You are on page 1of 3

Pulong Buhangin National High School

Araling Panlipunan 8 IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

I. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

Para sa aytem 1-4


a. Francesco Petrarch b. Nicolas Copernicus c. Leonardo Da Vinci d. William Shakespeare

1. Siya ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” at sumulat ng Romeo at Juliet.


2. Siya ang tinawag na “Ama ng Humanismo”.
3. Siya ang ang gumawa ng mga obrang “The Last Supper” at “Mona Lisa”.
4. Siya ang nagpaliwanag ng Teoryang Heliocentric.
5. Bakit sa Italya unang sumibol ang Renaissance?
a. Ang bansang Italya ay may magandang lokasyon. c. Sa pagtataguyod ng maharlikang angkan
b. Sa Italya nagsimula ang kadakilaan ng sinaunang Roma. d. Lahat ng nabanggit
6. Alin sa mga sumusunod ang mga kulturang klasikal na pinagtuunan sa panahon ng Renaissance?
a. Amerikano b. Griyego-Romano c. Indo-Europeo d. Tsino

Para sa aytem 7-16 Piliin sa loob ng kahon ang sagot.

a. Bartholomeu Diaz b. Moluccas c. Atlantic d. Spices e. Christopher Columbus


f. Kapitalismo g. Pope Alexander VI h. Prinsipe henry i. Vasco Da Gama J. Ferdinand Magellan

7. Ito ay ang mga produktong ginamit ng mga Europeo bilang pampalasa at pampreserba ng mga pagkain.
8. Siya ang nakapagpatunay na ang mundo ay bilog.
9. Ito ang tawag sa karagatan na unang ginalugad ng Portugal sa paghahanap ng mga spices at ginto.
10. Ito ay isang sistema kung saan ang mga tao ay namumuhunan ng kaniyang salapi upang magkaroon ng tubo
11. Siya ang manlalayag na nakarating sa mga lugar na binansagang New World.
12. Siya ang nanghikayat sa mga Portuges na maglakbay upang makatuklas ng bagong teritoryo at kayamanan.
13. Ito ang tawag sa lugar na inagaw ng mga Dutch mula sa Portugal.
14. Siya ang manlalayag ang nakalibot sa Cape of Good Hope noong Agosto 1488.
15. Siya ang gumawa ng kasunduan sa pagitan ng Portugal at Spain na tinawag na Kasunduan sa Tordesillas.
16. Ang kanyang paglalakbay ang nagbigay-daan sa mga Portuges upang matuklasan ang yaman ng Silangan
17. Paano nakatulong ang librong “The Travels of Marco Polo” sa mga taga Europeo na nais maglakbay sa Asya
partikular sa China?
a. Nailahad nito ang pinagdaanang digmaan sa China.
b. Naipabatid nito ang yaman at kaunlarang taglay ng China.
c. Naipabatid nito na ang China ay malaya sa mga barbarong tribo.
d. Nailahad nito ang pag iimbita ng Emperador sa mga taga Europa.
18. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon?
a. Paghahanap ng kayaman c. Paghahangad ng katanyagan
b. Pagpapalganap ng Kristiyanismo d. Pagpapalit ng bagong pinuno
19. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakaapekto sa eksplorasyon ng mga Europeo MALIBAN sa?
a. pagsuporta sa mga monarkiya sa mga manlalakabay.
b. pagkakaroon ng pagbabago sa ecosystem ng daigdig.
c. pagkakatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon.
d. pagiging mapang-usisa na dulot ng Renaissance.
20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon?
a. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
b. Nakapukaw ito ng interes sa makabagong pamamaraan at teknolohiya sa paglalayag
c. Napalakas nito ang ugnayang silangan at kanluranin
d. Nagdulot ito ngpagsasamantala sa likas ng yaman, pagkawala ng kasarinlan at paninikil.
21. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa Rebolusyong Siyentipiko MALIBAN sa?
a. noong ika-16 at ika-17 na siglo ang naging hudyat ng pagpasok ng rebolusyong siyentipiko.
b. umusbong ang kaisipan tungkol sa teoryang heliocentric.
c. nakilala ang imbensyon na steam engine.
d. napalitan ang paniniwalang tradisyunal ng maka-agham na pananaw sa sansinukob.
22. Paano binuo ng mga Iskolar ang Panahon ng Kaliwanagan?
a. Sa pamamagitan ng pamamayani ng pamahiin.
b. Sa pagtangkilik ng maka-agham na pamamaraan.
c. Pagkilala sa kanila bilang pangkat ng intelektuwal.
d. Paghikayat na gumamit ng katwiran, kaalaman at edukasyon.
23. Bakit sa Great Britain nagsimula ang rebolusyong industriyal?
a. Sa Great Britain maraming mina ng langis.
b. Mayaman sa tanso ang nasabing bansa.
c. Maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya.
d. Wala sa nabanggit
24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging sanhi ng pag-usbong ang Rebolusyong Siyentipiko?
a. Dahil sa pagpapalawig ng mga teritoryo ng mga taga- Europa.
b. Dahil sa mga katanungan ukol sa tradisyunal na kahiwagaan ng sansinukob.
c. Dahil sa pagsisiyasat ng tao sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa
sansinukob.
d. Dahil pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo.
25. Paano ngakapareho ang paniniwala ni John Locke at Hobbes?
a. May kasunduan sa pagitan ng mga tao at kanilang tagapamahala.
b. Pinuno ang tanging masusunod sa desisyon.
c. May karapatang mangatuwiran ang tao.
d. Ang pinuno ay handang tumulong sa lahat ng pagkakataon.
26. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng rebolusyong industriyal sa sangkatauhan?
a. Pagbuo ng mga unyon o samahan ng mga manggagawa.
b. Pagtaas ng antas ng walang trabaho.
c. Pagbuti ng kalagayan ng bansa.
d. Pagdami at mabilis na paggawa ng mga produkto.
.
Para sa aytem 27-30
a. Adam Smith b. Baron de Monstequieu c. Napoleon Bonaparte d. Maximilien Roberspierre

