You are on page 1of 22

noli me

tangere
Kabanta 20 - 23

Presented by : Althea Colyn Oloteo


Kabanta 20
pulong ng bayan
talasalitaan

Kahambugan - Kayabangan
Kanugnog-bayan - kalapit-bayan
Kasagwaan - kahalayan
Mapapala - matatamo ; mapakikinabangan
Mapusok - padalos-dalos
Panungis - panlaban ; pampuksa
Pagtitibayin - sasang-ayunan ; aaprobahan
Silyon - silyang may patungan ng braso
BUod ng kabanata
Dahil sa nalalapit na ang pista ng San Diego ay isang pulong
pambayan ang ginanap sa bulwugan ng tribunal. Ito ay
dinaluhan ng mga lider ng bayang nahahati sa dalawang
lapia. Ang matatanda ang grupong bumubuo sa Partidong
Conservador samantalang ang kabataan naman ang
bumubuo sa Partido Liberal . Magkaiba ang mithiin at
panuntunan ng dalawang partido. Ito ang dahilan kung bakit
bumuo ng plano si Don Filipo na siyang tenyente at lider ng
Partido Liberal. Kaya bago magsimula ang pulong ay
ibinulong niya sa dalawa o tatlo niyang kasama ang mga
payo ni Pilosopong Tasyo na sinabi sa kanya nang
makasalubong niya ito kaninang umaga.
BUod ng kabanata
Sinabi niya na ayon sa matanda ay mas galit sa kanila ang
mga miyembro ng Partido Conservador kaysa sa kanilang
mga balak kaya sa gagawing pulong ay kailangan nilang
magmungkahi ng mga planong hindi magugustuhan ng
matatanda. Dumating din sa pulong si Ibarra at ang gurong
kanyang nakilala.
Sa pulong, ang unang naghain ng plano ay si Kapitan Basilio
na mula sa grupo ng Conservador. Maligoy at mabulaklak
ang kanyang mga pananalita. Agad itong sinundan ni Don
Filipo na gaya ng inaasahan ay hindi tinanggap ng
matatanda ang kanyang panukala. Ito ay sinundan ng isang
kabesa na nakapagpahinuhod naman sa damdamin ng
lahat.
BUod ng kabanata

Nang sumang-ayon na ang lahat matapos ang mahabang


diskusyon ay nagsalita na ang kapitan na sumasang-ayon
siya sa kanilang mga plano ngunit sinabing iba ang gusto bg
kura. Masama man ang loob at dismayado ang lahat ay wala
silang nagawa kundi isagawa ang plano ng kura.
mahahalagang tauhan
Kapitan Basilio - Lider ng Partido Liberal
Don Filipo - Lider ng partido Conservador
Kapitan Valentin- tinutulan ang iminungkahi ng Tenyente
Mayor
mahalagang pahayag
"Sabi niya sa akin ay ito, 'Mas galit sa inyo kaysa balak ninyo
ang kalaban" - Don Filipo (sinabi sa kanya ni Pilisopong Tasyo)
"Kailangan siyang (kura) sundin hindi'y ibibilanggo tayo lahat
ng alcalde." - matatanda

Kahalagahan sa
kasalukuyan
Sa kasalukuyan ay madaming tao na na kahit ay may edad na at madaming
karanasan ay di pa rin sapat na magbigay pasya sa isang bagay. Bakit? Dahil
wala silang awtoridad. Tulad na lamang ng naganap sa pulong sa tribunal. Sa
kabila ng edad at karanasan ng pangkat conservador, hindi pa rin ang kanilang
mungkahi ang nagwagi. Maging ang pangkat ng mga kabataan o liberal ay hindi
rin nagwagi sa kanilang mungkahi sapagkat ang tanging may hawak ng
awtoridad ay ang mga prayle.
Kahalagahan sa
kasalukuyan
Anuman ang naisin ng mga prayle ay ang siyang masusunod lalo pa nga at ang
usapin ay isang gawaing pang simbahan. Tulod ngayon, ang gobyerno ay tila
bang walang naririnig na mamamayan. Kung ano ang gusto ng kanilang pinuno
ay yun ang susundin, dahil wala silang awtoridad para mag-pasya.
Kabanta 21
KUWENTO NG ISANG INA
talasalitaan

