You are on page 1of 6

QUIRINO STATE UNIVERSITY

DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_

ARALIN 5 PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO


Kakayahan
1. Matukoy ang katuturan at mga uri ng karapatang pantao;
2. Masuri ang mga akdang pampanitikan hinggil sa karapatang pantao;
3. Maiugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa lipunan.

Pagtalakay

DIGNIDAD

- Kabilang ang lahat ng katangian ng isang tao


- Kabuuan ng ating pagkatao
- Mahalaga upang maging ganap ang pagkatao
- Tinataglay ng bawat tao – kaya tayong lahat ay pantay-pantay
KARAPATANG PANTAO

- Payak na pamantayang kinakailangan ng mga tao upang makapamuhay ng may dignidad


- Ginagarantiya ang ganap at kabuoang pag-unlad ng mga tao
- Lahat ng kinakailangan ng tao upang protektahan ang kaniyang dignidad bilang indibidwal
- Saligan ng kalayaan, hustisya at kapayapaan sa mundo
- Pangunahing obligasyon ng Estado o Gobyerno at mga kasapi nito na pangalagaan at tugunan
ang karapatang pantao

- Kaakibat ang responsibilidad na paunlarin at pangalagaan ang sariling dignidad at ang sa


ibang tao

- Nagbibigay gabay sa mga tao upang panghawakan ang kanilang mga buhay at umaksyon para
sa pagbabago sa lipunan

– tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga
tao." Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang
mga karapatang pantao, ang mga karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at
kalayaan, kalayaan sapagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga
panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok
sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan sa edukasyon.

Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao

Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay. Karapatan ng
tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay nang may dignidad
bilang tao. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay
isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain. Damit, bahay,
edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang
karapatan. Hindi maaaring mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang mga karapatan.
Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay bahagi na ng
pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa estado sapagkat likas
na itong bahagi ng tao.

Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga pangunahing
pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga pangangailangan o kumitil sa ating

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 1
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
buhay ngang walang dahilan ay lumabag as ating karapatn bilang tao. Maari tayong dumulog sa
hukuman kung sakaling nahahadlangan ang ating karapatan. Ang pagkilala sa karapatang pantao ay
pagkilala din sa karapatan ng iba. Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon
na igalang ang karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng
bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang Pilipino.

Historikal ng Pag-unlad ng Konsepto ng Karapatang Pantao

“Cyrus Cylinder” (539 B.C.E.)

- Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon.

- Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon.

- Idineklara rin ang pagkakapantay pantay ng lahat ng lahi.

- Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.”

- Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”

- Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan
tulad ng India, Greece, at Rome.

- Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism,


Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga kodigo
tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang
kapwa.

1215- Magna Carta

- Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa Magna Carta, isang
dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga- England.

- Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng
sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang
kapangyarihan ng hari ng bansa.

Petition of Right (1628)

- Sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi
pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang
walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng
kapayapaan.

Bill of Rights (1791)

- Noong 1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-batas ng kanilang bansa.
Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15,
1791.

- Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging


ang iba pang taong nanirahan sa bansa

Declaration of the Rights of Man and of the Citizen (1789)

- Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan
ni Haring Louis XVI.

- Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman
ng mga karapatan ng mamamayan.
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 2
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
The First Geneva Convention (1864)

- Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing- anim na Europeong bansa at ilang estado
ng United States sa Geneva, Switzerland.

- Kinilala ito bilang The First Geneva Convention na may layuning isaalang-alang ang pag-
alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon.

Universal Declaration of Human Rights (1948)

- Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni
Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.

-Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong


naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa
bawat aspekto ng buhay ng tao.

 Karapatang sibil

 Karapatang politikal

 Karapatang ekonomiko

 Karapatang sosyal

 Karapatang kultural

- Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang
kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang
kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa. Ito ay naging
bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong 1946.

- Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng
United Nations si ELEANOR ROOSEVELT. Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng
mga pangunahing karapatang pantao at tinawag ang talaang ito bilang UNIVERSAL
DECLARATION OF HUMAN RIGHTS o “International Magna Carta for all Mankind”, noong
Disyembre 10, 1948.

-Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang


pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang naging pangunahing batayan ng mga
demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas.

• Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa bawat aspekto ng buhay ng
tao.

• Naging sandigan ng maraming bansa ang nilalaman ng UDHR upang panatilihin ang kapayapaan at
itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao.

• Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting na pagpapahalaga sa


dignidad at mga karapatan ng tao sa iba‘t ibang panig ng daigdig

• Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng
mga pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan
ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8 11, 12, 13, 18 (1), at 19.

• Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa
isang demokratikong bansa. Mayroon namang apat na klasipikasyon ang constitutional rights.

Natural Rights - Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado

Hal: Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ariarian

Apat na Klasipikasyon ang Constitutional Rights.

Constitutional Rights - Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 3
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
• Karapatang Politikal – Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa
pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.

• Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang
kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.

• Karapatang Sosyo-ekonomik – mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-


ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.

• Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa


anomang krimen

Statutory - Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring lisin sa pamamagitan ng panibagong
batas.

