You are on page 1of 13

Pagkatapos ng araling ito,

ang mga mag-aaral ay


inaasahang;
• Naipaliliwanag ang
konsepto ng
kontemporaryong isyu
Mahahalagang Tanong:
● Ano ang kontemporaryong isyu?
● Ano-anong aspekto ng pamumuhay ang
nasasaklaw ng kontemporaryong isyu?
● Ano ang mahahalagang alituntunin sa pag-
aaral ng kontemporaryong isyu.
Ang salitang
kontemporaryo ay nangangahulugang
“makabago” o “napapanahon.”
Konsepto ng Kontemporaryong Isyu
Ang kontemporaryong isyu ay: • maaaring tumukoy sa anumang
napapanahong pangyayari, ideya,
opinyon, o paksa na tahasang
nakaaapekto sa pamumuhay ng mga
tao.
• anumang isyu o usapin na may mga
implikasyon, aplikasyon, kaugnayan,
katuturan, kabuluhan, epekto, at
materyal na presensya sa
kasalukuyang panahon.
• anumang pangyayari sa kasalukuyan na nangangailangan ng agarang pansin at
solusyon, kadalasan ay pulitikal o sosyal na isyu na nakaaapekto sa
sangkatauhan.
Ang mga kontemporaryong isyu ay maaaring sumaklaw sa
sumusunod na usapin:
• Panlipunan: globalisasyon, regional integration, terorismo,
kahirapan, paglaganap ng
paggamit ng ipinagbabawal na gamot
• Pangkalusugan: paglobo ng populasyon, mga bagong
natuklasang sakit
• Pangkapaligiran: global warming, pagkasira ng ozone layer
• Panteknolohiya: hacking, social media, social networking sites
Ang kontemporaryong isyu ay hindi lamang tungkol sa mga
problema ng ating lipunan o
mundo, kung hindi sa kahit anong usapin na masasabi nating
makabago at napapanahon.
Ilan sa mga tiyak na halimbawa ng kontemporaryong isyu na
kinahaharap ng
mundo ay:
• Pananakit at hindi pantay na pagtrato ng mga pulis sa mga black
American sa
Estados Unidos; • Malayang kalakalang ipinatutupad ng Tsina na
nakaaapekto sa ekonomiya ng ibang
bansa;
• Paglaganap ng mga huwad na balita sa social media sa Pilipinas na
nagiging dahilan
ng pagkaligaw sa katotohanan at pagkakabahagi ng mga
mamamayan;
• Batas na nauukol sa diborsiyo at paano ito pumapanig sa
kababaihan; at marami pa.
Mahahalagang Alituntunin sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Sa ating pagtalakay ng iba’t ibang kontemporaryong isyu, mahalagang
matandaan ang
sumusunod na maaaring magsilbing gabay:
1. Maging bukas ang kaisipan. Ang ating mga narinig noon ay
maaaring totoo at
maaaring mali. Dapat tayo ay handang matuto, kuwestiyunin, at
siyasatin ang
tungkol sa mga ito.
2. Matutong magtanong. Mas maraming puwedeng matuklasan ang
kaisipang
patuloy na naghahanap ng kasagutan sa mga bagay. Huwag
matatakot na alamin
ang mga bagay at magtanong sa guro at mga eksperto.
3. Gamitin ang kaalaman para sa kabutihan.
Ang ating mga matututunan
sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay
makatutulong upang tayo ay makapag-isip
ng mga paraan upang maiangat ang antas ng
ating pamumuhay. Tandaan natin na
ang ating edukasyon ay hindi lamang titigil sa
apat na sulok ng ating silid-aralan
Mga Kontemporaryong Isyu at Suliranin ng Pilipinas
bunga ng mga Pagbabago sa Mundo
Tuwiran man o hindi, ang Pilipinas ay naaapektuhan ng mga pangyayari sa mundo, bunga
ng mga pagbabago sa mga aspektong pulitikal, ekonomikal, at sosyal. Ang ilan sa isyung
kinahaharap ng Pilipinas ay ang lumalaking populasyon, pagkasira ng kalikasan, paglabag
sa karapatang pantao, katiwalian sa pamahalaan, banta ng terorismo, at iba pa.
1.Lumalaking Populasyon- Isang malaking isyu at problema sa Pilipinas ang patuloy na
paglobo ng populasyon nito. Tinatayang nasa 2.05% ang bilis ng pagdami ng Pilipno noong
nakaraang taon. Hanggang sa kasalukuyan, isa ang Pilipinas sa pinakamataong bansa sa
buong mundo. Ang isyung ito ay nagdudulot ng kahirapan sa bansa.
2.Pagkasira ng Kalikasan- Walang duda na ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamayamang
