You are on page 1of 9

Proyekto sa Filipino

Balangkas ng Pagsusuri ng
Nobela

“Ang Huling Timawa


ni Servando De los Angeles”

Ipinapasa ni: Kark P. Lopez


BSED- major in English 2
Filipino 3 (TEP 105)
BALANGKAS NG PAGSUSURI NG BUONG NOBELA

I. PAMAGAT : Ang Huling Timawa

Ang salitang Timawa ay nangangahulugang taong malaya. Sa


kabisayaan ang Timawa ay isang matapang na mandirigma na katumbas sa
tawag na maharlika ng mga tagalog. Sa nobela ang Timawa ay isang
miyembro ng isang misteryosong organisasyon ng nagnanais malutas ang
kalagayang panlipunan ukol sa suliranin ng mga mahihirap laban sa mga
mayayamang miyebro ng lipunan.

II. PAGTATANGGAL NG BALAKAID

A. Talasalitaan
1) Pulotong- katumbas ito ng salitang grupo, kawan, o lipon ng
mga tao o bagay.
2) Kostable- isang tawag sa isang kawal o sundalo na dating
konstabularyong pulis.
3) Dagitab- ito ay katumbas ng salitang “electricity” sa Ingles
4) Tenyente- ito ay katumbas ng lieutenant sa salitang Ingles
5) Umaalingawngaw- ibig sabihin ay tumataginting o kumakalat
na balita

B. Tayutay

1) Ihip ng amihang pampahinog ng palay- nalalapit na ang tag-


araw o araw na naaani na ang mga pananim na palay
2) Bagaman nakatago ang na ang palabang buwan na tila
pinilakang landas-direktang paghahambing sa buwan sa
pinilakang landas. Ibig sabihin ay nanatiling positibo at
matatag sa kabila ng dinadanas na kahirapan at matinding
pagsubok sa buhay.
3) Nagkanghahaba ang mga leeg- pagmamalabis ng paglahad
na ang tao ay dumudungaw o tumatanaw sa isang tanawin o
bagay

III. MGA TAUHAN AT DISKRIPYON :

1. Mateo de la Cruz
Si Mateo de la Cruz ang pinuno, na itinangging inihahasik ng kaniyang
pangkat ang kaguluhan, bagkus nagsisikap lamang na pabutihin ang
kalagayan ng mga magsasaka. Siya ay isang anak ng gobernador at
sumapi sa kapisanang Timawa.
2. Ricardo Pilares
Si Ricardo Pilares ay isang matapang na editor at mamamahayag. Siya
ang nawawalang anak ni Kabesang Pedro.

3. Jose Romero
Si Jose Romero ay isang estudyante na nag-aaral sa isang unibersidad.

4. Tenyente Ventura
Si Tenyente Ventura ay isang tao na nagsikap na unawain ang kalagayan
ng mga magsasaka at kasama.  Siya ang tenyente ng mga kostableng
ipinadala sa Kawayanan

5. Braulio de los Santos


Si Brauli ay kalaban ni Mateo de la Cruz at siya rin ang kalaban ni
Macario Romero sa halalan. Asawa niya si Paquita Nuñez.

6. Paquita Nuñez
Si Paquita Nuñez ang tagapagmana ng hacienda Baritan at asawa ni
Braulio de los Santos.

7. Adela “Dely” de los Santos


Siya ay nakapagtapos sa kursong Edukasyon at siya ang babaeng
niligawan ni Joe Romero. Anak nina Braulio de los Santos at Paquita
Nuñez.

8. Macario Romero
Si Macario Romero ang gobernador ng lalawigan at ama ni Joe Romero.
Kalaban ni Braulio de los Santos sa halalan.

9. Don Procopio
Siya ang abugado ng mga Nuñez siya rin ay kalaban ni Mateo de la
Cruz.
IV. PAGLALAHAD NG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI NG KABANATA:
A. Gamiting gabay ang mga bahagi ng maikling kwento:
a. Panimula
Ang nobela ay nagsimulma ng paglalahad ng pangunahing tagpuan.
Iilarawan din ang panahon at pagsasalaysay ng isa sa mga kaugalian mga
mamamayan ng Kawayanan.

