You are on page 1of 12

Mga uri ng kalamidad at mga kailangan paghahanda na dapat gawin

August 7, 2012 by DZRD Newscenter Leave a Comment


BAGYO
Ang bagyo ay isang malakas na hanging kumikilos ng paikot, na madalas ay may kasamang malakas at matagal na
pag-ulan. Ang bagyo ay isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang hangin subalit malakas naman ang
hangin sa eyewall nito.
Public Storm Warning Signal (PSWS) ang PSWS ay mga babalang ipinalalabas ng PAGASA upang malaman kung
gaano kalakas ang paparating na bagyo, saan ang lokasyon nito sa oras na inilabas ang PSWS, saan ang tinatayang
dadaanan nito, at ano ang mga paghahandang dapat o maaari pang maisagawa ng mga komunidad na
maaapektuhan ng pagdaan ng bagyo.
PSW Signal Number 1 hanging may lakas mula 30-60 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 36 oras.
PSW Signal Number 2 hanging may lakas mula 61-100 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 24 oras.
PSW Signal Number 3 hanging may lakas mula 100-185 kph. Maaasahan ang pagdating sa loob ng 18 oras.
PSW Signal Number 4 napakalakas na hanging hihigit sa 185 kph at maaasahan sa loob ng 12 oras.
Mga dapat gawin BAGO dumating ang bagyo:
1. Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya;
2. Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira (katulad ng de-lata at biskwit), lalagyan ng
tubig, first-aid kit o gamit at gamot na pang-unang lunas, at mga plastik na supot;
3. Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang malakas na ihip ng hangin (para
sa mga kabahayan sa maralitang komunidad, tiyakin din na kakayanin ng haligi at dingding ang lakas ng
hangin sa pamamagitan ng pagtatali o pagpapako ng maayos sa mga ito); at
4. Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punongkahoy na malapit sa bahay.
Mga dapat gawin HABANG may bagyo:
1. Ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ng
bagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kapitbahay;
2. Siguraduhing may mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa;
3. Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik na supot ang mga ekstrang damit, mga delata, kandila,
posporo, baterya, at iba pang mahahalagang gamit;
4. Mag-ingat sa mata ng bagyo. Ito ang biglang pagtigil ng hangin at ulan at kalmado ang paligid sa isang lugar.
Hudyat ito na pagkaraan ng halos 2 oras ay babalik ang mas malakas na hangin at ulan;
5. Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo; at
6. Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nakasara ang tangke ng gas, at
nakasusi ang pinto. Huwag kalimutan ang mga gamit pang-emergency.
BAHA
1. Pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na ang resulta ay pag-apaw nito sa
kapatagan.
2. Ito ay dulot ng labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan o thunderstorm, pagka-ipon ng tubig dahil sa
pagbabara ng mga daluyan ng tubig, at tuluy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw.
FLASHFLOODS
1. Rumaragasang agos ng tubig na may kasamang putik, bato, kahoy, at iba pa.
2. Mabilis ang pagdating nito at mabilis din ang paghupa.
3. Maaaring sanhi ito ng pagkakalbo ng bundok at pagmimina (kagaya ng dahilan kung bakit naging
mapaminsala ang bagyong Ondoy).
Ano ang maaaring gawing paghahanda BAGO ang pagbaha?
Alamin ang warning system at signal sa inyong barangay o munisipyo.
Obserbahan ang sitwasyon ng lugar at makinig sa ulat ng panahon mula sa PAGASA.
Pakinggan ang opisyal na warning signal na ibibigay ng kagawad na sumasakop sa lugar.
Ihanda ang mga pangunahing kakailanganin sa paglikas tulad ng damit, kumot, pagkain, maiinom na tubig,
gamot, posporo, kandila, flashlight, radyong de-baterya, banig, at iba pa. Maiging nakabalot ang mga ito sa
plastik.
Itago o ilagay sa plastik ang mga mahahalagang dokumento at papeles.
Mag-imbak na ng malinis na inuming tubig.
Siguraduhin na magkakasama ang lahat ng miyembro ng pamilya at ihanda ang bawat isa sa anumang
mangyayari.
Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at ang pinakamalapit na daan patungo rito.
Maghintay sa warning signal na ibibigay ng kagawad tungkol sa paghahanda sa paglikas at sa mismong
paglikas.
Makipag-ugnayan sa nakatalagang kagawad kung nais nang lumikas patungo sa kamag-anak sa ibang
barangay upang maitala.
Ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ay dapat maghanda ng
kanilang gamit tulad ng malalaking flashlight, radyong de-baterya, warning device (megaphone, pito,
kalembang), mga matitibay na lubid, first aid kit, sasakyang may sapat na gasolina para sa mabilis na
paglikas at pakikipag-ugnayan, mga gamit pang-komunikasyon tulad ng cellphone, mga kagamitan tulad ng
martilyo, liyabe, wrench, pala, at iba pa.
Kung sa pagtantya ay magtutuluy-tuloy pa ang pagtaas ng tubig ay lumikas na bago pa masira ang mga
daan at mga tulay.
Ilipat na ang mga alagang hayop sa mataas na lugar.
Bago lumikas, patayin muna ang kuryente at ikandadong mabuti ang bahay.
Mga dapat gawin HABANG may baha:
Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito. Huwag lumusong o
tumawid sa mga tubig na hindi alam ang lalim, gaya ng ilog o sapa.
Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha laluna kung malakas ang
agos nito at hindi matantya ang lalim.
Huwag payagang maglaro ang mga bata sa baha. Huwag languyan o tawirin ng bangka ang mga binahang
ilog.
Siguraduhing lutung-luto ang mga pagkain at iwasang marumihan ang mga tirang pagkain.
Pakuluan ang tubig bago ito inumin.
Mga dapat gawin PAGHUPA ng baha:
Gumamit ng flashlight kapag muling papasukin ang binahang bahay.
Maging alerto sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog.
Tiyaking malinis at hindi narumihan ng tubig-baha ang mga pagkain at inumin. Lutuin muna ng mabuti o
pakuluan ito bago kainin o inumin.
Iulat sa mga kinauukulan ang mga nasirang pasilidad gaya ng poste at kawad ng kuryente, tubo ng tubig, at
iba pa.
Siguraduhing nasiyasat ng mabuti ng isang marunong sa kuryente ang switch ng kuryenteng nabasa at
lahat ng gamit na de-kuryente bago gamiting muli ang mga ito.
LANDSLIDE
1. Ang pagbagsak ng lupa, putik, o mga malalaking bato dahil sa pagiging mabuway ng burol o bundok.
2. Karaniwan itong idinudulot ng malakas o tuluy-tuloy na pag-ulan o di kaya naman ay paglindol.