HAL: Karapatang makatanggap ng minimum wage

KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO

1. Likas sa Tao (Inherent)


2. Pandaigdigan (Universal)
3. Di-mahahati (Indivisible)
4. Di-maiaalis (Inalienable)
GRUPO O KLASIPIKASYON NG MGA KARAPATAN

 Ayon sa Katangian (Nature)

 Civil Rights o Karapat Sibil


 Political Rights o Karapatang Putikal
 Economic Rights o Karapatang Pang-ekonomiya
 Social Rights o Karapatang Panlipunan
 Cultural Rights o Karapatang Pang-Kultura
 Ayon sa kung sino ang Tumatanggap (Recipient)

 Individual Rights
 Collective/ Group Rights
 Ayon sa Pinagmumulan (Source)

 Natural Rights
 Legal Rights
 Ayon sa Pagpapatupad (Implementation)

 IMMEDIATE – Dagliang maipapatupad; immediate obligations of states to implement

 INCREMENTAL O PROGRESSIVE – graduwal o paunti-unting pagpapatupad; necessary


steps and measures to give effect to the rights stated

 Ayon sa Derogability

 Non-derogable or absolute rights – mga karapatang hindi pwedeng suspindihin o alisin


kahit na anong panahon

 Art. 6 Karapatan sa Buhay

 Art. 7 Karapatan laban sa tortyur at di-makataong parusa

 Art. 8 Karapatan laban sa Pang-aalipin

 Art. 11 Karapatan laban sa pagkakakulong bunga ng hindi pagtupad sa obligasyon


sa isang kontrata

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 4
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
 Art. 15 Karapatan laban sa paghahabla ng kaso sa isang pagkakasala na hindi
krimen sa panahong ito ay naganap

 Art. 16 Karapatang kilalanin ng batas bilang tao saan man sa mundo

 Art. 18 Karapatan sa Malayang Pag-iisip, Budhi at Relihiyon

 Derogable or relative rights – mga karapatang maaring suspindihin o alisin


depende sa sitwasyon

Ang Uri ng Karapatang Pantao

Ang karapatang pantao ay nahahati sa karapatan bilang indibidwal at pangkatan.

1. Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na
tao para sa pagunlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga karapatang ito at ang sibil o
pulitikal ng karapatan, ang panlipunan, pangkabuhayan, ay kultural na karapatan.

a. Karapatang Sibil. Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.
Ilan sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang karapatang mabuhay, pumili ng lugar kung
saan siya ay maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay.

b. Karapatang Pulitikal. Ito ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng
pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa referendum at
plebisito.

c. Karapatang Panlipunan. Ito ay ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan
at upang isulong ang kanyang kapakanan.

d. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ang mga karapatan ukol sa pagsususulong ng kabuhayan


at disenteng pamumuhay.

e. Karapatang Kultural. Ito ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng
pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.

2. Panggrupo o kolektibong karapatan. Ito ang mga karapatan ng tao ng bumuo ng pamayanan
upang isulong ang panlipunan. Pangkabuhayan, at pangkultural ng pag-unlad sa pamamagitan
ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.

Mga Batayang Legal ng Karapatang Pantao

Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga ginagawang batas sa Pilipinas at


sa mga pandaigdigang kasunduan. Bagamat ang tao mula sa kanyang pagsilang ay may karapatang
dapat na natatamasa na, mas nakasisiguro tayo kung ito ay nakasulat sa ating batas upang magsilbing
sandigan natin kung sakaling hindi natin natatamasa ang ating mga karapatan.

Ang mga pangunahing instrumentong legal ay ang Saligang-Batas ng Pilipinas at ang


Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao.

Mga Artikulo sa Saligang-Batas ng Pilipinas na Kumikilala sa Karapatang Pantao

Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay maliwanag na naksulat sa SaligangBatas ng 1987. sa


dokumentong ito, ang mga karapatang pantao ay nasa Bil of Rights (Art. III); Pagboto (Art V);
Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Patakaran ng mga Estado (Art II); Katarungang Panlipunan at
Karapatang Pantao (Art XIII); Pambansang Ekonomiya at Patrimonya (Art Xii); Edukasyon, Agham at
Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Art. XIV).

Ang mga karapatang pantao na nasusulat sa Deklarasyon ng mga Prinsipyo at patakaran ng


Estado (Art. II) ay ang mga sumusunod:

• Papapahalaga sa dignidad ng isang tap at paggarantiya ng buong respeto sa karapatang pantao;

• Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya;


VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 5
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
• Pagsulong at pagbigay proteksyon sa pisikal, moral, ispiritwal, intelektwal ay panlipunang
kapakanan ng mga kabataan;

• Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng batas ng mga kababaihan at kalalakihan;

• Proteksyon sa karapatang pangkalusugan at balanse at malinis na kapaligiran ng tao;

• Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao; at

• Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanan Kultural.

• Lahat ng mga Pilipino ay sakop ng batas na ito kayat dapat natin sundin ang mga ito.

Ang mga karapatang sibil at pulitikal ng mga Pilipino ay nasa Bill of Rights (Art. II) tulad ng:

• Karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng mga ari-arian

• Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksyon ng batas

• Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng katarungan

• Ang katarungang panlipunan at karapatang pantao sa Art. XIII ay nagsusulong ng karapatang


panlipunan at pangkabuhayan ng bawat Pilipino. Obligasyon ng pamahalaang Pilipinas na magbigay ng
mga panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, at paglilitis ng kaso upang ang mga taong
walang pambayad ay matulungan nang libre ng pamahalaan. Ito ay batay sa prinsipyo ng panlipunang
katarungan na ang mga taong mahihirap ay dapat magbigyang proteksyon ng ating batas at
pamahalaan.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 6

You might also like