You are on page 1of 4

ARALIN 1: KONTEMPORARYONG ISYU: ILANG DEPINISYON AT MGA

HALIMBAWA NITO

ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU

KONTEMPORARYONG ISYU: ILANG DEPINISYON

Dalawang mahahalagang salita ang pinanggalingan ng konsepto: kontemporaryo at


isyu. Ang salitang “kontemporaryo” ay tumutukoy sa mga pangyayari sa panahong
ito na sinasabing naaalala pa ng mga tao ngayon. Ang mga pangyayaring naganap sa
nakalipas na mga dekada na nakaaapekto sa kasalukuyang henerasyon ay bahagi ng
kontemporaryong panahon. Gayundin, ang mga pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan ay sadyang maituturing na kontemporaryo. Ang salitang “isyu” ay
nangangahulugan ng mga paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa lipunan. Ito ay
napag-uusapan, nagiging batayan ng debate at may malaking epekto sa pamumuhay
ng tao sa lipunan.

Ang tinatawag na kontemporaryong isyu ay maaaring tumukoy sa ano mang


kaganapan, ideya, opinyon, o paksang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ang
kontemporaryong isyu ay matatagpuan sa halos lahat ng interesanteng usapin. Ang
mga tinatawag na kontemporaryong isyu ay mga isyung napapanahon, nauuso, o mga
kasalukuyang usapin.

Maituturing na kontemporaryong isyu ang mga pangkasalukuyan at mapagtalunang


mga paksa gaya halimbawa ng ukol sa karahasan, politika, at moralidad. Kabilang sa
halimbawa ng mas tiyakang paksa ay ang prostitusyon, pagsasalegal ng same sex
marriage, giyera laban sa droga, terorismo, at climate change. Maaaring maihayag
ang mga kontemporaryong isyu ang mga pananaw ng lipunan ukol sa buhay at
makatutulong ang mga ito sa pagbuo ng mga batas na ipatutupad ng mga lider sa
bansa at pamayanan.

Upang maunawaan ang konseptong kontemporaryong isyu, makatutulong ang


sumusunod ng mga halimbawa nito.

Suliraning Pangkapaligiran

Kabilang dito ang mga tinatawag na natural at man-made calamities. Ang mga
halimbawa nito ay ang bagyo (typhoon o storm), storm surge (abnormal na pagtaas ng
tubig dagat), landslide (pagbagsak o pagguho ng lupa, o putik, o malalaking bato),
baha (flooding),flashflood (rumaragasang agos ng tubig), epidemya (pagtaas ng bilang
ng mga kaso ng nakahahawang sakit) at lindo (biglaan at mabilis na pag-uga ng lupa),
buhawi at tsunami (serye ng malalaking alon).
Ang mga halimbawa naman ng mga man-made calamities ay ang polusyon (dumi,
hangin, ingay, lupa, at tubig), oil spill, deporetasyon (pagkakalbo ng mga kagubatan)
sanhi ng labis na illegal na pagpuputol ng puno sa kagubatan, pagmimina, o
pagkakaingin (pagsusunog ng mga puno at halaman). Dahil sa kapabayaan ng mga
tao o maraming gawain, ito ay humahantong sa climate change o pagtaas ng
temperatura ng daigdig.

Mga Isyung Pang-ekonomiya

Kabilang dito ang mga isyu tungkol sa:

Unemployment – tumutukoy sa kawalan ng trabaho, na sinasabing umiiral sa isang


ekonomiya kapag ang mga tao na walang trabaho ay aktibong naghahanap ng
trabaho subalit wala pa ring makitang hanapbuhay. Ito ay sukatan ng pagiging
malaganap ng kawalan ng trabaho.

Globalisasyon – ito ay ang proseso ng internasyonal na integrasyon o pagsasama-


sama bunga ng pagpapalitan ng mga pananaw, idea, produkto, at iba pang mga
aspeto ng kultura ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa.