3. Nagiging dahilan din o nakapagpapalala ng landslide ang pagmimina, paggawa ng kalsada, di -akmang
paggamit ng lupa, at pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Mga Dapat Tandaan:
Ang landslide ay walang babala. Sa mga pagguhong sanhi ng paglindol, ang lindol mismo o mga aftershock nito ang
magsisilbing babala. Malaki rin ang epekto ng matinding pag-ulan dahil sa pagkababad ng lupa sa ulan, napapadali
nito ang pagguho ng lupa. Dahil walang babala, wala ring sapat na oras o panahon upang makalikas.
Iwasan ang mga natukoy na mapanganib na lugar hanggat maaari. Iwasang magtayo ng anumang
istruktura sa mga lugar na ito.
Magbuo ng sistema ng babala sa komunidad para sa lindol at mga dulot nitong hazard katulad ng landslide.
Magbuo ng Evacuation Plan para sa mga lugar na may banta ng panganib. Tiyaking makapagtukoy ng mga
ligtas na relocation site.
Magtayo ng mga warning stations at palagian itong bantayan upang makapagbigay ng babala kung
kinakailangan.
Piliing mabuti ang paglalagyan ng mga rain gauge upang ito ay makakuha ng sapat na dami ng ulan.
Regular itong i-monitor upang maging wasto ang basehan ng warning signal. Ito ay kailangang
mabantayang mabuti upang hindi masira at magsilbi para sa wastong gamit ng taong bayan. Magsagawa ng
pagsasanay sa mga taumbayan hinggil sa pagbasa ng rain gauge.
Maiging laging may nakahandang mga relief good ang lokal na pamahalaan sapagkat mataas ang
posibilidad na makulong o maisolate ang ilang mga barangay dahil sa pagguho ng mga bundok.
Gawing batas ang pagbawal sa pagtotroso at magkaroon ng programa o polisiya sa pagtatanim ng mga
punong-kahoy. (dzrd sonshineradio)
Makeup classes sa mga eskuwelahan, dapat lamang umano ayon sa Deped Regional Office.
August 3, 2011 by DZRD Newscenter Leave a Comment
Nararapat lamang umano ang pagkakaroon ng makeup classes sa mga eskuwelahan na apektado ng
suspensiyon ng klase dahil sa bagyo o baha.
Una na ng pinalagan ng ilang mga magulang at mga mag-aaral ang kautusan ng Deped na magpatawag ng
makeup classes ng mga school principals para punan ang nawalang araw ng klase.
Sa panayam ng sonshineradio, sinabi ni Bartolome Tenasa ang OIC-Deped Regional Office na hindi dapat
maging dahilan ang suspensiyon ng klase dahil sa bagyo o baha para mawala ang araw sa pag-aaral ng
estudyante.
Nabatid sa school calendar ngayon taon, kailangan 204 na araw nasa paaralan ang bata, kabilang dito ang
180 araw na tinuturuan sa loob ng classroom at 24 na araw para sa kanilang mga extra-curricular activities.
Simultaenous earthquake drill sa Dagupan, pasado ayon sa Region 1 Office of the Civil Defense
July 17, 2012 by DZRD Newscenter Leave a Comment
Pasado ang isinagawang simultaenous earthquake drill ng Dagupan City Government sa mga private at
public schools kahapon kasabay sa paggugunita sa ika-22 taong 7.8 magnitude na lindol na tumama sa
syudad.
Binigyan ng gradong 8-9 out 10, ni Ms. Imelda Castro ng Office of the Civil Defense Region 1 kung saan
malayo na diumano ang pagkakaiba nang sinimulang earthquake drill tatlong taon nang nakakaraan.
Particular na tinututukan sa earthquake drill ang eskwelahan na may mga children with disabbilities, kasama
dito ang mga guro, mga magulang at kapwa mag aaral.
Hinati sa anim na cluster ang simultaneous earthquake drill sa mga ibat ibang identified area. At matapos
ang isinagawang drill, nag karoon ito ng evaluators forum na isinagawa sa BSL Hall, Deped na kung saan
lahat na mga participating agency ay isa isang tinalakay ang mga bagay na dapat pang i-improve lalung lalo
na sa mga daraanan ng mga nag sisipaglikas na mga estudyante.
Samantala, dumalo sa evaluation ang Chairman ng CDRRMC na si Mayor Benjie Lim na personal na
tinututukan ang drill partikular sa Dagupan City National High School, mga kinatawan ng Deped sa
pamumuno ni Deped Superintendent Dr. Alma Rudy c. Torio. Mga tauhan ng CDRRMC, rescue units,
Panda, DOH atbp. (Jimrey Biosa dzrd news)
Paghahanda laban sa pagdating ng Sakuna
Sapagkat ang bansang Hapon ay dumadanas ng 4 na panahon (Tag-sibol, Tag-init, Tag-lagas, at Tag-lamig), at may dumarating
ang mga sakunang tulad ng malakas na pag-buhos ng ulan (at pagbaha), Bagyo, atbp ayon sa panahon nito. Habang sa panahon
ng Tag-sibol hangang sa pagdating ng Tag-init ay madaling bumuhos ang malakas na ulan na nagmumula sa dagat, sa paglapit ng
Tag-lagas naman nagsisidatingan ang mga Typhoon o malalaking Bagyo.
Dahil maaring magdulot ang mga bagyong ito ang mga landslide, pagbabaha, at iba pang sakuna. Maghanda sa pamamagitan ng
pag-alam kung saan ang mga mapanganib na lugar, at ang inyong nakatalakdang pook-likasan (evacuation center) sa inyong
lugar. Ugaliin na maging laging handa laban sa pagdating ng sakuna.
Ang bansang Hapon ay kabilang sa mga bansang palagiang dinadatnan ng Lindol. Ang Lindol ay ang pagyanig ng lupa.
Nagkaroon ito dahil sa biglang paggalaw ng parte ng bedrock sa ilalim ng lupa.
Pag nagkaroon ng malaking lindol, maaring magdulot ng malaking sakuna sa pamamagitan ng pagpatumba ng mga gusali,
pagsanhi ng mga sunog, at iba pa. Upang ma-ibsan ang pahamak na dulot ng lindol, ugaliing maghanda laban sa pagdating nito.
Kasama na rito ang paghahanda laban sa tinatayang pagdating ng isang malaking lindol sa distrito ng Tokai -ang Tokai Jishin.
Gayunpaman na ayon sa historical record, ang nasabing lindol ay dumadapo sa distrito ng Tokai bawat 100 -150 taon, at
humihigit na sa 150 taon ang lumilipas mula ito huling dumating.
Karaniwan mahirap mataya na kung kailan darating ang lindol, pero tungkol sa Tokai Jishin, may posibilidad na malalaman kung
kailan magkakaroon.Sa oras na mataya na malaki ang posibilidad na parating na ang lindol, ang Prime Minister ng bansang
Hapon ay magpapatalastas ng babala o Keikai Sengen.
Karagdagan dito, maaring magkaroon ng napakalaking lindol Nankai Trough Kyodai Jishin dahil sa Tokai Jishin, Kung
nagkaroon ng napakalaking lindol, maaring magdulot ng malaking sakuna sa ibat ibang area sa pamamagitan ng pagyanig at
tsunami o seismic sea wave.
Para bawasan ang sakuna kahit konti, naghahanda ang gobyerno para ipaalam sa mamamayan ang mga impormasyon sa
pamamagitan ng TV, radio, o iba pang paraan bago mag-lindol o pagka lindol. Kailangan din ninyo kumolekta ng impormasyon
at magpasiya kayo sa sarili na lumikas para ipagtanggol ang buhay ninyo ng pamilya.


