You are on page 1of 9

LEARNING MODULE 1

ASIGNATURA: Araling Panlipunan


BAITANG: 10
BUWAN/LINGGO: August 2021/Week 3-4
GURO: Excenel Lene E. Queral
CONTACT #: 0965-582-2898
________________________________________________________________________
I. PANIMULA
Ang kauna-unahang aralin na ito ay patungkol sa mga kontemporaryong isyu ay magsisilbing
pagpapakilala o introduksiyon sa kabuuan ng asignatura at sa mga paksang nakapaloob ditto. Nilalayon
ng aralin na ito na ang mga mag-aaral ay magkaroon ng kabatiran, pagpapahalaga, at apresasyon sa mga
kontemporaryong isyu sa lipunan.
Ang aralin na ito ay magsisilbing ring pampukaw sa atensiyon ng mga mag-aaral at isang magandang
hamon sa kanila na maging maalam at upang makatulong sa pamayanan, sa bansa, o sa mundo, hinggil
sa mgakontemporaryong isyung kinahaharap ng mga mamamayan.
II. PAMANTAYAN

PAKSA PAMANTAYANG PINAKAMAHALAGANG LAYUNIN


PANGNILALAMAN KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
(MELC’S)
ARALIN 1: Ang mga mag-aaral Nasusuri ang Pagkatapos ng aralin,
Kontemporaryong ay may-pag-unawa kahalagahan ng pag- ang mag-aaral ay
Isyu: ilang Depinisyon sa mga sanhi at aaral ng inaasahang:
ARALIN 2: implikasyon ng Kontemporarypong - natatalakay ang mga
Ang Kahalagahan ng mga hamong isyu. kontemporaryong isyu at
Pagiging Mulat sa mga pangkapaligiran ang kahalagahan nito; at
Kontempporaryong upang maging -ang mga mag-aaral ay
Isyu bahagi ng pagtugon nakakasulat ng sariling
sa pamumuhay ng dipinisyon ng mga
tao. kontemporaryong isyu.

III. PAGTALAKAY/GAWAIN
ARALIN 1
KONTEMPORARYONG ISYU: ILANG DEPINISYON
Ang Kontemporaryong isyu ay maaaring tumutukoy sa ano mang kaganapan, ideya, opinyon, o
paksang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito rin matatagpuan halos lahat ng interesanteng
usapin.
Upang lalong maunawaan ang konseptong kontemporaryong isyu, makatutulong ang sumusunod na mga
halimbawa nito.
A. Suliraning Pangkapaligiran
1.Natural na kalamidad- Ang ilang mga halimbawa nito ay ang bagyo ( typhoon o storm ); storm
surge (hindi pangkaraniwan o abnormal na pagtaas ng tubig-dagat ); baha (flooding); flashflood
( rumaragasang agos ng tubig na may kasamang ibang bagay); landslide (pagbagsak o pagguho ng lupa,
putik, o malalaking bato); epidemya (mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nakahahawang
sakit); lindol (biglaan at mabilis na pag-uga ng lupa); buhawi (alimpuyo, tornado, o ipo-ipo) at tsunami
(serye ng malalaking alon)

