You are on page 1of 34

MGA BATAYAN

NG ETIKAL NA
PAGPAPASIYA
Batay sa akda ni Bernard
Williams, may tatlong batayan
kung paano nahuhubog ang
paninindigan tungo sa moral na
pagpapasiya: personal,
institusyonal o propesyonal, at
unibersal/natural.
PERSONAL NA BATAYAN

•kumakatawan sa
pansariling paghubog ng
tamang katwiran at
mapanuring kaisipan.
INSTITUSYONAL O
PROPESYONAL NA BATAYAN
•nababatay sa mga prinsipyo at
pamantayan na itinatadhana ng
mga kinatawan ng simbahan,
pamahalaan, at iba't ibang sangay
ng panlipunang nstitusyon .
UNIBERSAL/NATURAL NA
BATAYAN
•pinaniniwalaan ng marami
na to ay unibersal at
nasasalig sa kalikasan
.
•Ang paghubog ng moral na
paninindigan ay isang
panlipunang proseso.
•Ang makatwirang kaisipan at
sistematikong pag- lisip ay
mahalaga upang maipahayag
ang personal na moral na
paninindigan.
MGA ISYUNG
MORAL KAUGNAY
SA KAHALAGAHAN
NG BUHAY
MGA KONSEPTO SA BIOETHICS

•Isang larangan ng pag-aaral ng mga isyung


kaugnay sa buhay
•Sinusuri ang mga etikal at moral na implikasyon ng
mga makabagong biyolohikal at medikal na gawain
•Sistematikong pagsusuri ng mga moral na
pamantayan upang gabayan ang tao sa pagbuo ng
moral na pagpapasiya at paninindigan
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG ETIKAL

• Genetic Engineering
• Aborsiyon
• Euthanasia
• Stem Cell Experimentation
• Invitro Fertilization
ABORSIYON
• Kontrobersyal na isyu para sa Pro-Life, Pro-Choice at Gitnang Posisyon
• Dalawang Mahalagang Katanungan:
• Kailan nagsisimula ang buhay at saan maaaring ilaglag ang sanggol?
• Karapatan ng Sanggol laban sa Karapatan ng Babaeng magpasiya
PRO-LIFE: TATLONG MORAL NA BATAYAN LABAN SA ABORSIYON:

• Sanggol ay may kapantay na karapatan bilang nilalang ng Diyos


• Sanggol ay may karapatang mabuhay at magkaroon ng kaganapan
• Pananagutan ng Magulang na pangalagaan ang Sanggol batay sa Likas na Batas
Moral
• Moral na Kahalagahan ng Sanggol at Inosenteng Buhay ay laging mangingibabaw
laban sa Kadahilanan ng Aborsiyon at Karapatan ng Babaeng magpasya
• Prinsipyong hindi nagbabago sa buong yugto ng Pagbubuntis o Pagdadalantao.
GENETIC ENGINEERING
• Ito ay isang medikal na proseso na may layuning ihiwalay ang genes at baguhin ito
upang magamit nang maayos, ihanda ang genes upang ilipat sa ibang host, at
lumikha ng bagong nilikha o parehong nilikha.
• May mga nagtutunggaliang palagay ukol dito at maraming kaakibat na etikal na isyu.
MGA URI NG GENETIC ENGINEERING
• Cloning, screening at gene selection
MGA KATWIRAN NG MGA SUMASALUNGAT SA
GENETIC ENGINEERING
• Ang buhay ay nilikha ng Diyos at nakabatay sa Likas na Batas Moral o Batas-
Kalikasan.
• Ang paggamit ng genetic engineering ay direktang pakikialam at pagkontrol sa
banal na layunin at kaganapan ng tao.
• Ang human cloning ay isang radikal na pamamaraan upang maliitin ang natatanging
kalikasan at pagkakakilanlan ng tao.
ETIKAL NA ISYU SA GENETIC ENGINEERING
• May kinalaman sa panlipunang alalahanin, kaligtasan ng paggamit nito, karapatan
bilang tao o bagong nilikha, komersiyo para sa biyolohikal na teknolohiya at genetic
engineering, kawalan ng pantay na karapatan, diskriminasyon, at eksploytasyon ng
kababaihan, mahihirap, at ilan pang vulnerable na populasyon.
• Maaring magamit ang human genome project bilang paraan upang lumikha ng
makabagong biyolohikal na sandata sa paglipol ng tao.
PANGANIB NG GENETIC ENGINEERING
• Lilikha ito ng panibagong sakit at magdadala ng paghihirap para sa nilikha gaya ng
hayop.
• May mga hindi inaasahang mga biyolohikal, pisikal, at sikolohikal na epekto para sa
mga nasasangkot dito.
• Euthanasia o Mercy Killing