Itinuturo ng isang babae ang taas na inabot ng baha noong nakaraang taon nang bahain ang Bagong Silangan at iba
pang lugar sa Kamaynilaan mula sa ulang dala ng bagyong Ondoy. (Macky Macaspac)
Makikita pa rin ang bakas ng nagdaang kalamidad hindi lamang sa mga putik sa mga bahay, na nagsisilbing tanda
kung gaano kataas ang tubig-baha noon. Sa mukha at reaksiyon ng mga nakaligtas sa trahedya, bakas pa rin ang takot
at pagkabalisa sa kanila. Ayon kay Corazon Austral, isang ginang na may anim na anak, idinadaan na lamang (nila)
sa dasal ang mga pangyayari, dahil mula nang matapos ang trahedya noon, walang malinaw na plano ang gobyerno
kung paano haharapin ang mga darating pang kalamidad. Wala namang tulong na nakarating sa amin, maliban
iyung mga non-government organization, ani Corazon. Isa siya sa inanod ang bahay, at sa kasalukuyay nakatira na
lamang sa isang bahay na nagsilbing evacuation center.
Bagamat isa sa mga lugar kung saan maraming namatay ang Brgy. Silangan, tila walang paghahandang ginagawa ang
mga opisyal ng barangay at maging ng Quezon City. Ayon kay Corazon, ilang beses umanong nagpalista ang mga taga-
barangay ng mga pangalan na dadalo sa isang seminar hinggil sa paghahanda sa pagharap sa kalamidad, ngunit
hanggang sa kasalukuyay walang nagaganap na pagsasanay. Maging ang hinihinging tulong ng lokal na
organisasyong sa pangunguna ng Gabriela, tulad ng pagkakaroon ng early warning device, mga gamit na
pangkaligtasan at riprap sa gilid ng ilog ay hindi pa rin natutugunan.
Kaya umaasa na lamang ang mga residente sa sariling-sikap para maghanda sa anumang kalamidad na darating.
Nag-iipon sila ng mga plastik na container, lubid at pagdasal na sanay di na maulit ang trahedya.
Kalamidad sa Pilipinas
Sa ulat ng Center for Research and Epidemiology Disasters (CRED) noong Agosto, ang Pilipinas ay nangunguna sa
buong mundo sa pinakamaraming kalamidad sa bilang na 25.
Ayon din sa Citizens Disaster Response Center (CDRC), isang non -government organization na pangunahing
humaharap sa usaping kalamidad, mayroon nang 99 na kalamidad ang tumama sa Pilipinas sa loob ng anim na
buwan ngayong taon. Dalawampu ritoy likha ng kalikasan. At nakaapekto sa 579,540 pamilya o 3,405,707
katumbas na indibidwal.
Maging baha man, landslide, tagtuyot o iba pang kalamidad dulot ng kalikasan, naranasan ng Pilipinas ang halos
lahat ng klase ng kalamidad.
Nagdulot ng pinsala sa buhay at ari-arian ng mga mamamayang Pilipino ang mga kalamidad na tumama sa ibat
ibang panig ng bansa. Ayon ito sa inilabas na Post Disaster Needs Assessments ng World Bank at mga ahensiya ng
gobyerno noong Nobyembre. Sa pinagsamang pinsala nina Ondoy at Pepeng noong nakaraang taon, umabot sa 956
ang namatay, 736 ang sugatan. May 84 pa ring katao ang patuloy na nawawala.
Mahigit 9 milyon katao ang apektado nito at nagkakahalaga ng US$4.38-Bilyon ang pinsalang dulot nito. At batay sa
rekomendasyon ng World Bank, nangangailangan ng halos kasinlaking halaga ($942.9-B sa pagrekober at $3,480.1-B
para sa reconstruction) upang makapanumbalik muli ang Pilipinas mula sa pinsalang idinulot ng dalawang bagyo.
Kailangang maramdaman ito simula noong Enero 2010 hanggang 2011, depende sa bilis at kakayahan ng Pilipinas sa
pagtugon sa recovery at reconstruction.
Sinasabi sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa sa kapaligiran, sa loob ng nakalipas na dekaday dumadalas ang mga
pagbaha, tagtuyot, at baha, hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ng Asya at Aprika. Dulot daw ito
ng paglala ng pagbabago ng klima o climate change na ang ibig sabihiy makabuluhang pagbabago sa klima
(temperatura, hangin at pag-ulan) sa buong daigdig o mga rehiyon sa loob na tumatagal ng ilang dekada o milyong
taon. Maaaring ang dahilan ng climate change ay mga natural na proseso ng pagbabago o likha mismo ng tao.