1 In everything you do put God first and He will


crown your efforts with success. - Proverbs 3:6
2. Man-made calamities- Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang polusyon na tumutukoy sa dami,
ingay, at hindi kaaya-ayang amoy sa kapaligiran. Sa ilalim ng isyung ito ang polusyon sa hangin,
polusyon sa lupa at polusyon sa tubig.
3.Oil spill sa karagatan at Ang Deporestasyon- Ang napakalaking isyu naman ng climate change na
may kaugnayan sa global warming o pagtaas ng temperature ng daigdig ay resulta rin ng maraming
gawa o kapabayaan ng mga tao. Nagdudulot at nagpapalala ng pagtaas ng temperature ang mga gawain
gaya ng pagsunog ng mga produktong mula sa langis, pagkalbo sa kagubatan, at industriyalisasyon na
gumagamit ng mga kemikal gaya njg chlorofluorocarbon at hydrofluorocarbon.
B. Mga Isyung Pang-ekonomiya
Ang unemployment, globalisasyon, at sustainable development ay mga kontemporaryong isyu na nasa
uring pang-ekonomiya.
1. Unemployment – tumutukoy sa kawalan ng trabaho na sinasabing umiiral sa isang ekinomiya
kapag ang mga tao na walang trabaho ay aktibong naghaharap ng trabaho subalit wala pa ring
makitang hanapbuhay. Unemployment rate ang sukatan ng pagiging malaganap ng kawalan ng
trabaho.
2. Globalisasyon - ay ang proseso ng internasyonal na integrasyon o pagsasama-sama bunga ng
pagpapalitan ng mga pananaw, produkto, ideya at iba pang aspeto ng kultura ng mga tao mula sa
iba’t ibang bansa. Ito ay kaparaanan kung paano nagiging pang-internasyunal ang mga local o
pambansang mga gawi o paraan. Sa pamamagitan nito, ang mga ideya at iba pang mga bagay
ukol sa ekonomiya, kalakalan, teknolihiya, politika at kalinangan o kultura ay naipapasa sa mga
tao sa iba’t ibang panig ng mundo.
3. Sustainable Development (SD) o likas-kayang pag-unlad – pangkaraniwang inilarawan bilang
pag-unlad na nakatutugon sa mga pangangailangan at aspirasyon ng kasalukuyan na hindi
ikinokomprimiso ang kakayahan ng mga hinaharap na henerasyon na matugunan ang kanila
naming mga sariling pangangailangan.
Kaya, ang sustainable development na tinatawag ding napananatiling pag-unlad ay prinsipyo sa
pag-aayos (organizing principle) para sa pagsusustini ng mga limitasyong mapagkukunan (finite
resource) na kinakailangan upang matugunan maging ang pangangailangan ng mga hinaharap na
henerasyon ng mga tao sa mundo. Ang sustainability, sa konsepto ng sustainable development,
ay tumutukoy sa pagsasanay ng pagtitipid o makatuwirang paggamit ng mga kasalukuyang
resource para sa hinaharap na henerasyon nang walang pinsala sa kalikasan at iba pang mga
bahagi ng mga tao.
C. Mga Isyung Politikal at Pangkapayapaan
 Isyung politikal – at tumutukoy sa mga paksang may kinalaman sa mga teorya o sa mismong
pamamalakad sa gobyerno, mga aktibidad na may kaugnayan sa pamamahala, mga sistema sa
pagkamit ng kapangyarihang panlehislatura at pang-ehekutibo, at pagbuo at pagpapatakbo ng mga
sangay ng mga gobyerno o ano mang organisasyong konektado sa pamahalaan.
May kaugnayan sa isyung politikal ang isyung pangkapayapaan sapagkat ang gobyerno ang may
pangunahing pananagutan na panatilihin ang peace at order na bansa. Sa Pilipinas halimbawa,
matagal na minimithi ng sambayanang Pilipino na maipatupad ng pamahalaan ang pagkakaroon ng
tunay na kapayapaan lalo na sa katimugang bahagi ng bansa o sa Mindanao.
1. Migrasyon ay pagkilos o paglipat ng tao o mga tao mula sa isang lugar patungo sa isang dako sa
layuning doon mamalagi o manirahan. Ito ay pangkaraniwang tumutukoy sa paglipat sa malayong
lugar—papunta sa malayong lalawigan o ibang bansa. Maaaring ito ay gawin ng indibidwal, ng
pami-pamilya, o ng mas malalaking grupo ng tao. Ito ay maaaring internal (sa loob ng bansa) o
eksternal (palabas ng isang bansa)
2. Political Dynasty- Ang politika sa Pilipinas ay masasabing pinaghaharian ng ilang mayayaman at
makapangyarihang pamilya na nakaukit na ang mga pangalan sa kasaysayan ng bansa. Itinuturing
nang karaniwan para sa isang asawa, anak, o kapatid ng pangulo, senador, o gobernador na
tumanggap ng tungkulin sa ibang sangay ng pamahalaan o tumakbo sa eleksyon bilang alkalde
(mayor), kongresista (congressman) at iba pa. Ang tawag dito ay political dynasty.
3. Korapsyon- isang maling gawi o kasanayang kinasasangkutan ng opisyal ng isang institusyon. Ito
ay pang-aabuso sa hawak na posisyon upang magkaroon ng pakinabang. Ito ay nagaganap hindi

