You are on page 1of 13

Sa malalim na silong ng simbahan at lipunan, nagtatagpo ang kadiliman at kadakilaan sa

anyo ni Padre Damaso. Ang aking maikling pelikula ay magbibigay-buhay sa karakter na ito
mula sa nobelang “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal. Inihahandog ng Pangkat Isa

Narrator:Sa isang salu-salo na inihanda ni Kapitan Tiago para kay Ibarra, nakatayo sina
Padre Damaso at Padre Salvi, nag-uusap.

PADRE DAMASO: Tch! Mga mangmang talaga ang mga Indiyo! At pinatunayan iyon ng aking
dalawampung taon na paglilingkod sa bayan ng San Diego. Wala silang modo at
nakakabwisit! Tch!Makasalanan sila at hindi man lang nila alam mangumpisal!

PADRE SALVI: Padre Damaso, tayo’y nasa bahay ng isang Indiyo

PADRE DAMASO: Bah! Ano naman ngayon? Totoo naman talaga na mga mangmang sila!
Tch!

ACTION:+Darating sina Kapitan Tiyago at Crisostomo Ibarra.

KAPITAN TIYAGO: Magandang gabi sa inyo. (magmamano sa mga padre) Ikinagagalak kong
ipakilala sainyong lahat ang anak ng aking yumaong kaibigan. Siya si Crisostomo Ibarra!

IBARRA: Magandang gabi po sa inyong lahat. (makikipagkamay sa lahat) (makikilala si


Damaso) Ah!Padre Damaso! Isang matalik na kaibigan ng aking ama

KAPITAN TIYAGO: (hindi sasagot, nakasimangot)IBARRA: (inulit) Isang matalik na kaibigan


ng aking ama!

PADRE DAMASO: Hindi ako bingi! … Narinig ko ang iyong mga sinabi pero nagkakamali ka!
Hindi konaging kaibigan ang iyong ama!

IBARRA: Ah, paumanhin po

TINYENTE: (lalapit kay Ibarra) Ikaw ang anak ni Don Rafael Ibarra?

IBARRA: Hindi po kayo nagkakamali.

TINYENTE: Maligayang pagbabalik galing sa Europa. Kilala ko ang iyong ama.

KAPITAN TIYAGO: (lalapit) Tama na muna ang pag-uusap dahil nakahanda na ang inyong
hapunan.(aalis)

DOÑA VICTORINA: (dadaan sa harap ni Ibarra)

IBARRA: Ano ba naman si Kapitan Tiyago… Hindi lang ako ipakilala sa mga babae. (lalapitan
si DoñaVictorina) Magandang gabi. Ako si Crisostomo Ibarra.

DOÑA VICTORINA: (ngingiti lang, maflaflatter, tuloy sa pagpaypay) …


TINYENTE: (maglalakad at maaapakan ang palda ni Doña Victorina)

DOÑA VICTORINA: (nabwisit) Ay, ano ba? Ganyan ba ang tamang trato sa isang meztisa?
Bulag ka ba?

TINYENTE: Hindi naman ako bulag. Sa katunayan, mas malinaw pa ang akin mata.
Pinagmamasdan kolang kasi iyang buhok mong kulot

DOÑA VICTORINA: Ay! Alam kong maganda ako. Pero hindi ibig sabihin ay pwede mo nang
binyaganang mamahaling saya ko!

ACTION:Uupo sina Ibarra, Doña Victorina at Kapitan Tiyago. Uupo na sana si Padre Sivyla
sa isang silya perolumapit din si Padre Damaso sa silyang iyon.

PADRE SIVYLA: Ah, Padre Damaso. Sige, dito ka na maupo

PADRE DAMASO: Hindi, ituloy mo na ang iyong planong umupo sa silyang iyan

PADRE SALVI: Sige na, matatanggap ko naman kahit ikaw ang umupo dito

PADRE DAMASO: Hindi, ikaw ang nararapat kaya ikaw ang maupo diyan.

