You are on page 1of 3

CARL MATTHEW E.

PINO KABANATA 49 9-BIDASARI

A. Mga salitang ginamit (kastila o espanyol/matatalinghaga)

Alperes- pangalawang tenyente

Sawimpalad- walang suwerte, kapus-palad

Lumulan- sumakay, humusto

Magambala- maabala, maistorbo Kuwartel-baraks, estasyon, himpilan

Napahinuhod- napapayag o napasang-ayon

Di-matatamong pala- kailanma'y hindi maaabot

Kampanaryo -tore na kinalalagyan ng kampana

Sugo-tigapagbatid ng Mensahe

Korporasyon- isang kompanya o grupo ng mga taong napahintulutang gumanap bilang isang lupon
at kinikilala bilang ganoon sa batas.

Delingkuwente- pabaya o may pagkukulang sa tungkulin o pananagutan

Bakol- malaking basket na maluwang ang bibíg, masinsin ang pagkakalála, at may apat na sulok na
puwit

Inuusig- hinuhusgahan base sa kanyang ginawa

B.Mga tauhan at Ang mga ginampanan nila


Sa kabanata

1.) Crisostomo Ibarra


2.) Elias
3.) Alpares
4.) Sawimpalad
5.) Kapitan Pablo

Mga ginampanan nila sa kabanata:

1.) Si Ibarra ang pangunahing tauhan sa kabanata siya ay itinuturing ng mga tulisan na kanilang
kakampi kaya naman ipinarating nila sa kanya ang mga hinaing ng mga sawimpalad. Sa kabila ng
kanyang pagmamahal sa bayan, hindi niya ninais na madamay ang mga taong walang kinalaman sa
kanyang gagawing paghihimagsik laban sa mga prayle.

2.) Si Elias ay ang kaibigan ni Ibarra na may lihim na galit sa kanyang angkan. Siya rin ang naging
piloto ng barko ng magpiknik ang mga magkakababata sa pangunguna ni Maria Clara at Crisostomo
Ibarra. Sa kabanata, si Elias ang naging tagapaghatid ng mensahe ng mga sawimpalad kay
Crisostomo Ibarra.

3.) Ang alperes ang pinuno ng mga guwardiya sibil. Siya ang pumapangalawa sa kapangyarihan sa
bayan ng San Diego sapagkat nasa pamumuno niya ang pamahalaan. Sa kabanata ay nais niyang
makausap si Ibarra upang mabatid kung ang binata ay may kinalaman sa mga naganap na
kaguluhan.

4.) Ang mga sawimpalad ay tumutukoy sa mga tulisan na nagnanais ng pagkalinga mula sa
pamahalaan at pagbibigay sa kanila ng pantay na karapatan bilang mamamayan ng bayan ng San
Diego.

5.) Si Kapitan Pablo ay ang pinuno ng mga tulisan. Siya ang nag-utos kay Elias na iparating kay
Crisostomo Ibarra ang kanilang mga kahilingan sa pag-aakalang sasang-ayon dito ang binata.

C. Mga mahalagang pangyayari sa kabanata

Humingi ng paumanhin si Elias kay Ibarra dahil batid nitong nagambala niya ang binata. Hindi na
nag-aksaya pa ng panahon si Elias at sinabi ang pakay niya.

Si Ibarra daw ang sugo ng mga sawimpalad. Napagkasunduan daw ng puno ng mga tulisan na
hilingin sa kaniya ang ilang bagay tulad ng pagbabago sa pamahalaan, pagbibigay ng katarungan,
pagbawas sa kapangyarihan ng mga guwardiya sibil, at pagkilala sa dignidad ng mga tao.

Sinabi ni Ibarra na maaari niyang gamitin ang kaniyang kayamanan at impluwensiya niya mula sa
mga kaibigan sa Madrid ngunit batid nitong hindi ito sasapat para sa pagbabagong hinihingi.

Sinabi rin niya na kung minsan ay nakasasama ang pagbawas sa kapangyarihan ng tao. Dapat din
daw ay ang gamutin ang mismong sakit at hindi lamang ang mga sintomas.

Nagtalo ang dalawa saglit. Gayunman, hindi nakumbinsi ni Elias si Ibarra at sasabihin na lamang niya
sa mga sawimpalad na umasa na lang sa Diyos.

D. Aral o Mensahe

Kabanata 49
Kung minsan, mahirap nang gamutin ang sakit ng lipunan higit kung napabayaan na. Mas
nakadaragdag sa pasanin ang di nila paggamot sa mga sakit na ito.
E.) Kaugnayan sa kasalukuyan

Ang kaugnayan ng kabanatang ito sa pangkasalukayan, ay pinapahayag nito na ang bawat


mamamayan ay may karapatan na sila ay mapakinggan at matulungan sa kanilang mga karaingan.
Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at
hamong panlipunan sa pangakasalukuyan.

You might also like