2 In everything you do put God first and He will


crown your efforts with success. - Proverbs 3:6
lamang sa pampubliko kung hind imaging sa pribadong sector. Maraming anyo ang corruption,
subalit ang mga pangunahin ay ang: paglustay, panunuhol, pandaraya at pangingikil.
4. Graft- isang anyo ng politikal na korapsyon kung saan ang opisyal ng pamahalaan ay nagkakamali
ng pinansiyal na pakinabang sa hindi tapat o hindi legal na pamamaraan. Karaniwang pinagsasama
ang graft at corruption bilang isang termino sapagkat sila ay magkaugnay. Upang mapag-iba ang
dalawang konsepto, masasabing ang corruption ang pangkalahatang tawag sa lahat ng uri ng
pandarayang ginawa ng isang opisyal at nasa ilalim nito ang tinatawag na graft.

 Mga Isyu sa Karapatang Pantao- at Gender


Tangi sa kalayaan, bawat tao ay may mga karapatang marapat igalang ng lahat. Ito ang tinatawag na
mga karapatang pantao. Ang Human Rights o likas na mga karapatang pantao ay magkakaugnay, hindi
mapaghihiwalay, hindi marapat ipagkait sapagkat ito ay kaakibat ng pagiging isang tao. Maraming
kontemporaryong isyu ang nasa ilalim ng isyung ito gaya ng mga paglabag sa ilang particular na
karapatang pantao.
1. Gender - tumutukoy sa mga katangian, gampanin, at pag-uugali na kaakibat ng pagiging isang lalaki
o babae ng isang tao. Ito ay natututuhan, nakukuha, napag-aaralan, at nahuhubog sa pamamamagitan
ng kultura at mga panlipunang institusyon tulad ng pamilya, gobyerno, paaralan, relihiyon, at
media.
Ito rin ay may malaking kaugnay at malimit na pampalit sa terminong kasarian (sex). Pangkaraniwan
na ang kasarian ay tumutukoy sa bayolohikal na kaibahan ng lalake at babae, samantalang ang
gender ay sa pangkulturang kategorya (cultural categories).

 Ang KASARIAN ay karaniwan nang nauuri lamang sa dalawa—lalaki at babae. Ang


GENDER, sa kabilang dako, ay hindi nalilimitahan sa dalawang kategorya lamang at paglipas
ng panahon ay naragdagan pa ang mga uri nito, sapagkat ito ay may kinalaman din sa
seksuwalidad. Sa kasalukuyan ay may mga tinatawag na lesbian, gay, bisexual, at transgender
na bumubuo sa tinatawag na LGBT Community. May mga karapatang pantao na may tuwirang
kaugnayan sa gender at kasarian ng isang tao. Katulad ng diskriminasyon sa lahi, mayroon ding
masasabing diskriminasyon sa kasarian. May mga salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon
ng ganitong diskriminasyon .
 Ang LGBT Community ay isa sa mga aktibong samahang nagsusulong sa tinatawag na
karapatan sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad. Bukod sa mga proyekto ng LGBT Community,
may mga batas, panukala, at programang may kinalaman sa pagsusulong sa karapatan ng mga
mamamayan ukol sa kasarian at seksuwalidad. Ang mga ito ay nagsisilbing kontemporaryong
isyu na mainit na pinag-uusapan at pinagtatalunan.
Ang isa sa mga panukalang batas sa Pilipinas na dumaan sa maraming diskusyon at nagbunga ng
pagkakabaha-bahagi sa mga mamamayan ay ang tungkol sa Reproductive Health. Nang ito ay
maisabatas, ito ay tinawag na Republic Act No. 10354 o Responsible Parenthood and
Reproductive Health Law o RH Law.
Ang pinakalayunin ng batas ay ang magkaloob ng kabatiran at access sa mga mamamayan sa
mga metodong ukol sa pagpipigil sa pagbubuntis (contraception) , fertility control, sexual
education, at maternal care. Bagaman inaayunan ng maraming ang probisyon nito ukol sa
pangangalaga sa kalusugan ng isang ina at kaniyang anak, may pagtatalo naman sa mandato nito
sa pamahalaan at sa mga pribadong sector na pondohan at isagawa ang malawakang
pamamahagi ng mga gamit ukol sa pagplaplano ng pamilya gaya ng condom, birth control pill, at
IUD (intrauterine device). Nagkaroon ng mainitang debate ukol sa RH bill. Nagsagawa pa nga
ng mga rally ang mga tumututol at maging ang mga sumusuporta rito. Hanggang ngayon ay
pinagtatalunan pa rin ang mga pagpapatupad nito.
2. Same-Sex Marriage - kasalan o pag-iisang dibdib ng dalawang taong may magkatulad na kasarian.
Ang isyu ukol sa same-sex marriage, lalo na sa Pilipinas, ay lagi ng isang malaki at sensitibong
usapin. May kaniya-kaniyang opinion ang mga tao ukol sa pagsasalegal ng same-sex marriage sa
kani-kanilang mga bansa, at nagkakaroon ng mga iba’t ibang debate ukol ditto.