Carlos Padolina ng CDRC: Hindi sapat ang emergency response ng gobyerno. (Macky Macaspac)
Kahandaan sa pagharap sa kalamidad
Pero sa kabila ng climate change, may mga pamamaraan pa sana para maiwasan o maibsan man lang ang mga epekto
ng kalamidad. Ito ay kung sa una pa lamang, napaghahandaan ang mga ito.
Ang problema, ayon kay Carlos Padolina, deputy executive director ng CDRC, ay ang matagal nang namamayaning
oryentasyon sa lipunang Pilipino ang emergency response. Sa matagal na panahon, ang tanging napaghahandaan
ay ang pagtugon sa emergency situation sa panahon ng kalamidad, ani Padolina. Ibig sabihin, inihahanda lamang
ang mga tao at ang gobyerno para kumilos kung nasa aktuwal na panganib na ang mga komunidad at kung
nakapinsala na ang anumang kalamidad.
Malaking puwang pa rin kung paano ihahanda ang mga mamamayan at makaiwas sa pinsalang dulot ng kalamidad.
Ayon sa grupo, kailangang pihitin ang oryentasyon o konsepto ng pagtugon sa kalamidad mula sa emergency
response lamang tungo sa buong disaster management (pre-disaster,during-disaster at post-disaster), na may diin
sa kahandaan bago maganap ang kalamidad (disaster preparedness). Kasama na rin ang pag-iwas at pagbawas
(disaster mitigation) ng pinsalang dulot nito at zero casualty.
Ayon pa kay Padolina, madaling mahulaan (foreseeable) ang kalamidad sa Pilipinas dahil dalawa lamang ang
panahon dito: tag-ulan at tag-init. Sa ganitong kalagayan, madaling matukoy ang mga lugar na mataas ang potensiyal
na maging disaster hazard o high risk sa pagkakaroon ng landslide, pagbaha at iba pang kalamidad. Ngunit sinabi ni
Padolina na di hamak na mas malaki ang pondong kinakailangan para sa paghahanda bago ang kalamidad (disaster
preparedness), kumpara sa pondong inilalaan para sa emergency relief assistance.
Sa kanilang karanasan, bukod sa relief and rehabilitation na kanilang ginagawa sa panahon at pagkatapos ng
kalamidad, aabot sa P25-Milyon ang pondong kanilang inilaan para sa 72 barangay na binigyan nila ng pagsasanay
sa disaster management, kasama na ang buong pakete (socioeconomic trainings, capacity building at pagbigay ng
mga gamit pangkaligtasan tulad ng early warning device,rescue gearsat iba pa). Hindi nakapagtataka na mas piliin
ng gobyerno na maglaan ng badyet para sa emergency response kaysa disaster preparedness.
Aabot sa 1/4 na lamang ang natira mula sa P2-Bilyong badyet ng nakaraang administrasyon, ayon mismo kay Pang.
Benigno Noynoy Aquino III sa kanyang unang State of the Nation Address.

Para sa CDRC, hindi lamang paghahanda ng relief goods ang kailangang gawin bago ang kalamidad. Kailangang
paghahanda ang buong disaster management. (Macky Macaspac)
Kadalasang biktima ng kalamidad
May direktang kaugnayan ang pagharap sa kalamidad sa plano ng pag-unlad ng isang lugar, lalo na sa bahaging pang-
ekonomiya, ayon sa CDRC. Kadalasan, ang pang-ekonomiyang plano ng mga probinsiya ay nakasalalay sa pag-
maksimisa sa likas-yaman nito, ani Padolina. Ngunit ang hindi naiuugnay sa mga planong ito ang maaaaring mga
epekto sa tao ng eksploytasyon sa kalikasan.
Sa dokumentong Philippine Environmental Situation 2009 ng Kalikasan (Peoples Network for the Environment),
aabot na lamang sa 8,000 kilometro kwadrado ang natitirang sakop ng kagubatan ng bansa noong 2006, mula sa
270,000 kilometro kwadrado sa pagtatapos ng kolonyalismong Espanyol noong 1898.
Pinalala pa ito ng nakaraang administrasyong Arroyo: Muling nanumbalik ang pagtrotroso (logging) sa pamamgitan
ng pamamahagi ng timber license agreement (TLA) at integrated forest management agreement (IFMA). Sa ilalim
ng IFMA, hindi lamang troso ang kinukuha ng mga kompanyang may hawak ng IFMA. Lahat ng produktong
nasasaklawan ng kanilang konsesyon ay maaari nilang kunin. Ayon sa Kalikasan, ito ang isang dahilan ng di mabilang
na landslide sa mga lugar na mayroong aplikasyon ng IFMA, tulad ng mga landslide sa mga lalawigan ng Aurora at
Quezon na saklaw ng kabundukan Sierra Madre.
Taong 2004 nang magkaroon ng malalang landslide dulot ng bagyong Winnie sa mga bayan ng Infanta at Gen. Nakar
sa Quezon. Bukod sa mahigit 1,000 kataong namatay, hanggang sa kasalukuyay di pa rin natataniman ang maraming
lugar doon dahil sa makapal na putik na tumabon dito.
Sa pagragasa naman ng bagyong Ondoy, nilamon ng malaking baha ang relokasyon ng mga maralitang tagalunsod sa
tabi ng Marilao River. Sila ang mga dinemolis sa tabi ng riles sa Caloocan upang bigyan daan ang modernisasyon ng
Philippine Natiional Railways na bahagi ng proyektong C-5 Extension.
Kung kayat mga magsasaka at maralitang tagalungsod ang kalakhan ng mga biktima ng kalamidad. Sila din ang
pinakabulnerable sa pagsasamantala ng dambuhalang mga korporasyon ng pagmimina, logging at mga negosyanteng
nagtatayo ng mga subdibisyon at iba pang negosyo, lokal man o dayuhan. Silang mga tulad nina Corazon Austral, ang
mga mamamayan ng Bagong Silangan, at iba pang maralita.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9471