PADRE SALVI: Ikaw ang mas malapit sa Pamilya Santiago. Sige na, maupo ka na’t huwag ka
nangmahiya.

PADRE DAMASO: Pero ikaw ang padre sa lugar na ito.

PADRE SALVI: Ay, umalis ka na nga at ako na nga lang ang uupo! (uupo)

PADRE DAMASO: Tch! (uupo sa ibang silya)

PADRE SALVI: (Kay Ibarra) Kailan ka ba pumunta sa Europa?

IBARRA: Pitong taon pong nakakaraan

PADRE SALVI: Nakalimutan mo na siguro ang tungkol sa ating bansa.

IBARRA: Sa totoo lang, lagi kong iniisip ang Pilipinas. Ako yata ang nakalimutan na ng
bansang ito. Ilangbuwan na akong hindi nakatanggap ng balita. Hindi ko tuloy alam kung
paano namatay ang aking ama

DOÑA VICTORINA: Ano naman ang pinagamandang lugar na nabisita mo?

IBARRA: Pinag-aralan ko ang bawat bansa at nalaman kong may pagkapareho ang tema ng
kabuhayan,pulitiko at relihiyon at nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang
bansa ang nagdidikta ngkasaganahan o paghihikahos nito.
PADRE DAMASO: Iyan lamang ang nalaman mo? Sinayang mo lang pala ang iyong pera sa
pagpunta samga walang kwentang lugar! Kung itatanong ang mga bata’y siguradong alam
din nila iyan.

IBARRA: (tatayo) Mauuna muna ako. Kakarating ko lang kanina at may mga bagay pa akong
kailangangasikasuhin.

KAPITAN TIYAGO: Hindi ako papayag! Malapit nang dumating si Maria Clara

IBARRA: Pupuntahan ko na lang siya bukas ng umaga. Pakisabi na lang po sa kanya.


(magbobow at aalis)

PADRE DAMASO: Nakita niyo ba iyon? Nakita niyo? Ganyang kabastusan ang mapag-
aaralan niyokapag pupunta din kayo sa Europa. Kung hawak ko lang ang gobyerno,
ipagbabawal ko ang pagpunta doon! Tch!

NARRATOR:Sa sumunod na araw, nagkita muli sina Ibarra at Maria Clara. Ito ang una nilang
pagsasama simulanoong nagbalik siya sa Pilipinas. (Nakaupo sila.)

MARIA CLARA: Crisostomo, ang nagiisa kong Crisostomo. Sa dinami-rami ng mga babaeng
nakilala mosa iba’t ibang bansa, hindi mo ba ako nakalimutan?

IBARRA: Makakalimutan ba kita? (pagmamasdan ang mga mata ni Maria Clara) Wala
akongkapangyarihan na ika’y hindi isipin. Ikaw lang ang nagiisa kong Binibining minamahal

MARIA CLARA: Lagi din kitang naiisip. Kahit na ipilit kong alisin ka sa aking isip ay hindi ko
magawa.Naaalala ko iyong mga panahon na nag-aaway tayo. Naalala mo nung isang araw
na nagalit ka? Naglagay ng koronang kahel na bulaklak sa ibabaw ng aking ulo. Pero kinuha
iyon ng nanay mo at pinagdidikdik para gawing gogo. Umiyak ka nun pero tumawa ako kaya
nagalit ka sa akin…

MARIA CLARA: Noong inihatid mo ako sa amin, naglagay ako ng korona ng dahon sa ibabaw
ng iyongulo. Natuwa ka’t nagpasalamat. Kaya iyon, nagbati na tayo ulit!

IBARRA: (ngingiti) May ipapakita ako sa iyo. (bubuksan ang kanyang libro at kukunin ang
papel na maymga dahon-dahon. Tuyo na ang mga dahon pero mabango pa rin) …

MARIA CLARA: ?

