You are on page 1of 29

KABANATA 6

SUSTAINABLE
DEVELOPMENT
Mga 01
Introduksyon
02
Konsepto ng
03
Ang mga
Nilalaman Sustainable Sinaunang
Development Katangian bilang
Paraan ng
Sustainability

04 05 06
Mga Bumubuo sa Mga Batayan sa Ang Hamon ng
Pamamaraan ng Pagtatasa ng 2030 sa Pilipinas
Sustainable Sustainable
Development Development sa
Pilipinas
Introduksyon
Upang mabuhay ang lahat sa komunidad na ito, kailangan nating "magkasundong magkaisa sa pag-aksiyon." Ito ang sinabi ni Thabo
Mbeki, pangulo ng South Africa, sa United Nations World Summit on Sustainable Development na idinaos sa South Africa noong taong
2002. Ang patuloy na mabuhay ang pinakamahalagang elemento kung bakit nais ng tao na mapabuti ang kanyang pamumuhay. Ngunit
dapat na kaakibat ng layuning ito ang kamalayang mahalaga hindi lamang ang paggamit ng mga pangangailangan kundi gayundin ang
kakayahang maibalik ang mga ito sa pinakamabuting paraan.
Introduksyon
Ang sustainable development ay pagbalanse sa paggamit at pagpapanatili ng kalikasan para sa kinabukasan. Ito ang
prosesong dapat isaisip at pagtuonan ng pansin ng bawat nananahan sa planetang ito. Ang kahalagahan ng
pagtugon sa mga pangangailangan at pagpapanatili at pagprotekta sa kapaligiran ay parehong obligasyon ng
mauunlad at umuunlad na bansa sa lahat ng bahagi ng daigdig.

Ang kasaysayan ng sustainable development ay mababakas mula pa noong 1700 kung kailan naisip ng isang
administrador na Aleman ang posibleng pagkawala ng kagubatan sa Germany. Noong panahong iyon, ginagamit
ang mga troso sa pagtunaw ng mga mineral. Ang ideya ng pag-aalaga sa kagubatan ang solusyon upang hindi
maubos ang kagubatan at mapakinabangan ang kalikasan sa paraang hindi ito mawawala. Sa mga sumunod na
panahon, hindi na lamang ang kapaligiran ang pinagtuonan ng pansin sa sustainable development. Pinalawak na ito
kasama ang mga dimensiyong ekonomiko at panlipunan. Gumawa ang iba't ibang bansa ng mga hakbang upang
itaguyod ito sa tulong ng mga gabay ng United Nations Sustainable Development Program. Ginagamit din itong
gabay ng Philippine Council for Sustainable Development.
Introduksyon
Para sa Pilipinas, ang sustainable
development ay ang pagtutugma ng
isang maayos na ekonomiya,
responsableng pamamahala,
pagkakaisa ng lipunan, at
pangangalaga sa kalikasan upang
matiyak na ang pag-unlad ay
makabubuti sa pamumuhay.
Binibigyang- halaga nito ang mga
mamamayan, ang kalikasan, at
kabuoan ng pag-unlad.
Sustainable Development
Ang Konsepto ng

Ang ibang kahulugan ng sustainable development ay kaakibat ng pag-unlad at paglago ng ekonomiya.


Ang paglago ng ekonomiya ay makikita sa kabuoang produktong karaniwang tinataya sa pamamagitan
ng GNP at GDO samantalang ang pag-unlad ng ekonomiya ay makikita sa pagbuti ng pamumuhay ng
mga mamamayan. Ito ay batay sa HDI (Human Development Index) at kasama rito ang kalagayan ng
kita, edukasyon, at kalusugan ng mga mamamayan.
Ang Konsepto ng Ang salitang sustainability ay galing sa salitang Latin na sustenere, na nangangahulugan ng
pagtataas. Sustainable ang isang bagay kung ito ay tumatagal, nananatili, o itinataas sa
katagalan ng panahon. Sa pagdaan ng mga taon, nakita ng mga tao ang pagkaubos ng mga
Sustainable likas na yaman at ang lumalalang sitwasyon ng kapaligiran at nagising sila sa kahalagahan ng
konsepto ng sustainability. Nagbunga ito ng mga pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng

Development ilang indibidwal sa iba't ibang bahagi ng mundo kung saan ang mga tao, mga pribado at
institusyong pampamahalaan, pandaigdigang ahensiya at organisasyon ay nagpasimula ng
mga paraan upang maitaguyod ang mabuting pamumuhay.

