You are on page 1of 2

Ang Sampung Utos para sa Kalikasan

1. Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas
ng lahat ng kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin
at pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng
pagliligtas.
2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na
maaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad
ng tao.
3. Ang responsibilad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang
paggalang sa kalikasan at para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon
ngayon at ng sa hinaharap.
4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang
muna ang etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya.
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng
tao. Ang paggamit dito ng tao ay hindi kailanman mali, maliban na lamang
kung ginagamit ito na taliwas sa kung ano ang kaniyang lugar at layunin sa
kapaligiran o ecosystem.
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya.
Ang halaga at  bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na bigyang-
pansin at timbangin nang maayos.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan
sa pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na
yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-
pantay.
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang
protektahan sa pamamagitan ng pang internasyonal na pagkakaisa at layunin.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri
ng pamumuhay na nagpapakita ng moderasyon o katamtam at pagkontrol sa
sarili at ng iba. Ito ay nangangahulugang pagtalikod sa kaisipang
konsyumerismo.
10. Ang mga isyung pangkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na
pagtugon bunga ng paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay kaniyang
kaloob kung saan mayroon tayong responsibilidad.

Ayon kay C.S. Lewis, mayroong apat na uri ng pagmamahal:


• affection
• philia
• eros
• agape
Ang affection ay uri ng pagmamahal na tulad ng sa magkakapatid,
magkakapamilya, o mga taong nagkakilala at naging palagay ang loob sa isa't
- isa.
Ang philia ay uri ng pagmamahal na tulad ng sa magkakaibigan. Ang
pagkakaroon ng isang tunguhin o layunin ang siyang nagbibigkis sa kanila.
Ang eros ay uri ng pagmamahal na batay lamang sa pagnanais ng isang tao.
Ang mga bagay na makapagbibigay sa kanya ng kaligayahan tulad ng
pagmamahal ng isang lalaki sa isang babae dahil sa pagkakaroon ng
magandang mukha, seksing katawan, o dahil sa pisikal na kaanyuan nito.
Ang agape ang uri ng pagmamahal na walang kapalit kaya naman ito ang
itinuturing na syang pinakamataas. Ito ay tulad ng pagmamahal ng Diyos sa
tao. Patuloy na dumadaloy ang pagmamahal sa kabila ng mga kahinaan at
kakulangan ng tao. Pagmamahal na binibigay ng Diyos sa tao sa kabila ng
patuloy nitong pagkakaroon ng mga kasalanan. Ito ang uri ng pagmamahal na
dapat na magkaroon ang tao para sa kanyang kapwa. Ang pagmamahal na
ito ay hindi madaling ipagkaloob ngunit dapat tandaan na anuman ang
ginagawa natin sa ating kapwa ay siya ring ginagawa natin sa Diyos.

You might also like