You are on page 1of 6

Narito ang mga aralin na pag-aaralan mo sa modyul na ito.

Nakapaloob dito ang mga paksa,


pamantayang pangnilalaman at pagganap.

Aralin 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Naniniwala ka ba na ang bawat bagay sa mundo ay may dahilan at pinaglalaanan?


Tulad ng obra maestra ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal, ang Noli Me Tangere.
Ang mga salitang Noli Me Tangere ay hango sa Bagong Tipan at nangangahulugang huwag mo
akong salangin. Tanging si Rizal lamang ang sumaling sa kanser ng lipunan sa kaniyang panahon.
Inilantad niya ang kasamaan ng pamahalaan at ang pagbabalat-kayo ng simbahan gayundin ang
kamalian ng kanyang mga kababayan.
Sa Aralin 1, pag-aaralan mo ang kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere at ang mga angkop
na salita/ekspresyon sa paglalarawan, paglalahad ng sariling pananaw, pag-iisa-isa at
pagpapatunay.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maitatala mo ang mga nalikom na datos sa
pananaliksik ukol sa talambuhay ni Dr. Jose Rizal. Ito ay tatayain batay sa sumusunod na
pamantayan: maayos na naitala ang mga datos sa indeks kards, isang ideya lamang ang laman ng
kard at naitala nang wasto ang pinagkunang sanggunian.

Sa araling ito, sasagutin mo ang sumusunod na mga tanong: Paano mo mapapatunayan na


umiiral pa ang mga kondisyon sa panahon ng Kastila sa lipunang Pilipino sa kasalukuyang panahon?
At paano makatutulong ang paggamit ng angkop na salita/ekspresyon sa paglalarawan, paglalahad
ng sariling pananaw, pag-iisa-isa at pagpapatunay sa pagtatala ng mga nalikom na datos sa
pananaliksik?

Gawain 1: Mind Mapping


Pag-isipan ang kaugnayan ng mga salita sa loob ng bilog sa buhay ni Dr. Jose Rizal.
Ipaliwanag.

Pilipinas

Espanya
mga nobela
Dr. Jose Rizal

mga prayle kalayaan


Gawain 2 : Magsaliksik
Punan ng angkop na impormasyon ang patlang ukol sa pagkakasulat ng Noli Me Tangere.
1. Kahulugan ng pamagat : ________________________

2. Inspirasyong Aklat : ________________________

3. Petsa ng simula itong sulatin : ____________________

4. Petsa nang matapos : ___________________________

5. Lugar ng pinaglimbagan : ________________________

6. Tumulong sa pagpapalimbag : _____________________

7. Pinag-alayan ng nobela : _____________________

Gawain 3: Character Profile


Kilalanin mo ang manunulat ng nobelang ating tatalakayin. Punan ng angkop na impormasyon ang
mga patlang ukol sa talambuhay ni Jose Rizal.

Character Profile

a. Pangalan ___________________ h. Pisikal na Katangian ________________


b. Tirahan _____________________ i. Libangan _________________________
c. Gulang _____________________ j. Mga bagay na mahusay na naisagawa
d. Kasarian ____________________ _______________________________
e. Pag-aaral ____________________ k. Kahanga-hangang katangian _______
f. Hanapbuhay __________________ _______________________________
A. Linangin
g. Pagkamamamayan _______________ l. Pananaw sa buhay _______________
Basahin ang Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere. Suriin ang mga salik

B.Linangin
Basahin at unawain ang kaligirang kasaysayan ng nobela upang maging malinaw sa iyo kung bakit
isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere.