IBARRA: Ito ang mga dahong inilagay mo sa ibabaw ng ulo ko

MARIA CLARA: (na-touch) Ay, tinago mo pa pala iyon. Siguro nga’y napakaimportante ako
sa iyo. Akonga din eh, tanda ko pa rin iyong sulat na pamamalam na binigay mo sa akin
noon. Nakasulat doon…Mahal kong Maria Clara, ikinalulungkot ko na kailangan ko nang
umalis. Sinabi kasi ng… (napatigil dahilmukhang kanina pa naiinip si Ibarra) Naboboring ka
na ba sa akin?

IBARRA: Pasensya ka na, mahal ko. Dahil sa iyo, nakalimutan ko ang aking tungkulin.
Kailangan kongpuntahan ang puntod ng aking ama. (tatayo)

MARIA CLARA: (sigh) Ah, ganon ba? (magpupulot ng bulaklak at tatayo) Eto, ilagay mo iyan
sa puntodng iyong ama. (yayakapin ng mahigpit si Ibarra. Pagkatapos ay, pinagmasdan nila
ang isa’t isa.)

MARIA CLARA: Mag-ingat ka

IBARRA: Mag-iingat ako para sa iyo, mahal ko. (aalis)

MARIA CLARA: (mapapaupo at malulungkot) … Pitong taon na nga kaming hindi nagsama
tapos… itongpag-uusap namin… hindi lang niya pinatagal ng pitong minuto.

TRANSITION OF SCENE:Dumating si Padre Damaso at nakita si Maria Clara na tumatangis

(Darating si Damaso)

PADRE DAMASO: Maria Clara, umiiyak ka ba?

MARIA CLARA: (tatayo, pupunasan ang luha) Ah, hindi po, Padre Damaso.

KAPITAN TIYAGO: (lalapit) Padre Damaso, nandito ka pala

PADRE DAMASO: Santiago, kailangan nating mag-usap sa loob ng iyong opisina

KAPITAN TIYAGO: (kakabahan) Uh… O sige…

MARIA CLARA: (pagmamasdan lang sila, hindi naintindihan kung ano ang talagang
nangyayari)

NARRATOR:Nanananghalian sina Ibarra, Maria Clara, Kapitan Tiyago, Tinyente Guevara,


Padre Salvi, Padre Sivyla atDoña Victorina

PADRE SALVI: Maitatawag niyo bang trabaho ang pagsesermon?

DOÑA VICTORINA: Aba’y oo naman!

KAPITAN TIYAGO: Paano mo naman nasabi?

DOÑA VICTORINA: Kung titingnan niyo hindi niyo ba napapansin si Padre Damaso? Sa
tuwing siya’y sumisigaw at nagdadabog, siya’y tumataba!

Narrator:Biglang dumating si Padre Damaso kahit patapos na ang tanghalian.


ACTION: Lahat ay nagulat at bumati, pwera kay Ibarra

PADRE DAMASO: (nakangiti pero biglang manenerbyos noong makitang magkatabi sina
Ibarra at Maria Clara, uupo siya sa isang bakanteng silya sa tabi ni Ibarra) May pinag-
uusapan ba kayo kanina? Ituloy niyo!

PADRE SALVI: Nabanggit lang kasi ni Señor Ibarra ang tungkol sa pagpapatayo niya ng
paaralan noong—

PADRE DAMASO: Ah, tungkol diyan pala! Wala akong alam tungkol sa mga ganyang bagay

PADRE SALVI: Kapag paaralan kasi ang pinag-uusapan, kailangan natin ng mga magagaling
na tao—

PADRE DAMASO: Magagaling na tao?! Wala na talagang mas tatanga sa mga Indiyo! Hindi
ba nila alam kung paano magtayo ng apat na dingding at maglagay ng bubong? Ano pa
bang kailangan sa isang paaralan?(Lahat titingin kay Ibarra.)

IBARRA: (medyo mahihiya kaya tumingin na lang kay Maria Clara) Mahal ko, anong kay rikit
mong tunay

MARIA CLARA: (matotouch) Salamat,aking mahal . Ang aking kagandahan ay parang bituin.
Walang kupasang ningning.