PAGHAHANDA SA TUWING MAY KALAMIDAD
Posted by Online Balita on Jul 5th, 2012 // No Comment
27
Walang makapagsasabi kung kailan mangyayari ang kalamidad. Nito ngang Martes, biglang umulan nang malakas
na nagdulot ng baha sa ilang bahagi ng Metro Manila. Gayunman, marami sa atin ang ihindi pa rin natuto sa
paghahanda sa panahon ng pagsusungit ng kalikasan. Sa malawak kong pagbabasa, nakalap ko ang ilang
impormasyon na naipagtagni-tagni ko hinggil sa paghahanda ng pamilya sa mga natural na kapahamakan, hindi
lamang tuwing may bagyo kundi marami pang iba:

Unawain ang lagay ng panahon at mga krisis na walang kaugnayan sa panahon na maaaring makaapekto sa iyong
pamilya at tahanan. Pag-usapan ninyong madalas ang mga ito sa isang mahinahong paraan. Pag-aralan ninyo ang
istruktura ng iyong tahanan at ang inyong rehiyon kung kayo ba ay nasa panganib ng bagyo, baha, o pagguho ng
lupa.
Abangan lagi ang mga anunsiyo o alerto (sa radyo, TV, Internet) tungkol sa bagyo, buhawi, baha o lindol kung ang
lugar ninyo ang laging tinatamaan nito; dito mahalaga ang pagkakaroon ng radyo.
Magtalaga ng isang ligtas na silid o pinakaligtas na lugar sa inyong tahanan at tiyaking alam ito ng lahat ng miyembro
ng pamilya at kung bakit. Kapag naging isyu ang evacuation o paglikas, alamin kung anu-anong lugar ang maaari
ninyong puntahan. Doon mag-stock ng emergency supplies na hindi nasisira (bigas, de-lata, noodles, batteries para
sa flashlight, gaas, atbp.)
Tiyaking alam ng bawat miyembro ng pamilya ang mga lugar na maaari ninyong pagtipunan. Magtalaga ng isang
miyembro ng pamilya (yung responsable ha?) na magiging point of contact. Tiyaking madali itong maabot ng text o
tawag sa telepono.
Maglagay ng listahan ng emergency telephone numbers sa tabi ng inyong telepono (pati na rin sa inyong cellphone
phonebook) at tiyaking alam ng bawat miyembro ng pamilya, lalo na ang mga bata, kung kailan tatawagan ang
bombero, pulis, doktor, at kung ano ang dapat nilang sabihin.
Ang bawat miyembro ng pamilya ay dapat matuto ng First Aid, CPR, at iba pang mga kaalaman upang mailigtas ang
buhay.

Walang makapagsasabi kung kailan mangyayari ang kalamidad. Nito ngang Martes, biglang umulan nang malakas
na nagdulot ng baha sa ilang bahagi ng Metro Manila. Gayunman, marami sa atin ang ihindi pa rin natuto sa
paghahanda sa panahon ng pagsusungit ng kalikasan. Sa malawak kong pagbabasa, nakalap ko ang ilang
impormasyon na naipagtagni-tagni ko hinggil sa paghahanda ng pamilya sa mga natural na kapahamakan, hindi
lamang tuwing may bagyo kundi marami pang iba:

Unawain ang lagay ng panahon at mga krisis na walang kaugnayan sa panahon na maaaring makaapekto sa iyong
pamilya at tahanan. Pag-usapan ninyong madalas ang mga ito sa isang mahinahong paraan. Pag-aralan ninyo ang
istruktura ng iyong tahanan at ang inyong rehiyon kung kayo ba ay nasa panganib ng bagyo, baha, o pagguho ng
lupa.
Abangan lagi ang mga anunsiyo o alerto (sa radyo, TV, Internet) tungkol sa bagyo, buhawi, baha o lindol kung ang
lugar ninyo ang laging tinatamaan nito; dito mahalaga ang pagkakaroon ng radyo.
Magtalaga ng isang ligtas na silid o pinakaligtas na lugar sa inyong tahanan at tiyaking alam ito ng lahat ng miyembro
ng pamilya at kung bakit. Kapag naging isyu ang evacuation o paglikas, alamin kung anu-anong lugar ang maaari
ninyong puntahan. Doon mag-stock ng emergency supplies na hindi nasisira (bigas, de-lata, noodles, batteries para
sa flashlight, gaas, atbp.)
Tiyaking alam ng bawat miyembro ng pamilya ang mga lugar na maaari ninyong pagtipunan. Magtalaga ng isang
miyembro ng pamilya (yung responsable ha?) na magiging point of contact. Tiyaking madali itong maabot ng text o
tawag sa telepono.
Maglagay ng listahan ng emergency telephone numbers sa tabi ng inyong telepono (pati na rin sa inyong cellphone
phonebook) at tiyaking alam ng bawat miyembro ng pamilya, lalo na ang mga bata, kung kailan tatawagan ang
bombero, pulis, doktor, at kung ano ang dapat nilang sabihin.
Ang bawat miyembro ng pamilya ay dapat matuto ng First Aid, CPR, at iba pang mga kaalaman upang mailigtas ang
buhay.

Gutom (Hunger)
February 13, 2006 1:00pm
57 5 0 1449

Episode on February 13, 2006


Hunger is a daily reality for a growing number of our population. The latest Social Weather Stations survey
notes that in the last quarter of 2005, more than two million families, or 14 million Filipinos, experience hunger.
The figure represents one of every six Filipinos.

In an attempt to understand this gut issue, reporter Jay Taruc immerses himself for one week among families referred
to in the survey. First-hand experience truly changes his perspective on the issue of hunger.

What used to be just an empty lot went on to become known as Barangay Pinagsabugan, after several families
started building shanties in the area and the population eventually boomed.

Rolan Barron, 28, makes a living by scavenging for garbage from a canal and selling reconditioned?
plastic sprayers. His meager income has made feeding his wife and seven children a constant problem.

Living in a shanty built on the edge of a dirty canal, Rolan also grows on a small patch of land sweet potatoes and
grated coconut, which he feeds to his children when they have nothing else to eat.

Rolan only finished third grade in elementary school so finding a job is difficult. The children cry when they are
hungry.

They say their heads are aching. They become rowdythey cry out that they are hungry. But I tell them not to
shout as the neighbors might hear,? says Rolan in Filipino.

At Barangay Baseco in Manila, Jay learns how residents cope with everyday hunger through altanghap?, a
Filipino word that takes the first syllables of breakfast, lunch, and dinner. They survive on a single meal each day,
then go to sleep to let hunger pass.