• Layunin ng euthanasia ay maibsan ang suffering dulot ng terminal na sakit sa pamamagitan ng pagkitil
sa buhay ng may sakit.
• Ayon kay Richard Doerflinger, ang buhay ay isang karapatan at hindi dapat ito sirain. Mahalaga ang
panlipunang pananagutan upang mapabuti at mapalakas ang pagkalinga sa mga may sakit.
• Implikasyon ng euthanasia sa propesyon ng health care, lalo na ang mga doktor at mga nars. Ito ay
nakikita ng ilan na salungat sa sinumpaang hangarin ng mga doktor na sumagip ng buhay.
• Sa kabilang banda, para sa mga nagtataguyod ng euthanasia, ito ay isang paggalang sa karapatan ng may
sakit na gumawa ng pansariling pagpapasya ukol sa kaniyang buhay. Mas makatao ang proseso kung
matutulungan sila ng doktor (physician assisted).
• Isa pang katwiran na inilalahad ng mga sumusuporta sa euthanasia ay ang limitasyon ng mga
alternatibong pamamaraan upang maibsan ang paghihirap ng may sakit.
EUTHANASIA O MERCY KILLING
• Ito ay isang aksiyon na naglalayong maibsan ang dinaranas na paghihirap
(suffering) dulot ng malubhang (terminal) sakit sa pamamagitan ng direkta o hindi
direktang pagkitil sa buhay ng may sakit.
• Moral na pamantayan laban sa euthanasia:

• Ang buhay ay isang mahalagang karapatan ng tao dahil ito ang kinakailangang
kondisyon upang maranasan niya ang kalayaan.
• Ang euthanasia ay pagsira sa buhay at kailangang pangalagaan ang buhay laban sa
lubos na kalayaan ng tao na sirain ito.
• Ang kalayaang magpasya ng pasyente sa kaniyang kalagayan ay di lamang limitado
sa euthanasia kung hindi mayroon pang ibang alternatibo upang maibsan ang
paghihirap.
• Pangangailangan ng sapat na suporta:

• Ang pagkakaroon ng sapat na medikal na serbisyo gaya ng palliative care ay isang


karapatang pantao para sa mga taong nabubuhay na may malubhang karamdaman.
• Mahalagang batayan ang pagkakaroon ng panlipunang pananagutan (communal
responsibility) upang mapabuti at mapalakas ang pagkalinga sa mga may sakit.
Implikasyon ng euthanasia sa propesyon ng health care:

Ang euthanasia ay nakikita ng ilan na salungat sa


sinumpaang hangarin ng mga doktor na sumagip ng buhay.
Ang pagkakaroon ng mabigat na kalooban ay kadalasang
nagiging sikolohikal na epekto nito sa mga naiwang
kapamilya.
• Moral na pamantayan na sumusuporta sa euthanasia:

• Ang euthanasia ay isang paggalang sa karapatan ng may sakit na gumawa ng


pansariling pagpapasya ukol sa kaniyang buhay.
• Ang euthanasia ay isang rasyonal na pasya kung may malubha at di na maaagapang
karamdaman.
• Mas makapanglilingkod ang isang doktor sa kaniyang pasyente kung igagalang ng
doktor ang kanilang kalayaan para magpasya, dignidad at kalidad ng buhay at
kamatayan ng bawat pasyente.
ORGAN TRANSPLANT AT ORGAN DONATION
• Ito ay isang medikal na operasyon na naglalayon na ilipat ang isang bahagi ng
katawan ng tao upang masagip o madugtungan ang buhay ng tao.
• Mga bahagi ng katawan na maaaring ilipat: mata, puso, kidney, at iba pa.
• Isa itong maselan at kumplikadong isyu dahil sa ilang etikal na katanungan.
• Etikal na Katanungan sa Organ Transplant

• Moralidad ng paglilipat ng bahagi ng katawan.