PADRE DAMASO: Alam mo kasi, ang mga Indiyo, kapag may napag-aralan na sila, meron na
silang titulo

IBARRA: (titingin ng masama kay Padre Damaso)

PADRE DAMASO: Pero pupunta pa rin sila sa Europa para lang sayangin ang pera. Ang Diyos
na ang bahala sa kanila. Ang ama ng isa sa mga ahas na ito ay pinarusahan na ng Diyos.
Siya ay namatay sabilangguan at saka— Ah!

NARRATOR:Napatigil si Padre Damaso dahil itinulak siya ni Ibarra. Natumba si Padre


Damaso patalikod! Nagulat ang lahat!)

IBARRA: (mga mata’y nanggigigil) Walang lalapit! (inilapit niya ang kanyang kutsilyo sa leeg
ng padre gamit ang kanyang kamay) Walang lalapit kung ayaw niyo siyang
mamatay!(Magugulat ang lahat!)

MARIA CLARA: Mahal ko!(Dahan-dahang tatayo si Padre Damaso. Hihilain ni Ibarra ang
leeg nito pataas hanggang ito’ynasuportahan na ng mga tuhod nito.)

(Lahat mapapasigaw ng Señor Ibarra pero walang gumalaw. Magpapanic ang lahat.)

(Itututok ni Ibarra ang kutsilyo sa leeg ng padre.)


PADRE DAMASO: Nagsasabi lang ako ng totoo! (lilingon kay Ibarra)

IBARRA: Hindi mo man lang nirespeto ang aking ama! Padre, ang bunganga mo’y puno ng
kabanalan pero ang puso mo’y puno ng pagmamalabis!Pati ang mohorlibre na iyon oo
hindi marangal ang kaniyang trabaho pero ginawa niya ay para ikabuhay niya at tinatawag
mo ang sariling mong kagalang kagalang ngunit wala lang moralidad kasuklam suklam ka
,maging ang baliw,minaltrato mo alam mo na wala sa tamang pag iisip sasaktan mo kasuka
ka(Lalapit na sana ang iba pero—)

IBARRA: Huwag kayong lalapit! Akala niyo’y hindi ko kayang dumihan ang aking mga
kamay? (Lilingon kay PadreDamaso) Akala mo ba, Padre, mas mataas ka sa ibang tao kaya
may karapatan kang husgahan sila? Ang ama ko ay marangal. Sinakripisyo niya ang
kanyang sarili para sa akin at para sa kapakanan ng bansa! Puro mabubuti ang kanyang
ginawa… (Lilingon sa mga audience) Para sa taong ito, binuksan ni ama ko ang kanyang
pinto, pinaupo niya ito sa sariling lamesa, trinato niya itong kaibigan!Pero anong ginawa ng
taong ito? Pinagbigtangan niya ang aking ama, hinabol niya, pinakulong niya,pinalipat niya
ang bangkay, binastos niya ang ala-ala ng aking ama!!(Biglang itataas ni Ibarra ang kanyang
kamay para saksakin si Damaso pero agad sumingit si Maria Clarasa pagitan nina Ibarra at
Padre Damaso.)

MARIA CLARA: (naiiyak, yayakapin si Ibarra) Huwag mo itong gawin, mahal ko!(Galit na
pagmamasdan ni Ibarra si Maria Clara at unti-unting lalambot ang kanyang mga
kamay.Hinayaan niyang mahulog ang kutsilyo. Habang tinatakpan ang sariling mukha,
iiwanan niya ang eksena.)

Narrator:Dahil sa nangyaring gulo sa pagitan nina Ibarra at Padre Damaso, hindi na natuloy
ang pagpapatayo niIbarra ng paaralan at nakapagpasya si Kapitan Tiyago na iurong na ang
kasal nina Ibarra at Maria Clara

KAPITAN TIYAGO: Para magkaroon tayo ng kapayapaan, iuurong ko na ang kasal niyong
dalawa ni Señor Crisostomo Ibarra

MARIA CLARA: (naiiyak) Ama, huwag niyo po itong gawin sa akin! Mahal na mahal ko po si
CrisoIbarr

KAPITAN TIYAGO: Hindi na magbabago ang akin pasiya. Pero huwag kang mag-alala, anak
ko, dahil ikakasal ka pa rin

MARIA CLARA: Ama!(Maglalakad palapit sina Doña Victorina at Padre Damaso.)

