You are on page 1of 3

Pangalan: Baitang at Seksiyon:

Mga Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 8


Ikatlong Markahan

Gawain 1
Panuto: Gumawa ng isang repleksyon ukol sa epekto ng mga naganap na kolonyalismo at
rebolusyon sa kasaysayan. Ilahad ang iyong saloobin kung sa palagay mo ito ay nakatulong o
nakasama sa atin bilang mamamayang Pilipino.

Gawain 2
Panuto: Ilarawan ang kolonyalismo sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain. Pumili lamang
nang isang nais mong gawin.
 Collage
 Poster
 Scrapbook

Kraytirya sa pagpupuntos ng iyong gawa


Nilalaman - 20
Pagkamalikhain - 20
Kalinisan - 10
Kabuuan 50
Pangalan: Baitang at Seksiyon: Iskor:

Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8


Ikatlong Markahan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.
1. Alin ang hindi naging salik sa pag-usbong ng Renaissance?
A. Italya ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma.
B. Mahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Italya.
C. Ang mga ambag ng mga Humanista.
D. Ang magandang lokasyon nito.
2. Bakit mahalaga ang ginawang circumnavigation ni Ferdinand Magellan?
A. Dahil napatunayan na lahat ng karagatan sa daigdig ay magkakaugnay at ang mundo ay bilog.
B. Dahil ito ang nagpatunay na ang malaking bahagi ng mundo ay binubuo ng karagatan.
C. Dahil dito nalaman mga tao ang iba’t-ibang ruta upang marating ang ibang lugar.
D. Dahil nakilala ng mga tao ang iba pang lugar sa mundo.
3. Alin sa mga susmusunod na pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “The End
Justifies the Means”?
A. Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.
B. Anuman ang layunin ay mabuti pa rin ang bunga nito.
C. Ang pamamaraan ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan.
D. Anuman ang pamamaraan basta mabuti ito ay palaging mabuti ang bunga.
4. Ano ang kahulugan ng salitang Renaissance?
A. muling pagsilang B. kamatayan C. kabilang-buhay D. pag-usbong
5. Bago ang panahon ng Renaissance, ano ang paniniwala ng mga tao sa ating mundo?
A. Ang araw ang sentro ng sansinukob. C. Ang mundo ay umiikot bilog.
B. Ang mundo ang sentro ng sansinukob. D. Ang araw ay umiikot sa ating mundo.
6. Bakit mahalaga ang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Italya noong panahon
ng Renaissance?
A. Ito ang nagbigay-daan upang tuligsain ang maharlika.
B. Ito ang nagpa-unlad sa kaisipan at obra na may kinalaman sa politika.
C. Dahil nabigyang sigla ang pagnanais na manumbalik ang kabihasnang klasikal.
D. Dahil mas naging malaya ang mga tao sa paglinang ng kanilang kakayahan at kagustuhan.
7. Anong mga pagbabago ang naganap sa Panahong Siyentipiko?
A. Nasugpo ang mga karamdaman at napagbuti ang kaalaman at kalusugan ng mga tao
B. Nagkaroon ng malawakang kaguluhan
C. Natugunan ang pangangailangang ispiritwal
D. Natukoy ang problemang politikal
8. Ano ang kahalagahan ng pagpasok ng Panahong Siyentipiko?
A. Natutong magsiyasat sa pamamgitan ng eksperimento
B. Naipakita ang pagmamahal sa sarili
C. Natutunang mabuhay ng malaya
D. Natukoy ang kahinaan ng mga pinuno
9. Alin sa mga sumusunod na aspeto ang naging sagabal sa pagkamit ng nasyonalismo ng
mga bansa sa Latin America ang HINDI KABILANG?
A. Naging matagal ang pag-usbong ng mga panggitnang uri ng lipunan
B. Umunlad ang piyudalismong sa Latin America na pinamumunuan ng mga peones
C. Maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok sa mga makabayang pag-aalsa
D. Hindi tinuro ng mga Espapyol sa mga katutubo ang pagsasalita ng kanilang wika
10. Ang kaalaman ukol sa prinsipyo at karapatan ng mga Amerikano ay nagresulta sa isang
A. Paksyon/Pagkakahati B.Rebolusyon C.Migrasyon D.Kawalan ng Pagkakaisa
11. Sa panahon ng imperyalismo ng mga Kanluranin, nawala at unti-unting nasira ang
______ng mga Asyano at Aprikano.
A. wika B. kultura C. pagkain D. edukasyon
12.Itinatag ang Berlin Conference noong 1884 upang maiwasan ang ____
A. slavery o pang-aalipin B. digmaan C. tunggalian ng interes D. kampihan
13. Ang dalawang kontinente na pinag-agawan ng mga Kanluranin dahil sa
masaganang likas na yaman ay ang ______
A. Aprika at Asya B. Amerika at Europa C. Australia at Aprika D. Asya at
Antarctica
14.Ang nanguna sa eksplorasyon patungo sa Aprika ay sina ____
A. Marco Polo at Ferdinand Magellan C.Hernando Cortez at Prinsipe Henry
B. Bartolome Diaz at Pigafetta D.David Livingstone at Henry Morton
15.Hinangad ng mga kanluranin na masakop ang Asya at Aprika dahil sa ____
A.Maunlad na ekonomiya C.Saganang likas yaman
B.Malaking populasyon na D.Maunlad na teknolohiya magagamit sa digmaan
16. Bakit itinuturing na isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo?
A. Kailangang may magsakripisyo muna ng buhay.
B. Kailangan itong madama at paghirapan ng tao upang matutuhang mahalin ang kanilang bansa.
C. Kailangang humantong muna sa digmaan bago nito madama ang pagmamahal sa bansa.
D. Kailangang mahalin muna ng iba ang iyong bansa.
17. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng katangian ng bansang Soviet Union o Russia,
maliban sa isa,
A. Pinakamalaking bansa sa daigdig
B. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos.
C. Ito ay matatagpuan sa kontinente ng North America.
D. Sumasakop ito sa dalawang lupalop ng Asia at Europe.
18. Si Leon Trotsky ay isa sa masugid na tauhan ni Lenin na naniniwala sa alituntuning
A. Dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig.
B. Iwasan ang pakikidigma sa mga bansa upang manatli ang kapayapaan.
C. Dapat ikalat agad ang demokrasya upang mapalaya ang mga mamamyan.
D. Wala sa nabanggit
19. Mahigit sa 200 taon na nasakop ng mga Tartar o Mongol mula sa Asya ang mga
mamamyan ng Russia noong ika-13 na siglo. Sino sa mga sumusunod ang nagsilbing tagapagligtas
ng Russia mula dito?
A. Ivan The Great B. Josef Stalin C. Leon Trotsky D. Vladimir The Saint
20. Nagbunga ang October Revolution ng mga komunistang Soviet ng mga sumusunod na
pangyayari maliban sa isa,
A. Nagapi ang mga czar B. Naghari si Trotsky sa Russia
C. Nagkaisa ang mga Ruso D. Nagwakas ang aristokrasya

You might also like