• Etika ng pagkuha ng organ at alokasyon nito.
• Organ Donor at ang Bahagi ng Katawan

• Uri ng donor: tunay na patay (clearly dead), brain dead, buhay na donor (living
donor), at ang paggamit ng fetal tissues.
• Paraan kung paano nakuha ang bahagi ng katawan: kusang ibinigay (willing donor)
o ibinigay kapalit ng salapi at puwersahang ibinigay.
• Perspektibo sa Organ Donation at Transplant

• Pinapalagay ng ilan na ang organ donation ay isang makataong aksyon at simbolo ng


kagandahang-loob.
• Pinapayagan ito batay sa pansariling pagpapasiya ng taong magbibigay ng
donasyon.
• Kadalasan ito ay nababatay sa pangangailangan upang madugtungan ang buhay ng
taong tatanggap nito.
ORGAN TRANSPLANT
• Ang transplantasyon ng organ ay nakakatulong upang makapagligtas ng buhay at
mapabuti ang kalidad ng buhay.
• Ito ay isang positibong ambag ng siyensiya sa pag-unawa sa katawan ng tao at
pangangailangan nito sa medikal na tulong.
• Ngunit may mga pangamba at alinlangan din sa proseso ng organ donation at
transplant.
• Mga Positibong Epekto

• Ang organ donation at transplant ay nagbibigay ng pag-asa sa mga taong may


malubhang karamdaman.
• Ito ay nakakapagpabago ng kalidad ng buhay hindi lamang ng pasyente kundi pati
na rin ng kanyang pamilya.
• Ito ay isang mabuting gawa at pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.
• Mga Negatibong Epekto

• Ang proseso ng organ donation at transplant ay maaaring mapanganib lalo na kung


buhay ang magdodonate ng organ.
• Hindi laging matagumpay ang kinalabasan nito at may mga posibilidad na hindi
tanggapin ng biyolohikal na sistema ng tatanggap ang organ.
• Mayroon ding epekto sa kalusugan ng donor dahil nababawasan ang kaniyang
kakayahan na magproseso.
• Kadahilanan ng Panganib

• Kahit kusang ibinigay ng isang taong nabubuhay pa ang bahagi ng kaniyang


katawan, mailalagay pa rin sa panganib ang kaniyang buhay.
• Marami sa mga organ na kinukuha ay galing sa mga taong mayroon pang hininga at
pintig ng puso.
• Kaya ang kanilang buhay ay maaaring mapadali sa halip na madugtungan pa
• Karapatan ng Pamilya

• May mga katanungan ukol sa karapatan ng pamilya na magpasiya para sa isang


taong walang kakayanan na magbigay ng pagsang-ayon.
• Ang pagkuha ng organ sa isang taong nasa malubhang kalagayan ay isang
sensitibong isyu dahil nagpapabilis ito ng pagkamatay ng pasyente.
• Ang pagbebenta ng organs ay magdudulot ng pagtrato sa tao bilang isang kalakal at
pang-aabuso.
• Ito ay maaaring maging dahilan upang bumaba ang aktwal na donasyon batay sa
kagandahang loob ng donor.
• Kapag nangyari ito, magkakaroon ng malaking diskriminasyon para sa mga taong
mahihirap na walang pambayad para sa kinakailangan nilang organ transplant.
• Pagtatapos

• Ang organ donation at transplant ay may positibong epekto sa buhay ng tao.


• Ngunit may mga pangamba at alinlangan din sa proseso nito na dapat nating
bigyang-pansin at pag-aralan.
• Kailangan ng sapat na kaalaman at

You might also like