bansa kung biyaya ng kalikasan ang pinag-uusapan. Biniyayaan ang Pilipinas ng mga
yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral, yamang gubat, at yamang tao. Subalit dahil
sa kapabayaan at pagsasamantala ng mga tao, idagdag pa ang globalisasyon, lumalala ang
pagkasira at tuluyang pagkaubos ng mga likas na yaman ng bansa.
3.Malawakang Kahirapan-
Laganap ang kahirapan sa
buong mundo lalo na sa
Aprika at Asya. Sa Pilipinas,
higit na naaapektuhan ang
mga magsasaka, mangingisda,
maliit na negosyante,
kababaihan, walang mataas na
pinag-aralan, at iba pang
sektor ng lipunan.
3.Paglabag sa Karapatang Pantao- Malaking isyu rin sa Pilipinas ang paglabag
sa karapatang pantao lalo na sa kababaihan. Nakaugat ito sa kulturang patriyarkal
ng bansa. Halimbawa nito ang pagpigil sa karapatan ng mga kababaihan na
magplano at magpasiya tungkol sa kaniyang reproductive na kalusugan. Sa kabila ng
pagpasa ng Reproductive Health Law, mayroong mga mambabatas na nagpasiyang
hindi bigyan ng badyet ang pagpapatupad ng batas na ito. Maliban sa usaping
internal, may epekto rin sa isyung ito ang eksternal na usapin kagaya ng laganap na
prostitusyon dahil sa pagdagsa ng mga dayuhan sa bansa. Hindi rin ligtas ang mga
katutubo sa suliraning ito. Nagiging biktima sila ng paglabag sa karapatang pantao
kagaya ng pangangamkam ng kanilang mga minanang lupain.
4.Katiwalian sa Pamahalaan- Ayon sa survey ng Transparency Index, ang
Pilipinas ay ay nasa halos pinakamababang puwesto o ranggo. Ibig sabihin, malala o
matindi ang isyu ng katiwalian sa Pilipinas. Sa katunayan, talagang laganap ang
katiwalian sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan kagaya ng pag-aareglo, palakasan,
nepotismo, suhulan, at iba pa.
5.Banta ng Terorismo-Sa patuloy na paglaganap ng terorismo sa
buong mundo, hindi makaiiwas ang Pilipinas sa isyung ito.
Malaki ang panganib na dala-dala ng terorismo sa mga Pilipino
dahil wala itong pinipiling bibiktimahin.
Ilan sa aktibong grupong terorista ang Jemaah Islamiyah, Al-
Qaeda, at Hezbollah. Usap-usapan sa iba’t ibang panig ng
mundo ang pambobomba ng mga nasabing grupo. Sa Pilipinas,
ilang pagsabog na rin ang naranasan
sa Metro Manila at ilang panig ng bansa.
Isulat sa patlang ang tinutukoy na kontemporaryong isyu: LUMALAKING
POPULASYON, PAGKASIRA NG KALIKASAN, MALAWAKANG KAHIRAPAN, PAGLABAG SA
KARAPATANG PANTAO, KATIWALIAN SA PAMAHALAAN, o BANTA NG TERORISMO.
____________________ 1. Naglaan ang pamahalaan ng malaking pondo para sa
pagpapalakas
ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
____________________ 2. Isang reyalidad na ang isyu at suliraning ito ay nakaugat na sa
sistema at kinikilalang bahagi ng burokratikong proseso.
____________________ 3. Malaking hamon sa mga Pilipino kung paano makababangon o
makababayad ng pamanbansang utang nito mula sa mga dayuhang
pinagkakautangan.
____________________ 4. Kinukondena ng pamahalaan ang paggamit ng mga rebeldeng
pangkat ng mga bata upang magsilbi bilang sundalo nila laban sa
pamahalaan.
____________________ 5. Isinusulong nito ang impormasyon at paggamit ng modernong
pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya.
____________________ 6. Nalalason ang mga ilog dahil sa mine
tailing.
____________________ 7. Sinisisi ang mga base-militar ng Estados
Unidos dahil sa dala nitong
nakalalasong kemikal na nakaaapekto sa kapaligiran.
____________________ 8. Sa pagdami ng mga tao sa Asya,
nangangamba ang Estados Unidos
na maging kaagaw nila ang mga Asyano sa mga likas na yaman nito.
____________________ 9. Halos isa sa tatlong Asyano ay mahirap,
ayon sa isang pag-aaral.
___________________ 10. Sa Pilipinas, dalawang pangulo ang
pinatalsik ng taumbayan

You might also like