PADRE DAMASO: Gusto kong pakasalan mo ang pinsan ng aking bayaw. Pamangkin ni Don
Tiburcio deEspadaña, si Alfonso Linares
MARIA CLARA: Padre Damaso!

DOÑA VICTORINA: Bakit? Nag-aarte ka? Napakaswerte mo na dahil pumayag ang


pamangkin kong pakasalan ang isang babaeng hindi man lang nahigitan ang aking ganda!

MARIA CLARA: Doña Victorina

DOÑA VICTORINA: (ituturo ang noo ni Maria Clara) Ikaw! Huwag mong tatanggihan si
Linares kung ayaw mong magkaroon ng gulo

PADRE DAMASO: Maria Clara, iha, siya ang gusto kong pakasalan mo

MARIA CLARA: Tumahimik kayong lahat! Anong karapatan niyong diktahan ang akin puso?
Ang pusoko’y nilikha para lang kay Ibarra! Si Ibarra lang at wala nang iba!

DOÑA VICTORINA: Sinisigawan mo ba kami?!

MARIA CLARA: Oo, dahil mga lapastangan kayo! Dahil hindi niyo lang pinahalagahan ang
puso ko

DOÑA VICTORINA (sasampalin si Maria Clara)

MARIA CLARA: (matutumba pero biglang ding tumayo at sinampal si Doña Victorina) !

DOÑA VICTORINA:(Napahawak sa pisngi at tinulak si Maria Clara) Napakabastos mong


babae ka!

TIYA ISABEL:Wala kang karapatan na saktan si Maria Clara, lapastangan

DOÑA VICTORINA: Aba sino ka para sumabat sa usapan na ito sampit ka lang(Sinampal si
Tiya Isabel)

PADRE DAMASO: (uupo) Iha, makinig ka sa akin. Si Linares ang gusto kong pakasalan mo.
Kung hindi ka magpapakasal sa kanya, magmamadre ka! Anong pipiliin mo?

MARIA CLARA: (naiiyak) Anong karapatan niyong pagpilian ako?!

PADRE DAMASO: May karapatan ako… dahil ako… ang iyong tunay na ama

MARIA CLARA: (mapapahingal sa sobrang gulat na para bang nasabugan siya ng bomba)

TIYA ISABEL:Maria Clara, anak patawad na kailangan mo pa itong malaman ng ganito

MARIA CLARA:Kung ganon alam mo rin ang tungkol dito bakit hindi sinabi!! Paano ko naging
ama si Padre Damaso

PADRE DAMASO: Gusto mong malaman kung paano ibigay mo sa akin lahat ng liham ni
Ibarra sa iyo kapalit ang dalawang liham ng iyong ina
TIYA ISABEL:Padre Damaso!!

(Pupunta si Maria Clara sa kwarto niya at babasahin ang mga liham ni Ibarra pagkatapos ay
ilalagay sa isang kahon at lalabas)

MARIA CLARA:Gagawin ko ito, ito na ang lahat ng liham ibigay mo sa akin ang liham ng
aking ina

(Binigay ni Damaso ang mga liham at ito’y binasa ni Maria Clara)

FLASHBACK

Narrator:Sina Kapitan Tiago at Donya Piya ay nais na magkaroon ng isang supling kaya
naman sila’y lumapit kay Padre Damaso, ngunit si Padre Damaso ay may ibang balak

KAPITAN TIYAGO: Magandang araw Padre Damaso, ito nga pala ang aking asawa si Pia
Alba, nagpunta kami rito upang humingi ng basbas upang kami’y mabiyayaan na ng isang
supling

DONYA PIA:Magandang araw po Padre

PADRE DAMASO:titingin ng malagkit kay Donya Pia*/ halika dito sumama ka sa akin ng
makapagkumpisal na tayo (dinala niya ito sa isang kwarto)

DONYA PIA:Padre bakit po tayo dito magkukumpisal?

