You are on page 1of 1

1.

Ang tao na nilikha ng diyos na kaniyang kawangis ang siyangnasa itaas ng lahat ng kaniyang mga nilikha ay marapat na
maypananagutang gamitin at pangalagaan ang kalikasan bilangpakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas
2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isangkasangkapan na maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataasna
lugar na higit pa sa dignidad ng tao
3. Ang responsibilidad na pang elohikal ay gawaing para sa lahatbilang paggalang sa kalikasan na para rin sa lahat, kabilang
naang generasyon ngayon at ang hinaharap.
4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat naisaalang alang muna ang etika at dignidad ng tao bago
angmakabagong teknolohiya
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sapaggamit ng tao. Ang paggamit dito ng tao ay hindi
kailanmanmali, maliban na lang kung ginagamit ito na taliwas sa kung anoang ang kaniyang lugar at layunin sa kapaligiran o
ecosystem.
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa sapolitika ng ekolohiya. Ang halaga at tunguhin ng bawatpagpapaunlad
sa kapaligiran ay nararapat na bigyang pansin attimbangin nang maayos.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay maykaugnayan sa pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan,na
ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagisa bawat tao na may pagkapantay- pantay.
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran aykailangang protektahan sa pamamagitan ng pang internasyonalna
pagkakaisa at layunin.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ngpagbabago sa uri ng pamumuhay na nagpapakita ng moderasyono
katamtaman at pagkontrol sa sarili at ng iba. Ito aynangangahulugang pagtalikod sa kaisipang konsyumerismo.
10. Ang mga isyung pangkalikasan ay nangangailangan ngespiritwal na pagtugon bunga ng paniniwala na ang lahat nanilikha ng
diyos ay kaniyang kaloob kung saan mayroon tayongresponsibilidad.

You might also like