You are on page 1of 6

Noli Me Tangere Script

Script Writer:

Reference: https://www.youtube.com/watch?v=Th4X8W6lvXw&t=620s

Jose Rizal Writing:

Ang pangarap ay may kasamang hinagpis sa liwanag at dilim. Hindi na ako maghihintay sa araw ng
kadiliman, kaya sa mga kalaban, noli me tangere; ako si Jose, at ito ang kwento ng aking bayan.

Scene 1: Pagbabalik ni Ibarra from Abroad

*May apat na babaeng nag bubulungan sa likod ni Ibarra at tiago*

Ibarra: Buenos días señor Santiago, gracias por invitarme aquí. (Good morning Sir Santiago, thank you
for inviting me here.)

Kapitan Tiago: Siempre eres bienvenida en mi casa, ibarra. (You are always welcome in my house,
ibarra.) Pitong taon kang nawala sa pilipinas, alam kong sabik kang makita ulit ang ating bayan. Halika at
ipapakilala kita sa aking mga bisita. S’ya si Isabel, ang aking nag iisang kapatid, s’ya naman si don
tiburcio, isang doctor. S’ya naman ay isang guardia civil. At ang kuro koroko ng san diego, si padre
damaso.

Tiya Isabel: *Lumakad papunta kay Tiago* Sienta a don Ibarra, Tiago. Mauuna na muna ako at ako ay
may aasikasuhin lamang saglit.

*Naka upo ang lahat ng bisita at nag uusap*

Padre Damaso: Ikaw na pala ang anak ni Don Rafael, sana’y alam mong hindi kami magkaibigan ng iyong
ama, Ibarra.

Tiago: Kamusta naman ang pag-aaral mo sa ibang bansa, Don Ibarra?

Ibarra: Maayos naman ho, marami akong natutunan at natunghayan sa aking mga naparoonan.

Padre Damaso: Ngunit ang isang indio ay mananatili paring mang-mang, Don Ibarra. Kahit saan paman
sila mag aral. Nais mo bang matulad sakanila?

Don Ibarra: *nainis kay padre damaso* Ako’y lilisan na po, Kapitan Tiago.

Guardia Civil: *Hinabol si Ibarra Palabas* Mag iingat ka, Don Ibarra dahil baka matulad ka sa iyong ama
na napagbintangang isang irehe ni Padre Damaso. (cut – next scene)

Scene 2: Maria and Crisostomo Ibarra once again met + Ibarra finding his father’s resting place.

Don Ibarra: *Pumunta sa pwesto ni Tiya Isabel* Buenos días tía Isabel. Nariyan po ba si Maria Clara?

Tiya Isabele: Buenos días también don ibarra, tatawagin ko lamang. *tinawag si maria*
Ibarra: Maria Claraaaa. *BOW* (cut-)

*palabas ng pinto, nag uusap habang nag lalakad*

Maria: Akala ko’y nakalimutan mo na ako.

Ibarra: Hindi kita malilimutan, Maria. Tulad mo’y ako ay nasasabik sa ating pag iisang dibdib. (cut)

*Pumunta si Ibarra sa cemetery upang dalawing ang yumaong ama, at nakakita ng indio kanyang
tinanong ito*

Ibarra: GInoo, may napansin ka bang puntod na may malaking krus?

(may dalawang indio nag gagawa ng krus sa likod, nag popokpok gamit ang bato to form a krus shape)

Indio: Mayroon nung nakaraan, ngunit habang amin itong ililipat sa libingan ng mga intsek dahil utos ng
kura ay aksidenteng naitapon ang labi ng iyong ama sa ilog.

Ibarra: Isang kabaliwan ang inyong ginawa! *pumunta kay padre salvi*

Padre Salvi: *Nag lalakad*

Ibarra: *cinollar ran si padre salvi* Ano ang iyong ginawa sa katawan ng aking ama?! Pambabastos iyan!

Padre Salvi: Ngunit hindi ako ang nag utos, si padre damaso ang iyong puntahan.

Scene 3: Crispin and Basilio’s sufferings + oppression ng mga indios

Basilio: Inayyy, inayyy! *crying*/duguan**

Sisa: Basilio?! Ano ang nangyare sa’yo?

Basilio: Si crispin po, inay! Naiwan sa kumbento. Napagbintangan po syang magnanakaw, inay!

