You are on page 1of 5

SCRIPT NG NOLI ME TANGERE

(KABANATA 1-16)

SCENE 1: [Setting: sa bahay ; nag sisidatingan ang mga panauhin at sinasalubong ito ni tiya Isabel
sabay tapat kanila padre damaso, padre sibyla, at sa si Laruja na nag uusap ]

Padre Damaso: Sa loob ng dalawampung taon kong pananatili dito sa San Diego, kilala ko na
ang halos anim na libong taong naninirahan doon. Ngunit nang ako’y mapalitan
bilang kura, mangilan-ngilan lamang ang nag hatid sa akin.

Lajura: May kaugnayan po ba ang inyong sinabi sa pag-aangkat ng tabako?

Padre Damaso: Ang repormang ginawa ng maestro ay hindi tama.

Binata: Maiba ako, Padre Damaso. Sa tingin nyo ho ba’y may katotohanan ang sinasabi nilang
ang mga Pilipino ay mangmang na syang nagigiging sanhi ng mabagal na pag unlad ng
bayan?

Padre Damaso: Ang tanging masasabi ko lamang ay wala nang mas hihigit pa sa kamangmangan
ng mga Indio.

Padre Sibyla: Mga ginoo, alalahanin nyong tayo’y nasa bahay ng isang indio.

Padre Damaso: Si Santiago naman ay hindi kabilang sa inuturing na Indio; katunayan ay isa
syang mabuting tao. ilang buwa---

Kapitan Tiago: Padre. *hahalikan ang kamay ni damaso at sibyla* Mga Ginoo nais kong
ipakilala sinyo ang anak ng aking matalik na kaibigan na kauuwi lang mula sa
Europa, Si Don Crisostomo Ibarra.

Crisostomo: Ikinagagalak kong makilala ang kura ng aming bayan na sa tingin ko’y matalik na
kaibigan ng aking ama. *inabot ng kamay upang makipagkamay*

Padre Damaso: Kailanman ay hindi ako naging matalik na kaibigan ng iyong ama.
*dumating si Tinyente Gueverra*
Tinyente Guevarra: Crisostomo, ikaw pala ang anak ni Don Rafael. Maligayang pag babalik,
Ginoo. Kakilala ko ang iyong ama at masasabi kong siya’y isnag marangal at
napakabuting tao.

Crisostomo: Salamat sa iyong pag puri sa’king ama. Dahil sa’yong tinugon ay nawala ang
aking pag aalinlangan tungkol sa nangyari sa kanya.

Tinyente Guevarra: *ngumiti {‘itinatago ang kalungkutan’ smile} kay crisostomo* muli,
ikinagagalak kitang makilala, Crisostomo. *yumuko ng
bahagya at umalis*

Tiya Isabel: Tiago, Nakahanda na ang mga pag kain. simulan na natin ang Hapunan.

[transition: tatapat sa wall ang camera at sabay labas sa nakupo na sila. sinasandukan ni tiya
Isabel ng tinola ang mga bisita samantalang nakain na sina Ibarra at nag
tatawanan sina ]

Babae: Padre, ito po ang inyong tinola.

Padre Damaso: *kinuha ang kutsara at tinignan ang manok sabay tingin kay Ibarra at sa iba,
humigop ng bahagya at sabay bagsak ng kutsara sanhi na mapatingin sa
kanya sina sibyla* Anong klaseng tinola ang ibinigay nila sakin?! tanging
sabaw at kakrampot na laman ng manok ang inihai nila sa kura?! sa
mantalang sa iba’y labis labis na laman ang nakakain tulad ni ibarra!

Padre Sibyla: Padre Damaso, huminahon ka’t tayo’y kumain na lamang.

Padre Damaso: ano nga ang makakain ko dito kung puro sabaw lamang?!!!

Laruha: Crisostomo? hindi ba?... Balita ko’y galing kang Europa?

Crisostomo: Oo, ginoo. halos pitong taon na din akong di nakakauwi dito sa pilipinas. Isang taon
na din akong walang balita tungkol dito. Ni hindi ko batid ang nangyari sa
aking ama.

Laruha: Kung gayon, maharil ay tiyak na nakalimutan nyo na ang Pilipinas.