PADRE DAMASO:itinulak si Donya Pia sa kama at pinagsamantalahan*/

DONYA PIA:PADRE WAG, PADRE, PADRE TAMA NA(umiiyak

PADRE DAMASO: Hindi ba’t nais niyo ng anak, ito ang magiging kabayaran para doon

DOÑA PIA:PADRE PAKIUSAP WAG PO, WAG NAKIKIUSAP AKO PADRE, PADRE, PADRE

END OF FLASHBACK

Hindi alam ni Kapitan Tiago na ito pala ang totoong nangyari kaya naman ng marinig niya ay
sadyang ikinagulat niya ng sobra

KAPITAN TIAGO:Kung ganun si Maria Clara ay hindi ko pala tunay na anak, nabuhay ako sa
isang kasinukasinungalingan

PADRE DAMASO:Ngayong alam mona, na anak ko si Maria Clara, ako na ang


magdedesisyon para sa kaniya

(Wala nang mga salita ang lumabas sa bibig ni Kapitan Tiago dahil sa gulat)

OTHER SCENE
Narrator:Dahil sa ginawa ni Ibarra ay ipinatapon siya kulungan at napagbintangan siya sa
bagay na hindi niya ginawa Sa tulong ni Padre Salvi. Tinulungan siya ni Elias tumakas.

IBARRA:Bago tayo pumalaot nais ko munang pumunta sa puntod ng aking ama

ELIAS:Kung iyon ang iyong nais pero bilisan natin

NARRATOR:At nasa sementeryo na nga sila at hinahanap ang puntod ni Don Rafael, ngunit
hindi nila nakita at nakita nila ang suportorero at tinanong nila kung nasan ang puntod ni
Don Rafael

IBARRA:Magandang araw po, maari ba naming tanungin kung alam ninyo kung nasaan ang
puntod ni Don Rafael Ibarra

SUPORTORERO:Don Rafael ba kamo, wala na ang bangkay niya dito may nagpahukay nito
sa akin at kinuha ito

IBARRA:Ano po, sino po ang nagpahukay?

SUPORTORERO:Kung tama ako ng pagkaka-alala tinawag nila itong Padre Damaso

FLASHBACK

PADRE DAMASO:Ito ba ang puntod ni Don Rafael

PADRE SALVI:Opo Padre

PADRE DAMASO:tumawag kayo ng suportorero at ipahukay ito

PADRE SALVI:bakit po?

PADRE DAMASO:Sundin mo na lang ang nais ko

PADRE SALVI:Masusunod po, mga guwardiya tumawag kayo ng suportorero

GUWARDIYA:Sige po Padre

NARRATOR:Nakatawag na sila ng isang suportorero at pinahukay ito sa kaniya, at


pagkatapos hukayin ay kinuha nila ang bangkay nito

PADRE DAMASO:Ipaanod niyo ang bangkay na ito, at dapat ay walang makakaalam kung
hindi kayo ay isusunod ko

GUWARDIYA:Masusunod Padre(at pinaanod na nila ang bangkay nito sa ilog)

END OF FLASHBACK
IBARRA:Ganun po ba maraming salamat (at umalis na sila sa sementeryo)Padre Damaso,
magbabayad ka pati ang labi ng aking ama ay hindi ka nagpaawat, kapag nabuo kona muli
ang pangalan ko maghihiganti ako

ELIAS:Señor tayo na kailangan nating magamadali

(At dumaong na sila)

ELIAS: (nagsasagwan) Señor, makinig ka. Itatago kita muna ngayon sa bahay ng kaibigan ko
sa Mandaluyong.

IBARRA: Para mamuhay kasama ang mga estranghero?