27. Kinilala sa kanyang Balance of Power


28. Naniniwala sa malayang daloy ng ekonomiya o Laissez faire
29. Pinatay ang mga kaaway sa pamamagitan ng guillotine
30. Pinakapopular at matagaumpay ng heneral ng France

Para sa aytem 31-34 (Pagsunud-sunurin ang pangyayaring naganap sa Rebolusyong Amerikano). Isulat sa patlang
ang a,b,c at d). a para sa unang pangyayari.
_____ 31. Pagtanggap ng Great Britain sa kalayaan ng mga dating Kolonya.
_____ 32. Pagtulong ng mga Pranses sa mga Amerikano laban sa mga Ingles.
_____ 33. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng 13 kolonya ng Timog Amerika at Great Britain.
_____ 34. Paglusob mula sa Canada.

Para sa aytem 35-38 (Pagsunud-sunurin ang pangyayaring naganap sa Rebolusyong Pranses). Isulat sa patlang
ang a,b,c at d). a para sa unang pangyayari.
_____ 35. Nahati ang lipunang Pranses sa tatlo
_____ 36. Krisis sa pananalapi ng Pamahalaang Pranses.
_____ 37. Pagkakaroon ng ideyang nakabatay sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran
_____ 38. Ang pagbagsak ng Bastille.
39. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?
a. Paghahanap ng pampalasa.
b. Pangangailangan sa hilaw na materyales.
c. Pagsunod sa dokrinang Manifest Desiny at paniniwalang White Man’s Burden.
d. Pagsunod sa sistemang kapitalismo..
40. Ito ang doktrinang nagbigay ng karapatan sa mga Amerikano na magpalawak at umangkin ng lupain
a. Divine Right Theory b. Mandate of Heaven c. Manifest Destiny d. White Man’s Burden
41. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng concession?
a. Pagbibigay ng proteksyon sa mga kolonya. c. pgkontrol sa pamahalaan ng maliit na bansa.
b. Pagbibigay ng espesyal na karapatang magnegosyo. d. Pagbibigay ng karapatan ng diyos na manakop.
42. Bakit nahirapan sa paggalugad sa Africa ang mga bansang Kanluranin sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?
a. May mga nakasakop na sa malaking bahagi ng Africa.
b. Malakas ang agos ng ilog at maraming naglipanang mababangis na hayop sa kagubatan.
c. Walang kagamitan sa paggalugad ang mga mananakop.
d. Malayo sa Europa ang kontinente ng Africa.
43. Bakit napasali ang United States sa pananakop noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?
a. Dahil nagkaroon ng labanan ang United States sa Spain
b. Dahil likas sa mga Amerikano ang sumali sa digmaan.
c. Dahil nais nilang tumulong sa iba para lumaya.
d. Dahil nais nilang maghiganti.
44. Ang mga sumusunod ay epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismong kanluranin MALIBAN sa?
a. Pagkasira ng kulturang katutubo.
b. Pagkasira ng likas na yaman.
c. Pagkakaroon ng hidwaan sa teritoryo
d. Pagbabagosa gawaing pampolitika, pang ekonomiya, pampolitika, espirituwal at pangkultura ng bansa.

Para sa aytem 45-50 (Dahilan at Bunga ng pagsibol ng Nasyonalismo sa Daigdig)


a. Nasyonalismo sa Soviet Union b. Nayonalismo sa Africa c. Nasyonalismo sa Latin America
Dahilan Bunga
_____ 45. Pamamalakad ng mga puti sa ekonomiya _____ 48. Napaalis ang mga czar
_____ 46. Katiwalian at hindi pantay na tingin sa lahi _____ 49. Nanatili ang kahirapan at pang aalipin
_____ 47. Pang-aabuso ng czar at pulisya _____ 50. Nagtagumpay na mapaalis ang mga Espanyol

You might also like