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE

Alam mo ba na malaki ang kinalaman ng mga pangyayaring naganap sa bansang Espanya sa


pagkakabuo ng nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere. Ito ang naging batayan upang lubos na
lumutang ang isang larawan ng paghahangad na matamo ang kaunting kaunlaran bilang isang
bansa at mamamayan. May tatlong salik na naging tagapagmulat ng kaisipan ni Rizal, ito ay ang
sumusunod:

o Pagbagsak ng Espanya bilang mananakop


o Abuso ng mga Prayle
o Pagsibol ng Kaisipang Libertaryanismo
Tatalakayin natin isa-isa ang mga nabanggit na salik.
1. Pagbagsak ng Espanya bilang mananakop
Sinasabing lumawak ang kapangyarihan ng bansang Espanya sa pamamagitan ng
eksplorasyon. Ginugulan nila ito ng malaking halaga dahil dito nagmumula ang kanilang malaking
yaman at kapangyarihan. Ang mga paglalayag ay nagbubunga ng maraming pagtuklas. Ang mga
pagtuklas ay nagpapanhik ng malaking yaman.

Subalit ang paghahari sa kapangyarihan at kayamanan ay nagtapos dala ng sumusunod


na mga pangyayari:

a. Pagkalugi ng mga Galleon Trade


Ang paglalayag gamit ang isang bangka o bapor sa malawak na karagatan ang naging
instumento ng Espanya sa pagpapalawak ng kanyang kapangyarihan at yaman. Subalit dala ng
maraming pagkakataon, ang mga ito ay hindi nakararating sa kanilang patutunguhan. Kung minsan,
ito ay lumulubog sa karagatan dala na rin ng pagsusungit ng panahon ngunit ang higit na naging
dahilan ng pagkalugi ay ang pag-iral ng mga piratang mangungulimbat. Ang mga ito ay hayagang
binabayaran upang harangin ang mga barko, dito lumakas ang tinatawag na kapitalismong
pamimirata. May mga bansa na nagbabayad sa mga pirata sa layuning mapalawak din ang pwersa
at mapahina ang pwersa ng Espanya. At sa patuloy na pagkalugi, nawalan ng lakas na matustusan
ng Espanya ang kanyang mga paglalayag. Ito ang naging dahilan ng unti-unting paghina ng Espanya
bilang isang kolonisador.

b. Paghiwalay ng mga kanugnog na Bansa


Bago pa lumakas ang kapangyarihan ng Espanya sa ibayong dagat, malaki na ang kanyang
kapangyarihan sa mga kanugnog na bansa sa Europa. Kabilang dito ang Mehiko, Portugal at iba pa.
Madaling kumalat ang impluwensya ng bansang Espanya sa mga nabanggit na bansa dala na rin ng
kalapitan ng mga ito sa heograpiya. Subalit nang lumaon, naghangad din sila ng kalayaan. At sa
pamumuno ni Simon Bolivar ay lumaya ang bansang dati ay nasa ilalim ng Espanya.

c. Kawalan ng Matatag na Pamahalaan


Naging malaking salik sa pagbagsak ng Espanya bilang isang makapangyarihang bansa ang
kawalan nito ng matatag na pamahalaan. Ang kanilang pamahalaan ay pinamumunuan ng monarka.
Sa pagpapapalit ng monarka, nagpapalit din ang pilosopiyang ipinatutupad sa bansa. Ang mga
monarkang namumuno ay nag-aawayan kung kaya’t mismong mga tao ay naghangad na mabago ang
sistema ng kanilang pamahalaan.