Maaaring tingnan ang konsepto ng sustainability bilang isang konseptong moral kung saan ang mga indibidwal at organisasyon ay may
obligasyong gumawa ng hakbang upang mamuhay nang may pagsasaalang-alang sa kabutihan ng mga susunod na henerasyon. Nakabatay ito sa
katotohanang ang lahat ng kailangan upang mabuhay ay galing sa kalikasan. Samakatwid, ang sustainable development ay ang matalinong
paggamit na magpapanatili sa mabuting kalidad ng pamumuhay at naisasagawa ito sa loob ng mahabang panahon. Sa kabuoan, Ito ang uri ng
pag-unlad na nakatutugon sa pangangailangan ng kasalukuyan at naitataguyod ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon na makamit din
ang kanilang pangangailangan. Kailangan dito ang aksiyon ng kasalukuyang henerasyong hindi magbubunga ng panganib sa susunod na mga
henerasyon.
Bagama't hindi naitala sa kasaysayan kung paano nagsimula ang wastong paggamit ng
Ang mga kalikasan, makikita ito sa mga katangian at pamamaraan ng mga sinaunang tao. Kabilang
dito ang pagtitipid, simpleng pamumuhay, balanse, hindi sobra, matalino, at maingat na
Sinaunang paggamit ng kapaligiran.

Katangian Bilang Ang pagtitipid ay ukol sa di maluhong paraan ng pamumuhay. Gumagamit lamang ng sapat
at hindi nagsasayang. Nakabatay ito sa ideyang tayo ay namumuhay sa isang daigdig kung

Paraan ng saan maaaring maubos ang mga likas na yaman. Mababakas ito sa panahon ng mga Romano
na may mga batas na nagbawal sa mga mamamayang gumamit ng maluhong damit at
maging maluho sa pagkain. Ang mga nahuling lumalabag ay ipinapahiya sa harap ng
Sustainability karamihan. Paraan ito upang pagbawalan ang mga karaniwang mamamayan na gayahin ang
mga nasa mataas na antas ng lipunan at mapanatili ang mga tradisyonal na antas ng lipunan
at mga namumuno.

Ang paraan ng pagtitipid sa Roma ay maihahalintulad sa paraan ng pagtitipid ng mga Taoist


sa lipunang Asyano at sa katamtamang pamumuhay ng mga Griyegong laban sa maluhong
pamumuhay. Makikita rin ito sa balanseng pamumuhay na itinuro ni Gautama Buddha, ang
kanyang "Middle Way" o katamtamang pamumuhay. Ang balanse at katamtamang
pamumuhay ay paraan upang makamit ang kapayapaan at katahimikan.
Ang mga
Ang katamtamang pamumuhay ay sinamahan din ng mga Griyego at Romano ng
katalinuhan. Ang pagiging matalino ay nangangahulugan ng kakayahang mataya ang
posibleng ibubunga ng kasalukuyang gawain at kondisyon sa kinabukasan. Ito ay
Sinaunang pagsagawa ng aksiyong may pagsasaalang-alang sa kabutihan ng kinabukasan.

Katangian Bilang Ang katalinuhan, ayon kay Marcus Tulius Cicero, isang pinagpipitagang Romano, ay isang
mabuting ugali. Sa kanyang talumpati, sinabi niya na ang pag-iingat ay mas mabuti kaysa sa

Paraan ng paglunas. Dito matutunghayan ang kahalagahan ng pag-iingat. Makikita rin ang mabuting
ugaling ito sa Analects ni Confucius sa kasabihang "Ang taong hindi iniisip ang mga
kahirapan sa kinabukasan ay siguradong magtatamasa ng mga suliranin sa kasalukuyan."
Sustainability
Ang mga sinaunang ugali ay dapat itaguyod upang mapahalagahan ang pamumuhay sa
isang lipunang maayos at ang kahalagahan ng pangangalaga sa sarili.
May tatlong bumubuo sa pamamaraan ng sustainable development.

