Professional Documents
Culture Documents
K U L T U R Amodelongmnemonicsapag Aaralngkulturaatdisasteralinsunodsadiwanglikas Kayangpag Unlad
K U L T U R Amodelongmnemonicsapag Aaralngkulturaatdisasteralinsunodsadiwanglikas Kayangpag Unlad
E-JOURNAL
ABSTRAK
ABSTRACT
The author designed a mnemonic model K-U-L-T-U-R-A as a research tool as well as a conceptual framework to
determine the indicators of sustainable culture of a specific group in relation to disaster. The paper aims to describe
the mnemonic model and how it was utilized in conducting research on culture and disaster focusing on women and
children as vulnerable sectors during prolonged flooding in a local community.
Keywords:
Culture, disaster, flooding, sustainable development
PANIMULA
Isang arkipelagong bansa ang Pilipinas na to disasters to be adressed with a renewed sense of
patuloy nakararanas ng mga disaster na urgency in the context of sustainable development
nagbibigay ng karagdagang hamon sa mahirap na and poverty eradication…” (1). Sa rehiyon ng
kalagayan ng mga mamamayan, lalo na yaong Asya, binalangkas at nilagdaan ang dokumentong
mga kapos sa kakayahan. Ayon sa United Nations, Declaration on Institutionalizing the Resilience of
magpapatuloy lamang ang tunay na pag-unlad ASEAN and Its Communities and Peoples to
kung epektibong napamamahalaan ang disaster Disasters and Climate Change noong 2015 dahil
kaya ang panawagan ng General Assembly, kinikilala ng mga pambansang pinuno ng mga
“[d]isaster risk reduction and building of resilience miyembro ng ASEAN na sagabal ang sunud-
DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2019, TOMO 5, BLG. 2
sunod na disaster sa mithiing pag-unlad kaya oportunidad para sa mga dukha. Nakasaad sa
malaking hamon sa Asya na epektibong Brundtland Report na hindi kailanman
pamahalaan ang Disaster Risk Reduction (DRR) makatutulong sa Inang Kalikasan ang patuloy na
upang maging handa at sanay umangkop ang mga paglaganap ng kahirapan ng nakararaming mga
mamamayang Asyano. Sa kaso ng Pilipinas, mamamayan ng mundo. Kung hindi
patuloy na sinisikap na mapabuti ang Disaster magtutulungan ang mga tao, mahirap o mayaman,
Risk Reduction Management (DRRM) partikular mawawalan ng kabuluhan ang naunang mga
sa mga lokal na pamayanan sa kabila ng inisyatibang panatilihing sustainable ang mundo.
maraming limitasyong kinakaharap ng bansa.
Hindi maikakaila na ang karanasan sa disaster ay Ayon kay Thiele, “the politics of
maaring magdulot ng oportunidad ng paglago o sustainability requires people— as citizens,
negatibong enerhiya ng kawalang pag-asa para sa producers, consumers, and residents—to take
mga mamamayan depende sa paraan ng responsibility for their own lives... personal and
pamamahalang kumikilala sa kontribusyon ng collective responsibility can only be fostered
kultura sa pagbalangkas ng mga polisiya’t through empowerment” (122). Mahalaga ang
programa. Naisasantabi ang potensyal ng mga tao social empowerment upang maging katuwang ng
na makibahagi sa DRRM kung sa proseso ng pamahalaan ang mga mamamayan sa
pamamahala ay hindi kinikilala at sinusuportahan pagbalangkas at pagpatupad ng mga polisiya at
ang likas na kakayahang angkin ng lokal na programang may kinalaman sa matalinong
pamayanan. Mahalagang kilalanin ang papel ng produksyon, distribusyon at pagkonsumo ng mga
kultura bilang gabay sa pagbuo o pagbalangkas ng bagay-bagay sa pamayanang taglay ang pagiging
mga interbensyon upang harapin at muling mapagbantay sa kalikasan. Paano ito mangyayari?
