You are on page 1of 2

Name: Saberon, Marc Andre C. Yr.

& Sec: BEED 1A - DAY


Date: 6/ 6 /2022

Panuto: Ibigay ang kahulugan sa mga sumusunod. Magbigay ng halimbawa sa bawat


isa at kaunting kaalaman nito.

1. Kwentong Bayan
Ang kwentong bayan o folklore sa Ingles ay may kahulugan na mga salaysay mula
sa kathang isip ng mga Pilipino. Ang mga tauhan sa kwentong bayan ay
kumakatawan sa pag-uugali at mga turo ng mamamayan. Ito ay binuo upang
ipahayag ang mga sinaunang pamumuhay ng mga tao na siyang naging gabay
hanggang sa kasalukuyang pamumuhay.
Halimbawa: Ibalon - Ang Ibalon ay isang kwentong bayan mula sa Bicol. Ang
kwentong bayan na ito ay nagpapakita kung paano naitatag ang mga unang bayan
ng Bicol sa pamumuno ni Baltog, Handiong, at Bantong. Ang tatlong bayani ay
kumakatawan sa simula ng buhay at lipunan sa Bicol.

2. Alamat
Ang alamat ay nagsasalay ng mga kwento kung paano nabuo o kung ano ang
pinagmulan ng isang bagay, pook, tao o hayop.
Halimbawa: Ang Alamat ng Gagamba – Ito ay isang kwento ng isang babae na
nabiyayaan ng talento sa paghahabi. Sa galing mag habi ng babae ay sumikat siya
at na-akit pansin nya ang isang Diyos. Ang mga tao sa paligid nang babae ay
sinasamba siya dahil sa kanyang talento sa paghahabi kaya ang Diyos ay nainggit
sa babae at sinumpa nya ito na maging isang insekto na pinandidirian nang mga
tao, dahil sa walong paa nito at anim na mata. Nan doon parin ang talento nang
babae sa pag-hahabi, ngunit wala nang gustong makita ang mga gawa nito dahil
purwesiyo na ang mga supot nang gagamba.

3. Mito
Ang mito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang
papel sa mga nilalang o mga tao.
Halimbawa: Ang kwento ni Cupid at Psyche – Ito ay tungkol sa pag-ibig ng
dalawang nilalang na nagmula sa magkaibang mundo. Tinangkang sirain ng ina ni
Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila ay naging matagumpay sa kabila ng
mga pagsubok. Sa huli, ay naging immortal na rin si Psyche at wala ng hadlang sa
pagsasama nilang dalawa
4. Pabula
Ang mga pabula ay tungkol sa mga kwentong ang mga tauhan ay hayop o mga
bagay na nagsasalita. Dito ang mga hayop at bagay ay binigbiyang buhay na
parang tao.
Halimbawa: Ang Tatlong Biik – ito ay isang pabula tungkol sa tatlong baboy na
nagtayo ng tatlong bahay na may iba't ibang materyales. Isang Malaking Masamang
Lobo ang humihip sa unang dalawang bahay ng mga baboy, na gawa sa dayami at
mga patpat ayon sa pagkakabanggit, ngunit hindi nito nagawang sirain ang bahay
ng ikatlong baboy, na gawa sa mga bato.

5. Parabula
Ang mga parabula ay mga kwentong maaring totoong nangyari at kinapupulutan din
ng aral mula sa Biblia.
Halimbawa: Si David at Si Goliath - Nagkaroon ng digmaan sa lupain ng Israel. Si
Haring Saul at ang mga Israelita ay nakikipaglaban sa mga Filisteo. Isa sa mga
Filisteo ay isang higante. Ang kanyang pangalan ay Goliat. Siya ay napakalaki at
napakalakas. Ang mga Israelita ay takot sa kanya. Ang sabi ng hari ng mga Filisteo
sa kanyang mga tao ay ibababa ang kanilang mga armas kung mapatay ni David
ang makapangyarihang manlalaban na si Goliath. Natalo nang maliit na si David si
Goliath sa tulong ng Diyos.

6. Epiko
Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang
grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may
mga tagpuang makababalaghan.

Halimbawa: Ang Hudhud ni Aliguyon - Ito ay nagmula sa bulubunduking probinsya


ng Pilipinas na Ifugao sa Cordillera. Tungkol ito sa dalawang magigiting na
mandirigma na sina Aliguyon at si Dinoyagan. Ang hudhud na tungkol sa matapang
na bayaning si Aliguyon. Dagdag pa rito, kinakanta ito sa panahon ng pag-aani.

You might also like