You are on page 1of 6

Chapter 40

Mga tauhan: Don Filipo, Pilosopong Tiso, Padre Salvi, Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Tiya Isabel, Sinang, Mga
Dalagang Kaibigan ni Maria clara, Andeng, Kasintahan ni Andeng, Elias, Yeyeng, Chananay, Marianito, Ratia,
Principe Villardo, Mga Moro, Dalawang Guardia na Sibil, Mga Kastila Alacde (mentioned), Donya Consolacion
(mentioned), Alperez (mentioned)

Tagpuan: San Diego, Plaza, Teatro, Kumbento ni Padre Salvi, Bahay ni Kapitan Tiago

Tanong: Bakit naiiba ang storya na inilahad ng Corresponsal ukol sa mga ginawa at intensyon ni Padre Salvi
noong nagaganap ang kaguluhan sa fiesta?

Aral: Ang mga aksyon nina Don Consolacion at Alperez sa kabanatang ito ay karapat-dapat bigyang pansin
dahil maraming aspeto ng kanilang ugali, pag-trato at tingin sa mga tao ay mali, at maaari nating gamitin
bilang aral. Bagama't wala sila sa mga kalunos-lunos na pangyayari sa fiesta, sila lang ang dahilan nito. Sa
kabila ng katotohanan na ang pagdiriwang ay pinahintulutan umano ng alcalde at walang sinuman, kahit ang
gobernadocillo, ang may awtoridad na wakasan ito, pinilit nilang gumamit ng dahas ang kanilang mga tanod
upang makuha ang kanilang nais. Wala silang konsiderasyon at sinira ng kanilang naipong pera at
kapangyarihan ang kanilang kapasidad para sa empatiya, pang-unawa, at pag-moderate. Dapat nating
matutunang ikompromiso at unawain ang mga pangyayari kahit na kung minsan ay maaaring maging abala
para sa atin.

Isyung Lipunan: Ang suliraning panlipunan na makikita sa kabanatang ito ay ang pang-aabuso ng
kapangyarihan at tungkulin ng mga tao sa lipunan, tulad ng pag-utos ni Padre Salvi kay Don Filipo na paalisin
si Ibarra na dumalaw upang manood ng dula dahil naiinggit ito kay Ibarra dahil mayroon itong lihim na
pagnanasa kay Maria Clara, ngunit hindi siya pinatalsik dahil ayon kay Don Filipo ay hindi niya ito maaaring
gawin dahil si Ibarra ay nagbigay ng malaking abuloy at hindi rin nagdudulot ng gulo o pahamak. Ganoon din
ang ginawa nina Donya Consolacion at Alperes, itinigil ang dula dahil hindi lamang sila makatulog. Sila ang
mga taong iniisip lamang sa kanilang sariling mga pangangailangan at gagamitin ang kanilang kayamanan at
kapangyarihan upang makamit ang kanilang mga layunin nang walang pagsasaalang-alang sa pinsalang
maidudulot nito. Nakakalungkot din isipin na mayroon din mga tao sa ngayong panahon na tulad nila Padre
Salvi at ng mag-asawa.