Sustainable Development o likas-kayang pag-unlad – ito ay pangkaraniwang


inilalarawan bilang pag-unlad na nakatutugon sa mga pangangailangan at aspirasyon
o mithiin ng kasalukuyan na hindi ikinokompromiso ang kakayahan ng mga susunod
na henerasyon na matugunan ang kanila naming mga sariling pangangailangan.

Mga Isyung Politikal at Pangkapayapaan

Isyung Politikal- ito ay tumatalakay sa mga paksang may kinalaman sa


pamamalakad ng ating pamahalaan, mga kaugnayan sa pamamahala, mga sistema sa
pagkamit ng kapangyarihang panlehislatura at pang-ehekutibo, at pagbuo at
pagpapatakbo ng mga sangay ng gobyerno o anumang organisasyong konektado sa
gobyerno.

Migrasyon – ito ay pagkilos o paglipat ng tao o mga tao mula sa isang lugar patungo
sa ibang dako o lugar upang doon mamalagi o manirahan. ito ay karaniwang
tumutukoy sa paglipat sa malayong lugar – papunta sa malayong lalawigan o ibang
bansa.
Territorial Dispute and Border Conflict – ito ay ang hindi pagkakasundo sa
pagmamay-ari o kontrol sa isang bahagi ng lupa o karagatan ng dalawang
magkatabing nation-states. Ito ay pagtatalo kung saan ay nangangailangan ng
pagtatakda ng hangganan ng kanilang nasasakupan.

Political Dynasty – ang politika sa Pilipinas ay masasabing pinaghaharian ng ilang


mayayaman at makapangyarihang pamilya na nakaukit na ang mga pangalan sa
kasaysayan ng bansa. Ito ay kaugnay ng tinatawag na oligarchy rule of the few rich
families sa araling Political Science.

Graft and Corruption – isang maling gawi o kasanayang kinasasangkupang opisyal


ng isang institusyon. Ito ay pang-aabuso sa hawak na posisyon upang magkaroon ng
pakinabang. Ito ay nagaganap hindi lamang sa pampubliko kundi pati maging sa
pribadong sektor man.

Mga Isyu sa Karapatang Pantao at Gender

Karapatang Pantao – ito ay magkaka-ugnay, hindi mapaghihiwalay at hindi marapat


ipagkait sapgkat ang mga ito ay kaakibat ng pagiging isang tao.

Reproductive Health Law – ito ay isa sa mga panukalang batas sa Pilipinas na


dumaan sa maraming diskusyon at nagbunga ng pagkakabaha-bahagi ng mga
mamamayan ay tinawag na Reproductive Health. Ito ay kilala sa tawag na Republic
Act No.10354.

Prostitusyon – ito ay tumutukoy sa mga gawaing sekswal na may kabayarang salapi


o iba pang materyal na bagay na may halaga gaya ng alahas, at ari-arian o kaya
naman ay kapalit ng ibang pabor. Karaniwang illegal sa maraming bansa, ito ay
inilalarawan din bilang commercial sex o pagbebenta ng katawan o pagbibigay ng
panandaliang ligaya sa kahit anong paraan para lamang kumita ng pera.

Mga Isyung Pang-edukasyon at Pansibiko at Pagkamamamayan

Sistema ng edukasyon ng Pilipinas tulad ng K12 Program – ito ay


pinaniniwalaang makalulutas sa suliranin ukol sa mababang kalidad at hindi na
napapanahong sistema ng edukasyon sa bansa. Ang programa ay kinapapalooban ng
isang taon sa Kindergarten, anim na taon sa elementary, at anim na taon sa
sekondarya (4 na taon sa junior high school at 2 na taon sa senior high school). Ito ang
sistema ng edukasyong halos lahat ng bansa sa buong mundo.
Civic Engagement, Paglahok sa mga Gawaing Politikal – tumutukoy sa pakikiisa,
pagsama, o pagsali ng mga mamamayan lalo na ng mga nasasakupan sa mga
pampublikong gawaing inilulunsad ng gobyerno. Isang magandang halimbawa ng
poaglahok sa gawaing politikal ay ang pagpaparehistro at pagboto ng mga
mamamayan may edad na 18 pataas.

You might also like