Mga Bumubuo sa Perspektibang pang-ekonomiya

Pamamaraan ng Tumutukoy ito sa pinakamataas na kita na maaaring ibunga ng pagtaas ng paggamit


sa mga produkto at serbisyo upang mapaunlad ang kabutihang pantao habang

Sustainable pinananatili ang kapital ng ekonomiya.

Development Perspektibang pang-ekolohiya

Nakatuon ito sa katatagan ng sistemang biophysical upang mapanatili ang


kakayahan ng kalikasan na matugunan ang mga hindi mabuting nangyayari o
kalamidad at mga pagbabago.

Perspektibang sosyokultural

Hangad dito ang pagpapanatili ng katatagan ng sistemang sosyokultural sa


pamamagitan ng paggamit ng kaalaman ng mga katutubong pangkat, organisasyong
pangkomunidad, at mga lokal na komunidad upang makabuo ng mas matalinong
desisyong makatutulong sa pangangalaga sa kalikasan. Hangad din dito ang mas
maayos na ugnayan at pagkamit ng mga layunin ng indibidwal at ng pangkat.
Isang maliwanag na halimbawa ng pagtugon ng Pilipinas sa sustainable development ang Philippine
Ang Philippine Agenda 21 o PA 21. Ito ang sagot ng bansa sa Earth Summit na ginanap sa Rio de Janeiro, Brazil noong
1992. Itinataguyod nito ang pagsasaayos ng konsepto ng sustainable development at pagsasangkot sa

Agenda 21 mga indibidwal, pamilya, kabahayan, at komunidad. Ang PA 21 ay nabuo noong Setyembre 26, 1996
nang ipalabas ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Memorandum Order No. 399. Tinukoy rito ang
papel ng Philippine Council for Sustainable Development (PCSD) sa pagpapatupad at pangangasiwa sa
programa.

Ayon sa PCSD, layon ng programang "to improve the quality of life of the Filipinos through the
development of a just, moral, creative, spiritual, economically vibrant, caring, diverse yet cohesive
society characterized by appropriate productivity, participatory and democratic processes, and living in
harmony within the limits of the carrying capacity of nature and the integrity of creation" (Paunlarin ang
kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng makatarungan, moral, malikhain, espiritwal, buháy
na ekonomiya, maalaga, nagkakaisa bagama't may pagkakaiba sa lipunan na may angkop na
produktibidad, may aktibo at demokratikong proseso, at namumuhay nang payapa ang mga mamamayan
batay sa mga limitasyon ng kalikasan at sa integridad ng kapaligiran.)
Nakabatay ang Philippine Agenda 21 sa sumusunod na mga prinsipyo.
Ang Philippine 1. Primacy of developing human potential

Agenda 21 People are at the core of development initiatives.

2. Holistic science and appropriate technology

The search for solutions to the complex milieu of development problems has to be undertaken with the
perspective that situates specific problems in the larger social and ecological context. This approach
facilitates the development and use of appropriate technology.

3. Cultural, moral, and spiritual sensitivity

Nurturing the inherent strengths of local and indigenous knowledge, practices, and beliefs while
respecting the cultural diversity, moral norms, and spiritual essence of Filipino society.
4. Self-determination
Ang Philippine Respecting the right and relying on the inherent capacity of the country and its peoples to decide on the

Agenda 21 course of their own development.

5. National sovereignty

Self-determination at the national level where the norms of society and the specifics of the local ecology
inform national governance. Includes human and environmental security as well as achieving and
ensuring security and self-reliance in basic staple foods. Recognizing the crucial role of farmers and
fisherfolk in providing for the nutritional needs of the nation.

6. Gender sensitivity

Recognizing the important and complementary roles and the empowerment of both men and women in
development.
7. Peace, order, and national unity
Ang Philippine Securing the right of all to a peaceful and secure existence.

Agenda 21 8. Social justice and inter/intragenerational and spatial equity

Ensuring social cohesion and harmony through equitable distribution of resources and providing the
various sectors of society with equal access to development opportunities and benefits today and in the
future.

9. Participatory democracy

Ensuring the participation and empowerment of all sectors of society in development decision-making
and processes and to operationalize intersectoral and multisectoral consensus.
10. Institutional viability
Ang Philippine Recognizing that sustainable development is a shared, collective, and indivisible responsibility which

Agenda 21 calls for institutional structures that are built around the spirit of solidarity, convergence, and partnership
between and among different stakeholders.