Isyung Lipunan 2: Ang isa pang isyung panlipunan na tinalakay sa kabanatang ito ay ang pagpubriko ng
katotohanan ng publiko. Makikita natin sa dulo ng kabanata na gawa-gawa lamang ng publiko ang mga
sinabing nangyari nang lumabas si Padre Salvi sa plaza, o kaya naman ay sila’y naglathala ng ng maling
impormasyon nang nalalaman dahil ang impormasyo na kanilang inilathala ay base lamang sa kanilang
obserbasyon o baka gawa gawa lamang ng kanilang isipan. Ang hindi pagkakaunawaan ng koresponden sa
tunay na motibo ni Padre Salvi sa pagtakbo tungo sa karamihan ay sumasalamin sa pananaw ng publiko sa
mga prayle sa San Diego. Sa katunayan, kung ang mga tao ay makakita ng isang pari na nagmamadali sa isang
kaguluhan ay lumilitaw na nagdudulot ng paghanga sa mga miyembro ng publiko at marahil sila’y makikita
din bilang mga “bayani”, dahil pangunahin sa paglinang ng simbahan ng paniwala na ang mga prayle ay
kumakatawan sa kaligtasan at kabaitan. Ngunit alam natin na malayo sa Dalisay at maka-bayani ang mga
intensyon ni Padre Salvi at nabibigo ang publiko na makita ito dahil sa malinis niyang imahe bilang isang pari.
Ang isyung panlipunang ito ay makikita rin sa ating lipunan; Ang mga paparazzi sa panaho ngayon ay
kumukuha ng mga imahe at sinusundan ang mga kilalang tao, at ip-post sa social medua, at kapag nailabas na
ang mga larawang ito sa publiko, ipinapalagay o nag-aakala ang mga tao sa kanilang mga aksyon, pag-uugali,
at personalidad mula lamang sa kanilang mga nakaraang aksyon, reputasyon, o naman kaya sa mga imahe
lamang mismo
Overall Summary (baka ksi maging over-detailed yung story na niresearch q)
10'o clock na ng gabi at mayoong palabas na pinangunahan ni Don Filipo. Sa teatro noong gabing iyon, sinabi
ni Don Filipo kay Tasio na hindi tinanggap ng alkalde ang kanyang pagbibitiw, sa halip ay iminumungkahi na
ipagpaliban nila ang pagtalakay sa usapin hanggang matapos ang pista. Nang magsimula ang pagtatanghal,
nakatingin at naka-obserba lamang si Padre Salví kay María Clara. Sa isang tiyak na punto ng gabi, nilapitan ng
pari si Don Filipo at nakiusap na paalisin si Ibarra mula sa plaza, ngunit sinabi ni Filipo na walang dahilan para
gawin iyon—hindi naman nagiging istorbo si Ibarra ng kapayapaan at Malaki ang ambag nito para sa palabas.
Dahil dito, umalis na lamang ang pari. Nang ibinalik ni Filipo ang kanyang atensyon sa libangan, lumapit sa
kanya ang dalawang miyembro ng Guwardiya Sibil at hiniling sa kanya na ihinto ang pagtatanghal dahil sila
alperes at ang kanyang asawa ay "nag-away at hindi makatulog." Tumanggi si Don Filipo, sinabi na ang
kaganapang ito ay inaprubahan ng alcalde. Pagkatapos ay tinalikuran niya ang mga sundalo, na umalis.

Biglang, sa kalagitnaan ng pagtatanghal, ang mga tao ay nagsimulang sumigaw, "Mga tulisan! Mga tulisan" at,
"Sunog! Apoy! Magnanakaw!” dahil sinalakay ng dalawang Guwardiya Sibil ang mga musikero sa orkestra
upang itigil ang palabas. Habang pinipigilan ni Don Filipo at ng kanyang mga tauhan ang mga sundalo,
isinumpa ng karamihan ang Guwardiya Sibil, na nagmumungkahi na sunugin ang kuwartel ng militar.
Nakiusap si Don Filipo kay Ibarra na tulungan siyang iwasan ang marahas na ideya ng mga taong lubos ang
galit. Nang makita ni Ibarra si Elías sa karamihan, tinanong ni Ibarra kung may magagawa ba siya, at pumunta
si Elías sa mga mandurumog upang subukan.

Sa panonood ng magulong tagpo sa fiesta, nakita ni Padre Salví na ibinuhat ni Ibarra si María Clara at umalis.
Dahil hindi niya matiis ang ideya na ito ay maaaring humantong sa isang uri ng sekswal o romantikong
pangyayari, siya ay pumunta sa direksyon na sila’y nagpatungo, tumatakbo sya sa panganib dahil lamang sa
kanyang obsesyon kay Maria at pagkamuhi kay Ibarra. Ngunit nang makarating siya sa bahay ni María Clara,
nakita niya ito sa terrace kasama si Tiya Isabel, na nag-aalaga sa batang babae dahil ito ay—malamang—na
nagkasakit. Sa kanyang pagbabalik, pinagpapantasyahan niya ang natutulog na katawan nito at marami pang
masasamang larawan. Pagkatapos ay mayrrong buod ng isang koresponden sa pahayagan tungkol sa abalang
gabi, na nagbibigay ng "isang libong pasasalamat" sa "naaangkop at aktibong interbensyon" ni Padre Salví, na
sinasabi ng koresponden na sumugod sa karamihan sa kabila ng panganib at nagdala ng kapayapaan sa mga
lansangan gamit lamang ang kanyang mga salita. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi ay tutoong nangyari

STORY
Important: Green / Not that important pero pwede magamit ig: Blue / Dialogues: Red

Alas diyes na ng gabi na paisa-isang sinindihan ang mga kuwitis. Maraming mga paputok na may kamangha-
manghang mga hugis—mga gulong, kastilyo, toro, kalabaw. Ang pinaandar, na higit sa kagandahan at
kadakilaan sa anumang bagay na nakita ng mga naninirahan sa San Diego. Ang daan naman ay naliliwanagan
ng ‘luces de Bengela’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan.

