ni Elias.)