bumangon ang mga tao mula sa naranasang Dito papasok ang kultura bilang mahalagang
kalamidad o disaster. Dahil dito, layunin ng papel instrumento ng sustainability. Kailangang
na ibahagi ang modelong mnemonic na K-U-L-T- maipalaganap ang mga pananaw, saloobin, at
U-R-A sa diwa ng likas-kayang pag-unlad upang paraan ng pamumuhay o ‘way of life’ kung paano
higit na maunawaan ang mga taong apektado ng makatutulong ang lahat ng taong manatiling
disaster nang sa ganoon ay makatulong sa sustainable ang mundo. Naniniwala si Thiele na
epektibong pagpapatupad kapwa ng lokal at kung maisasabuhay ang kultura ng
pambansang DRRM. pagkamalikhain, makabubuo ng mga desisyon,
inisyatiba, at interbensyon upang matamo ang
Likas-Kayang Pag-unlad ecological health, economic equality, at social
empowerment sa bawat maliliit na pamayanan
Madalas marinig sa diskurso ng disaster at hanggang sa tuluyang maramdaman ang
iba pang usapin sa mundo ang sustainable pagbibigay ng proteksyon sa Inang Kalikasan,
development o likas-kayang pag-unlad. Nakasaad Prithvi, Gaia, Pachamama, Mother Earth, at iba
sa Brundtland Report 1987 ang kahulugan ng pang katawagan ngunit iisa lang ang kahulugan,
likas-kayang pag-unlad bilang pagtugon sa ang ating mundo. Katulad ng paalala ni Leopold,
pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon “we people do not live in a community, but in
ngunit hindi naisasakripisyo ang pangangailangan multiple, intersecting, or nested communities…
ng sunod na salinlahi. Ayon sa pahayag ng UN- these communities, in turn, are nested within
WCED kaugnay ng kaunlaran at kalikasan, "it is national and global communities, and the
impossible to separate economic development planetary community of life” (nasa Thiele 173).
issues from environment issues... ecology and Saang panig man ng daigdig, laging may epekto
economy are becoming ever more interwoven ang pamumuhay ng iilang nakaririwasa sa
locally, regionally, nationally, and globally into a nakararaming nagdarahop na mga pamilya. May
seamless net of causes and effects” (12-13). tungkulin ang tao na pangalagaan ang nag-iisang
Pansining higit sa tatlong dekada na ang nakaraan mundo dahil sa katotohanang, “…resources are
simula nang ilathala ang dokumentong ito (1987- not limitless – unregulated exploitation causes
2017) ngunit hindi pa rin nareresolba ang degradation and depletion. Unless carefully
estruktural na problema ng kahirapan sa buong planned and controlled, pursuing immediate
mundo, laganap pa rin ang kakulangan sa material wealth will inevitably result in long-term
poverty and ecological disaster” (Hawkes 13). Subalit alalahanin, ang paggalang sa dignidad ng
Kung nais panatilihin ang daloy ng buhay sa mga likha, pagkakaisa at pag-aaruga,
mundo, ang takbo ng malawakang produksyon at pagmamalasakit at pagmamahal ay hindi
distribusyon ng mga kalakal sa merkado ay eksklusibo sa mga dayuhang ecofeminist dahil
kailangang umalinsunod sa prinsipyo ng matagal na itong bahagi ng kamalayan ng mga
sustainable development o likas-kayang pag- babaylan/ catalonan sa Pilipinas. Sa tala ng