3. Prostitusyon - tumutukoy sa mga gawaing seksuwal na may kapalit na kabayarang salapi o iba pang
materyal na bagay na may halaga gaya ng alahas at ari-arian, o kaya naman ay kapalit ng ibang
3 In everything you do put God first and He will
crown your efforts with success. - Proverbs 3:6
pabor. Madalas na mga babae ang sangkot sa prostitusyon at may mga menor de-edad na nagiging
biktima. Ang prostitusyon ay isang uri ng human trafficking. Hindi ito legal sa Pilipinas sapagkat
tutol dito ang maraming sector ng lipunan lalo na ang iba’t ibang relihiyon. Ganon pa man,
masasabing ito ay laganap sa bansa at itunuturing na isa sa malalaking problema ng nasyon.
Pinagtatalunan ngayon kung ano ang marapat gawin sa prostitusyon sa bansa.

4. Rape o panggagahasa - isang uri ng seksuwal na paghahalay o pag-atake (sexual assault) na


karaniwang nasa anyo ng sapilitang pakikipagtalik (forced sexual intercourse) o iba pang uri ng
penetrasyon seksuwal sa isang indibidwal nang walang pahintulot. Ito ay maaaring gawin sa
pamamagitan ng pisikal na lakas, pamimilit, pang-aabuso sa kapangyarihan, o laban sa taong hindi
makapagbibigay ng pahintulot, katulad ng isang taong walang malay, baldado, o kaya naman wala sa
tamang edad. Ang ilan sa pinag-uusapan o pinagtatalunang paksa sa isyu ng rape ay kung ano ang
marapat na parusa sa mga rapist at ano-ano ang hakbang na dapat gawin ng pamahalaan upang
maiwasan o mabawasan ang mga kaso ng panggagahasa.

 Mga Isyung Pangedukasyon at Pansibiko at Pagkamamamayan (Civic and Citizen)


