You are on page 1of 5

1. Ano qng mga uri ng maikling kwento sa kasalukuyan?

May siyam na uri ng maikling kuwento:

 1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang


nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.
 2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
 3. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
 4. Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan.
 5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

 6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang


pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

 7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa


harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat
sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

 8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.

 9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.

2. Mag bigay ng iba’t ibang maikling kwento na sumibol sa iba’t ibang panahon. Bigyan ng pag susuri.

Panahon ng mga Kastila

 Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat

Mga halimbawa ng maikling kwento sa panahon ng mga kastila

 Noche Buena ni Jose Rizal

 Si Rosa at si Rogelio ni Lope K. Santos

 Bunga ng kasalanan ni Cirio Panganiban – nagkamit ng unang gantimpala noong 1920.


Ito angunang kwentong tumapat sa mahigpit na pangangailangan ng banghay.

Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa kasaysayan ng panitikang


Pilipino. Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabalarila at guro pa ng wika.

Mga nagkamit ng gintong medalya at pinakamahusay na kwentista.

 · Wala nang Lunas ni Amado V. Hernandez


 · Aloha ni Deogracias A. Rosario
 · Sugat ng Alaala ni Fausto Galauran
 · Ay,ay ni Rosalia A. Aguinaldo

Panahon ng Amerikano

 Tinagurian ang panahong ito bilang “Mga Gintong Dahon ng Panitik (1929-1934) sapagkat ang
binigyang hugis ay ang kaanyuan bukod sa pagbabago ng kalamnan.

 Dalawang pangkat ng kwentistang Pilipino

-unang pangkat ay manunulat na yumakap sa istilo at pormang dayuhan o tinatawag na


makaluma

-ikalawang pangkat ay hayagang tumangkilik sa tradisyonal na pagsulat o tinatawag na


makabago.

 Aristokrata – pangkat ng mga klasistang manunulat,na naniniwalang ang pagsulat ay


isang marangal na gawain kaya ang dapat na kumatha ay yaong mararangal na tao, na may
mararangal at elitistang mga tauhan.

 Sakdalista – mga kwentistang produkto ng edukasyong kanluraninna tumutuligsa sa


makalumang paraan ng pagsulat.

Mga katangian ng panitikan sa panahon ng mga Amerikano

 Hangaring makamit ang kalayaan

 Marubdob na pagmamahal sa bayan

 Pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo

*Panahon ng Ilaw at Panitik – ganap ng nahasa ang mga manunulat sa sining ng maikling katha.

Panahon ng Hapon

· Masasabing gintong panahon ng Panitikang Filipino dahil pinairal ang paggamit ng wikang
pambansa bilang midyum ng pagsulat.
· Tinaguriang “Kontemporaryong Maikling kwento”.
· Sumikat sa panahong ito ang batikang kwentistang si Macario Pineda at napatanyag ang kanyang
kwentongSuyuan sa Tubigan.

Mga kilalang kwentista sa panahong ito:

1. · Narciso Reyes,” Lupang Tinubuan” – nagkamit ng unang gantimpala


2. · Liwayway Arceo, “Uhaw ang tigang na Lupa” – nagkamit ng ikalawang gantimpala
3. · N.V.M. Gonzales, “Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan” – nagkamit ng pangatlong gantimpala
4. · Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo – patnugot ng isang aklat na naglalaman ng mga
Kwentong Ginto na nasulat sa mga taong 1925-1935.

Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan

1. · 1972-1986, panahon ng Bagong Lipunan


2. · Setyembre 21,1972 – idineklara ang Martial Law.
3. · Bagong Lipunan-pagbabagong tatag
4. · Naging makatotohanan ang paksa ng mga ito at natuon sa tema ng Bagong Lipunan.
5. · Temang makabansa at paglaban sa mga naaapi.

 Mga paksain ng maikling kwento:

1. Pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka.

2. Pagbabalik-bukid ng mga tauhang nasasakal na sa magugol at mausok na lunsod.

3. Kahirapan ng pagkakaroon ng maraming anak.

4. Mga pang-araw-araw na pangyayaring kapupulutan ng aral.

1. · 1972 nalimbag ang Himagsik: Katipunan ng mga Nagkagantimpalang Kuwento ni Domingo


G. Landicho.
2. · 1974 nalimbag ang Manwal sa Pagsulat ng Maikling kwento sa Pilipino ni Domingo G.
Landicho.
3. · 1976 ay nalimbag ang Ang Mangwawasak at iba pang Maikling Katha sa pagmamalasakit
ni Epifanio San Juan.
4. Batas Republika – Kasalukuyan
5. · Nasa antas pa lamang ng panibagong pagpapakilala at pagpapaunlad ang wikang Filipino
noong mga taon ng dekada 80.
6. · Syeyring ni Juan Cruz Reyes – nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca taong 1986.
7. · Talinghaga ng Talahib ng Los Indios bravos ni Fidel Rillo Jr. – Pangatlong gantimpala sa
Palanca,1987
8. · Sugat sa Dagat ni Cyrus Borja – unang gantimpala sa Palanca, 1988
9. · Minero ni Noel Salongga – unang gantimpala sa Palanca, 1989
10. · Isang Hindi Malilimutang Tanghali Sa Buhay ng mga Ginoo’t Ginang Ng Bitukang Manok ni
Fernando Cao – inihalal na mahusay na kwento,1991. Tumalakay sa magkaibang pananaw at
gawi ng mga pesanteat mga naghaharing uri ukol sa dalawang matingkad na element ng Edsa,
rehiyon at pulitika.

3. Mag bigay ng reaksyon sa kasaysayan ng maikling kwento ayon sa kapakinabangan. Pansarili,


Komunidad, Lipunan.
4. Hanapin ang kasagutan. Ano ang naging gampanin ng maikling kwento sa pagunlad ng ating bansa
nakatulong ba o hindi?
4. Ito ay nakakatulong. Isa sa mga kwentong nakakatulong ay ang kwentong bayan.
Mahalaga ang k’wentong bayan sa paghubog ng sangkamalayan ng kabataang
Filipino. dapat ay itinuturo sa kabataan ang mga aral ng k’wentong bayan sapagkat
ang mga ito ay nagtuturo ng mensahe ng paggawa ng mabuti, maging ang aral na
ang responsableng pagpapasya ay nagdudulot ng mabuting kahihinatnan. “Palagay
ko ay dapat ganyan ang ating dapat gawin para magkaroon ng pambansang
kamalayan hindi iyong panay hiram lamang.” Naipakita ng k’wentong bayan ang
kahalagahan ng mabigat na pagpapasya sa mahihirap na sitwasyon at ang pakikipag-
talakayan sa mga bata tungkol sa mga hindi pinag-isipan at minadaling pagpapasya
ay nakatutulong sa pagpapasya sa kanilang buhay. Ang mga btang ito ang susunod
na mqgiging leader nang ating bayan. Sa kanila mag sisimula ang pagkakaroi natin
ng maunlad na bayan.

You might also like