You are on page 1of 13

Bago natin talakayin ang kwento ng tagumpay ni Ginang Monette Torres ano nga

ba ang tagumpay?

Ang tagumpay ay ang makuha ang gusto mo. Ang tagumpay ay hindi agarang
nakukuha dahil kailangan mo muna itong paghirapan at kailangan mong magsikap at
mag-aral ng mabuti upang ito ay iyong makamit. May mga problema o pagsubok na
darating ngunit hindi ito dapat maging hadlang upang makuha ang gusto mo o maging
matagumpay sa buhay dahil walang pagsubok na binigay ang Diyos na hindi natin
makakaya kaya huwag kang susuko hangga't hindi mo ito nakakamit, ika nga sa isang
kasabihan "try and try until you succeed" kung nagkamali ka ulitin mo hanggang sa
magtagumpay ka.

Ngayon naman ay alamin natin ang kung paano naging matagumpay ang buhay
Gng. Monette Torres.

Si Gng. Monette Torres ay tatlumpu't limang taong gulang. Siya ay isinilang sa


Magalang, Pampanga noong ika- 12 ng Nobyembre 1982. Sa Magalang na rin siya
lumaki. Mahirap lamang sina Gng. Monette, kaniyang ama na si Ernesto Masiclat ay
isang manggagawa. Samantala, si Celia Masiclat na kaniyang ina ay isang maybahay.
Si Gng. Monette ay pangatlo sa apat na magkakapatid. Si Madonna ang panganay sa
kanilang magkakapatid kasalukuyan siyang nasa California kasama ang kaniyang anak
at asawa. Pangalawa naman ay ang kapatid niyang lalaki na siyang nagbabantay sa
negosyo nila. At pang-apat ay si Mark Joseph ang bunsong kapatid.

Siya ay nagtapos ng sekondarya sa Don Jesus Gonzales High School na may


matataas na grado. Pagtungtong naman ng kolehiyo ay nag-aral siya sa Pampanga
Agricultural College at kinuha ang kursong B.S. Agricultural Business Major:
Management. Gusto man nilang kunin ng kapatid niyang si Madonna ang kursong
Accountancy wala silang nagawa dahil sa pinansyal na problema, naiyak na lamang
silang magkapatid dahil sa mas gusto nila ang Accountancy. Sa tulong naman ng
iskolarsip at pagiging Student Assistant sa kanilang paaralan ay nagtapos pa rin ng pag-
aaral si Gng. Monette taong 2003.

Ngayon naman ay may tatlong supling si Gng. Monette, isang lalaki at dalawang
babae. Ang kaniyang panganay na anak sa si Sandy Godfrey Torres na isinilang noong
Setyembre 21, 2004. Si Sandy ay nag-aaral sa Hillcrest Heights Institute dito lang din sa
Magalang. Si Ahleigna Gwyneth naman ang ikalawa sa kanilang magkakapatid. Siya ay
nag-aaral sa Building Blocks International School sa Angeles. At ang bunso naman nila
na si Jorjeehna Margarette na isinilang palang noong Disyembre 08, 2017. Kasalukuyan
namang pinag-aaral ni Gng. Monette Torres ang kanilang bunsong kapatid na si Mark
Joseph Masiclat na nag-aaral sa Pampanga State Agricultural University at magtatapos
na ngayong taon.
Namasukan si Gng. Monette sa isang trabaho na may kinalaman sa kaniyang
pinag-aralan (Agricultural Business). Sa trabaho niyang iyon nagsusuplay sila ng mga
pesticides, fertilizers at iba pa.

Minsan din naisipan ni Gng Monette na sumuko ngunit kapag naiisip niya ang
mahirap nilang pamumuhay ay mas lalo niyang gustong makabangon dito at matulungan
ang pamilya. Nagbenta rin si Gng. Monette ng pansarili niyang produkto hanggang sa
maka-ipon siya at makapag-patayo ng sarili niyang negosyo. Sa negosyo ni Gng.
Monette nagtitinda sila ng mga pesticides para sa mga peste na sinisira ang halaman
pati na rin ng mga fetilizers na binibili ng mga magsasaka at iba pa na nagtatanim.
Nagtitinda rin sila ng buto ng mga halaman na pwedeng itanim sa bakuran.

Ngunit minsan na rin siyang nabaon sa utang at mawalan ng suplayer pero hindi
iyon naging hadlang para ipagpatuloy at huwag isuko ang kaniyang negosyo kaya
nagpatuloy pa rin siya hanggang sa makabangon ulit. Kahit na may sarili ng negosyo si
Ginang Monette nagtatrabaho pa rin siya sa kaniyang trabahong pinasukan dahil meron
namang nagbabantay at nagtitinda sa kanilang negosyo. Nagsimula ang negosyong ito
ni Gng. Monette noong 2009. Naging inspirasyon niya ang kanyang mga anak at
kaniyang pamilya upang maipatayo ang negosyo niya na iyon. Ayaw niyang mag hirap
ang kaniyang mga anak.

Ngayon naman ay masaya ng namumuhay si Gng. Monette at pamilya dahil meron


na siyang sariling negosyo at kaya na niya din pag-aralin ang kanyang mga anak. Ayaw
niyang maranasan ng mga anak niya ang naranasan niya noon dahil mahal na mahal
niya ang mga ito.

Ayon nga sa kasabihan ni Gng. Monette "If you do not go after what you want you'll
never have it...
If you do not ask, the answer will always be a no!
If you do not step forward, you'll always be in the same place learn to take risks and see
where your brave heart can take you." Kung gusto mo raw makamit ang pangarap mo
mag tiyaga at magsumikap ka upang makamit ang pangarap mo dahil walang
mangyayari sayo kung wala kang gagawin. Wag kang maging tamad dahil walang
maganda maidudulot sayo ito.

Huwag nating sayangin ang pagkakataon na makapag-aral at mapili ang kursong


gusto natin dahil maraming bata ang gustong mag-aral ngunit hindi makapag-aral dahil
sa pinansyal na problema. Dahil mas maganda at medaling makahanap ng trabaho kung
may pinag-aralan at nakapagtapos ka.
Huwag din natin hahayaan na maging hadlang ang kahirapan upang makuha ang
gusto natin dahil kung gusto talaga natin ang isang bagay gagawa at gagawa tayo ng
paraan upang makuha ito tulad nalang ng pagkagusto na maka-ahon sa kahirapan at
makatulong sa pamilya ni Gng. Monette.

Kailangan tularan natin ang mga taong katulad ni Gng. Monette dahil nagsikap at
nag-aral siya ng mabuti upang makapagtapos at makahanap ng trabaho para
matulungan ang kaniyang pamilya. Hindi lang ang mga tulad niya pati na rin ang mga
ibang tao na nagsikap at may pananampalataya sa Diyos.
MAGALANG CHRSITIAN ECUMENICAL SCHOOL, INC.
Marbea Subd., Sta. Cruz, Magalang, Pampanga

KWENTO NG TAGUMAPAY
NI
MONETTE TORRES

Isinumite ni: Charlene M. Dumalanta


9-B II Kings

Isinumite kay: Bb. Trisha Marie L. Contreras


Ang kaniyang Business Permit.
.
Ang negosyo ni Gng. Monette

Mga produkto sa negosyo.

Mga buto na itinitinda niya


Mga Dokumento
Ang Pakikipanayam
Ang Negosyo
Mga Naipundar
Ang pakikipagpanayam kay Gng. Monette
Ang sasakyan na kaniyang naipundar.

Ang bahay na napatayo niya.

You might also like