Noong taong pampaaralan 2012-2013, sinimulan ang pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Ang dating 10 taon na compulsory basic education ay naging 13 taon sa ilalim ng Programang k-12
batay na rin sa mandato ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng bansa. Kalakip ng bagong sistema ay
ang bagong kurikulum na nagsasaad ng ilang pagbabago. Ang Programang K-12 ay pinaniniwalaang
makalulutas sa suliranin ukol sa mababang kalidad at hindi na napapanahong sistema ng edukasyon sa
bansa.
Ang programa ay kinapalolooban ng isang taong Kindergarten at 12 taon sa elementary at sekondaryang
edukasyon. Ito ang sistema ng edukasyong ginagamit halos lahat ng bansa, ito ang iminungkahi ng
DepEd sa panahon ng termino ni Pres. Benigno Aquino III. Ito ba ay totoong makabubuti sa Pilipinas?
Sa pasimula ng termino ni Pres. Rodrigo Duterte, nagkaroon siya ng pahayag laban sa sistemang pang-
edukasyong ito. Ano ang gagawin ng kaniyang pamahalaan ukol dito? Ilan ito sa kontemporaryong isyu
na pinag-uusapan ukol sa edukasyon sa bansa.
Tila nauuso rin na paksa sa mga forum at paaralan ang ukol sa isyung pansibiko at pagkamamamayan
(civics and citizenship). Ang pakikilahok sa gawaing pansibiko (civic engagement) ay tumutukoy sa
mga indibidwal at kolektibong aksiyon na dinisenyo upang malaman at matugunan ang mga isyu ukol
sa kapakanang pampubliko.
Ang civic engagement ay iba’t iba ang anyo, mula sa mga indibidwal na pagboboluntaryo hanggang sa
pakikilahok sa organisasyon o partisipasyong electoral. Kabilang dito ang pagsisikap upang tuwirang
iadres o tugunan ang isang isyu, makipagtulungan sa iba pang kasapi sa komunidad upang m,alutas ang
isang problema, o makipag-ugnayan sa mga institusyon ng gobyerno. Nakapaloob din dito ang
pakiramdam sa personal na responsibilidad na nag-uudyok sa mga mamamayan upang itaguyod ang
kanilang mga obligasyon, bilang bahagi ng ano mang komunidad.
Ang pakikilahok naman sa mga gawaing politikal ay tumutukoy sa pakikiisa, pagsama, o pagsali ng mga
mamamayan (lalo na ng mga constituent) sa mga pambublikong gawaing inilulunsad ng gobyerno. Isang
magansang halimbawa ng paglahok sa gawaing politikal ay ang pagpaparehistro at pagboto ng mga
mamamayang may edad na 18 pataas (age of majority).
Sa ganitong paraan ay magagamit ng mga tao ang kanilang karapatang pumili ng mga taong
mamumuno sa kanila—isang karapatang ginagarantihan ng Konstitusyon ng isang demoktratikong
bansa. Ang mga isyung nakapaloob sa paksang ito ay kabilang sa mga kontemporaryong isu na
tatalakayin sa asignaturang ito.

ARALIN 2
ANG KAHALAGAHAN NG PAGIGING MULAT SA MGA KONTEMPORARYONG ISYU
1. Upang makaiwas sa masama o kapahamakan

