You are on page 1of 2

Sanaysay

at
Talumpati

Lyca Marie C. Manalo


Bsed Filipino – 3A
Mr. Ephraim Jeremiah Matias
Pagkakabuhol para sa Kaunlaran
Sa lahat ng mga konsehal, iba pang kawani ng bayan ng mexico, mga kapulisan, at pati na rin sa
mga tagapakinig na ang iba ay nanggaling pa sa iba’t ibang lugar. Isang magandang umaga sainyong
lahat.

Ang pamumuno ay hindi lamang isang kapangyarihan o karangalan, kundi ito rin ay isang
tungkulin at pananagutan sa bawat taong ating sinasakupan. Lahat tayo ay puwedeng maging pinuno at
walang sino man ang makakapag sabi kung sino ang karapat dapat na maging isang pinuno.
Gayunpaman ang kailangan lamang natin ay gawin ang tama at karapatdapat na gawin.

Tayong lahat, sa ating kaniya kaniyang buhay ay may kinakaharap na suliranin at maaari din may
kinakaharap na pagsubok. Minsan sa buhay nararamdaman natin na para bang pasan natin ang daigdig.
Kahit ano pang pagsisikap ang gawin natin para itaguyod o dalhin sa kaunlaran ang ating pamilya ay para
bang hindi sapat ang ating ginagawa. Naniniwala ako na hindi mo magagawa ng matiwasay ang isang
pangarap o kagustuhan na kaunlaran kung ikaw lamang mag-isa ang gumagalaw. Sabi nga sa isang
kasabihan "no man is an island" lahat tayo sa mundong ito ay kailangan ng katuwang at makakasama sa
buhay, magiging kaagapay at kasama sa pagtupad ng kaunlaran na ating inaasam.

Nakikita kong ang iba sainyo ay parang lito kung ano ang aking pinupunto, hindi ba't ang sariling
buhay na dinadanas natin ay parang buhay din ng ating bayan na sinasakupan? Hindi ba't maraming
pagsubok din tayong pinagdadaanan sa ating bayan?

Katulad ng ating kaniya kaniyang buhay, maraming pagsubok at problema na tayong dinaranas
at kinakaharap ngayon dito sa ating bayan. Marami sa ating mga mamamayan ng Mexico ang mahirap
paliwanagan at walang pakialam sa kung ano ang nangyayari sa ating bayan. Madalas pa sa mga taong
iyon ay ang nakakataas o ang mga namumuno pa ang sinisisi at pinagmumukhang masama. Ngunit kung
ating iisipin kung ang mga namumuno lamang ang gagalaw at walang kooperasyon ang mga
nasasakupan nito hindi natin makakamtan ang isang kaunlaran para sa ating bayan. Walang malulutas
na problema sa basura na inyong nirereklamo kung kayo mismo ay hindi gagawin ang tamang
pagtatapon ng basura, ang problema sa kalikasan ng ating bayan ay hindi mareresulba kung ang bawat
isa sa atin ay walang kusa at ambag na gawin ang dapat na gawin. Kahit anong galaw ng mga pinuno o
nakakataas, kung ang lahat ng kaniyang nasasakupan ay walang pakialam, walang mangyayaring
pagbabago sa ating bayan ng Mexico. Hindi ba’t maganda at mapapadali ang inaasam nating kaunlaran
kung tayong lahat ay nagkaka-isa at nagtutulungan? Palagi lamang nating isipin na sa bawat araw na
ating natatanggap galing sa Panginoon, bakit hindi natin gawin ang mga kailangan gawin para sa bayan.
Para lamang itong paglutas ng problema sa ating kaniya-kaniyang buhay na kinakailangan ng mga taong
kasama at naniniwala na makakaya natin itong lutasin at lagpasan. Ang problema ng bayan ay problema
ng lahat kung kaya’t magka-isa tayo para sa ating inaasam na kaunlaran.

Karamihan sa mga pagsubok na ating pinagdadaanan ay nagbibigay leksyon o pagpapaliwanag


sa ating mga kaisipan. Ito ang nagiging hamon sa ating mga mamamayan para malaman natin ang
kahalagahan ng bawat isa at pagtutulungan ang sagot sa lahat ng problema mapa pansarili man yan o
pampamayanan. Kaya kayo mga mamamayan ng Mexico gusto niyo ba ng kaunlaran o mananatili
kayong hindi makiki-isa para sa kaunlaran ng ating bayan na pare-parehas natin inaasam? Lagi niyong
itatak sa inyong isipan na kapag lahat ay nagka-isa ang lahat ay mabubuo ng maayos at maganda ang
kalalabasan. Muli isang Magandang Umaga at Maraming Salamat sainyong lahat.

You might also like