Ngayo'y tumutungo ang karamihang mga tao sa dacong plaza ng bayan, upang panoorin ang huling
palalabasin sa teatro. Dito't doo'y may nakikita ang mga iba’t ibang tao na may iba’t ibang ginagawa
datapuwa't tumugtog ang música ng̃ isang palatandaan, at nagsipuntahan ang mga tao patungo sa teatro

Maganda ang pagkakapaliwanag sa tablado, ito’y napaka liwanag dahil sa libolibong mga ilaw. Isang alguacil
ang siyang nag-aalaga ng mga ilaw na iyon, at pag napaparoon, siya'y pinagsusutsutanan at sinisigawan ng
madla;—"Nariyan na, nariyan na siyá!”

Mg̃a pag paroo't parito, mga sigawan, mga ingayan sa pagtatasa, at iba pa ang siyang nangagdaragdag ng
caigayan. sa dakong malayo pa roo'y may narinig na isang kalampagan ng mga nababasag na mga copa at
mga botella: iyon pala'y si Andeng na may dalang mg̃a alac at mga pangpatid uhaw; maingat nya itong
hinahawk, ng̃uni't kanyang nakasalubong ang sa kanya'y boyfriend.

Nangungulo sa pamamanihala at kahusayan ng palabas ang teniente mayor na si don Filipo; sa pagca't
mahilig sa “monte” ang gobernadorcillio. Kausap nya si Matandang Tiso at nakasentro ang kanilang usapan sa
nais ni Don Filipo na bumitaw na sa kanyang tungkulin, ngunit hindi pumapayag ang alkade sa pagbibitaw
nito:

“Ano kaya ang mabuti kong gawin? Hindi tinanggap ng Alcalde ang pagbibitiw ko ng katungculan” "inaakala
po ba ninyóng salá't kayo sa lacas sa pagganap ng inyong mga catungculan?" ang itinanong nya sa akin.” Sabi
ni Don Filipo

“At ano ang inyong isinagot?” tanong naman ni Matandang Tiso

“‘Guinoong Alcalde!’ ang aking isinagot; ‘ang lakas ng isang teniente mayor, pawang katulad ngg mga lakas ng
lahat ng mga pinuno; nanggagaling ang mga lacas na iyan sa mga matataas na pinuno. Tinatanggap ng kahi't
hari man ang kanyang mga lacas sa bayan at tinatanggap naman ng bayan ang kanyang lakas. Itong bagay na
ito pa naman ang wala sa akin, guinoong Alcalde!’ —Datapuwa't hindi ako pinakingan ng̃ Alcalde, at sinabi sa
aking pag-uusapan na raw namin ang mga bagay na ito pagka tapos ng mga fiesta.” Sabi ni Don Filipo

“kung gayo'y tulungan nawa ka ng Dios!” sabi ni Matandang Tiso at nag-akalang umalis

“Aayaw po ba kayong manood ng palabas?” hininto sya ni Don Filipo

“Salamat nalang! hindi ko kinakailangan ang sino man sa paggawa ng mga caululan, sukat na akong mag-isa”
—ang isinagot ng̃ pilosopong kalakip ang isang tawang palibak. “datapuwa't ngayo'y naalaala ko, hindi ba
tinatawag ang inyong paglilining ngg kaugalia't hilig ng ating bayan? Payapa, nguni't lumiligaya sa mga
panooring ukol sa mga gera at mga labanan, giliw ang pagkakapantay-pantay, datapuwa't sumasamba sa mga
emperador, mga hari at sa mga príncipe; hindi mapagpitagan sa religion, nguni't iniwawaldas ang
pamumuhay sa mga walang kabuluhang pag paparangalan sa mga fiesta; ang mga babae rito sa atin ay may
kaugaliang matimyas, nguni't kung magalit pagka nakakakita ng isang princesang nagpapa-ikit ng sibat ...
nalalaman po ba ninyo kung ano ang cadahilanan nito? Talastasin po ninyong dahil sa-“ nabitin si Matandang
Tiso sa pagsasalita

Saglit nabitin ang kanilang usapan ng pagdating ni María Clara at ng kanyang mga kaibigan. Sumusunod sa
kanila ang curang may kasamang isa pang franciscano't ilang mga kastila.

Nagsimula ang palabas kay Chananay at kay Marianito, sa pagkanta ng̃ "Crispino e la comare". Ang pansin ng
lahat ay na sa escenario, liban lamang sa isa: si Pari Salvi na nakatitig lamang kay Maria clara. Tila pumunta
lamang roon upang bantayan lamang si Maria Clara.