4 In everything you do put God first and He will


crown your efforts with success. - Proverbs 3:6
Maaaring ang isang kontemporaryong isyu, lalo na kung masama, ikapapahamak, o itinuturing
na hindi tama ng isang kultura, ay ginagawa pala nang hindi sadya o hindi alam (unconsciously)
ng isang tao, bunga ng kaniyang kawalan ng kaalaman ditto. Halimbawa, may mga
konserbatibong kultura na buong higit na nagbabawal at nagpaparusa sa homoseksuwal na
relasyon, pagpapalaglag (abortion) o prostitusyon. Ang pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu
ay makatutulong upang malaman at maunawaan ng mga mamamayan ang ukol sa mahahalagang
isyu, at kung kinakailangan ay umiwas o makabalikwas sa ilang mga ipinagbabawal na gawain o
gawi.
2. Upang makatulong
Dahil sa pagiging mulat sa kontemporaryong isyu, ang isang indibidwal ay maaaring makatulong
sa kaniyang kapwa o sa lipunan. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng suhestiyon upang
masolusyunan ang isang kontemporaryong isyu o sa pamamagitan ng pagkilos o paggawa,
bunsod ng pagkaunawa sa isang isyu.
3. Upang maaksiyunan ang dapat na aksiyunan
Minsan hindi maiiwasang madamay maging ang mga mahal sa buhay sa ilang mga
kontemporaryong isyu. Halimbawa na lamang ay ang bullying. Kung mulat ang mga tao, lalo na
ang mga otoridad sa ganitong isyu, maaaksiyunan ito nang maaga upang ang epekto ay
mabawasan o mas mabuti kung ito ay tuluyang masusupil na.
4. Upang mapahusay ang mga pagkakataon sa trabaho (Employment opportunities)
Ang kompetisyon sa mga propesyon sa local at global na pamilihan ay umiigting at lumalaki.
Napakahalaga kung gayon na magkaroon ng kahigitan sa ibang kakompitensiya sa pamamagitan
ng pagpapakita ng isang malawak na pag-unawa, halimbawa, sa mga internasyonal na Gawain
(international affairs ) at ang kasalukuyang kaganapan (current events )
5. Upang makapagsimula o makabahagi sa makabuluhang diskusyon
Mahalaga ang akademiko at makabuluhang debate o talakayan para sa mental na pag-unlad ng
mga tao lalo na ng mga mag-aaral. Ang mga mulat sa mga kontemporaryong isyu ang siyang
maaaring magsimula o makilahok sa mga ganitong mga diskusyon , maging ito ay sa pagitan ng
mga magkakaibigan, magkakatrabaho o magkakasama sa isang komunidad.
6. Upang makabuo ng matalinong opinion
Ang pagkakaroon ng sapat at wastong kaalaman sa mga kasalukuyang pangyayari ay
nagbibigay-daan upang makapagpasiya ang isang tao kung saan siya panig hinggil sa mga
pangunahing isyu na nakaapekto sa kaniyang lungsod, rehiyon, o bansa. Nagbibigay rin ito sa
kaniya ng kakayahan upang makaimpluwensiya sa mga mambabatas sa isang makabuluhan at
maayos na paraan.
7. Upang maging bahagi ng pandaigdigang komunidad (global community)
Ang globalisasyon ay isang katotohanan. Walang pagpipilian ang isang tao kundi ang maging
bahagi ng mundo sa halip na tumayong nag-iisa. Napapanahon nang maging mulat sa mga
isyung may kinalaman sa globalisasyon. Napakahalaga lalo na sa panahon ngayon na “ ikonekta
ng tao ng mga tuldok sa mundong tila baga nagiging napakaliit.”
8. Upang maging maalam tungkol sa ibang mga kultura
Lalo na sa panahon ngayon, malamang na may makakasalamuha ang mga mamamayan na mga
mula sa iba’t ibang bansa sa pamayanan, paaralan o trabaho. Sa pamamagitan ng pagsubaybay sa
mga kasalukuyang kaganapan at kontemporaryong isyu, magkakaroon ang tao ng pagkakataong
baguhin ang kaniyang mga mapanghusgang pananaw at alamin ang tungkol sa kung ano ang
nangyayari sa mga internasyunal na komunidad.
9. Upang makapaghanda para sa paglalakbay
Ang pagiging mulat tungkol sa kaganapan sa isang bansa bago ang pagbisita rito ay
makatutulong upang maiwasan ang mga hindi inaasahang sorpresa at ang iba pang pagkakamali
5 In everything you do put God first and He will
crown your efforts with success. - Proverbs 3:6
sa pagbyahe. Samakatuwid, mahalaga ang pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu bilang bahagi
ng tinatawag na mga basic safety procedure. Bilang karagdagan, ang pagsubaybay sa mga balita
at napapanahong isyu ay nagkakaloob sin ng mahahalagang kaalaman ukol sa bansang
pupuntahan, sa mga batas at tradisyon nito, at sa mga tao rito na makasasalamuha ng mga
bibisita roon.
10. Upang maingatan ang buhay at kapakanan
Paano na lamang kung sa lugar ba pupuntahan ay mayroon palang babala ukol sa terorismo,
digmaang sibil, at agawan sa teritoryo o hangganan (territorial and border conflict) o kaya naman
ay may epidemya o outbreak pala ng malulubhang karamdaman gaya ng AIDS o SARS? Ang
pagiging sa kontemporaryong isyu ay makapagliligtas sa tao o tiyak na kapahamakan.
Gawain 1:
Panuto: Bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na mga konsepto mula sa ating tinalakay.
1. Kontemporaryong isyu
2. Suliraning pangkapaligiran
3. Mga isyung pang-ekonomiya
4. Unemployment
5. Sustainable development