11. Viable, sound, and broad based economic development

Development founded on a stable economy where the benefits of economic progress are equitably shared
across ages, communities, gender, social classes, ethnicities, geographical units, and across generations.

12. Sustainable population

Achieving a sustainable population level, structure, and distribution while taking cognizance of the
limited carrying capacity of nature and the interweaving forces of population, culture, resources,
environment, and development.
13. Ecological soundness
Ang Philippine Recognizing nature as our common heritage and thus respecting the limited carrying capacity and

Agenda 21 integrity of nature in the development process to ensure the right of present and future generations to this
heritage.

14. Biogeographical equity and community based resource management

Recognizing that since communities residing within or most proximate to an ecosystem of a


biogeographic region will be the ones to most directly and immediately feel the positive and negative
impacts on that ecosystem, they should be given prior claim to the development decisions affecting that
ecosystem including management of the resources. To ensure biogeographic equity, other affected
communities should be involved in such decisions.

15. Global cooperation

Building upon and contributing to the diverse capacities of individual nations.


Mga Batayan sa Noong 1998, inilabas ang isang sourcebook ng mga kondisyong nagpapakita ng antas ng
sustainable development sa bansa. Ginawa ito ng mga ahensiya ng pamaha- laan tulad ng

Pagtatasa ng Integrated Environmental Management for Sustainable Development (IESMSD), isang


programa sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), at ng
National Economic and Development Authority (NEDA) kasama ang United Nations
Sustainable Development Programme. Natukoy ang mga batayang ito dalawang dekada na ang
nakararaan ngunit mahalaga pa ring gabay sa pamumuhay ngayon.
Development sa
Pilipinas A. Kabutihang Tumutukoy ito sa antas ng pamantayan sa pamumuhay. Kasama rito
Sosyoekonomiko ang produktibidad, trabaho, distribusyon ng kita, antas ng pagtugon
sa mga pangunahing pangangailangan kagaya ng edukasyon,
kalusugan, pabahay, malinis na inuming tubig, kaligtasan, at
kalinisan ng kapaligiran.
Mga Batayan sa B. Ecosystem May mga batayang ecosystem ang mga kagubatan, mga kabundukan, at
iba pang matataas na lugar. Mahalaga ito dahil ang pagkaubos ng

Pagtatasa ng mahalumigmig na tropikal na kagubatan ay malaking problema. Ang


mga kagubatan ang pinagkukunan ng troso at iba pang produkto. May
epekto ito sa ekolohiya at nagsisilbing tirahan ng iba't ibang
Sustainable namumuhay. Ang ecosystem ng kagubatan ay direktang pinagkukunan
ng ikabubuhay. Mayroon itong mahalagang gamit kagaya ng

Development sa proteksiyon sa pagguho ng lupa o erosyon, pagpapataba ng lupa,


pagkontrol sa hydrologic cycle, pagkontrol sa baha, pagsasaayos ng

Pilipinas
pagbaba ng tubig sa ibabaw at ilalim, pagsipsip sa carbon, at pagsaayos
ng klima. Malaking hamon sa Pilipinas hanggang ngayon ang sobrang
pagputol ng mga puno at paglinis sa mga kagubatan upang gawing
taniman at tirahan.
Mga Batayan sa B. Ecosystem Kabilang din ang ecosystem sa maba- babang lugar at lugar ng
agrikultura. Pangu- nahing gamit ng lupang agrikultural ang

Pagtatasa ng produksiyon ng pagkain upang magkaroon ng sapat na pagkain ang


sambayanan, ang kontribusyon nito sa ekonomiya, pro- duksiyon, at
ang pagkasira nito dahil sa sobra at di maayos na paggamit. Kasama rito
Sustainable ang epekto ng pataba at pestisidyo. Ang mga batayang ito ang tumatasa
sa bigat na dala ng mga gawaing agrikultural sa kapaligiran.