2. Abuso ng mga Prayle


Hindi natin maiiwasang itanong kung bakit nga ba nagkaroon ng malawak na lupain ang mga
paring Kastila dito sa Pilipinas gayong sila ay hindi naman tubo rito sa atin? Paano sila nagkaroon ng
mga asyenda at ekta-ektaryang lupa?
Kung susuriin, maliwanag na lulutang ang ideyang GREEK FORMATION sa nangyaring
pagpapalawak ng lupa ng mga paring Kastila. Narito ang mga konseptong nakapaloob dito.
a. Bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas walang malalapit na pamayanan ang mga
katutubo. Ang karamihan ay nakatira sa malalawak na lupain ng mga kagubatan. Walang
tunay na nagmamay-ari ng lupa, Walang kaukulang papel na pinanghahawakan ang lahat.
b. Dala ng mga pasakit na dulot ng mga mananakop, umiral ang pailan-ilang rebelyon. Upang
maiwasan ito, kailangang mabigyan ng aral ang mga Katutubo. Kailangang malapit sa
paningin ng mga pari ang mga tao. Hindi naman sila makapunta sa mga ito sapagkat
natatakot sila sa mga rebelde.
c. Upang maakit ang mga taong bayan na mapalapit sa kanila, nagtayo sila ng mga simbahan.
Hinikayat ang mga tao na maging Katoliko at ipinakita ng mga prayle ang kagandahan ng
pagtira sa kabayanan. Sanhi nito, naakit ang mga katutubo.
d. Naakit ang mga katutubo. Nagtayo sila ng bahay sa kabayanan. Subalit kailangan nilang
mabuhay. Bumabalik sila sa kanilang mga lupa upang magtanim. Bumabalik din sila sa
kanilang mga bahay sa bayan pagkatapos.
e. Nakita ng mga prayle ang lawak ng mga lupain ng mga katutubo. Ninais nila itong angkinin.
Gumawa sila ng paraan upang magkaroon ng isang batas na nagbabawal sa sino mang nasa
loob ng bayan na lumabas. Ang sino mang sumuway dito ay ituturing na taong labas at
uusigin.
f. Tanging ang mga prayle lamang ang pinahihintulutang makalabas ng bayan. Kasama rin dito
ang mga tauhan. Sanhi ng nabanggit na batas, napabayaan ang malalawak na lupain.
g. Muling gumawa ng batas. Inilalagay sa kamay ng mga prayle ang pamamahala sa
napabayaang malalawak na lupain. Ito ang naging sandigan ng pagkakaroon ng mga lupain
ng mga orden ng pari sa Pilipinas.
3. Pagsibol ng Kaisipang Libertaryanismo
Naging mapalad si Rizal sapagkat nagkaroon siya ng pagkakataong makarating sa Europa na
nagbukas sa kanyang kaisipan tungkol sa prinsipyo ng kalayaan. Ang mga pangyayari sa bansang
Francia kung saan naglunsad ng malawakang rebelyon ang mga tao. Hindi nagsipagbayad ng buwis.
Itinigil ang paglilingkod sa mga mapang-aping panginoon ng lupa. Lumaya sa pagkaalipin ang mga
magsasaka. At sa sama-samang lakas ng mamamayan ay nabuwag ang kapangyarihan ng hari. Si
Haring Louise XVI at ang kanyang asawang si Marie Antoinette ay ginarote sa harap ng mga
nagbubunying mamamayan – simbolo ng pagwawagi ng mga maralita laban sa mapang-aping
pwersa ng mga makapangyarihan.
Iisa ang naging sigaw ng mga mamamayan sa Francia noong panahong iyon. Ito ay ang “lahat
ng tao sa Francia ay pantay-pantay”. Dito sumilang ang prinsipyo ng equalidad gayundin ang
fraternidad o pagkakapatiran. Nasa matibay na pagtutulungan ang sandigan ng kanilang
pagtatagumpay. Pagtatagumpay na ang tanging mithiin ay ang lumaya.
Kalat na kalat na ang mga bagong kaisipan sa Europa. Noong una, totoong mahirap itong
makarating sa Pilipinas dahil na rin sa aspekto ng heograpiya. Malayo ang Pilipinas sa Europa
aabutin ng isang taon ang paglalakbay. Subalit ito ay noong hindi pa binubuksan ang Suez Canal.
Sanhi ng pagbubukas ng nabanggit na Canal, posible nang makarating nang mabilis sa bansa ang
pagbabagong nagaganap sa Europa.
Ang mga nabanggit na dahilan ang nag-udyok kay Rizal upang ilagay na paksa sa kanyang
nobela ang pilosopiya ng libertaryanismo.
- mula sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal (Pampanitikang Pagtalakay
ni Arturo S. Cabuhat, 1996