IV. PAGLALAGOM
Mga Isyung Pang-ekonomiya
 Unemployment – tumutukoy sa kawalan ng trabaho , na sinasabing umiiral sa isang ekinomiya
kapag ang mga tao na walang trabaho ay aktibong naghaharap ng trabaho subalit wala pa ring
makitang hanapbuhay
 Globalisasyon (globalization)- ay ang proseso ng internasyonal na integrasyon o pagsasama-sama
bunga ng pagpapalitan ng mga pananaw, produkto, ideya at iba pang aspeto ng kultura ng mga tao
mula sa iba’t ibang bansa.
 Sustainable Development (SD) o likas-kayang pag-unlad – pangkaraniwang inilarawan bilang pag-
unlad na nakatutugon sa mga pangangailangan at aspirasyon ng kasalukuyan na hindi
ikinokomprimiso ang kakayahan ng mga hinaharap na henerasyon na matugunan ang kanila naming
mga sariling pangangailangan
Mga Isyu sa Karapatang Pantao- at Gender
o Gender- tumutukoy sa mga katangian, gampanin, at pag-uugali na kaakibat ng pagiging isang lal;aki
o babae ng isang tao.
o Same-Sex Marriage ay ang kasalan o pag-iisang dibdib ng dalawang taong may magkatulad na
kasarian. Ang isyu ukol sa same-sex marriage, lalo na sa Pilipinas, ay lagi nang isang malaki at
sensitibong usapin.
o Ang prostitusyon ay isa pang halimbawa ng kontemporaryong isyu. Ito ay tumutukoy sa mga
gawaing seksuwal na may kapalit na kabayarang salapi o iba pang materyal na bagay na may halaga
gaya ng alahas at ari-arian, o kaya naman ay kapalit ng ibang pabor.
o Rape o Panggagahasa naman ay isang uri ng seksuwal na paghahalay o pag-atake (sexual assault)
na karaniwang nasa anyo ng sapilitang pakikipagtalik (forced sexual intercourse) o iba pang uri ng
penetrasyon seksuwal sa isang indibidwal nang walang pahintulot.

ANG KAHALAGAHAN NG PAGIGING MULAT SA MGA KONTEMPORARYONG ISYU


Upang makaiwas sa masama o sa kapahamakan
Upang makatulong
Upang maaksiyunan ang dapat na aksiyunan
Upang mapahusay ang mga pagkakataon sa trabaho ( employment opportunities )
Upang makapagsimula o makabahagi sa makabuluhang diskusyon
Upang makabuo ng matalinong opinion
Upang maging bahagi ng pandaigdigang komunidad ( global community )
6 In everything you do put God first and He will
crown your efforts with success. - Proverbs 3:6
Upang maging maalam tungkol sa ibang mga kultura
Upang makapaghanda para sa paglalakbay
Upang maingatan ang buhay at kapakanan

V. EBALWASYON
Panuto: Ibigay ang sagot na hinihingi sa bawat bilang. Piliin sa mga salitang nasa loob ng kahon ang
sagot.
-Globalisasyon -K to 12 -Same-Sex Marriage -Man-Made Calamities

-Sustainable development -Flashflood -Public concern -Sustainability

-Prostitusyon -Migrasyon -Corruption -Unemployment rate

-Pamilya -Aborsiyon -RH Law -Age of majority

-Homosexual -Kasarian -Deporestasyon -Politika

-Graft -Paglustay -Human Rights -LGBT

-Suliraning teritoryal at hangganan

______________________1. Ito ay ang gawaing seksual na may kapalit na kabayarang salapi o iba
pang materyal na bagay na may halaga gaya ng alahas at ari-arian, o kaya naman ay kapalit ng ibang
pabor.
______________________2. Isa ito sa mga aktibong samahang nagsusulong sa tinatawag na karapatan
sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad.
______________________3. Ito ay ang kasalanan o pag-iisang dibdib ng dalawang tao na may
magkatulad na kasaraian.
______________________4. Ang mga ito ay likas na mga karapatang pantao na magkakaugnay, hindi
mapagihiwalay, at hindi marapat ipagkait sapagkat ito ay kaakibat ng pagiging isang tao.
______________________5. Ito ay ang pag-unlad na nakatutugon sa mga pangangailangan at
aspirasyon ng kasalukuyan na hindi ikinokomprimiso ang kakayahan ng mga hinaharap na henerasyon
na matugunan ang kanila naming mga sariling pangangailangan.
______________________6. Ito ay tumutukoy sa sukatan ng pagiging malaganap ng kawalan ng
trabaho.
______________________7. Ito ang sistema ng edukasyonng ginamit sa halos lahat ng bansa sa buong
mundo.
______________________8. Ito ay naglalarawan ng pagsasanay ng pagtitipid o makatuwirang paggamit
ng mga kasalukuyang resource para sa hinaharap na henerasyon nang walang pinsala sa kalikasan at iba
pang mga bahagi nito.
______________________9. Ito ay pangkaraniwang tumutukoy sa paglipat sa malayong lugar—
papunta sa malayong lalawigan o ibang bansa.
______________________10. Ito ay ang pangkalahatang tawag sa lahat ng uri ng pandarayang
ginagawa ng isang opisyal.
______________________11. Ito ay sa mga batas sa Pilipinas na dumaan sa maraming diskusyon at
nagbunga ng pagkakabaha-bahagi sa mga mamamayan.

