You are on page 1of 2

ARTICLE ABOUT THE TYPHOON AND THE TYPHOON WARNING SIGNALS.

“DELUBYO, PAHAMAK SA TAO!”

Taon-taon, tinatayang 20 o higit pang mga bagyo ang tumama sa bansa. Ngunit sa kabila nito,
maraming tao ang hindi pa rin handa. Bagyo ay isang malaking unos, mayroon itong isang pabilog o
spiral sistema ng marahas at malakas na hangin na may dalang mabigat na ulan, karaniwan daan-daang
kilometro o milya sa diameter ang laki. Ang pagdami ng bagyo ay maaring epekto ng climate change o
pagbabago ng klima. Alam moba ang mga impormasyon tungkol dito? Handa ka ba sa mga likas na
sakunang ito?

Ang salitang bagyo ay nangangahuluga ng napakasamang lagay ng panahon na may dalang malakas na
hangin at ulan. Tinatawag ding “buhawing tropikal” o tropical cyclone. K.Agbas.(2019). Ayon sa
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kapag
inaasahan na ang lakas ng hangin ay 30-60 kph sa loob ng 36 oras, ang bagyo ay nasa signal no. 1. Hindi
pa malakas ang signal typhoon. 1. Maaari lamang itong maging sanhi ng maliit na pinsala sa mga bahay
na gawa sa magaan na materyales. Maaari rin itong makapinsala sa mga sanga. Ang signal ay no. 2
naman kapag ang bilis ng hangin ay 61-120 kph (na maaaring asahan sa loob ng 24 na oras). Ang mga
pag-agos ng bagyo ay maaari ding maganap sa mga lugar sa baybayin. Light to moderate ang posibleng
pinsala, at maaaring maalis ang bubong ng bahay at mga palatandaan (road signages) at billboard na
hindi napapanatiling matibay. Maaari rin nitong mapatumba ang mga ilang puno gaya ng puno ng saging
at mangga, at maapektuhan din nito ang mga palayan at iba pang taniman. Signal number 3, ang bilis ng
hangin ay inaasahang magiging 121-170 kph sa loob ng 18 oras. Maaari itong maging sanhi ng
malubhang pinsala, lalo na sa mga lumang gusali at bahay na gawa sa magaan na materyales. Maaari rin
itong makaapekto sa industriya at agrikultura. Ang taglay na enerhiya nito ay maaaring magpatumba ng
malalaking puno, tulad ng acacia at mangga, pati na rin mga puno ng saging at iba pa.

Signal number 4 naman kung ang bilis ng hangin ay 171-220 kph, maaari itong asahan sa loob ng 12
oras. Ang pinsala na maaaring idulot nito ay mas lumalala at mas pinsala. 75% ng mga bahay na gawa sa
magagaan na materyales ang masisira at maaaring matangay at malipad ang bubong ng bahay at
masisira ang mga dingding. Magdadala rin ito ng mga billboard sa mga kalye. Sa lakas nito, sisirain nito
ang buong taniman ng saging, niyog, palay at mais, at matatangay ang mga puno ng mangga at iba pang
malalaking puno. At ang panghuli ay Signal No. 5 taglay ang hangin na may bilis na 220 kph sa loob ng 12
oras, ito rin ay tinatawag na super typhoon. Maaaring magkaroon ng storm surge na higit tatlong metro
ang taas sa mga baybaying lugar. Malawak at pinakamabagsik ang pinsalang maiiwan nito. Matinding
pinsala sa mga bahay na gawa sa light materials pati na rin sa mga industrial buildings. Magdudulot din
ng pagkasira sa mga serbisyo sa kuryente at komunikasyon. Inaasahan na sa taglay na lakas nito,
masisira ang lahat ng mga billboard o road sign sa lansangan.

Bilang paglalahat, napakarami nang bagyong pinagdaanan ang ating bansa, maraming na itong
napatunayan sa siyensiya. Napakadami na ding naging epekto sa ating ang mga unos na gaya nito.
Ngunit marami pa ring mga nagmamatigas na tao, kahit na matapos na lumikas, ayaw pa rin nilang iwan
ang kanilang mga tahanan at pag-aari. Dapat matuto tayo mula sa mga bagyo ng nakaraan. Sumunod sa
mga awtoridad kapag nagbigay na ng abiso na lumikas, o gumawa ng pagkusa upang maiwasan ang
trahedya. Maging mapanuri, alamin ang mahahalagang impormasyon na totoo tungkol sa lakas ng bagyo
at mga storm warning signals, dahil napakaimportante ng mga impormasyong ito na magsisilbing gabay
sa atin tungo sa ating kaligtasan. Huwag isakripisyo ang iyong buhay sa nagngangalit na bagyo dahil mas
importante parin ang buhay ng bawat tao.

References:

K. Agbas. (2019). Ano ang ibig sabihin sayo ng salitang bagyo. Pilipinas bid. Retrieved from:
https://www.pilipinas.bid/2019/07/ano-ang-ibig-sabihin-ng-salitang-bagyo.html

Ang public storm warning sa Pilipinas. Official Gazette. Retrieved from:

https://www.officialgazette.gov.ph/laginghanda/ang-public-storm-warning-sa-pilipinas/

ibang impormasyon. Retrieved from: kidlat.pagasa.dost.gov.ph

You might also like