Alam mo ba na …
ang nobela o kathambuhay ay isang masining na sangay ng panitikan na naglalahad o naglalarawan
ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot ayon na rin sa mga karanasan ng tao sa
kaniyang sarili at sa kaniyang kapaligiran.
Ang nobela ay galing sa salitang Latin, novelus, at itinuturing na supling o kaugnay ng
kasaysayan o istorya pagkat dito isinasalaysay ng saksi ang mga kaalamang kaniyang namasid,
kung hindi man walang labis o kulang, nababawasan o nadaragdagan, kung hindi man
pinatitingkad, pinalulungkot, o pinasasaya (Servano de los Angeles, 1974).

Mangayari pa ang nakikilala ngayong katagang nobela ay buhat na sa salitang Kastila (wikang
kapamilya ng Latin) – novella na binaybay-Filipino at pinanatili ayon na rin sa dikta ng kasaysayan
dahil ang mga Kastila ang nagdala ng sangay na ito ng panitikan sa kapuluan na lalong nagpatingkad
sa kanilang pananakop.

Ang mga unang nobelang Pilipino noong panahon ng Kastila ay pawang nakasulat sa orihinal
na wikang Kastila. Una ay ang Barlaan at Josaphat, na isinalin sa lamang ni Fray Antonio de Borja
noong 1712. Pangalawa ay ang Urbana at Felisa na isinulat naman ni Modesto de Castro at ang
Tandang Bacio Macunat ni Padre Lucio Miguel y Bustamante,

Nang magsimula ang propaganda, isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me tangere at ang El
Filibusterismo. Makatotohanann na ang mga inilahad na pangyayari rito, base sa mga tunay na
nagaganap noon sa lipunang Pilipino sa ilalim ng pamamahalaang Kastila. Layunin ng nobela na
ilantad ang karahasan ng mga kastila at ipamulat sa mga Pilipino ang kanilang kaapihan nang sa
gayon ay umalsa sila at ipakipaglaban ang sariling karapatan. Ang layuning ito ay binigyan ng
kabuluhan ni Andres Bonifacio nang itatag niya ang Katipunan at nagpasimula ng mga himagsikan.

Gawain 4 : Paglinang ng Talasalitaan


Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa tulong ng ibinigay na kontekstwal na
pahiwatig sa loob ng pangungusap.

1. Ang paglalayag gamit ang isang bapor ang naging instrumento ng Espanya sa kanilang
eksplorasyon.
2. Humina ang Espanya bilang kolonisador nang malugi ang Galleon Trade.
3. Ang Espanya ay pinamumunuan ng mga Hari at Reyna ngunit ito ay naging mahina dahil na
rin sa pagpapalit ng monarka.
4. Naniniwala ang mga taga-Francia na ang lahat ng tao ay isinilang na pantay-pantay kaya’t
sigaw nila ay “ equalidad!”
5. Lumakas ang pagkakapatiran ng mga tao sa Francia. Nagtagumpay sila sa kanilang mithiing
lumaya dahil sa fraternidad.

Gawain 5: Mga Gabay na Tanong


Sagutin ang sumusunod na tanong :
1. Bakit mahalagang mabatid ang ilang mga pangyayari na may kinalaman sa pagbagsak ng
Espanya bilang isang kolonisador sa pag-aaral ng kaligirang kasaysayan ng Noli Me
Tangere?
2. Ipaliwanag ang naging papel ng Galleon trade sa pagiging makapangyarihan ng Espanya at
gayundin sa pagbagsak nito.
3. Ilahad ang maaaring naging epekto ng paghihiwalay ng ilang nasakop ng Espanya sa
kamulatan ni Rizal bilang manunulat ng Noli Me Tangere.
4. May impluwensiya ba ang pagkakaroon ng hindi matatag na pamahalaan sa Espanya sa
pagkakasulat ng Noli? Patunayan.
5. Paanong nagkaroon ng malalawak na lupain ang mga prayle noong Panahon ng Kastila?

You might also like