SIsa: HA? Bukas na bukas ay pupunta ako sa kumbento.

*habang papunta si sisa ay binubugbog ng mga guardia civil si crspin*

Crispin: Aray ko po! *crying*

GV: Ilabas mo ang ninakaw mo!! (dinanog si dodong crispin) *iniwan na ng mga guardia civil si dodong
crispin kase bugbog na nag tatagirgir na sya*

Basilio: *pumunta sa kumbento, umiiyak at iniiyakan ang kaawang kapatid* Anong nangyare sayo, hindi
na sila naawa sa kapatid koo.

Crispin: Kuya uwi na tayo (nagtatagirgir at bugbog sa danog)

*next day**

Sisa: (pumunta sa simbahan) *nakakita ng dalawang binibini sa simbahan* Binibini, Nakita nyo ba ang
aking anak na si crispin? Kahapon pa kasi hindi nauwi sa aming tahanan.
Binibini 1: Ikaw pala ang ina ng magnanakaw, balita ko’y si crispin ay tumakas matapos magnakaw.

Binibini 2: Sa Katunayan ay aking narinig na ang mga Guardia Civil ay papunta na sainyong bahay.

Sisa: Ang mga guardia sibil?! *pumunta upang hanapin si crispin*

Crispinnn!!! Basiliooo!!!! Nasaan na ang mga anak kooo?! *umiyak, napa upo sa iyak at nabagtit si
dudang*

Scene 4: Pilosopo Tasyo’s Vision and Advise + unfair treatment to the indios

Ibarra: Magandang Umaga. Mang Tasyo, nais ko lamang humingi ng payo saiyo patungkol sa aking
pinapangarap na paaralan.

Tasyo: Karamihan ay hindi matutuwa, ngunit sa mga susunod na salin lahi ay mauunawaan din nila ito.

*next day* ‘

Sisa: *nabagtit si sisa sa labas ng simbahan tapos nag sasayaw sya, napalibutan sya ng mga nang lalait
sakanya at tinatawag syang SISA BALIW habang pinapalakpakan siya*

(sa loob ng simbahan)

Padre Damaso: *nag mimisa* Kaya dapat sa simbahang ito at kahit saan paman ay kaming mga padre,
prayle lamang ang masusunod. Kayo ay sumunod sa amin.

Binibini 1; Kaya dapat, sa simbahang ito ay mga nakatataas lamang ang pinapapasok, hindi na ang mga
indio.

Ibarra: *praying*

Elyas: (tumabi kay Ibarra) Mag iingat ka, don Ibarra. SA pag lalagay mo ng unang malaking bato sa iyong
paaralan ay balak nilang ikaw ay paslangin. *exit agad si indio pagkabulong kay Ibarra*

Scene 5: Meal at Kapitan Tiago’s House + Ibarra and Padre Damaso’s conflict

Andeng: *Nag di distribute ng tinolang manok sa mga bowls*

Padre Damaso: Kamusta na kaya ang labi ng iyong ama, Ibarra? Saang ilog na kaya ito napadpad? *ngiti
kaunti*

Ibarra: *Kinuha ang bread knife at itinapat ito kay padre damaso* Huwag mong babastusin ang aking
ama! *everyone ay shocked*

Tiya Isabel: Huwag mong gagawin iyan, Don Ibarra!

Maria Clara: Tama na iyan, Ibarra. Huwag mong pag buhatan ng kamay si padre damaso,

*Ibarra walk out*

Ibarra: *pag labas nya ay inaresto sya ng mga GC dahil sa pag aalsa ng mga guardia civil*
2 GC: Sumama ka samin, ikaw ay inaanyayahang sumama sa prisinto sa kadahilanang pag aalsa!

Ibarra: Ngunit wala akong kinalaman diyan, bitawan nyo ako.

Scene 6: Maria and Alfonso fixed marriage + Maria fighting for her own perspective and feelings.

*Lumakad si maria papunta sa kanyang ama, sila ay pumunta sa mga insulares na bisita upang ireto ni
padre damaso si maria sa ibang lalake with insulares blood.*

Padre Damaso: Alam nyo ba na si maria clara ang pinaka magandang binibini at nag tataglay ng kabaitan
sa san diego.

Donya Victorina: Kapitan tiago, sya ng apala si don alfonso na kamag anakan ng aking asawa at inaanak
n padre damaso.