unlad. Dahil dito, kailangan ang kooperasyon ng kasaysayan, malaki ang paggalang ng katutubong
marami kundi man ng lahat upang maitaguyod pamayanan ng mga Pilipino sa papel ng mga
ang sustainability, isa na rito ang sektor ng babaylan/ catalonan bilang tagapamagitan ng
kababaihan. mga tao sa kalikasan dahil itinuring sila bilang
“specialist in the fields of culture, religion,
Naipagpapatuloy at napananatili ang daloy medicine and all kinds of theoretical knowledge
ng buhay ng mga tao sa mundo sa pamamagitan about the phenomenon of nature” (Salazar nasa
ng sinapupunan ng kababaihan subalit dahil sa Paredes-Canilao at Babaran-Diaz 771). Taimtim
pag-iral nang labis na komersyalismo at ang paniniwala ng mga babaylan sa Diyos, “I Dios
konsyumerismo ay umiiral ang kultura ng egga nittam nganun!’ (Sumaatin ang Poong
karahasan at madalas na mga biktima ay Lumikha!). Naniniwala sila sa presensya ng Diyos
kababaihan lalo na yaong mga dukha at kapos sa na namamalagi sa lahat ng mga nilalang, anila,
kakayahan. Kailangang pagtuunan ng pansin ang nauunawaan ng Poong Lumikha ang lahat ng tao
tunay na pagresolba sa pang-aabuso at kawalang saang wika man sila nagpapahayag ng kanilang
katarungan sa mga walang tinig at naisasantabi paniniwala katulad ng Kredo ng mga Kristyano,
upang hindi manatiling teoretikal na diskurso sa Ba-diw ng Ibaloi at Mangurug ng Ibanag (Villariba
mga bulwagan, kumperensya, at tanggapan ang 55). Gagap nang husto ng mga babaylan/
mga inistyatiba kundi magkaroon ng tunay na catalonan ang katutubong kulturang Pilipino na
kaunlaran ang bawat pamayanan. Sa puntong ito, marunong mamagitan sa kapwa tao at kalikasan
kritikal ang pagbuo ng personal at panlipunang kaya napananatili ang paggalang at pag-aruga sa
mga desisyon tungo sa pagbabago para lahat ng mga nilikha na taliwas sa karahasang
mabawasan ang labis na pagkonsumong sumisira dulot ng komersyalismo at konsyumerismo kaya
sa Inang Kalikasan. Para sa mga naniniwala sa mahalaga ang muling pag-ugat sa sariling kultura,
ecofeminism, isa na rito si Shiva ng India, ayon nga kay Festin, “sa panahon ng
mahalagang maging malinaw ang konsepto ng globalisasyon… mahalaga ang kapit sa ugat, ang
pagkapantay-pantay, aniya, “[e]quity needs to be kamalayan sa sarili, sa tradisyon, upang maging
grounded in the earth, in people's struggles and angkla sa pagtsunami ng samu't saring tradisyon
movements…Earth Democracy allows us to break at kultura” (102).
free of the global supermarket of commodification
and consumerism...it allows us to re-imbed… into Kultura at Disaster
our local ecosystems and local cultures…” (19-20).
Mababakas sa pahayag ni Shiva ang mahigpit na Sinubukang pumalaot ng mananaliksik sa
pagyakap sa lokal na kultura upang mapanatiling paksang hindi pa lubusang napag-uukulan ng
sapat ang mga pangangailangan para mabuhay pansin sa Araling Filipino-- suriin ang papel ng
ang lokal na pamayanan nang hindi labis na kultura sa pagtugon sa disaster. Nabuo ang
umaasa sa mga produktong isinusubo ng mga modelong mnemonic na K-U-L-T-U-R-A na may
dayuhang kumpanya. Bukod dito, hindi lamang pitong elemento (Jumaquio-Ardales 107-109).
