Sustainable Development Report

You might also like

You are on page 1of 15

Sustainable development is the kind of development that meets

the needs of the present without compromising the ability of the


future generation to meet their own needs.
--- Gro Harlem Brutland ,World Commission
Environment and development
 Pagkakaroon ng kaunlaran nang hindi nasisira ang mga bagay na
kakailanganin sa susunod na henerasyon upang sila ay umunlad din.

 BRUTLAND REPORT 1987- ito ay nangangahulugang pagtugon sa


pangangailangan ng mga tao na hindi naikokompromiso ang
kalikasan na kakailanganin sa susunod na henerasyon upang sila ay
umunlad.
 BRUTLAND REPORT 1987- sa makatuwid, ang sustainable
development ay ang pag preserba nang maayos sa kalikasan upang
ito ay mapakinabangan ng mga tao sa pag unlad
 Pagbalanse sa paggamit at pagpapanatili ng kalikasan para sa
kinabukasan. Ito ang prosesong dapat isaisip at pagtuonan ng
pansin ng bawat nanahanan sa planetang ito. Ang kahalagahan
ng pagtugon sa mga pangangailangan at pagpapanatili at
pagprotekta sa kapaligiran ay parehong obligasyon ng
maunlad at umuunlad na bansa sa lahat na bahagi ng daigdig.
Kalikasan
Ekonomiya
Mamayan
 Sa madaling salita
Ang pag aalaga sa kalikasan ay mag dudulot ng
mga hilaw na produkto (raw materials) na
kakailanganin sa ekonomiya ang maunlad naman
na ekonomiya ay mag bibigay ng trabaho sa mga
mamayan na siya namang mag papaunlad sa
kanilang kabuhayan
“Upang mabuhay ang lahat sa kumunidad na ito kikailangan nating
magkasundong magkaisa sa pag-aksiyon.” - THABO MBEKI,
pangulo ng South Africa, sa United Nations World summit on
Sustainable Development na idinaos sa South Africa noong taong
2002.
Ang patuloy na mabuhay ang pinakamahalagang elemento kung
bakit nais ng tao na mapabuti ang kanyang pamumuhay. Ngunit
dapat na kaakibat ng layuninng ito ang kamalayang mahalaga hindi
lamang ang paggamit ng mga pangangailangan kundi gayundin ang
kakayahang maibalik ang mga ito sa pinaka mabuting paraan.
 Ang kasaysayan ng sustainable development ay mababakas mula
pa noong 1700 kung kailan naisip ng isang administrador na
Aleman ang posibleng pagkawala ng mga kagubatan sa Germany.
Noong panahong iyon, ginagamit ang mga torso sa pag tutunaw ng
mga mineral.
 Ang ideya ng pag-aalaga sa kagubatan ang solosyon upang hindi
ito maubos at mapakinabagan ang kalikasan sa paraang hindi ito
mawawala.
 Sa mga sumunod na panahon hindi na lamang ang kapaligiran ang
pinagtuonan ng pansin sa sustainable development. Pinalawak na
ito kasama ang mga dimensiyong ekonomiko at panlipunan.
sustainability sustenere (latin)
“pagtataas”
Sustainable
Tumatagal nanatili o itinataas sa katagalan ng panahon.

 Sa pagdaan ng mga panahon, Nakita ng ng mga tao ang pagkaubos ng likas na yaman at ang lumalalang sitwasyon ng
kapaligiran na siyang nag mulat sa kahalagahan ng konsepto ng sustainability.

Maaaring tingnan ang konsepto ng sustainability bilang isang konseptong moral kung saan ang indibidwal ay may obligasyong
gumawa ng hakbang upang mamuhay ng may pagsasaalang-alang sa kabutihan ng sususnod na henerasyon. Naka batay ito sa
katotohanang ang lahat ng kailangan upang mabuhay ay galing sa kalikasan.
 SUSTAINABLE DEVELOPMENT- Matalinong paggamit na mag papanatili sa mabuting
kalidad ng pamumuhay at naisasagawa ito sa loob ng mahabang panahon.
Sa kabouan, ito ang uri ng pag unlad na nakakatugon sa pangangailangan ng
kasalukuyan at naitataguyud ang kakayahan ng mga sususnod na henerasyon na makamit
din ang kanilang pangangailangan ng kasalukuyan at naitataguyud ang kakahayan ng
mga susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang pangangailangan.
Ang ibang kahulugan ng sustainable development ay kaakibat ng pag unlad at
paglago ng ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ay makikita sa kabuoang produktong
karaniwang tinataya ng GNP at GDO samantalang ang pag unlad ng ekonomiya ay
makikita sa pagbuti ng pamumuhay ng mg mamayan. Ito ay batay sa HDI (Human
Development index)at kasama rito ang kalagayan ng kita,edukasyon,at kalusugan ng mga
mamayan.
Hindi naitala sa kasaysayan ang wastong pagamit ng
kalikasan, makikita ito sa katangian at pamamaraan ng mga
sinaunang tao. Kabilang na dito ang pagtitipid, simpleng
pamumuhay, balance,hindi sobra matalino, at maingat na
paggamit ng kapaligiran.
PAGTITIPID
di maluhong paraan ng pamumuhay
Gumagamit lamang ng sapat at di nasasyang
 Nakabatay ito sa ideyang tayo ay namumuhay sa isang daigdig kung saan
maaring maubos ang mga likas na yaman. Mababakas ito sa panahon ng
mga romano na may mga batas na nag babawal sa mga mamayang
gumamit ng maluhong damit at maging maluho sa sa pagkain. Ang mga
nahuhuling lumalabag ay ipinapahiya sa harap ng karamihan. Paraan ito
upang pagbawalan ang mga karanowang mamayang na gayahin ang mga
nasa mataas na antas ng lipunan at mga namumuno.
 Ang paraan ng pagtitipid sa Roma ay maihahalintulad sa
paraan ng pagtitipid ng mga Taoist sa lipunang Asyano at
sa katamtamamang pamumuhay ng mga griyegong laban
sa maluhang pamumuhay. Makikita rin ito sa balanseng
pamumuhay na itinuro ni Gautaman Buddha, ang kanyang
“Middle Way”o katamtamang pamumuhay. Ang balance at
katamtamang pamumuhay ay paraan upang makamit ang
kapayapaan at katahimikan.
 Ang katamtamang pamumuhay ay sinamahan din ng mga Griyego at
Romano ng katalinuhan. Ang pagiging matalino ay nangangahulugan
ng kakayahang mataya ang posibleng ibubunga ng kasalukuyang
gawain at kondisyon sa kinabukasan. Ito ay pagsagawa ng aksiyong
may pagsasaalangalang sa kinabukasan .
 Ang katalinuhan, ayon kay Marcus Tulius Cicero, isang
pinagpipitagang Romano, ay isang mabuting ugali. Sa kanyang
talumpati, sinabi niya na ang pag-iingat ay mas Mabuti kaysa sa
paglunas. Dito matutunghayan ang kahalagahan ng pag-iingat.
 Makikita rin ang mabuting ugaling ito sa Analects ni Confucius sa
kasabihang “Ang taong hindi iniisip ang mga kahirapan sa
kinabukasan ay siguradong mag tatamasa ng mga suliranin sa
kasalukuyan.”
 Ang sinaunang ugali ay dapat itaguyod upang mapahalagahan ang
pamumuhay sa isang lipunanng maayos at ang kahalagahan ng
pangangalaga sa sarili.

You might also like