Crisostomo: Marahil ay marami nga akong napuntahang lugar tulad ng Europa at ang
Alemanya, ngunit hinding hindi mawawala sa akin alaala ang lupang
sinilangan.
Laruha: Kung marami ka nang napunahang lugar. Anong bansa ang iyong naibigan at tingin
mo’y katangi-tangi ?
Crisostomo: Kapuri-puri man ang mga bansang aking napuntahan, ngunit hindi ko isasaalang-
alang ang pagmamahal sa bayan. Gayunman sa pananaliksik ko sa mga
bansang aking napuntahan ay napagtanto ko’ng ang kaginhawaan at
kahirapan ng isang bayan ay kaugnay ng kanilang Kalayaan at kagipitan.

Padre Damaso: Iyan lamang ba ang natutuhan mo? Nag sayang ka lamang pala ng kwarta sa
iyong pag lalakbay. Kahit batang paslit ay alam ang iyong sinasambit!

Crisostomo: Ipagpaumanhin ninyong lahat na inaakala ni Pare Damaso na ako’y musmos pa rin;
Kapitan Tiago, Maraming Salamat sa iyong pag imbita ngunit kaylangan
ko nang mauna’t may pupuntahan pa ako bukas. Maraming salam---

Kapitan Tiago: Ngunit masyado pang maaga, Ni hindi mo pa nga nakikita si Maria Clara.
Sinundo na sya ni Isabel. Padating na din yun maya maya. Hintayin mo na
sila.

Crisostomo: Paumanhin Kapitan Tiago ngunit kaylangan ko na talaga lumisan, sa ibang pag
kakataon na lang siguro kami mag kikita Maria Clara, Muli maraming
salamat sainyong pag imbita sa’kin dito sa masayang salo salo.
Magandang gabi mga ,ginoo. Paalam.

SCENE 2: [Setting: sa daan; nag lalakad si Crisostomo]


Tinyente: Crisostomo!

Crisostomo: Magandang araw Tinyente. Ano ang inyong pakay?

Tinyente: Magandang araw din. Wala naman. Nais lang sana kitang paalalahanan na mag ingat, ayokong
mangyari sayo ang sinapit ng iyong ama.

Crisostomo: Marahil ay malapit ka sa’king ama, tinyente. Maaari nyo po bang ikwento sakin ang
nangyari sa kanya?

Tinyente: Alam ng lahat ang pagkamatay ng iyong ama sa bilangguan at---

Crisostomo: Namatay ang aking ama.. sa bilangguan?? Kilala nyo po ba ang aking ama?

Tinyente: Sigurado akong kilala ko ang iyong ama, nakapagtataka lamang at hindi mo alam kung anong
sinapit nya sa bilangguan.

Crisostomo: Maari nyo po bang sabihin sakin bakit sya nabilanggo?


Tinyente: May isang artilyero noon na nawala sa serbisyo dahil sa binintang dito kaya’t namasukan
sya bilang kolektor ng buwis.
{cut yung scene, gagawing voiceover at isasadula yung pangyayari}
: Minsang nag babasa sya ng papeles ay napansin nyang pinalilibutan sya ng mga bata.

Mga bata (mga apat or lima): Ba-Be-Bi-BO! BU! ; Ba-Be-Bi-BO! BU!

Kolektor: Mga lapastangan! *binato yung isang bata* Ikaw! halika ditong bata ka. Ang bastos ng
bunganga mo ah, wala kang respeto! *sinisipa*

Rafael: Ginoo, paslit lamang iyan. Ginoo! *hinawakan ang kolektor at kinuha ang bata*

Kolektor: at kinukunsinti mo pa. *sinipa si Rafael*

Rafael:*Nakayapos lamang sa paslit at pilit nilalayo sa kolektor* ano ba, Paslit lang sya,
ginoo.

Kolektor: *Nahihilo at , natisod sa sariling paa at nabagok*

{cut the scene, balik kay tinyente at Ibarra na nag uusap}

Tinyente: Nabilanggo ang iyong ama at pinaratangan pa itong erehe at filibustero. Marami pang
ipinaratang dito, at nakatitiyak ako na sya’y mapapawalang sala kung hindi lang dahil sa mga taong
naninira sa kanya. Pinatunayan ng

You might also like