Nagtatapos na ang palabas nang pumasok si Ibarra. Umugong ang mga bulungbulungan datapuwa't parang
hindi napansin binata ang mga ito, sa pagka't bumati siya ng walang kimi kay María Clara at sa kanyang mga
kaibigan, at naupo sa tabi ng canyang casintahan.

Tumindig naman si Padre Salve at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit hindi sumunod si Don
filipo at sinabing magagawa iyon sapagkat Malaki ang ambag ni Ibarra sa palabas at hindi naman ito nang-
iistorbo ng kahit sino man.
“Dinaramdam ko pong hindi ako makapagbigay-loob sa inyo; ang sabi ni don Filipo;—"si ginoong Ibarra'y isa
sa mga lalong malalaki ang ambag, at may karapatan na maparito basta’t hindi sya nanggugulo ng
kapayapaan dito” sabi ni Don Filipo

“Nguni't hindi ba panggugulo ng kapayapaan ang magbigay kasalanan sa mabubuting mga kristyano?!” sagot
ng cura. “Iya'y isang pagpapabayang magpapasok ang isang lobo sa kawan ng mga mababait na tupa! Ika’y
mapaparusa sa bagay na ito sa harap ng Diyos!” sabi pa ng cura nang may halong galit. “isáng pagbibigay
puang sa pang̃anib, at cung sino ang umiibig sa pang̃anib ay sa pang̃anib namamatay!”

“Wala akong nakikitang ano mang panganib, padre: ang guinoong Alcalde at ang Capitan General, na aking
mga punong matataas, nakipag-usap lamang sa kanya sa hapong ito” sabi ni Don Filipo

“Kung hindi mo siya palalayasin dito'y kami aalis.” Sagot nig cura

Nagsisi ang cura sa sinabi, nguni't wala ng magawa.

May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag na lamang niyang pansinin ang kura, sapagkat ang mga
ito ang nagsasabing na si Ibarra ay isang eskumulgaldo. Dahil dito’y nagtaka at natakot si Ibarra, kaya’t
nagtangka muna siyang umalis ng ilang sandal at nagpaalam muna sa mga dalaga. Sinubukan itong pigilan ni
Sinang ngunit tumanggi si Ibarra at sabing magbabalik na lamang sya.

Papalabas na si Yeyeng upang sumayaw, nangagsilapit ang dalawang sundalo ng civil kay don Filipo at
nagpakiusap na ihinto ang pagpapalabas dahil nag aaway daw sila alperes at Donya Consolacion at hindi
makatulog dahil rito. Ngunit hindi rin pumayag si Don Filipo.

“At bakit?” —ang tanong ni don Filipo na nagtataka.

“Sa pagka't nagaway ang alferez at ang guinoong babae at hindi makatulog.” sabi ng guardya

“Sabihin po ninyo sa alférez, na binigyan kami ng kapahintulutan ng Alcalde Mayor, at wala sino man sa
bayang may kapangyarihan sumalangsang sa kapahintulutang ito, kahi't ang gobernadorcillo man” sabi ni don
Filipo

“Talastasin ninyong kinakailang̃ang itiguil ang palabas!” —ang inulit ng mga sundalo.

Ngunit umalis na lamang si Don Filipo, at nagsialis na din ang mga sundalo

Nang matapos na ang bahaging ng zarzuela, lumabas naman ang Príncipe Villardo, at hinahamon ng away ang
lahat ng mga morong nang away sa kanyang amá. Sa kagalingang palad ng mga moro, na nangagsisipaghanda
na sa labanang tinutugtugan ng "himno de Riego", ay siyang nagbunga ng isang gulo. Biglang nagsihinto ng
pagtugtog ang mga bumubuo ng orchestra at kanilang linusob ang teatro, pagkatapos maipaghagisan ang
kanilang mga instrumento. Ang matapang na si Villardo, na hindi inaakalang mangagsisirating ang mga
guardyang iyon, kaya naman inihagis niya ang canyang espada at eskudo at tumakbo. May nariringig na mga
sigawan, mga daing, tungayawan, mga salitang kapusungan, nagtatakbuhan ang mga tao, nangamatay ang
mga ilaw, ipinaghahaguisan sa impapawid ang mga baso ng ilaw, at iba pa. “Mga tulisan! Mga tulisan!” ang
sigaw ng mga iba. “Sunog! ¡sunog! ¡mg̃a magnanacaw!”ang sigawan naman ng mga iba.