ELIAS: Para mamuhay kang mapayapa. May kaibigan ka sa Espanya

IBARRA: Elias, naghirap ka dahil sa aking pamilya. At dalawang beses mong niligtas ang
buhay ko.Malaki ang utang na loob ko sa iyo… Pinayuhan mo akong umalis ng bansa. Kung
ganon, sumama ka saakin. Mamuhay tayo na parang magkapatid

ELIAS: (iiling) …IBARRA: (malulungkot) Totoong hindi ako magiging masaya sa aking bansa,
pero pwede akongmamuhay at mamatay sa Espanya para sa aking bansa

ELIAS: Señor, nandito tayo noong isang buwan… at nasa ilalim din tayo ng parehong
buwan. Perongayon ka lang nasabi ng ganyan sa akin

IBARRA: Nag-iiba ang tao, Elias. Bulag ako noon pero ngayon alam ko na ang
katotohanan.(May maririnig silang paparating)

ELIAS: Señor Ibarra, humiga ka!(Hihiga si Ibarra. Tatakpan siya ni Elias ng bayong.)

ELIAS: Lilituin ko sila. Hahabulin nila ako. At ikaw, iligtas mo ang sarili mo

IBARRA: Hindi… dito ka lang.

ELIAS: Magkikita tayo sa puntod ng lolo mo sa bisperas ng Pasko.(Titingin si Elias sa


paparating. Makikita siya ni Padre Salvi at Gwardya Civil)

PADRE SALVI: Hayun siya! Barilin mo na siya para mapasaakin na si Maria Clara

GWARDYA: (babarilin si Elias)Tumayo si Elias at tumalon sa dagat sabay sikad sa bangka.


Sa tuwing siya ay lilitaw, pinapuputukansiya. Pagkatapos ng kalahating oras, may bahid ng
dugo na lumitaw sa tubig ng baybayin ng pampang.

Narrator:May isang guwardiya ang dadating at ipababatid ang balita ukol kay Ibarra

GUWARDIYA: Magandang araw, may nais akong ipabatid sa iyo Maria Clara, may dalawang
bangkay kaming nakita, ngunit hindi makilala dahil ang mukha nito ay tila para bang
nalusaw, ngunit sa bangkay ng isang lalaki ay may nakita kaming isang rosaryo at ayon kay
Kapitan Tiago ay kilala mo daw ang nag mamay ari nito(ipinakita ang rosaryo kay Maria
Clara)

MARIA CLARA:HINDI, HINDI ITO MAAARI, CRISOSTOMO, AMA SABIHIN NIYO HINDI ITO
TOTOO HINDI MAAARI AKING CRISOSTOMO (sisigaw habang umiiyak)

(Dumating si Padre Salvi)

PADRE SALVI:Magandang araw, kami ay lubos na nakikiramay

MARIA CLARA:Kayo ang pumatay sa aking nobyo, ustedes son asesinos( mga mamamatay
tao tayo) MGA WALA KAYONG PUSO

PADRE SALVI:Huminahon ka

MARIA CLARA:Sabihin ninyo kung ano ang kinalaman niyo sa pagkawala ng buhay ni
Crisostomo,MAGSALITA KAYO

Ngayon niyo sabihin kung sino ngayon ag erehe at pilibustero, sino ba ang tunay kamuhi-
muhi

(Umalis si Maria Clara at nakipag usap siya kay Padre Damaso)

PADRE DAMASO todavía tienes la oportunidad de divertirte de nuevo (may pagkakataon ka


pa para muling sumaya) at yun ay ang pagpapakasal kay Linares

MARIA CLARA: Nunca olvidaré a Crisóstomo(Hindi ko makakalimutan kailanman si


Crisostomo)hindi ako makikipag isangdibdib lalo na diyan sa Alfonso Linares iyon. Wag mo
akong didiktahan at wala kang karapatan na pang himasukan ang nais ko sa buhay ko

PADRE DAMASO:Walang karapatan, ako’y ang iyong ama. YO SOY TU VERDADERO PADRE
(Ako ang totoo mong ama)