Katha mulam sa kwento:


Ang pagsapit ng pasko ng kapanganakan ay ibinababala ng taglamig at
ng ihip ng hanging amihang papahinog sa palay. Ang dating kaugaliang
nakasanayan ng taumbayan sa munisipyo mng Kawayanan, na makisabay ng
pagkilos sa pagbubukang liwayway, ay muling nagaganap.

b. Saglit na kasiglahan

Maraimng bahagi ng nobela ang nagpapakita ng saglit na kasiglahan


kagaya ng mga sumusunod:
1. Pagpupulong na nagaganap na isinagawa ni Gobernador Romero
tungkol sa kanyang pagbibitiw.
2. Ang malaking pagtitipon na isinagawa ng mga kaanib ng Kapisanan ng
Timawa.
3. Ang pagkikita ni Gelay at Antonio sa simbahan.
4. Ang piging na idinaraos sa asyenda ng mga Nunez.
5. Ang pagkalaman ni Braulio na si Joe ay anak ng Gobernador.
6. Ang pag-uusap ni Matandang Mateo, gobernador, pangulong bayan at
tenyente sa tahanan ng gobernador.

c. Suliraning inihahanap ng lunas

Kung pag-uusapan ang mga suliraning inihahanap ng lunas sa buong


nobela marami ang nabanggit na bumabagabag sa saloobin ng mga tauhan. Ito
ay ang mga sumusmunod:

1. Ang balitang magbibitiw sa pwesto si Gobernador. Macario Romero.


2. Paghihimagsik ng mga magsasaka laban sa asyendero.
3. ang pagkawala ni Ricardo.
4. Ang pagdating ng mga kostable sa Kawayanan.
5. Ang nakawan at iba pang krimen sa Asyenda ng mga
Nunez.
6. Ang alitan ni Gobernador Romero at Braulio
7. Ang lumulubhang pagkaaba ng mga magbubukid sa Baritan at Kawayanan
dahil sa kawalan ng kapangyarihan nilang makapag-ariarian kahit munting piraso
ng lupain man lang.
8. Ang tumataas na pataw ng buwis na binabayaran ng mga magbubukid sa mga
asendero.
9. Ang matagal na promosyon ni Tenyente Ventura.

d. Kasukdulan

Maraming nakakapanabik na mga eksena sa nobelang ito. Ang mga sumusunod


na mga kaganapan ang maituturing na kasukdulan.

1. Ang makabagbagabag damdamin na pagtatagpo nina Miguela at amng


kanyang nawawalang kapatid na si Ricardo sa siyudad ng Maynila. Doon din ay
nailantad ang totoong dahilan ng kanyang misteryosong pagkawala at ang
kanyang ginagampanang papel bilang punong patnugot ng Kapisasanan ng mga
Timawa.
2. Isa din sa nakakapanabik na tagpo ay ang pagkatuklas ng bangkay o patay na
katawan ni Mariano Dalita na may lagdang T na siyang ugat ng pagkakaturo kay
Ricardo Pilares bilang salarin ng krimen. Ito din ang dahilan ng pag-usbong ng
malaking suliranin ng Kapisanan ng mga Timawa buhat ng pagkakulong ng
kanilang patnugot na si Ricardo.

e. Kakalasan

Si Ricardo Pilares ay napalaya dahil sa tulong ng apat na mga kawaning taga-ibang


lalawigan na naging kaibigan niya. Sila ang nagbayad ng piyansa upang siya ay makalabas
ng kulungan.
Isa din sa kakalasan na maituring ang pagkatuklas na may sulat na natanggap si Don
Procopio na may misteryosong lagda na Ang Huling Timawa.

V. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG AKDA

A. Romantisismo

Pagmamahal ni Kabesang Pedro sa dalagang anak.

Mga Patunay:

1. “Mateo, hindi na ako makaliligtas. Maraming salamat sa iyong


tulong na nagawa sa akin.
"kaw na bahala sa anak kong si Migu!la. At saka, ikaw na ang bahalang
humanap kay Ricardo. sabihin mong pinatatawad ko na siya sa kaniyang
paglisan sa amin…”

2. Pagmamahal ni Gelay sa kapatid na si Ricardo


“Kahit na hindi mayaman. Magkita na lamang kami uli at nang ako'y may
makasama sa buhay na ito.”
3. Pagmamahal sa bayan
“Ano ba ang layon ng kapisanang iyan?” ang tanong ng gobernador. “Ang layon
po ay upang bigkisin ang mga mamamayang nagkakaisa ng mga damdamin at
kalooban hinggil sa mga suliraning kinasusuungan ng kani-kanilang bayan, pook
o lalawigan.” ang tugon ni Mateo.

4. Pagmamahal ni Joe kay Adela.


“Dely, kailan mo pa ako sasagutin?”
“Joe, napapansin tayo ng mga tao!”
“Ako ma'y patayin nila ngayon ay hindi magbabago ang pag-ibig ko sa iyo.”

5. Pag-iibigan ni Gelay at Antonio


Antonio: “ay pababayaan mong mapanganyaya itong damdaming dulot ng
Langit?Tunay, ito'y hulog ng Langit sa akin, sa dahilang kung kailan unti-unti
nang pinapanawan ako ng pag-asa sa buhay, saka kita nakita diyan sa iyong
bayan upang gisingin ang natutulog kong diwa.”

