You are on page 1of 4

City of Quezon, Metro Manila

Barangay Holy Spirit

Community-
Based
Disaster
Risk
Reduction &
Management
Plan
Prepared by:
Chelsea Riego
CBDRRM PLAN

UNANG YUGTO: Disaster Prevention and Mitigation

1. Pag-iwas at Mitigasyon (Prevention and Mitigation)


 Magsagawa ng mga pagaaral sa barangay patungkol sa DRRM/ CCA
 Magrekomenda at suportahan ang pagsasakatuparan ng mga batas patungkol sa DRRM o mga
programang patungkol sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran.
 tumulong sa pagpapatupad ng mga batas, programa at aktibidad upang maiwasan at
mabawasan ang lakas ng tama ng anumang peligro o bantang panganib na maaaring
maranasan ng barangay;Manguna sa pagtatanim ng punong kahoy o bakawan; at
 Magsagawa ng pag-aaral sa bulnerabilidad ng barangay

IKALAWANG YUGTO: Disaster Preparedness

2. Paghahanda (Preparedness) / Planning and Training

 Suportahan ang tama at dekalidad na pagpaplano sa barangay


 Magsagawa at tumulong sa mga gawaing paghahanda katulad ng mga pagsasanay bago
dumating ang bantang panganib;
 Magsagawa ng simulation exercises o drills; at Magpakalat ng mga impormasyon ng
paghahanda sa lahat ng taong nasasakupan ng barangay lalo na sa mga nakatira sa delikadong
lugar.
 Paglalagay o pagkakalat ng impormasyong na magpapabatid kung ano ang nararapat gawin ng
mga mamamayan. Halimbawa ay ang paggawa ng mga poster na maaaring idikit sa bawat
barangay hall, upang mabasa at Makita ng mga residente ng bawat barangay. Isa pang
halimbawa ay ang pagsasagawa ng seminar sa mga magulang maging sa mga kabataan, upang
lubos nilang maunawaan at magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang kanilang gagawin kapag
may sakunang paparating o nagaganap.

IKATLONG YUGTO: Disaster Response

3. Pagtugon sa Disaster (Response)/ Operations

 Manguna sa pagimplement ng mga proyekto patungkol sa DRRM.


CBDRRM PLANsa paglikas ng mga tao mula sa delikadong lugar patungo sa evacuation center o ligtas
 Tumulong
na lugar;
 Seguraduhing alam ng mga tao ang paparating na peligro sa tamang oras at panahon para
makapaghanda ang mga tao
 May damage control team na sinisuguro ang mga istruktura o mga kagamitan at mga bagay na
maaaring maapektuhan o mapinsala ng anuman na naambang panganib o peligro sa komunidad
ay kinakailangang naayos o natangal na sa delikadong lugar;
 Ang team din na ito ang may katungkulan na alamin at ilista (imbentaryo) ang lahat ng mga
bagay, istrukutra, gamitan, pasilidad at iba pang mga bagay na maaaring naapektuhan ng
panganib o peligro sa loob ng komunidad.
 May mga volunteers at mga awtoridad na nakahanda sa pagsagip at pag-responde sa mga taong
naninirahan sa naapektuhang lugar ng sakuna.
 Merong Search, Rescue and Retrieval Team, na magbibigay ng suporta sa mga taong
kinakailangan ilikas o iligtas mula sa pagkakakulong o hindi makalabas mula sa nakaambang
panganib;
 Manguna sa paghahanap o pagtunton sa mga taong nawawala dahil sa disaster o emergency;
 Tumulong sa awtoridad sa paghanap at pagkuha ng mga bangkay ng mga namatay dahil sa
disaster o emergency.

IKAAPAT NA YUGTO: Disaster Recovery and Rehabilitation

4. Pagbangon at Rehabilitasyon

 Upang makatulong sa pagkumpuni ng mga nasirang pampublikong ari-arian at mga serbisyong


panlipunan
 Pagbigay ng mga relief or assistance to survivors ng disasters gaya ng, pagkain, tubig
pansamantalang, tirahan, serbisyong medical, pyschosocial support, non-food items.
 Maaaring magsagawa ag local na pamahalaan ng pang alternatibong kabuhayan ng mga
apektadong mamamayan na nawalan ng mapagkakakitaan o pangkabuhayan.
 Pagsasagawa ng relokasyon sa mga mamamayang naapektuhan at nawalan ng bahay na
matitirhan , ang pananatili sa evacuation centers ay pansamantala lamang kaya marapat lamang
na magkaroon ng relokasyon para sa kanila na may maayos at mas ligtas na tahanan.
 Pagsasagawa ng rehabilitasyon ng mga istrukturang pang publiko na napinsala ng sakuna.
 Pangunahing itala ang mga napinsalang ari-arian o properties ng komunidad at ng mga
miyembro ng barangay; at
 Magsumite ng ulat ukol sa mga napinsala, namatay at nasira ng disaster sa MDRRMC or
CDRRMC.
 Maayos na mamahala ng mga relief goods para sa mga naligtas mula sa disaster; at
 Tiyakin na may sapat na mga gamot para sa mga mangangailangan lalo na sa evacuation center.

You might also like