Professional Documents
Culture Documents
PADRE DAMASO: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indiyo ang mangmang?
LARUJA: Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indio?
DAMASO: Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya’y hindi isang Indiyo. Inuulit
ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo!
Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo
Ibarra.
TIYAGO: Mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong
ito...ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kararating lamang niya
mula sa Europa.
DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailan ma'y hindi ko
naging matalik na kaibigan ang iyong ama.
TINYENTE: Maligayang pagdating. Nawa’y mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong
ama.
TINYENTE: Mayroon po, Señora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako
ay nakamasid sa kulot ninyong buhok.
Sa hapagkainan.
LARUJA: Señor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, ano’ng
pinakamahalagang bagay ang nakita n’yo?
CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang
pagkaalipin ng isang bansa ang nag didikta ng kasaganahan o paghihikahos nito.
DAMASO: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na bang
nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata’y alam iyan.
CRISOSTOMO: Nagpapasalamat ako’t palagay ang loob ng dating kura sa akin. Nawa’y
ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin
pa ako bukas. Para sa España at Pilipinas!
IBARRA: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin.
PADRE DAMASO: Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala
sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang
ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa!
End of Scene.
SCENE 2: Erehe at Pilibustero
Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siya’y naglalakad. Bigla
siyang napahinto nang may kamay na pumatong sa kanyang balikat.
Flashback:
Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan siya ng mga
bata.
Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at ito’y
natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.
TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil
dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung
anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa
bilangguan na namatay.
IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko…
End of scene.
SCENE 3: Pagsusuyuan sa Asotea
Sinilip ni Maria Clara ang bintana upang makita kung sino ang dumating. Nang nakita
niya si Crisosotomo ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid at nagpaganda.
Pumasok naman si Crisostomo at siya’y sinalubong ni Tiya Isabel.
MARIA CLARA: Hmp! Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga salita.
Marahil, maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa pambobola mo.
CRISOSTOMO: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang?
MARIA CLARA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo?
CRISOSTOMO: Mapalad dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa
pinakamagandang babae na ngayon ay nasa aking harapan.
MARIA CLARA: Asus! Binola pa ako.
CRISOSTOMO: Labis akong nangulila sa iyo, Maria.
MARIA CLARA: Higit akong nangulila, Crisostomo.
CRISOSTOMO: Patawarin mo ako kung ako’y magpapaalam na. Kailangan ko nang umuwi
sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli, mahal ko.
MARIA CLARA: Sandali.
Pumitas ng mga bulaklak si Maria Clara at ibinigay ang mga ito kay Crisostomo.
Lumakad na si Ibarra.
End of Scene.
Lumakad si Crisostomo at nang nakita niya si Padre Salvi, sinunggaban niya ito.
End of Scene.
CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya…Kapag nalaman
‘to ng Inay...natatakot ako.
BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. ‘Wag kang
mawalan ng–
SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog
ng kampana…At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang
ninakaw mo!
BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n’yo na po—
Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya
gamit ang lubid ng kampana.
End of Scene.
SCENE 6 Ang Pamilya ni Sisa
SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya
naghanda ako ng masarap na pagkain...
SISA: Wala nang natira? Ngunit paano ang mga anak mo?
PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?!
SISA: Wala. Wala—
PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon?
SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila—
Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa.
SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin?
PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto!
Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay.
Nakita siya at kinausap ng utusan.
ALPERES: Kamalian ‘yan ng kura! Pakawalan n’yo siya at ‘wag n’yo na siyang gagambalin
pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n’yo sa kanya na
manalangin siya kay San Antonio!
GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa’yo! Ha! Ha!
Ha!
SISA: Ano ‘to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng
anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako’ ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha!
Dugo!
End of Scene.
SCENE 8 Ang Pangingisda
Hindi katagalan…
Sa palaisdaan…
End of Scene.
GOBERNADOR: Señor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng bato.
IBARRA: Ikasisiya ko po, gobernador.
Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at ito’y
namatay. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita.
End of Scene.
SCENE 10 Ang Pananghalian
Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga
panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay
Ibarra.
DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang
tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba’y akalain mong sino
kung umasta!
MARIA CLARA: ‘Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko.
IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan.
DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin
marunong gumalang sa batas ng simbahan…
IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa!
DAMASO: ...tama lamang na siya’y pinarusahan na mamatay sa kulungan at--
Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni
Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim.
IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit ‘wag na ‘wag ninyong babastusin ang
alaala ng aking ama!
KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo.
IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n’yo nasabing siya’y alagad ng Diyos? Ang taong ito ang
naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon,
nagawa pa niyang bastusin ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos?
MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, ‘wag mong
saktan si Padre Damaso.
IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n’yo na kung may dugo ba
talagang dumadalo’y sa mga ugat ng taong iyan!
End of Scene.
SCENE 11 Si Donya Consolacion at Sisa
Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia
civil.
CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!
SISA: Aray!
End of Scene.
SCENE 12 Si Alfonso Linares
Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang
isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may
sakit na si Maria Clara.
End of Scene.
ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!
VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam!
ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae—
TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan.
CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot!
VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na
‘yon?!
TIBURCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?
VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka
makakasal kay Maria Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!
End of Scene.
ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito.
Magtungo kayo kahit saan—iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang
basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan.
Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi
ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa
labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla
namang may kumalabog sa pinto.
End of Scene.
Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-
uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra,
kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares.
Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At
makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating.
End of Scene.
SCENE 16 Ang Paliwanag ng Pari
DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan?
End of Scene.
SCENE 17 Noche Buena
BASILIO: Inay!
SISA: Sino ka?
BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak n’yo!
SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anak…hindi kita kilala.