One morning in Baseco, Jay woke up to find the residents gathering what was to make up their days
altanghap -- mussels and snails called sundot-kulangot?. They search for sundot-kulangot through
Manila Bays muddy shores that also serve as their garbage dump and toilet. The families have become
unmindful of the health risks, especially the children. Whats important is their stomachs are filled.

The Tome family in Port Area, Manila does another way to survive everyday hunger. They earn a living by selling
rejected newspapers to junk shops.

They have learned a way to stretch the few pesos that they earn to ease their hunger.

We make it enough. Sometimes, I ask them to buy 25 pesos worth of kaninbawthats rice in soup?,
Mang Angelito says in Filipino.

According to the SWS survey, the average poor family misses eating one day every three months. But in the five
days that Jay spent with these families, he witnessed hunger that is much worse than was reflected on the survey.
Ang malnutrisyon ay isang palansak na kataga sa kondisyong medikal na sanhi ng mali o kakulangan sa
pagkain.
[1][2]
Karaniwang ginagamit ito sa kakulangan ng nutrisyon bunga ng hindi sapat na pagkain, mababang
pagkatunaw, o labis na pagkawala ng sustansiya. Ang katagang ito ay lumalagom din sa labis na nutrisyon na bunga
ng sobrang pagkain ng tiyak na sustansiya. Makararanas ang isang tao ng malnutrisyon kapag ang sapat na dami,
uri o kalidad ng sustansiya ng sinasabing malusog na pagkain ay hindi kinakain sa mahabang panahon.
Makapagbubunga ng kagutuman ang isang mahabang panahon ng malnutrisyon.
Ang malnutrisyon bilang kawalan ng sapat ng sustansiya upang mapanatili ang malusog ng katawan ay karaniwang
kalakip ng lubhang kahirapan sa mga bansang umuunlad habang ang malnutrisyon na bunga ng maling pagkain,
sobrang pagkain o kakulangan ng isang balanseng pagkain ay masusumpungan sa mga bansang maunlad (na
karaniwang ipinakikita sa pagdami ng mga matataba).
Karaniwang, ang mga malnoris na tao ay walang sapat na kalorya sa kanilang pagkain o kumakain ng pagkain na
kulang sa kailangang protina, bitamina o mineral. Ang mga problemang mediko na bunga ng malnutrisyon ay
karaniwang tinatawag ng sakit sa kakulangan. Ang iskerbi ay isang kilalang sakit na madalang ngayon na dulot ng
kakulangan sa Bitamina C.
Kasama sa karaniwang uri ng malnutrisyon ang protein-energy malnutrition (PEM) at micronutrient malnutrition. Ang
PEM ay tumutukoy sa kakulangan sa magagamit o makukuhang lakas at proteina sa katawan. Ang malnutrisyong
mula sa micronutrient ay tumutukoy sa kakulangan sa magagamit na kinakailangang sustansiya tulad ng bitamina at
mineral na kailangan ng katawan sa kaunting dami. Ang kakulangan sa micronutrient ay nagbubunga ng
maraming sakit at humahadlang sa normal gawain ng katawan. Ang kakulangan ng micronutrient tulad ng Bitamina
A ay nagpapababa sa kapasidad ng katawang lumaban sa sakit. Ang kakulangan sa bakal, yodo at bitamina A ay
isang malawak at karaniwang hamon sa kalusugang pambayan. Ang mga sumusunod ay sinasabing bunga ng
kakulangan sa sustansiya: pagiging bansot, mahinang pag-iisip at ibat-ibang kahinaan sa abilidad sa isip, pagiging
mahiyain sa tao, pagiging mahiyain na maging puno at sa paninidigan, mahinang kilos at lakas, mahinang paglaki ng
masel at lakas, at pangit na kalusugan.
Sang-ayon sa Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan, ang pagkagutom at malnutrisyon ang isang pinakamalalang
banta sa pampublikong kalusugan ng mundo at isang malaking tagapag-ambag ang malnutrisyon sa dami ng
namamatay na bata, naroon sa kalahati ng lahat ng kaso.
[3]

Mga sanggunian[baguhin]
1. Jump up malnutrition sa Dorland's Medical Dictionary
2. Jump up Sullivan, arthur; Steven M. Sheffrin (2003). Economics: Principles in action. Upper Saddle River,
New Jersey 07458: Pearson Prentice Hall. pp. 481. ISBN 0-13-063085-3.
3. Jump up Malnutrition The Starvelings