nakatuon ang ecofeminism sa pagkapantay-pantay Nakatulong ang konsepto ng LOOB ni Alejo (85-
ng mga tao dahil ayon kay Mies ng Germany, “not 106) sa pagbalangkas bagaman nilapatan ng
only basic fairness, equity…but also respect for modipikasyon upang maiayon ito sa diskurso ng
nature and for the dignity of all creatures, disaster: (1) Ang Abot-Malay ay may kinalaman
solidarity and compassion, caring and nurturing, sa sarili at sa paligid kaya nakapaloob ang
mutuality, love and cooperation” (361). Malaking kaalaman o kahandaan sa pagharap sa disaster,
tulong para sa likas-kayang pag-unlad na ugat o sanhi ng problema, at lagay o sitwasyon ng
maisabuhay kahit kalahati man lamang sa walong lugar; samantala, (2) Ang Abot-Dama ay
pagpapahalagang pantaong inilahad ni Mies. nagkahugis mula sa pang-araw-araw na
30 ALONA JUMAQUIO-ARDALES
DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2019, TOMO 5, BLG. 2
pamumuhay sa gitna ng disaster kaya bahagi nito Makikita sa dayagram (tingnan ang pigura 1)
ang tibok ng puso o pakiramdam at ugaling na ginamit na representasyong grapikal ang vinta
ipinamalas; at panghuli, (3) Ang Abot-Kaya na mula sa Mindanao upang maipahayag ang
may kinalaman sa pagbuo ng desisyon at aksiyon mensaheng kultura ng mga Pilipinong malapit sa
kaya nakapaloob dito ang reaksyon upang anyong-tubig dahil arkipelagong bansa ang
pansamantalang makaraos o makatawid habang Pilipinas. Ang kasama sa imahe ay mamalakaya o
angking pagkilos naman kung nakaayon sa mangingisda na may malaking kinalaman sa
kanilang pagpapahalaga at paniniwala kaya pagbibigay ng direksyon sa bangka katulad din ng
paulit-ulit nilang gagawin kahit nasa gitna ng mga Pilipinong nagpapasya sa panahon ng
panganib. Muli, ang pitong elemento ng K-U-L-T- disaster. Ang modelong mnemonic na K-U-L-T-U-
U-R-A na binalangkas batay sa konsepto ng loob R-A ay katulad ng vinta na hindi tuwirang
ni Alejo na nilapatan ng modipikasyon upang solusyon sa problema ng disaster, bagkus ito ay
maiayon sa diskurso ng disaster: sasakyang-dagat na makatutulong sa paglalakbay
kung alam ng mamalakaya ang direksyong nais
Abot -Malay patunguhan kung itutuloy bang pumalaot o
K-aalaman o kahandaan sa pagharap sa disaster kailangang tumigil sa pampang. Sa paggamit ng
U-gat o sanhi ng problema balangkas na ito, naging mahalaga ang pakikinig
L-agay o sitwasyon ng lugar sa panahon ng sa mga tao upang makuha ang kanilang
disaster awtentikong karanasan kaugnay ng disaster na
naglalarawan ng kanilang abot-malay, abot-dama,
Abot -Dama at abot-kaya sapagkat ito ang kanilang angking K-
T-ibok ng puso o pakiramdam U-L-T-U-R-A. Maaaring ito ang solusyon sa
U-galing ipinamalas sa panahon ng disaster pagharap sa disaster; o sa kabilang dako, isa ito sa
mga balakid upang matamo ang likas-kayang pag-
Abot –Kaya unlad kaya mahalagang pag-aralan ang kultura ng
R-eaksiyon bilang pansamantalang solusyon para mga mamamayan sa lokal na pamayanan.
makaraos/ makatawid
A-ngking pagkilos ayon sa angking paniniwala/
pagpapahalaga
ng baha kahit pa may nararanasang problema. para sa kanilang patuloy na kumilos at mamuhay
Mahirap ang pagtitinda ng isda dahil nakababad sa sariling bahay at tiyaking walang nawawala sa
nang matagal ang paa sa baha ngunit buong sipag kanilang mga kagamitan tulad ng papag,
at tiyaga pa ring naghahanapbuhay kahit kumalat telebisyon, bentilador, Orocan kabinet, lutuan, at
pa ang alipunga sa sariling mga paa. Gayon pa iba pa. Bahagi ng kanilang kultura ang gumalaw
man, hindi maituturing na tamad ang isa pang sa sariling bahay, sa sariling espasyo kung saan
nanay na umasa sa tulong/ayuda ng ibang tao naroon ang mga kagamitang pambahay na
sapagkat siya ang nag-alaga sa apat na maliliit na itinuturing nilang mahalagang mga ari-arian
mga anak. Hindi siya naghanapbuhay sa labas ng sapagkat bahagi ng kanilang pang-araw-araw na
bahay dahil buong tiyaga niyang inaasikaso at pamumuhay. Mahalagang tingnan kabuuang
inaalagaan ang kaniyang apat na anak, isa rito ay kalagayan ng mga taong apektado ng disaster
sanggol pa. upang maiangkop ang ibibigay na ayuda sa
paraan ng kanilang pamumuhay sa araw-araw.