Development sa Ang ikatlong ecosystem ay ang urban ecosystem. Tumutukoy ito sa

Pilipinas
pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo kagaya ng pangangasiwa sa
malinis na hangin at kalidad ng hangin sa kapaligiran, kakayahan ng
komunidad para sa bilang ng mamamayan, pangangasiwa sa basura, at
gamit ng lupa na inookupahan ng mga informal settler o ang porsiyento
ng populasyon na ilegal na nakatira sa isang sukat na lupa. Ang
dumaraming populasyon ng mga informal settler ay nagpapakita ng
pagdami ng mga taong mahirap ang pamumuhay.
Mga Batayan sa B. Ecosystem Ang huling dalawang ecosystem ay ang tabing-dagat (coastal/marine
ecosystem) at ang ecosystem sa tabi ng mga anyong-tubig na tabang

Pagtatasa ng (freshwater ecosystem). Ang mga ito ang pinagkukunan ng isda at iba
pang lamang-tubig, at lugar din ng mga gawaing kaugnay ng turismo at
paglilibang. Ang kawalan ng tamang proteksiyon at pagpapabaya sa
Sustainable mga nasabing yaman ay makasasama sa pinagkakakitaan ng mga tao
ngayon at sa susunod na henerasyon.

Development sa
Pilipinas C. Mga Kritikal na
Likas na Yaman
Kabilang dito ang mga mineral, minahan, at biodiversity. Ang mga ito
ay hindi na muling maibabalik o mapapalitan kapag nawala. Bunga ito
ng pagkasira ng mga nakagawiang tirahan ng mga halaman at hayop,
pagpalit sa gamit ng lupa dahil sa mga gawain ng tao, at hindi
epektibong pangangasiwa sa mga lugar na dapat pangalagaan.
Mga Batayan sa D. Iba pang Isyung
Pambansa
Ang ilan sa mga isyung pambansa ay ang paggawa ng mga yaring
produkto (manufacturing), enerhiya, at siyensiya at teknolohiya. Sa mga

Pagtatasa ng pagawaan, kailangan ang mga likas na yaman, kakayahan at kasanayan


sa paggawa, at makabagong paraan ng produksiyong may epekto sa
iba't ibang ecosystem. Sa enerhiya, ang pagproseso nito, transportasyon,
Sustainable at paggamit ay may epekto sa mga ecosystem. Ang huli, ang siyensiya
at teknolohiya, ay ukol sa kakayahan ng lipunang gamitin nang wasto

Development sa ang mga likas na yaman, at tugonan ang mga problema sa pagsaayos ng
mga ito upang magamit pa ng susunod na mga henerasyon.

Pilipinas
E. Pandaigdigang Ang Pilipinas ay kasama sa mga lumagda sa mga kumbensiyong
Pagbabago sa Klima internasyonal at mga protocol ukol sa pagkasira ng ozone layer at
(Climate change) global warming. Kailangang kontrolin nito ang epekto ng mga
greenhouse gas na carbon dioxide, methane, nitrous oxide, at CFCs.
Ang mga gawaing magpapababa ng carbon footprint taon- taon ay
makabubuti hindi lamang para sa mga tao kundi para din sa kapaligiran.
Ang Hamon Pinangunahan ng United Nations ang Sustainable Development Summit noong Setyembre 25, 2015 sa
New York City. Nabuo sa Summit ang mga Sustainable Development Goals (SDG) na may layuning

ng 2030 sa wakasan ang kahirapan, labanan and hindi pagkakapantay-pantay at kawalan ng katarungan, at harapin
ang climate change sa taong 2030.

Pilipinas Ang 2030 Agenda for Sustainable Development ay may labimpitong (17) SDG na kilala rin bilang
Global Goals. Sa kabuoan, hindi na bago ang mga ito para sa mga kasaping bansa ngunit nakita nila ang
pangangailangan sa patuloy na pagtugon upang makompleto ang gawain ng Millenium Development
Goals (MDG) kagaya ng pagharap sa kahirapan. Ang mas malalalim na dahilan ay kailangang
matugonan ng mga mekanismo sa mas epektibong paraan. Ang pagkakaisa upang makamit ang mga
layuning kapayapaan, pag-unlad, kagalingan, at pagpapanatili sa planeta para sa susunod na mga
henerasyon ay lubhang kailangan ayon sa administrador ng United Nations Development Programme na
si Helen Clark.
Sustainable
Development
Goals
1. Walang kahirapan (No poverty) — wakasan ang kahirapan sa lahat ng uri, sa lahat ng
17 Sustainable dako.