Mga Palatantaan ng Malnutrisyon
Paano ninyo malalaman kung ang inyong anak o sinuman na inyong kasambahay ay isang malnourished? Tingnan
kung alinman sa mga sumusunod ang kanyang manipestasyon:
Nagbabawas siya ng timbang.
Mahirap siyang kumain, at malimit walang gana.
Mukha siyang palaging pagod at nanghihina.
Hindi siya mapagkatulog o hindi siya masarap na matulog.
Siya ay namumutla
May pagsusugat na nakikita sa mga gilid ng labi.
Malabo ang kaniyang paningin, lalo sa mga lugar na medyo madilim.
Mga Anyo ng Malalang Malnutrisyon
Marasmus. Ito ay sanhi ng kakulangan ng kaloriya sa katawan o nang hindi sapat na bilang o dami ng kinakain.
Sinasabing ang marasmus ay karaniwan nang nararasanan ng mga batang nasa mga mahihirap at under-
developed na mga bansa. Ang pasyente ng marasmus ay nagiging buto at balat. Nagiging kamukha siya ng
isang matandang tao na mayroong natutuyo at nangungulubot na mukha. Kinakailangang dalhin agad sa
pinakamalapit na ospital ang pasyente upang mabigyan ng sapat na diyagnosis at tulong-medikal. Ipinapayo rin
ang pagbibigay sa kanya ng cereals, kamote, patatas, karne, isda, gatas, peas, beans, asukal, at maberde at
madilaw na gulay.
Kwashiorkor. Ang pinagmumulan nito ay ang malabis na kakulangan sa protina. Tinatayang maaaring makita
ang mga palatandaan ng kwashiorkor kahit na ang isang bata ay nakakukuha naman ng sapat na kaloriya mula
sa mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya. Ang mga sintomas nito ay ang pamamaga ng mukha, mga braso at
binti, nangungulubot na balat na mayroong taba, buhok na nagiging manipis, nababansot, at mahinang
resistensiya laban sa impeksyon. Kinakailangang dalhin agad sa pinakamalapit na ospital ang biktima upang
mabigyan ng nararapat na atensyong medikal. Ipinapayo rin ang pagbibigay sa kanya ng mga pagkaing
mayaman sa protina na gaya ng gatas, isda, karne, manok, itlog, stringbeans, at mongo beans.
Xerophthalmia. Ang pinagmumulan nito ay ang kakulangan sa Bitamina A at tinatayang maaaring pagmulan ng
pagiging bulag Kapag may nakitang ganitong palatandaan sa pasyente ay kinakailangang dalhin agad ito sa
pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng atensyong medikal. Ipinapayo din ang pagbibigay sa pasyente ng
maberde at madahong gulay na gaya ng kangkong, alugbati, ampalaya, yam at dahon ng malunggay at
madidilaw na gulay gaya ng kalabasa, carrots, at atay, pula ng itlog at gatas.
Iba pang Anyo ng Malnultrisyon
Anemia. Ang sanhi nito ay ang kakulangan sa iron. Ang mga palatandaan ng anemia ay pamumutla, malabis na
pagkahapo o pagkapagod, at panghihina ng katawan, Kinakailangan ang kumunsulta sa health worker at bigyan
ang pasyente ng atay, itlog, mabeberde at madidilaw na gulay.
Goiter. Ito ay sanhi ng kakulangan sa iodine. Ang palatandaan ay ang paglaki ng thyroid gland sa may leeg. Ito
ang gland na kumokontrol sa metabolismo ng katawan, pagbubuo ng utak at iba pang organs at bahagi ng
katawan. Matapos humingi ng tulong-medikal, bigyan ang pasyente ng mga pagkaing gaya ng seafoods, isda,
shell meat, at seaweeds.
Samahan ng iodized salt ang pagkain ng pasyente. Mapino ang asin na ito na may kasamang iodine.
Sanggunian
The Family Health Guide, Ikalawang edisyon. Maynila: The Department of Health, Commission on Population
and Population Center Foundation, 1987.
Malnutrisyon at Kagutuman
Posted by veritasadmin on Monday, June 2, 2014 Leave a Comment

Panahon na naman ng pasukan sa ating bansa. Taon-taon, may mahalagang hamon sa ating mga
magulang at sa ating pamahalaan ilan kaya sa ating mga mag-aaral ang matatapos sa kanilang pag-aaral?
May nakaka-alarmang pag-aaral ukol sa sektor ng edukasyon sa ating bansa. Ang Pilipinas daw kasi ang
ang ika-lima sa buong mundo na may pinakamaraming bilang ng drop-outs. Maliban dito, ang Pilipinas din
ang 3rd least competitive sa Southeast Asia in terms of primary education, health pillars ng Global
Competitive Index. Sa mga highschool seniors naman, ang mean percentage score noong 2012 ng National
Achievement Test ay 48.9% lamang.
May isang salarin na pinaniniwalaang nagdudulot ng ganitong problema sa ating mga mag-aaral at ito ang
isyu ng kagutuman at malnutrisyon sa ating bansa.
Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS, mas maraming Pilipino ang nakaramdam
ng gutom sa huling bahagi ng 2013. Sa kaparehong survey, tinatayang aabot sa 8.1 milyong pamilyang
Pilipino ang food poor.
Sa isa ding pag-aaral, tinatayang may halos 16 milyong Pilipino ang undernourished mula 2011 hanggang
2013. Mas mataas din ang food inadequacy sa Pilipinas kaysa sa karatig bansa natin katulad ng Indonesia,
Malaysia, Brunei at Thailand.
Sa isa ding pag-aaral, ang antas ng underweight children sa Pilipinas noong 2003 ay 20.7% at nanatili ito sa
antas na 20.2% noong 2011. Dahil dito, ang Pilipinas ay nasa ika-sampung puwesto sa buong mundo sa
prevalence of wasting, o ang pagkakaroon ng mababang timbang kumpara sa tangkad ng isang batang may
edad lima pababa. Ang prevalence of wasting sa bansa ay 6% lamang noong 2003 at tumaas na ito sa
bilang na 7.3% noong 2011.
Samantala, naniniwala pa rin ang pamahalaan na ang Conditional Cash Transfer Program ay isa pa ring
epektibong pamamaraan upang masugpo ang kahirapan at kagutuman sa bansa at upang lalong
maenganyo ang mga magulang na papasukin sa mga paaralan ang kanilang mga anak. Ngunit huwag
sanang matali ang pamahalaan sa paniniwala na ang pagbibigay ng libreng pera sa mahihirap ay mag-
aahon sa kanila mula sa kahirapan at kagutuman.
Tandaan sana ng pamahalaan na ang maraming bilang ng mga nagugutom at naghihirap nating kababayan
ay yaong mga nakatira sa kanayunan. Sila ang mga kapatid nating mga magsasaka at mangingisda na
nabubuhay lamang depende kung may ani silang bigas at kung may huli silang isda.
Kung nais sa gayon ng pamahalaan na sugpuin matinding kagutuman at malnutrisyon sa bansa, hindi ang
pamimigay ng pera ang solusyon kung hindi, isa sa pinakamainam na solusyon ay ang pagbibigay
halimbawa ng sapat na atensiyon at pinansiya sa sektor ng agrikultura sa bansa. Sa pamamagitan
halimbawa ng sapat na kapital at pagsulong ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay tunay na maiaahon
natin ang maraming bilang ng mga Pilipino sa kahirapan.
Malinaw ang panllipunang turo sa atin ng simbahan hinggil sa tamang paraan ng pagsulong ng kaunlaran.
Ayon sa panlipunang turo ng simbahan na isinasaad sa Ecclesia in Asia, upang tunay na maitaguyod ang
dignidad ng bawat tao ay nagbibigay ng mas higit na pagmamahal ang simbahan sa mga mahihirap at sa
mga walang boses. Ang interes nga sana ng mga mahihirap nating kapatid katulad ng mga magsasaka at
mangingisda sa mga kanayunan ang isulong ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito ay siguradong
masusugpo natin ang kagutuman at malnutrsiyon na hanggang sa ngayon ay nananaig pa rin sa ating
bayan.
Mga pagkain na karaniwang kinakain ng mga mahihirap

