You are on page 1of 3

APRIL 8,2024

ARALING PANLIPUNAN
Sa Araling ito, tatalakayin natin ang mga naging epekto ng mga pandaigdigang pangyayari gaya ng
paglipas ng merkantilismo, paglaganap ng kaisipang La Ilustracion at pagwawakas ng kalakalang galyon sa
pagkabuo ng kamalayang makabayan at pakibaka ng mga Filipino laban sa kolonyalismong Espanyol.
1. La Ilustracion o Age of Enlightenment
 Nagsimula ito sa Europe na naging patakarang kolonyal ng mga Espanyol. Kilala bilang La
Ilustracion sa Spain.
 Ito ay maituturing na mahalagang panahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng
antas ng pag-iisip at pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamahalaan,
impraestraktura at mga institusyon ng Lipunan
 Pinahahalagahan din sa panahong ito ay ang kakayahan ng tao na mag-isip para sa ikabubuti
ng sarili at lipunan, naging banta rin ito sa kapangyarihan ng simbahan.
2. Paglipas ng Merkantilismo
 Mula ika-16 hanggang ika-18 siglo, naging batayan ng kaunlaran at kapangyarihan ng mga
bansa sa Europe, ang prinsipyong merkatilismo.
 Ang tunay na sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay ang dami ng mahalahang metal
–lalo na ang ginto at pilak, ito ay ayon sa Merkatilismo.
 Isang mahalagang epekto ng merkantilismo ay ang pagtatatag ng malalakas na hukbong
military na magtanggol sa mga kolonyangbansa ng mga European , higit ding naging
mahalaga ang ginto at pilak bilang pambayad sa barter trade o transaksiyon sa pagpapalitan at
pagtutumbasan ng produkto.
3. Pagwawakas ng Kalakalang Galyon
 Ang Kalakalang Galyon ay tinawag ding Manila-Acapulco Galleon Trade ang tanging
kalakalang sinalihan ng Pilipinas mula ika-16 na siglo hanggang 1815.
 Subalit hindi nakinabang ang mga katutubo sa kalakalan bagkus ang mga Tsino, Espanyol at
ilang mangangalakal na Filipino lamang ang may pakinabang.
 Nagdulot din ito ng pang-aabuso sa mga katutubo, dulot ng polo y servicio nan aka setro sa
mga gawaing may kinalaman sa galyon, tulad ng paggawa ng barko.

Ang Mga Salik Sa Pag-Usbong Ng Kamalayang Pambansa


A. Pagbubukas ng Suez Canal
Noong ika-17 ng Nobyembre 1869 , binuksan sa pandaigdigang kalakalan ang Suez Canal. Sa
pagbubukas ng kanal na ito, higit na napadali ang pag-aangkat ng kalakal at pagdating ng kaisipang
liberal mula sa Europe patungo sa ibang panig ng daigdig. Napaikli din ang buwan ng paglalakbay
mula Europe patungo sa Maynila.
B. Pag-usbong ng Panggitnang Uri
Ang pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan at paglago ng agrikultura ay bunga ng
ilang mga mangangalakal, magsasaka at propesyunal na umunlad ang pamumuhay. Sila ang bumuo
ng panggitnang uri sa lipunan sa Pilipinas. Ang panggitnang uri ay kinabibilangan ng mga Chinese
at Spanish Mestizo. Ang mga ito ay may kakayahang pag-aralin ang kanilang mga anak sa Maynila
o Europe, partikular sa Espanya. Doon nakamit ng mga “naliwanagang” kabataan o tinatawag na
Ilustrados- ang liberal na edukasyon ang nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan noon ng
Pilipinas.

C. Liberal na Pamumuno
Sumiklab ang isang himagsikan sa Espanya noong ika-19 ng Setyembre 1868. Nagsimula ang
himagsikang ito sa pagpapalit ng papamahala ng Espanya mula sa kamay ng konserbatibo tungo sa
liberal. Sa panahong ito, ipinadala si Carlos Maria de la Torre bilang bagong gobernador-heneral
sa Pilipinas. Madaling nakuha ni de la Torre ang pagtitiwala ng mg Pilipino. Nakilala siya sa
kaniyang liberal na pamamahala sa bansa. Nakinig siya sa mga suliranin ng mga mamamayan at
nakikisalamuha siya sa mga Espanyol o Pilipino man. Ipinagbawal din niya ang paghahagupit bilang
parusa, winakasan ang pag-eespiya sa mga pahayagan, at hinikayat niya ang malayang
pamamahayag. Naniwala din siya na pantay-pantay ang lahat ng mamamayan. Sa kanyang
panunugkulan, naranasan ng mga Pilipino ang kalayaan sa paghayag ng kanilang saloobin.
Pagkatapos ng dalawang taong panunungkulan ni de la Torre, pinalitan siya ni Rafael de Izquierdo
bilang bagong gobernadorheneral. Siya ay nakilala bilang isa sa pinakamalupit na namuno sa
bansa. Sa panahong ito, lalong sumidhi ang paananais ng mga tao na makamit ang pagbabago at
kasarinlan.