Dupikal - sunod-sunod na tugtog ng kampana


Mabuwal - matumba
Mawari - maintindihan ; maunawaan
Nababagot - naiinip
Nanunuya - nang-iinsulto ;nangungutya
Napiit - nakulong
Nauumid - hindi makapagsalita
Sumalampak - lumapag ; umupo sa lupa o
sahig
BUod ng kabanata
Takot na takot si Sisa nang makita niya ang mga guardia civil
sa kanilang munting dampa. Pilit na ipinalalabas sa kanya
ang kanyang dalawang anak na pinagbibintangan tumakas
at nag nakaw ng pera sa kumbento. Sinabi niyang hindi niya
pa rin nakikita ang kanyang mga anak ngunit hindi siya
pinaniwalaan ng mga guardia civil. Dahil dito siya ay pilit na
dinakip at hinuli ng mga ito. Lumuhod si Sisa para
magmakaawa na huwag siyang isama ngunit hindi siya
pinakinggan. Walang nagawa si Sisa kundi ang sumama sa
mga guardia civil. Sa kanilang paglalakad patungong
kuwartel, napagigitnaan siya ng mga guardia civil.
Pinagtinginan at kinutya siya ng mga tang nakakita sakanya.
Halos mamatay sa kahihiyan si Sisa noong mga oras na iyon
BUod ng kabanata
Dalawang oras napiit si Sisa sa himpila. Tanghali na nang
malaman ng alperes na nakakulong si Sisa at agad na
pinag-utos na palayain siya. Pinagtulukang papalabas si Sisa
sa kuwarter spagkat ayaw na niyang kumilos sa
kinalugmukan. Nang mapansin niyang nasa gitna na siya ng
lansangan ay nagmamadali siyang lumakad pauwi. Nang
marating ang kanilang bahay ay tinawag niya ang pangalan
ng mga anak "Basilio... Crispin." Nagpagala-gala si Sisa.
Umiiyak nang kakatwa. Minsan ay umaawit at kinakausap
ang lahat ng bagay.
mahahalagang tauhan

ALING SISA
Kahalagahan sa
kasalukuyan
makinig nalang kayo wala akong time mag-edit🥹
Kabanta 22
Dilim at liwanag
talasalitaan

Lumala - tumindi ang kalagayan


Pakay - layunin
BUod ng kabanata
Abala na ang mga tao sa San Diego sa paghahanda para sa
nalalapit na pistang-bayan. Usap-usapan na ang pagdating
nina Maria Clara at Tiya Isabel. Tuwang-tuwa ang
maramisapagdating ng dalaga sapagkat bukod sa
kinagigiliwan nila ay hinahangaan din nila ang kagandahan
nito. Lalong lumala ang bulungan ng makita nila si
Crisostomo Ibarra na dumalaw sa tahanan ng dalaga. Sa
pag-uusap ng magkasintahan ay nakiusap ang dalaga sa
binata na huwag na imbitahan sa gagawing pagsasalo sa
gubat si Padre Salvi dahil sa napapansin niyang kakaibang
kilos nito para sa kanya bagay na hindi naman pinagbigyan
ng binata.
mahahalagang tauhan
Crisostomo Ibarra
Maria Clara
Padre Salvi
mahalagang pahayag
"May suspetsa akong binabantayan niya ako. Hindi ko
nagugustuhan ang kanyang mga tingin. Kinikilabutan ako! Kung
kinakausap niya ako... parang nakapagdududa at mahiwaga ang
kanyang tinig. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. Minsan
ay itinanong niya ako kung hindi ko raw napapanaginip ang mga
sulat ng aking ina... Parang naloloko!
-Maria Clara
Kahalagahan sa
kasalukuyan
Tulad sa pamagat ng kabanata, mayroong kadiliman at
kaliwanagan sa mga tao at sitwasyon sa nobela man na Noli
Me Tangere o sa totoong buhay ng bawat tao.

You might also like