B. Simbolismo

Mga Patunay:

1. Fidela at Paquita -sumisimbolo sa mga Pilipinang hindi makapangahas


makialam sa mga sariling lakad ng asawa at hindi mapagtutol sa mga pasiyang
ginagawa ng asawa, kung kaya’t nagkasya na lamang sa paghihintay.
2. Bonifacio- tumutukoy sa taong muling magpapabangon sa
sambayanan, na mulingmaghihimagsik at ipaglalaban ang karapatan ng
mga naapi. gaya nang nangyaring paglaban sa pamahalaan ng kastila.
3. Dalawang batong buhay- sumisimbolo sa ama ni Dely at Joe na may
alitan. katulad ng batong buhay, dahil sa kanilang alitan sila ay
nagsasagupaan at nagkikiskisan.

C. Kultural

Mga Patunay:

1.Pagiging mapaniwalain ng mga mamamayan sa


Lalawigan

Paliwanag:
Sa nobela, mahihinuha na ang mga mamamayan ay kay daling maniwala. Agad
silang padala sa mga balita at mga pangyayari sa kanilang paligid kahit ito’y
walang kasiguraduhan at katotohanan.
Patunay:
“Hindi ninyo kilala, Don Procopio,” ang giit ni Braulio,
“ang ugali ng aking mga kalalawigan. Sa kaunting bagay
ay kay-daling padala.”
(pahina 42, talata 2)

2. Pagsisimba tuwing araw ng Linggo


Paliwanag:
Ang mga mamamayan sa Kawayanan ay mas nagsisimba tuwing Linggo.

Patunay:
Bagama’t may misa araw-araw sa Simbahang Romano sa nasabingmunisipyo ay
hindi kaugalian ng mga tao ang magsipagsimba, kundi kung araw lamang ng
Linggo o kaya’y kung pista ng pangilin.

3.Pagsusuot ng bagong kasuotan kapag nagsisimba


Paliwanag:
apag nagsisimba lumalabas ang mga bagong kasuotan ng mga tao, na ang iba
ay kinatago-tago pa at inilalaan lamang sa pagsismba.

Patunay:
Ang pagsisimba ay talagang pinaglalaanan ng mga tao ng bagong kasuotan
lalong-lalo na ang mga binibini.

D. Realismo

Mga Patunay:

1. Kapit ng mga mayayaman sa mga matataas na


opisyal sa pamahalaan.

Paliwanag:
Sa nobela, si Braulio ay isang makapangyarihang tao dahil kaya niyang kontrolin
ang hukuman, media, pasugalan, pamahalaang lokal at magbubukid dahil sa
kanyang angking yaman at matinding implu)en sya. Ang pangyayaring ito ay
totoong nangyayari sa lipunan dahil mas binibigyang pansin at dinidinig ang
pamahalaan hinaing ng mga taong mayayaman at maimpluwensya.

2. Pagbibigay ng mga regalo ng mga mayayaman sa malalaki sa bayan.

Paliwanag:
Sa nobela ipinapakita ang paghahandog ng mga De los Santos ng regalo sa
kanilang mga kapalagayang-loob sa pamahalaan. Ito’y upang mas maptibay ang
kanilang kapit o pakikipagkaibigan dito.

3. Sa halalan mas kinikilingan ang may salapi.

Paliwanag:
Sa halalan mas kinikilingan ng mga mamamayan ang may mga salapi dahil sa
mga panunuhol nito. Mas binoboto nila ang masalapi dahil sa nais nilang
magkapare rito.

4. Upang kilalanin sa politika ay kailangang


marunong mag-ingay.

Paliwanag:
Sa politika, kailangang maging sikat ka sa mga mamamayan upang ika) ay
kanilang maalala sa darating na eleksyon. Kailan na ikaw ay may mga bagay na
magawa na ikatutuwa ng mga tao upang ika’y kanilang iboto.

. 5. Paninira sa halalan

Paliwanag:
Sa halalan laging uso ang siraan, lalo na ngayon sa kasalukuyan. Bawat panig
na naglalaban sa halalan ay nagsisihukayan o nagsisilabasan ng baho ng bawat
isa. minsan sinisiraan pa ito sa pamamagitan ng pagpaparatang sa isang
kasalanan na gawa mismo ng kalabang kampo upang masira ang imahe nito sa
mga manghahalal.

VI. REAKSYON AT DAMDAMIN 


A.  Mga Pansin at Puna

a. Mga Tauhan (Ano ang masasabi o reaksyon mo sa mga tauhan?)