Sa panahon ng disaster, hindi sila pasibo Sila ang nakadarama ng sitwasyon kaya mayroon
dahil gumagawa sila ng paraan para makatawid o silang angking dunong kung paano mamuhay sa
makaraos kahit pansamantalang ginhawa lang. panahon ng disaster-- umangkop sa sitwasyon
Halimbawa, inabangan nila ang mga kahoy na ayon sa angkin nilang kakayahan, paniniwala, at
inagos malapit sa kanilang bahay. Kinuha nila ito pagpapahalaga sa buhay.
at ginawang tuntungan sa loob ng bahay at
inihanay ang iba sa labas kaya naging Sa kabuuan, narito ang abot-malay, abot-
pansamantalang tulay na daanan sa kanilang dama, at abot-kaya ng mga nanay na nakatira sa
looban. Hindi sila nagpunta sa evacuation center. looban na nakaranas ng paulit-ulit na pagbaha sa
Nagtiis silang mamuhay sa gitna ng tubig-baha kanilang pamayanan (tingnan ang pigura 2).
(sobrang baho kapag nagtagal) sapagkat mahalaga
Saliksik #2: Tinig-Danas ng mga Bata sa pamilya. Nailarawan ng mga bata ang aspektong
Pagbaha sa Baybayin pisikal ng kanilang lugar sa panahon ng disaster
ngunit hindi ang malalimang ugat nang
Ginamit ang modelong mnemonic na K-U-L- matagalang pagbaha sa kanilang pamayanan
T-U-R-A sa ikalawang pagkakataon nang sinuri katulad nang sistema ng kanal at patuloy na
ang karanasan sa pagbaha ng mga batang pagbabaw ng lawa sa paglipas ng panahon.
naninirahan malapit sa baybayin ng
pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Sa tulong ng Sa abot-dama, lumabas sa datos na mahalaga
balangkas ng K-U-L-T-U-R-A, hinimay ang abot- sa mga batang kalahok na manatili sa loob
malay, abot-dama, at abot-kaya ng mga bata sa ng kanilang bahay sa panahon ng disaster.
panahon ng matagalang pagbaha sa kanilang lokal Mayroon silang siko-emosyonal na pagpapahalaga
na pamayanan. Batay sa datos, bahagi ng kanilang sa personal na espasyo ng kanilang pamilya. Para
abot-malay na palaging handa sa paglikas. sa mga batang kalahok, “masaya sa bahay” subalit
Napansing nagtalaban o nagsalubong ang sa oras na inutos ng barangay na magbakwit ang
kanilang isip at damdamin sapagkat may bahagi mga sambahayan ay kailangan na nilang lumikas.