7 In everything you do put God first and He will


crown your efforts with success. - Proverbs 3:6
______________________12. Ang dalawang uri ng babae at lalaki.
______________________13. Ito ay ang kaparaanan kung paano magiging pang-internasyonal ang mga
lokal o pambansang mga gawi o paraan.
______________________14. Ito ay ang rumaragasang agos ng tubig na may kasamang ibang bagay.
______________________15. Ito ay ang pagkakalbo ng kagubatan sanhi ng malabis o illegal na
pagpuputol ng mga puno sa kagubatan, pagmimina, o pahkakaingin.
______________________16. Ito ay ang mga suliraning pangkapaligiran na dulot ng mga Gawain ng
mga tao.
______________________17. Ito ay ang hindi pagkakasundo sa pagmamay-ari o control sa isang
bahagi ng lupa o karagatan ng dalawang magkatabing nation state.
______________________18. Sa Piluipinas, ito ay may masasabing pinagjhaharian ng ilang
mayayaman at makapangyarihang pamilya na nakaukit na ang mga pangalan sa kasaysayan ng bansa.
______________________19. Ito ay isang anyo ng politikal na korapsiyon kung saan ang opisyal ng
pamahalaan ay nagkakamali ng pinansiyal na pakinabang sa hindi tapat o hindi legal na pamamaraan.
______________________20. Ito ay isang anyo ng corruption na tinatawag ding embezzlement.
VI. WORKSHEETS

Gawain 1: Talakayin o bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na mga konsepto. Maaaring gumamit
ng sariling termino sa pagtatalakay sa mga ito.

1. Sustainability
2. Isyung politikal at pangkapayapaan
3. Migrasyon
4. Corruption
5. Human rights
6. Gender
7. RH Law
8. Same-sex marriage
9. Programang K-12
10. Sense of personal responsibility
Gawain 2: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat sa sagutang papel
1. Sa iyong opinion, ano ang pinakapangunahing kontemporaryong isyung dapat mapagtuunan ng
pansin? Suportahan ang iyong sagot.
2. Sang-ayon ka bas a adhikain ng Programang K-12 ng Department of Education?
3. Maliban sa mga nabanggit na dahilan kung bakit dapat maging mulat ang kabataan sa mga
napapanahong isyu, ano-ano pang maidaragdag mo bilang isang mag-aaral?
4. Pumili sa isang kontemporaryong isyu sa daigdig at talakayin.
5. Anong isyung poliyikal sa Pilipinas ang iyong palagay ang napapanahon?
6. Tumalakay ng mga halimbawa ng kontemporaryong isyu na kadalasan ay mga mag-aaral nang
sangkot.
7. Ano ang halaga ng pagkakaroon ng “ sense of responsibility” ukol sa mga kontemporaryong isyu
para sa mga mag-aaral na tulad mo?

SANGUNIAN:
Contemporaryong Issues. (n.d). Ask.com.Retrieved July 21,2016 ,from hhtp://www.ask.com/word-
view/contemporary-issues-b4aa8e48930f1bcf
De Guzman, Jens Micah.(2007)” Mga Kontemporaryong Isyu”. JO-ES Publishing House,inc.#388 Mc
Arthur Highway, Daandanan, Valenzuela City..

8 In everything you do put God first and He will


crown your efforts with success. - Proverbs 3:6
9 In everything you do put God first and He will
crown your efforts with success. - Proverbs 3:6

You might also like