“Ano ang nangyari?” tanong ni Don Filipo habang tinitignan ang iba’t ibang pangyayari
Nagkagantong gulo dahil ilinagad ng dalawang guardia civil na may tangang pamalo ang mga musikero at ng
pahintuin ang palabas. Ngunti sila din ay nahuli ng mga kuwadrilyero.

Bumalik na si Ibarra at kanyang hinanap si María Clara. Nangagsikapit sa kanya ang natatakot na mga
dalagang; dinarasal ni tía Isabel ang mga letanía sa wicang latin.

Ang mga guardya na inihatid ng mga kuwadrilyo sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao, pero pinakiusapan ni
Don Filipo na huwag na palalain pa ang sitwasyon, ngunit siya rin ay hindi pinansin at nagpatuloy parin mag-
gulo ang mga tao.

“Huwag sana ninyong sirain ang katahimikan!” —ang isinisigaw ni don Filipo. “hihingi tayo bukas ng
karapatang tumbas sa kaguluhang kanilang ginawa, bibigyan tayo ng nauukol sa ating catuwiran; nangangako
ako sa inyo na bibigyan tayo ng nauukol sa ating katuwiran!”

“Sinungaling!” —ang isinasagot ng bayan; “gayon din ang ginawa sa Calamba, gayon din ang ipinangaco,
datapuwa't walang ano mang ginawa ang Alcalde! Ibig naming gumawa ng hustisya sa aming kamay! Tayo na
sa kartel!”

Si Don Filipo naman ay humingi ng tulong kay Ibarra. “Anó naman ang aking magagawa?” —ang itinanong ng̃
binata, na natitigagal, datapuwa't malayo na ang teniente mayor.

Pinakiusapan ni Ibarra si Elias na puntahan ang mga kalalakihang nagbabalak ng masama. Napanihunod
naman ng piloto/Elias ang mga lalaki na huwag na ituloy ang kanilang binabalak.

Nagsialisan na ang mga tao isa isa

Mula naman sa kinakaroonan ni Padre Salvi, Nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan. Dumating din ang
kaniyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring gulo.

Bigla na lamang nakita ni Padre Salvi si Maria Clara na walang malay-tao, pangko ni Ibarra, at sila’y Nawala sa
kadiliman. Lumulucsong nanaog sa mg̃a hagdanan, walang sombrero, walang bastón at parang sira ang isip
na tinung̃o ang plaza. Ngunit nang sya’y makarating ay wala ng tao. Mabilis syang tumungo sa bahay ni
Kapitan Tiago

Sa nakapinid na durungawan ay nakita nya ang anino nila Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa
dibdib ng kura ay unti unting Nawala dahil ligtas si Maria.

“Magaling na lamang”—ang kanyang ibinulong.

Sinarhan ni tía Isabel, pagcatapos ang mg̃a capis ng̃ bintana, at hindi na napakita ang caibig-ibig na anino.

Lumayo sa lugar na iyon ang kura, na di man lamang nakikita ang karamihan. Nalaladlad sa harap ng kanyang
mga mata ang cagandagandahang pangangatawan ng isang dalaga, na tumutulog at humihinga ng
katamistamisan. Nagpatuloy ng̃ pagkakita ang panimdim ni pari Salví ng iba't iba pang mga bagay.

Marahil ay ang Corresponsal ng periodiko, na winakasan ang pagsaysay ng fiesta at ng lahat ng mga nangyari
sa ganitong paraan:

"Macalilibong salamat, walang hangang salamat sa sumapanahon at masikap na pamamag-itan ng totoong


kagalanggalang na si Pari Fray Bernardo Salví, na hindi kinatakutan ang lahat ng panganib, sa gitna ng bayang
iyong nagngingitngiti ng galit, sa gitna ng karamihang wala ng pinagpipitaganan; walang baston, walang
sombero'y pinayapa niya ang mga galit ng karamihan, na walang ibang ginamit liban na lamang sa kanyang
mapanghikayat na pananalita, at ang kadakilaan at kapangyarihang kailan ma'y hindi nagkukulang sa
sacerdote ng isang Religion ng kapayapaan. Linisan ng banal na relihiyoso ang mga katamisan ng
pagkahimbing, na tinatamasa ng lahat ng magandang diwa na gaya ng kanyang taglay, upang mailagang
mangyari ang isang munting kasakunaan sa kanyang mga oveja. Hindi nga marahil kalilimutan ng mga
mamamayan sa San Diego ang ganitong lubhang magaling na ginawa niya at magpakailan ma'y kikilanlin sa
kanyang utang na loob!"

You might also like