sa kuwentuhan na ang tanong ay tungkol sa Dahil dito, tinatanggal ang likas nilang ginhawang
nilalaman ng isip ngunit ang sagot ng mga bata ay manatili sa espasyong pamilyar sa kanila, sa sarili
may kinalaman sa damdamin. Halimbawang nilang bahay. Sanay silang maglaro, matulog,
tanong, anong naiisip ninyo kapag baha? Sagot ng kumain, at maligo sa kanilang bahay subalit nag-
mga kalahok, lumikas. Muling tinanong ang mga iiba ito kapag nagbakwit ang kanilang pamilya
bata, ano pang naiisip ninyo kapag baha? Sagot kapag tumaas ang tubig-baha. Sa gitna ng mahirap
ng mga kalahok, Natatakot! (tatlong beses inulit na pamumuhay sa evacuation center, naibahagi ng
ang kanilang sagot). Natuklasan sa mga batang mga batang masaya sila kapag nakapaglaro o
kalahok na biswal din ang paraan ng kanilang nakapaglibang. Natuklasang susi ang paglalaro o
paglalarawan sa pagbaha dahil sa pagbanggit (na paglilibang upang maibalanse ng mga bata ang
may kasamang muwestra ng kamay) na hanggang kanilang nararamdamang lungkot/hirap sa
leeg o lagpas tao ang taas ng tubig-bahang panahon ng disaster dahil gumagaan ang kanilang
naranasan. Katulad nang isinagawang pakiramdam. Sa kabilang dako, nagpahayag din
panimulang pag-aaral, napansing may kinalaman ang ilang bata na sila ay naging batugan o tamad
sa proksimiti ng katawan ang pagtukoy ng mga sa evacuation center subalit nang patuloy na
bata sa ugat o sanhi ng problema ng pagbaha sa pinakinggan ng mananaliksik ang kuwento ng
kanilang pook-tirahan dahil tinukoy ng mga bata mga bata at binalikan ang mga larawang-guhit na
ang basura bilang sanhi kung bakit bumabaha ginawa ng mga kalahok bago ang bahaginan ng
sa kanilang lugar ngunit hindi nila nabanggit ang personal na karanasan tungkol sa pagbaha
pag-apaw ng tubig sa lawa kahit malapit ang ay napagtantong may kinalaman sa eksternal na
kanilang mga bahay sa baybayin. Sa pag-ikot ng kapaligiran ang ipinamalas nilang ugali
mananaliksik sa pook ng pag-aaral, nakita niya sa sa panahon ng disaster. Batay sa kanilang
harap-gilid-at-likod ng kabahayan ang balat ng naratibo, masikip sa evacuation center
kendi, sachet ng kape, at iba pang plastik. Kaagad kaya limitado ang kanilang kilos o galaw kaya
at madalas itong makita ng mga bata tuwing minabuti ng ilang batang mahiga sa nakalatag na
lalabas ng bahay kaya basura ang alam nilang banig at matulog na lamang. Hindi likas sa
dahilan kung bakit bumabaha sa kanilang lugar. kanilang maging tamad dahil hindi ito ang
Bukod dito, bahagi ng abot-malay ng mga bata nilalaman ng larawang-guhit tungkol sa katangian
ang kanilang pag-aalala sa sariling pamilya ng kanilang sarili ngunit ito ang ugaling
sapagkat nabanggit sa kuwentuhan ang kanilang naipamalas nila nang tumigil sa evacuation center
pagpapahalaga sa mga magulang at iba pang dahil masikip sa lugar at nalimitahan ang kanilang
miyembro ng pamilya. Patunay ito na kailangang aktibong pagkilos/paggalaw. Sa kabilang dako,
subaybayan ang mga bata sa panahon ng disaster may mga batang tumulong sa kanilang pamilya
dahil higit na trauma ang kanilang mararanasan (hal. magtinda) kahit nawalan sila ng
kung sakaling mapahiwalay sila sa kanilang pagkakataong makapaglaro ngunit kung
34 ALONA JUMAQUIO-ARDALES
DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2019, TOMO 5, BLG. 2
susundan ang patuloy nilang pagkukuwento, malayo, marumi, at malalim ang tubig-baha kaya
nakaramdam sila ng inggit kapag nakitang kailangan nila ng P50.00 na pamasahe papunta at
naglalaro ang kapwa nila bata habang sila ay pauwi. Napansin sa kuwentuhan na lahat ng mga
nagtitinda. batang kalahok ay nagpahayag na mahalaga ang
pagkain sa panahon ng disaster at kailangan itong
Panghuli, ang abot-kaya ng mga bata sa unahin ng buong pamilya. Sa edad 13-17, nais
panahon ng disaster. Ang unang reaksyon ng mga nilang sabihin sa mga magulang na unahin ang
bata ay ingatan ang kanilang sarili kapag pambili ng pagkain sa kabuuang badyet ng
nagsimulang magbakwit ang kanilang pamilya. pamilya; samantala, sa edad 9-12,
Halimbawa, tinitingnan nila kung may kable ng nagtalo/diskusyon sila kung paano ang paraan ng
kuryente sa daraanan. Nabanggit din sa pagtatanim ng mga gulay sa panahon ng
kuwentuhan ang kanilang kusang pagre-recharge matagalang pagbaha sa kanilang pamayanan (hal.