D. Sekularisasyon at ang Tatlong Paring Martir


Noong ika-19 na siglo, isa pang pangyayari ang naging salik sapagusbong ng kamalayang Pilipino,
ang sekularisasyon. Ito ay ang pagbibigay ng paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang
parokya.
Uri ng Paris a Panahon ng Espanyol:
1. Paring Regular. Ang mga paring regular ay ang mga paring Espanyol na pabilang sa ordeng
relihiyoso tulad ng Agustinian, Franciscan, Recollect, Jesuit at Dominican.
2. Paring Sekular naman ang tawag sa mga Pilipinong pari na hindi maaring mapabilang sa
alinmang ordeng relihiyoso.
Ang pag-aalsang ito ay agad nasugpo ng mga Espanyolat dinakip ang mga napagbintangang pinuno nito,
kabilang ang mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Nilitis ang tatlong pari at
isinakdal ng mga bayarang testigo, piskal at abogado. Hinatulan sila ng kamatayn at ginarote noong ika-
17 ng Pebrero 1872. Sa pangyayaring ito, napaigting ang damdaming makabansa ng mga Pilipino laban
sa mga mananakop.

Pagsasanay 1
Tukuyin ang salita o konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
puwang.
A. Merkantilismo B. Sekularisayon C. Ilustrados D. La Ilustracion E. GOMBURZA
_______ 1. Tatlong paring martir na hinatulan ng kamatayan.
_______ 2. Tawag sa Age of Enlightenment o Kaliwanagan sa Spain
_______ 3. Sistemang ekonomiko kung saan ang batayan ng kayamanan ng isang estado ay ang dami ng
ginto at pilak na pag-aari nito.
_______ 4. Mga Pilipino na nakapag-aral sa Maynila o sa Europe na tinawag na “naliwanagang”
kabataan.
_______ 5. Pagbibigay sa mga paring secular ng kapangyarihang pamunuan ang mga parokya.

Pagsasanay 2
Iguhit ang masayang mukha ( kung ang pangyayari ay nakatulong upang magising ang diwang
makabayan at ekis (X) naman kung hindi.
___________ 1. Pag-unlad ng kalakalan.
___________ 2. Paggarote sa tatlong paring martir.
___________ 3. Pagpapatayo ng pabrika.
___________ 4. Pagkamit ng liberal na edukasyon ng mga kabataang ilustrados.
___________ 5. Pagkakaroon ng malupit na pinuno gaya ni Rafael de Izquierdo.

MATHEMATICS 5
Discover the hidden word by finding the area of each circle given the diameter or radius.

1 2 3 4 5

1. r = 2 cm D. A= 3.14 cm2
2. r= 6 cm O. A= 113.04 cm2
3. d= 8 cm N. A=28.26 cm2
4. r= 3 cm R. A= 12.56 cm2
5. d= 2 cm U. A= 50.24 cm2

ACTIVITY 2: KEEP PRACTICING


Box the correct area of each circle given the radius or diameter.
1. r = 4 cm Area = 12.56 cm2 Area = 50.24 cm2
2
2. r = 7 cm Area = 153.86 cm Area = 10.99 cm2
2
3. d = 12 m Area = 113.04 m Area = 37.68 m2
4. d = 10 dm Area = 314 dm2 Area = 78.5 dm2
2
5. r = 11 in Area = 34.54 in Area = 379.94 in2

EPP
Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig nito. Piliin ang iyong
sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
zigzag rule rip saw eskwala
martilyo coping saw katam

1. Mainam na kagamitan para malaman kung eskwalado ang bahagi ng isang kahoy.
2. Ang kagamitan na ito ay ginagamit bilang pampakinis sa ibabaw ng tabla o kahoy.
3. Isang uri ng lagari na ginagamit na pamputol ng kahoy ayon sa hilatsa nito.
4. Gagamitin ang lagaring ito kung gugustuhin mong pakurba ang hugis nang kahoy na iyong puputulin.
5. Kung gusto mong sukatin ang taas, lapad, at kapal ng materyales, gamitin ang panukat na ito.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang sitwasyon o katanungan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
iyong kuwaderno.
1. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang ginagamit bilang panghasa ng kasangkapan?
a. lagari b. katam c. kikil d. zigzag rule
2. Ang mga sumusunod ay mga kagamitang pambutas, alin ang hindi?
a. cross cut saw b. barena c. brace d. paet

3. Hirap na hirap si Mang Kanor na putulin ang kawayan na gagawin niyang hagdan dahil sa mapurol na ang
mga ngipin ng lagaring kaniyang ginagamit. Nagmamadali pa naman din siya dahil malapit na ang kanilang
pista. Paano mo matutulungan si Mang Kanor?
a. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang bato.
b. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang kikil.
c. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang oilstone.
d. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang buhangin.
4. Gusto mong higpitan o luwagan ang turnilyo, alin sa sumusunod na kagamitan ang iyong gagamitin?
a. Martilyo b. maso c. bato d. disturnilyador
5. Sa anong paraan ka nakalalamang kung kabisado mo lahat ang mga kagamitang pang-industriya?
a. ikaw ay makakatipid sa oras at lakas
b. maging maayos sa pagplaplano upang maging mas madali ang paggawa ng mga gawain
c. tama ang mga pahayag sa a at b
d. wala sa nabanggit ang sagot

Gawain 3
Panuto: Kilalanin kung saang kagamitan nabibilang ang bawat kasangkapan sa ibaba. Piliin ang iyong sagot
sa loob ng kahon.
Pamukpok panghasa pamputol
pang-ukit Panukat pangkinis pang-ipit

You might also like