MARIA CLARA:Ama? Kahit kailan hindi kita kinilala bilang aking ama, lalo’t na isang kang
demonyo na gumahasa sa aking ina,at ng dahil saiyo nabuhay ako sa isang sumpa ng
kasinungalingan at kahihiya, pinalaki at nabuhay ng paulit-ulit na umaasa na sa isang
marikit na buhay, ngunit hindi maaaring magpasya para sa sarili dahil isang tulad mo na
lahat na lang ay idinikta mo.Hindi ko papakasalan ang lalaking nais mo

MARIA CLARA:sapagkat ngayong patay na si Ibarra, papasok ako ng kumbento

PADRE DAMASO:Wag mo sabihin iyan anak, hindi mo alam ang paghihirap at pighati ang
dadanasin mo sa loob ng kumbento

MARIA CLARA:Kumbento o Kamatayan


(Intense music)

PADRE DAMASO: No hables así(wag kang magsalita ng ganyan)

MARIA CLARA:Kung tingin mo ay ako ay nagbibiro nagkakamali ka Padre

PADRE DAMASO: Escúchame María.(ako’y iyong pakinggan, Maria) Hindi kita


mapapangalagaan sa loob ng kunbento, mas magdudusa at maghihirap ka lamang sa loob,
kesa kung makikipag isang dibdib ka

MARIA CLARA: Ya no puedo ser feliz, todos sufriremos.(Hindi maaari na ako’y maging
masaya, magdudusa tayong lahat) Kaya naman Kumbento o Kamatayan lamang

PADRE DAMASO:(luluhod at iiyak) María, hija mía, perdóname (Maria aking anak ako’y
iyong patawarin) ako’y humingi ng lubos na kapatawaran sa iyo at iyong ina, paniwalaan mo
man ako o hindi, minahal ko ang iyo ina at ikaw, kahit na alam kong isa iyong malaking
kasalanan, ngunit pano ako magsisisi kung ang naging bunga ay ikaw na minahal ko ng higit
pa sa buhay ko. Maria utang na loob wag mo akong parusahan ng ganito, Wag anak, wag

MARIA CLARA:Ang aking buhay at kapalaran ay nasa aking mga palad at tadhana na Padre,
kaya naman papasok ako sa kumbento, at kung ako’y inyong hahadlangan, ako’y susunod
na lamang kay Crisostomo at sa aking ina

PADRE DAMASO:(patuloy na umiiyak habang nakaluhod

MARIA CLARA: No tenemos nada más de qué hablar(wala na tayong dapat pang
pagusapan) Pagpalain nawa tayo ng Panginoon Padre(umalis na si Maria Clara)

PADRE DAMASO: Señor Dios, no permitas que me quiten a mi hija, por favor.(Panginoong
Diyos wag niyong hayaan na mawala sa akin ang aking anak, pakiusap) Nagmamakaawa
ako, ako na lamang ang inyong parusahan

NARRATOR:Dahil sa pagpunta ni Maria Clara sa kumbento Si Padre Damaso ay nagkaroon


ng matinding sama ng loob at dahil doon ninais niyang mamatay kaya siya ay uninom ng
lason na nagdala sa kanyang huling hantungan

NARRATOR:Dito nagtatapos ang aming maikling palabas, ukol sa Buhay ni Padre Damaso,
nawa’y ang kwento ito ay magturo sa atin na ang kasakiman sa kapangyarihan ay
magbibigay lamang ng temporaryong kasiyahan at sa huli ay atin rin itong pagsisisihan

“Ang kuwento ni Padre Damaso ay isang salamin ng kapangyarihan, pagkakamali, at


pagnanais ng kapangyarihan. Isa siyang karakter na naglalarawan ng mga kontradiksyon ng
tao: may kabutihan at kasamaan, may pag-ibig at galit. Sa pamamagitan ng kanyang
kwento, naihahayag ang masalimuot na kalikasan ng tao at ang epekto ng kapangyarihan
sa kanyang kalooban at pag-uugali.”

You might also like