ng cellphone at pagte-text sa kanilang mga magtanim sa paso, pagapangin ang tanim na
kaibigan at kaklase para alamin/ kumustahin ang gulay sa bubong). Nabanggit din ang kagustuhan
kalagayan ng isa’t isa. Napansing magkaiba ang nilang mag-shout out upang magpalaganap ng
angking pagkilos ng mga bata ayon sa saklaw na impormasyon sa kanilang ka-barangay. Ang
edad: para 9-12 taon, mahalaga sa kanilang shout out ay komunikasyong onlayn sa social
maglaro (hal. sumakay sa ginawa nilang balsang network ngunit sa naganap na kuwentuhan ang
water lily) dahil gagawin nila ito kahit ibig pala nilang sabihin ay harapang pag-uusap,
mapagalitan ng kanilang mga magulang; ginamit lamang ang terminong madalas marinig/
samantalang sa 13-17 taon, nais nilang mag-aral at gamitin sa social network.
nagtitiyaga silang pumasok kahit baha kaya labis
silang nalulungkot kung walang maibigay na Sa kabuuan, ang abot-malay, abot-dama, at
pamasahe ang kanilang magulang dahil abot-kaya ng mga batang nakaranas ng
napipilitan silang lumiban sa klase. Hindi matagalang pagbaha sa kanilang pook-tirahan
maaaring languyin papuntang paaralan dahil (tingnan ang pigura 3).
36 ALONA JUMAQUIO-ARDALES
DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2019, TOMO 5, BLG. 2
National Disaster Risk Reduction Management Thiele, Leslie P. Sustainability. Key Concepts.
Coordinating Council. Implementing Rules UK: Polity Press, 2013.
and Regulations of R.A. No. 10121. An Act United Nations. Sustainable Development Goals.
Strengthening the Philippine Disaster Risk Transforming Our World: The 2030 Agenda
Reduction and Management System. for Sustainable Development, 25-27
Republic of the Philippines, walang petsa. Setyembre 2015.
www.ndrrmc.gov.ph/ www.sustainabledevelopment.
attachments/article/ 45/Republic _Act_ un.org/topics
10121.pdf United Nations World Commission on
Paredes-Canilao, Narcisa at Babaran-Diaz, Maria Environment and Development. Our
Ana. “Sikolohiyang Pilipino: 50 Years of Common Future,
Critical-Emancipatory Social Science in the 1987. www.un-documents.net/our-
Philippines.” Annual Review of Critical common-future.pdf
Psychology 10 ( Mayo 2013): 765-782. Villariba, Marianita Girlie C. “One on One:
Shiva,Vandana. “Soil Not Oil. Environmental Babaylan Women as Guide to a Life of Peace
Justice in an Age of Climate Crisis.” and Justice.” Women in Action, blg. 2
Alternatives Journal 35, blg. 3 (2009): (2006): 54-60.
19-23. www.collapseof http://www.isiswomen.org/downloads/
industrialcivilization.files.wordpress. wia/wia-2006-2/02wia06_06GirlieA.pdf
com/2014/04/wk4_shiva_soilnotoil.pdf
ALONA JUMAQUIO-ARDALES is a faculty member at the De La Salle University. She received her Ph.D. in
Philippine Studies from the same university. She was able to do a pioneering work in the country by theorizing the
indicators of sustainable culture in relation to disaster when she conducted her dissertation. She has extensive
experiences in community immersion in different sectors of society such as fisher folks, factory workers, urban poor,
indigenous people, and commercial sex workers. She had published scholarly articles in refereed and Scopus indexed
journals. She is currently pursuing her research interest in Culture and Disaster.