You are on page 1of 9

KABANATA 49 – ANG HINAING NG MGA INUUSIG

(BUOD)
NOLI ME TANGHERE
KABANATA 49 – ANG HINAING NG MGA INUUSIG

 Humingi ng paumanhin si Elias kay Ibarra dahil batid nitong nagambala niya
ang binata. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Elias at sinabi ang pakay
niya.
 Si Ibarra daw ang sugo ng mga sawimpalad. Napagkasunduan daw ng puno ng
mga tulisan na hilingin sa kaniya ang ilang bagay tulad ng pagbabago sa
pamahalaan, pagbibigay ng katarungan, pagbawas sa kapangyarihan ng mga
guwardiya sibil, at pagkilala sa dignidad ng mga tao.
KABANATA 49 – ANG HINAING NG MGA INUUSIG

 Sinabi ni Ibarra na maaari niyang gamitin ang kaniyang kayamanan at


impluwensiya niya mula sa mga kaibigan sa Madrid ngunit batid nitong hindi
ito sasapat para sa pagbabagong hinihingi.
 Sinabi rin niya na kung minsan ay nakasasama ang pagbawas sa kapangyarihan
ng tao. Dapat din daw ay ang gamutin ang mismong sakit at hindi lamang ang
mga sintomas.
 Nagtalo ang dalawa saglit. Gayunman, hindi nakumbinsi ni Elias si Ibarra at
sasabihin na lamang niya sa mga sawimpalad na umasa na lang sa Diyos.
KABANATA 49 – ANG HINAING NG MGA INUUSIG (ARAL)

 Kung minsan, mahirap nang gamutin ang sakit ng lipunan higit kung
napabayaan na. Mas nakadaragdag sa pasanin ang di nila paggamot sa mga
sakit na ito.
KABANATA 50 – MGA KAMAG-ANAK NI ELIAS
(BUOD)
NOLI ME TANGHERE
KABANATA 50 – MGA KAMAG-ANAK NI ELIAS

 Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa. Dito ibinunyag ni Elias na ang pamilya


niya ay mula rin sa mga sawimpalad.
 Ang nuno ni Elias ay namasukan noon sa isang bahay-kalakal sa Maynila na
pag-aari ng isang Kastila. Nasunog ito at napagbintangan ang lalaki niyang
nuno. Pinarusahan ito at kinaladkad ng kabayo.
 Dahil sa nangyari, namundok na lang ang mag-asawa. Ngunit namatay ang bata
sa sinapupunan ng babae. Nagpatiwakal naman ang lalaki dahil sa kamalasang
nangyari. Di siya naipalibing ng babae dahil walang pera. Nang mangamoy ang
bangkay, nalaman ng mga awtoridad at nais maparusahan ang babae. Pero
nagdadalang-tao pala ito kaya ipinagpaliban.
KABANATA 50 – MGA KAMAG-ANAK NI ELIAS

 Nang makatakas sa mga awtoridad, lumipat sa malayong lalawigan ang babae.


Sa paglaki ng panganay, ito ay naging tulisan habang ang isa pa nitong anak ay
nanatiling matino.
 Nagpatiwakal din ang anak na panganay ng babae habang nagpakalayo-layo
naman ang bunso.
KABANATA 50 – MGA KAMAG-ANAK NI ELIAS

 Napadpad siya sa Tayabas at doon ay naging obrero. Nakagiliwan siya ng lahat


dahil sa mabuting ugali at nakahanap ng mapapangasawa. Mayaman at babae
at pinaghiwalay sila ng mga magulang. Ngunit buntis na pala ang babae at
nagsilang ng kambal, sina Elias at Concordia.
 Tulad ng mga ninuno nila, nagpakamatay din si Concordia dahil sa labis na
lungkot at natagpuan na lamang ang nila ang bangkay nito sa Calamba.
KABANATA 50 – MGA KAMAG-ANAK NI ELIAS (ARAL)

 Ang hirap na dinanas ng mga ninuno ay nagdudulot ng malalim na poot kung


minsan. Naipapasa ito sa mga henerasyon hanggang di nabibigyan ng hustisyang
hinihingi.

You might also like