Sa panahong ngayon, karamihan sa mga pilipino ay naghihirap. Sa kadahilanang di nakapagtapos ng pag-aaral at sa hindi
nakapagtrabaho. Pera ang pangunahing kailangan ng mga tao sapagkat kung walang pera, hindi ka makakabili ng mga pagkain.
Dahil sa kawalan ng trabaho ng karamihan sa mg tao, may mga pagkakataon na hindi nakakakain ng wasto sa loob ng isang
araw. Minsan dalawang beses nalang sila kumakain at minsay isang beses na lang. Alam naman nating mahalaga ang may
trabaho sa panahong ngayon upang may maipakain tayo sa mga bata. Upang kahit papaano ay makakain tayo ng wasto. Dahil
nga ang bigas ang pangunahing pagkain na kailangan ng mga pilipino, pinagpapaguran ng marami at natitiyaga sa pagtatrabaho
pa ra lang makabili ng bigas. Ang ilan naman ay linalagyan lang ng mga pampalasa upang kahit papaano ay may kakainin. Mga
pampalasa tulad ng mga toyo, asin, asukal na karaniwang hinahalo lang sa mga ulam.
Tuyo at Kanin
Tuyo, noodles, sardinas, tinapa, talong, asin, toyo, patis, talbos ng kamote at kangkong. Ito ang mga karaniwang kinakain ng
mga mahihirap nating mga kababayan, dahil wala silang sapat na perang pambili ng mga masasarap na pagkain kaya madalas
ito ang kanilang inuulam. Minsan lang silang makakain ng masasarap na ulam tulad ng baboy, manok, baka, at marami pang
ibang masasarap na pagkain. Maswerte pa nga sila kapag sila ay nakapag ulam. At minsan ang inuulam lang nila ay toyo at
nagdidildil lang sila ng asin kaya ang mga kababayan natin ay malnoris at madalas nagkakasakit dahil sa gutom at nauuwi sa
pagkamatay.
May mga taong sadyang mahihirap at walang ibang pagkukunan ng pagkain kundi sa mga taong may busilak ang puso. Ang iba
namay namumulot sa mga basurahan na pinagtapunan ng tirang pagkain. Subalit mayroon din namang mga kababayan natin
na sadyang masisipag para humanap ng makakain. Namimingwit o nangingisda sa mga ilog. Nagangaso ang ilan at ang ilan
namay kumukuha ng talbos ng kamote at kangkong.
Madalas na nakakabili lang sila ng kalahating kilo ng bigas na ang totoo ay hindi sapat sa buong pamilya. Isang supot na tuyo na
pinaghahati-hatian at hinahaluan lang ng tubig upang kahit papaano ay may konting sabaw pang pawi ng gutom.
Iyan ang mga karaniwang kinakain ng mga kababayan nating naghihirap sa panahong ngayon. Sadyang napakahirap mamuhay
sa mundo. Gumagawa tayo ng mga paaraan upang sa gayoy mamuhay ng matiwasay. Nagtitiyaga sa pagtitinda ng mga pagkain
sa mga matataong lugar tulad sa lansangan na karaniwang tumatambay ang ilang mga kabataan na walang magawa sa buhay
kundi tumambay at nakikipagbarkada upang sa gayoy makalimutan ang problema dahil sa kahirapan ng buhay.
Nakahiligan na ng mga kabataan ang tumambay sa lansangan kasama ang mga kaibigan o kabarkada. Madalas na
nagkukwentuhan, nagkakasiyahan at sinasamahan pa ng mga pagkaing nabibili sa lansangan. Anu-ano nga ba ang nakahiligang
kainin ng mga kabataang laging nakatambay sa lansangan?
Mga pagkain na karaniwang kinakain tuwing may kalamidad


Palay
Sa ganitong mga sitwasyon na dumadaan sa buhay ng tao, kailangang gumawa ng mga paraan na lagi tayong handa sa
anumang pagsubok na dumadaan sa atin. Nagiging matipid ang mga mamamayang pilipino sa panahon ng tag-ulan at tuwing
may bagyong dumaraan sa Pilipinas. Dahil sa nasisira ang mga pananim at hindi nakakapagtrabaho ang karamihan sa mga
mamamayang pilipino, nagiimbak sila at pumipili ng mga pagkaing madaling lutuin at mga pagkaing ligtas sa mga bata. Tulad ng
mga delatang hindi na kailangang lutuin pa. Mga noodles at tinapay sa mga bata at mga pampainit na inumin tulad ng kape sa
mga matatanda. Mga pagkaing pwedeng pagsaluhan ng isang buong pamilya tulad ng lugaw na sadyang nakakabusog. Ang mga
ilan naman ay tsamporado. Samantalang ang iba ay talagang napakatitiyagang naghahanap ng mga makakain sa mga lugar na
hindi gaanong nasira ng kalamidad.

Baha
Ang mga mahihirap naman na nagtitiyaga sa kanin na hihahaluan lang ng asin o kaya ng asukal. Tuyo na hinaluan ng tubig
upang ito ay dumami at magkaroon ng lasa. Ito ang mga karaniwang pinagdadaanan ng ating mamamayang pilipino tuwing may
kalamidad. At kung minsan ay hindi pa makakain sa isang araw na nauuwi sa mga sakit. Sa dahilang hindi nakakakain ng wasto
at masusustansyang pagkain. Ang mga gulay na nasira ng kalamidad na tanging pinagkukunan ng sustansya.


Mga Delata
Iyan ang pangunahing problemang pinagdadaanan ng mga pilipino. Ngunit sa kabila ng mga pinagdadaanang hirap, nakakaranas
din ng masasaganang pamumuhay ang mga pilipino. Malayang nakakapili ng mga pagkaing gustong-gusto na kainin. Nakakakain
sa mga ibat ibang lugar na pinagkakainan na masasarap na pagkain. Sa mga sikat na restaurant at carinderya. Sa mga panahong
nakakasama ang mga pamilya at kaibigan na kumain sa labas. Nakakakain ng ibat ibang pagkain. At may pagkakataon na kahit
hindi masyadong kinakain ang pagkain, napipilitan ka. Ngunit may mga di-inaasahang pagkakataon na tayoy kumakain kahit
saan. Anu-ano nga ba ang mga ito?

You might also like