You are on page 1of 2

Q4 LAGUMANG PAGSUSULIT #1

ARALING PANLIPUNAN 5
I. Basahin at unawain ang mga pahayag at katanungan. Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Sino ang Gobernador Heneral ang nagpatupad ng isang patakarang pangkabuhayan tulad ng monopolyo sa
tabako.
A. Maria dela Torre B. Jose Basco C. Primo de Rivera D. Rafael de Izquierdo
2. Anong taon ipinatigil ang kalakalang galyon?
A. 1850 B. 1899 C. 1815 D. 1915
3. Ano ang tawag sa mga Pilipinong maykaya at nakapag-aral sa Maynila o sa Espanya na bumuo sa panggitang uri?
A. Principalia B. Ilstrado C. Cabeza D. Datu
4. Ano ang dahilan ng pagpapatupad sa monopolyo sa tabako sa Pilipinas?
A. Pagkukunan ng karagdagang kita ng Espanya
B. Reporma sa Ekonomiya
C. Makatarungang pagbubuwis
D. Upang makasakop pa ng bagong teritoryo
5. Sino ang nanguna sa pag-aalsa noong 1596 sa Cagayan dahil sa hindi makatarungang pagbubuwis at
pagmamalabis samonopolyo sa tabako?
A. Magalat B. Lapu-lapu C. Diego Silang D. Dagohoy
6. Sinong Gobernador-Heneral ang naniniwala sa liberalismo at nagpamalas ng mahusay na pakitungo sa mga
Pilipino?
A. Carlos Maria dela Torre B. Jose Basco C. Primo de Rivera D. Rafael de Izquierdo
7. Anong kaisipan ang pinangunahan ng mga Ilustrado na nangangahulugang “naliwanagan”?
A. La Ilustracion B. Liberalisasyon C. Regularisasyon D. Sekularisasyon
8. Liberalisasyon ang tawag sa kaisipang galing sa Europa. Anong damdamin ang ipinakikita nito?
A. Pagbibigay ng Kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin.
B. Pagbibigay ng pagkakataon sa pagpapalayas ng mga prayle sa Pilipinas.
C. Pagpapahayag ng pagkamuhi sa mgfa Kastila.
D. Pagpapalaya sa mga nasasakdal.
9. Sa pagbubukas ng lagusang ito, naging mas mabilis ang paglalakbay, ano ang ito?
A. Manila-Acapulco B. Nile River C. Pacific Ocean D. Suez Canal
10. Anong sistemang ekonomiko kung saan ang batayan ng yaman ng isang bansa ay ang dami ng ginto at pilak na
pagmamay-ari nito?
A. Demokrasya B. Liberalismo C. Merkantilismo D. Polo y servicio
II. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay totoo at MALI kung hindi.
11. Sekularisasyon ang tawag sa paglalagay ng mga paring secular sa mga Parokya sa Pilipinas
12. Nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino sa malayang pagpapahayag ng kaisipan sa pananhon ni Gob. Hen. De
La Torre.
13. Ang La Ilustracion ay pinangunahan ng mga paring Espanyol.
14. Ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa kanluran at silangan ay nagbigay-daan sa pagpasok sa
Pilipinas ng iba’t ibang paniniwala.
15. Nakarating sa Pilipinas ang kaisipang liberal na mula sa Europa at Amerika dahil sa pagkakaroon ng
pagdaigdigang pakikipagkalakalan.
16. Si Gob. Hen. Rafael de Izquierdo ay mayroong liberal na pamumuno sa Pilipinas.
17. Ang mga pahayagan at mga aklat na may kaisipang liberal ay di nakarating na Pilipinas kayat ang mga Pilipino ay
tuluyan pa rin walang kaalaman tungkol dito.
18. Si Gob. Hen. Izquierdo ang nagpabitay sa tatlong paring martir.
19. Sa pagkamatay ng tatlong paring martir ay nag-alab ang damdamin ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
20. Ang mga ilustrado ay mga Pilipinong maykaya na nakapag-aral sa ibang bansa tulad ni Rizal.
III. Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang konsepto.
21. _I_E_A_ tumutukoy sa kaisipang malaya
22. S_K_LA_I_A_YO_ tawag sa paglalagay ng mga paring secular sa Parokya
23. _UE_ _A_ _ L ang artipisyal na daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Mediterranean Sea at Red Sea
24. _A I_US_RCI_ _ kaisipang pinangunahan ng mga Ilustrado na nangangahulugan ng naliwanagan
25. I_U_T_A_O tawag sa mga Pilipino na nagkaroon ng pormal na edukasyon sa Pamantasan
IV. Iguhit ang / kung ang pahayag ay mga salik o pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng
kamalayang Pilipino at X kung hindi.
26. Liberal na pamamalakad sa pamahalaan ng Pilipinas
27. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
28. Pagtatatag ng Republika ng Biak na Bato
29. Pagbitay sa tatlong paring martir
30. Pagtatag ng La Liga Filipina
31. French Revolution at American Revolution
32. Pagbubukas ng Suez Canal
33. Pag-usbong ng Panggitnang-uri o Middle class
34. Kamay na bakal ni Gob. Hen Izquierdo
35. Pagkamatay ni Jose Rizal

KTC
1. B 11. T 21. LIBERAL 31. /
2. C 12. T 22. SEKULARISASYON 32. /
3. B 13. M 23. SUEZ CANAL 33. /
4. A 14. T 24. LA ILUSTRACION 34. /
5. A 15. T 25. ILUSTRADO 35. X
6. A 16. M 26. /
7. A 17. M 27. /
8. A 18. T 28. X
9. D 19. T 29. /
10. C 20. T 30. X

You might also like