Development
2. Walang kagutuman (Zero hunger) — wakasan ang gutom, maabot ang food security,
pagbutihin ang nutrisyon, at isulong ang agrikulturang sustainable.

3. Mabuting kalusugan at kagalingan (Good health and well-being) — mapanatili ang


malusog na pamumuhay at maisulong ang kagalingan ng tao sa lahat ng edad.
Goals

4. May kalidad na edukasyon (Quality education) — itaguyod ang edukasyong may


kalidad para sa lahat at maitaguyod ang mga oportunidad para sa habambuhay na
pagkatuto ng lahat.
5. Pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (Gender equality) — makamit ang
pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at maisulong ang mga karapatan ng kababaihan
at mga batang babae.
17 Sustainable
Development
6. Malinis na tubig at kalinisan (Clean water and sanitation) — matiyak ang pagkakaroon
at pagpapanatili ng malinis na tubig at kapaligiran para sa lahat.

7. Malinis at murang enerhiya (Affordable and clean energy) — matiyak mura, sapat,
tumatagal, at modernong enerhiya para sa lahat.
Goals

8. Disenteng trabaho at pag-unlad ng ekonomiya (Decent work and economic growth) —


maitaguyod ang palagiang pag-unlad ng ekonomiya para sa lahat, buo at produktibong
empleo, at disenteng trabaho para sa lahat.
9. Industriya, pagbabago, at impraestruktura (Industry, innovation, and infrastructure) —
magtayo ng mga angkop na impraestruktura, maitaguyod ang industriyalisasyong
pangmatagalan at para sa lahat, at maisulong ang pagkamalikhain.
17 Sustainable
Development
10. Pagbawas sa hindi pagkakapantay-pantay (Reduce inequalities) — mabawasan ang
hindi pagkakapantay-pantay sa loob ng bansa at ng iba't ibang bansa.

11. Mga sustainable na siyudad at komunidad (Sustainable cities and communities) —


magawang ligtas, angkop, at buhay ang mga siyudad at komunidad para sa lahat.
Goals

12. Responsableng paggamit at produksiyon (Responsible consumption and production)


— masiguro ang sustainable na paraan ng paggamit at paggawa ng mga produkto.
13. Aksiyon sa klima (Climate action) — magsagawa ng mga kagyat na aksiyon upang
17 Sustainable labanan ang climate change at mga epekto nito.

Development
14. Buhay sa ilalim ng tubig (Life below water) — mapangalagaan at magamit sa
paraang di masisira ang mga karagatan, dagat, at mga yamang-dagat.

15. Buhay sa lupa (Life on land) — maprotektahan, maibalik, at maitaguyod ang wastong
pangangalaga sa mga ecosystem sa lupa, pangasiwaan ang mga kagubatan, labanan ang
Goals

pagkatuyo ng lupa (desertification), pigilan ang pagkasira ng lupa, at pigilan ang


pagkawala ng biodiversity.

16. Mga institusyong nagsusulong ng kapayapaan at katarungan (Peace and justice strong
institutions) — maitaguyod ang mapayapa at pangkalahatang lipunan para sa sustainable
development, maibigay ang katarungan sa lahat at magtatag ng mga institusyong
epektibo, may pananagutan, at para sa lahat ng antas
17. Pagtutulungan para sa mga layunin (Partnership for the goals) — palakasin ang
17 Sustainable paraan ng implementasyon at pagtutulungan para sa sustainable development

Development
Ang pagtupad ng Pilipinas sa 2030 Global Goals ay
makikita sa mga pagsisikap ng bansang maipatupad ang
iba't ibang programa ukol sa di pantay na oportunidad,
pagsulong sa karapatan ng kababaihan, at ang pakikipag-
ugnayan sa ibang bansa upang bigyan ng de-kalidad na
Goals

pamumuhay ang mga Pilipinong nasa ibang bansa.


Kasabay nito ang pakikipag-ugnayan sa komunidad ng
mga bansa upang gumawa ng legal at matibay na
kasunduan upang mapababa ang temperatura ng mundo at
labanan ang climate change.
KABANATA 6

MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like