Bilang isang nangangarap na mmaging manunulat napuna ko agad ang karakter ni


Picardo Pilares. Hinahangaan ko ang kanyang tapang sa pagsapi at maging patnugot
ng Kapisanan ng mga Timawa. Hindi ko kaya ang kanyang ginawa na gamitin ang
talento upang ibaglaban ang paniniwala para sa kmapakanan ng lahat na mga
mamamayan. Isa ding agandang halimbawa ng mga mamamayan si Mateo na kahit
naging pinuno ng Kapisanan ay mabuti naman ang layunin niya at nagamit lamang
angm pangalan ng nasabing Kapisanan ng mga Timawa sa mga kaguluhang
nagaganap sa bayan. Sana ay tularan ng lahat ang halimbawang ginamwa ni
Tenyente Ventura na unawain ang kalagayan ng kanyang mga nasasakupang
magsasaka sapagkat itinuring niya na mahalaga sila sa pag-unlad ng kanilang
kabuhayan. Ang mga tauhan na bumubuo sa kwento ay may kabuluhan malaki man
o maliit angm ginagampanan sa kwento sapagkat sila ay nagrerepresenta sa mga
mahahalagang tao sa ating tunay na lipunan.

b. Galaw ng Pangyayari (Ano ang masasabi o reaksyon mo sa


galaw ngmga pangyayayri)

Nasasabi kong napapanahon ang takbo ng kwento at napakanatural ang


pagkasunod-sunod ng mga pangyayari na nagaganp sa tunay na buhay at sa
lipunang ating ginagalawan. Ipinapakita nito ang tunay na takbo ng halalan ng
ating bansa at ang mga kaganapang ginagawa ng mga kandidato sa nasasabing
posisyon. Isa dimto ang paggawa ng inggay, paninira sa kapwa kandidato,
bayaran, dayaan at ibat-ibang drama na kaakibat nito sa tuwing may eleksiyon
sa totoong buhay. Maraming aral ang mapupulot sa tamkbo ng kwento at ako ay
nagagalak sapagkat naiayos ito ng may-akda sa tamang lugar at panahon dahil
nagbigay daan ito upang mas malinaw ang kwento at mga pangyayari.

B.  Bisang Pampanitikan (Epekto sa sarili matapos mabasa


at ,asuri angKabanata o napagtanto)

a. Bisa sa Isip
Sa mga kaganapang nangyari sa kwento mas lalo kmmmmong napagtanta na kahit pa dati
ay nagaganamp nam talaga ang dayaan sa eleksiyon at ang pagiging gahaman ng mga
may-ari ng gam sakahan sa kanilang mga magsasaka. Ako ay napaisip kung papaano ito
masugpo sa hinaharap, subalit naiiisip ko din na tila ito ay mahirap lutasin kung ako ay mag-
iisa sa labang ito. Kaya bilang nangangarap na magiging guro sa hinaharap ay ninanais kong
turuan ang aking mga mag-maaral na maging tapat, masmipag at manindigan sa tamang
laban sa buhay.
b. Bisa sa Damdamin
Ako ay nabahala at nalulungkot sapagkat hanggang sa kasalukuyang panahon
ay nadala pa din natin ang mga hindi mabuting kultura ng mga ninuno. Ako ay
nainis sapagkat alam na ng lahat na masama ang isang bagay ay patuloy pa
ding pinananindigan.
c. Bisa sa Kaasalan/Balyus
Bilang isang estudyante gagawin kong misyon ang mamging magandang
halimbawa sa aking mga kamag-aral na maging matapat, masipag at marunong
umunawa na pinuno. Naniniwala ako na ang paunti-unti ngunit masigasig na
pagpapakita ng kabutihan ay nakakapagbukas sa isipan ng iba na tuluran ang
kabutihang ipinapakita sa lahat ng oras.
d. Bisa sa Lipunan
Ang kwento ay repleksiyon ng tunay na pangyayari sa ating lipunang
ginagalawan. Naniniwala ako na ang mga nakakabasa nito ay ipapasa ang
kaalaman sa kanilang kinabibilangan na komunidad. Sa paglalarawan at sa
mabisang pagsasalaysay ay makakadulot ito ng mga mabubuting pagbabago sa
tao at di kalaona’y maging sanhi ng pagbabago ng ating lipunan.

Pamantayan sa paggawa ng Pagsusuri:


Pamantayan Puntos
Nilalaman at konteksto ng 30 pts.
pagkakasulat
Pagsunod ng pormat na ibinigay 10 pts.
Pagkamalikhain at paggamit ng balarila 10 pts.
at baybay ng mga salita.
Kabuuan 50 pts.

You might also like