You are on page 1of 2

Elizalde, Michaela Noreen L.

Serrano, Maica F.
Palad, John Kelly T.
Bionote

Lucio Tan isa sa mga kakilala at sikat na negosyante sa bansa na itinalaga bilang
pangalawang pinaka mayamang negosyante sa Pilipinas. Siya ay nakapagtapos ng
Chemical Engineering sa Far Eastern University sa Maynila. Naging head din siya
ng mga tanyag at kilalang kumpanya tulad ng Fortune Tobacco Corporation, Asia
Brewery Incorporated, at sa kasalukuyan ay Chairman at CEO ng Philippine
Airlines.
Repleksyon sa Tagumpay ni

Posible ba na maging isang Milyonarya ang isang Saleslady? Ano-ano ang


mga aming natutunan sa buhay ni Jessie Vitor? Paano ito naka apekto sa
pagpapatuloy ng aming mga pangarap? Paano nito nahilom ang mga sugat na
mayroon kami sa aming mga puso?
Ang buhay ay isang malaking digmaan na kung saan kailangan mong
magpatuloy. Pagkatapos naming mapanuod ang kwento ni Ma’am Jessie Vitor
aming napagtanto na hindi hadlang ang kahirapan upang hindi magpatuloy sa
pagtupad ng mga pangarap. Walang imposible sa taong determinado at buong
pusong ginagawa ang mga bagay patungo sa kaniyang pangarap. Akala namin
noon mga mayayaman lang din ang mga taong pwedeng makatamasa ng mga
magagarang bagay, mga mayayaman lamang ang maaring magtayo ng negosyo.
Mali pala kami, ako, ikaw, tayo maaring umangat sa buhay kung lahat tayo ay may
ginagawa upang mangyari ito. Ngunit karamihan sa mga mag-aaral ngayon may
baon na, may maayos na uniporme at kumpletong gamit ngunit nagagawa pa ding
lumiban sa klase. Isang realidad na ang sakit isipin na kung sa totoo lamang ay
tayo ay maswerte kumpara sa ibang mga mag-aaral na nagtatrabaho para
matustusan lamang ang kanilang pag-aaral o ibang mga kabataan na imbes na nag-
aaral para matupad ang pangarap sila ay nasa palengke nagkakargador, nasa bukid
nagtatanim upang may makain. Hindi lamang isang inispirasyon ang kwento ni
Ma’am Jessie , datapwat isa rin itong instrumento upang buksan ang kaisipan ng
bawat mag-aaral na pinipiling magbulakbol sa klase kaysa mag-aral ng mabuti. Sa
kwentong ito mas lalong namulat ang aming kaisipan sa importansya ng
Edukasyon.
Isang halimbawa rin ang kwento ni Ma’am Jessie na hindi dahil iniwan ka
ng taong mahal mo ngayon ay hindi ka na makakahanap o makakatamasa ng
pagmamahal tulad ng sa kaniya. Tulad niya kung hindi siya iniwan ng kasintahan
niya noon hindi naman niya makikilala ang lalaking para sa kaniya. Nais iparating
ng kwentong ito na kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin ngayon ay dahil
mayroong darating na hihigit pa sakaniya bukas. Lahat ng mga mapapait na
nangyari sa buhay ng tao ay may rason na hindi man natin maiintindihan sa ngayon
ngunit pagdating ng araw magpapasalamat nalang tayo at nangyari iyon.
Sa madaling salita, ang kwentong ito ay maaring maging isang halimbawa sa
pangungusap na “Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan”. Ang
buhay ni Ma’am Jessie ay isang susi sa kaisipan ng bawat taong may pangarap sa
buhay at bawat taong iniwanan ng kanilang mga mahal sa buhay.

You might also like