Don Alfonso: buenas tardes capitán tiago. *shake hands* At sayo rin, maria clara. *attempts to kiss her
hand but maria refused*

Padre Damaso: Nais hingin ni Alfonso ang kamay ni Maria clara, payag kaba rito kapitan tiago?

Kapitan Tiago: Walang problema sakin iyon, basta’t alagaan lamang nya ang aking anak.

Maria Clara: Ngunit si Crisostomo lamang ang aking iniirog, tutol ako sa plano nyo, ama. *exits*

Scene 7: Padre Damaso evil plans + Maria and Ibarra once again met.

*na kidnap pala si Ibarra na akalay inanyayahayan sya sa priisinto ng mga guardia sibil*

Padre Damaso: Anak ka nga talaga ni don Rafael, Ibarra. Parehas kayong nag mamagaling.

Ibarra: Mas masahol pa kayo sa diablo, kayong mga prayle!

3 Guardia Civil: Estupido! *proceeds on punching Ibarra* (sabay exit mga gc)

elyas: (enters): Don Ibarra! Gumising ka! Duguan ka, ako si elyas at tutulungan kitang umalis ditto.

(pumunta sa mga puno puno habang inalalalayan ni elyas at nandun si maria at andeng)

Ibarra: Maria! Maria!

Maria: Ibarra, anong ginawa nila sayo mahal ko?

Ibarra: hindi na mahalaga iyon, kamusta ka aking irog?

Maria: Ayokong ikasal kay alfonso, ngunit mapilis si ama. Ikaw lang ang tang kong mahal, Ibarra.

Elyas: Don Ibarra! Ang mga guardia sibil!

Mga Guardia Civil: Hoy! Mga indio!! Tumakbo si Ibarra at elyas, nag kahiwalay sila ng landas. *tumalon
sa ilog si Ibarra*
Scene 8: Maria acknowledging Ibarra’s death + her decision to live to convent; rectory.

Andeng: *tumakbo papunta kay maria at may inabot na letter*

Maria: Hindi maari! Hindi pa patay si Ibarra! Sabi nya’y babalikan nya ako! *iyak*

*andeng comforts maria tapos umexit*

Padre Damaso: (enters) Ngayong patay na si Ibarra, ay kailangan mo ng makakasama habng buhay,
Panahon na upang mapansin mo naman si alfonso.

Maria: Mas nanaisin kong sumunod na lamang kay Ibarra kesa ikasal kay alfonso. Napagdesisyunan kong
pumasok sa kumbento.

Padre Damaso: Ngunit maria, hindi ko nanaising mawala ka sa aking piling dahil itinuring na ring kitang
anak.

Maria: *walks out*

Scene 9: Sisa and Elyas death + Simoun is not dead????????

Mga GC: Hoy baliw! Takbo!! (referring to sisa) *may dalang baril* (nabaril si sisa)

Basilyo: *finding his mother sa kagubatan* Inayyy, inayyyy? INAYYY!!! *Nakita si sisa duguan* Inay, ako
po ito.

Sisa: Basilio? *namatay na*

Basilio: Inay? Inayy gumising ka! Inayyyy. Iniwan nyo na ako ni cristin!

Elyas: *enters* Sino ang babaeng iyan?

Basilio: Ang aking inay po.

Elyas: Hindi kona kaya, nabaril din ako. Sunugin mo kami ng iyong inay, at hukayin mo ang mga ibinaon
kong mga ginto at gamitin mo sa iyong pag aaral. *humiga katabi si sisa*

Elyas: Mamamatay akong hindi manlang nasilayan ang bukang liwayway ng bansang aking minamahal,
kayong mapapalad na nakakakakita ay salubungin nyo sya at wag kalian man lilimutin ang mga nabuwal
sa lilim ng dilim.

Jose Rizal: (closes the book noli, walks while holding the book with his background voice saying) “Inang
Bayan, matatanaw din natin ang liwanag, makakamit din natin ang liwanag sapagkat hindi pa ito ang
katapusan, bagkus simula pa lamang. Adios!

SImoun: *running, nadapa at tinulungan tumakbo ng isang mayamang laake sabay sabi*

Mayamang lalake: Oh, ayos ka lang? Ngayon lamang kita Nakita sa aming bayan, sino ka?
Simoun: Ako? Ako si simoun (looks at the camera)

THE END..

You might also like