You are on page 1of 6

DIVISION OF GEN.

TRIAS CITY
Project ISuLAT – ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Pangalan: Linggo:
Baitang & Pangkat: Petsa:

SANAYANG PAPEL #3 PAKSA: KARAPATANG PANTAO

GABAY
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan

Pagkatapos sagutan ang sanayang papel na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nasusuri ang mga taglay na karapatan ng bawat tao mula sa kontekstong historikal
tungo sa pagiging instrumento ng mga ito sa pagiging aktibo ng mamamayan;
2. naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa ating
papel bilang mabuting mamamayan sa lipunan; at
3. napahahalagahan ang mga karapatan ng mga mamamayan ng isang demokratikong
bansa

ENGGANYO

Maraming pagkakataon na nababasa sa mga pahayagan, naririnig sa radyo,


napanonood sa telebisyon, at napag-uusapan ang paksa tungkol sa karapatang
pantao. Kung bibigyan ka ng pagkakataong magtanong sa mga taong iyong
masasalubong kung ano ang ibig sabihin ng karapatang pantao, iba’t ibang sagot ang
iyong makukuha. Ito ay dahil sa iba’t ibang karanasang humubog sa kanila batay sa
kinaaanibang relihiyon, uri ng kultura at lipunang kanilang kinabibilangan.
Taglay ng bawat tao ang mga karapatang nakabatay sa prinsipyo ng paggalang
sa isang indibiduwal. Lahat ng nabubuhay naindibiduwal ay may taglay na mga
karapatan dahil bawat isa ay nararapat na tratuhin nang may dignidad. Saklaw ng tao
ang kaniyang mga karapatan sa aspektong sibil, poltikal, ekonomikal, sosyal, at
kultural.
Makikita ang kontekstong historikal ng pagunlad ng konsepto ng karapatang
pantao mula sinaunang panahon hanggang sa pagkabuo ng Universal Declaration of
Human Rights ng United Nations noong 1948.
Sa yugtong ito, tatalakayin ang paksang “Karapatang Pantao.” Kabilang ang
pagkabuo ng karapatang pantao batay sa kontekstong historikal nito, ang Universal
Declaration of Human Rights, Bill of Rights, at ang paglalagom ng mga karapatang
pantao na tinutukan sa mga nakaraang aralin ng modyul na ito

Sipi mula sa Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral 10 (pahina 370)

Page 1 of 6
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Gawain #1: MAY KARAPATAN KA BA?


Panuto: Buuin ang concept map ng mga halimbawa ng mga Karapatan na taglay mo bilang
isang tao.

Ano ang karapatan ko


bilang tao?

TALAB

539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod
ng Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling
relihiyon. Idineklara rin ang pagkakapantaypantay ng lahat ng lahi. Nakatala ito sa isang
baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito bilang “world’s
first charter of human rights.
Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang
kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism,
Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga
kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa
kaniyang kapwa.
Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, saMagna Carta, isang
dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi
maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng
bansa.
Noong 1628 sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga
karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament,
pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar
sa panahon ng kapayapaan.
Noong 1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-batas ng kanilang
bansa.Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre
15, 1791. Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan
at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na
kapangyarihan ni Haring Louis XVI. Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of
Man and of the Citizenna naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.
Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at
ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland. Kinilala ito bilang The First Geneva

Page 2 of 6
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Convention na may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit
na sundalo nang walang anumang diskriminasyon.
Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commissionsa
pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng
United States. Sa pamamagitan ng naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang
dokumentong tinawag na Universal Declaration of Human Rights.

Universal Declaration of Human Rights (UDHR)


Nabuo ang UDHR ng Human Rights Commission ng United Nations sa tulong ni
Eleanor Roosevelt. Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing
karapatang pantao at tinawag ang talaang ito bilang UDHR. Malugod na tinanggap ng UN
General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan bilang International
Magna Carta for all Mankind

Bill of Rights
Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan
ng mga pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at
karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1),
at 19

Page 3 of 6
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Gawain #2: Human Rights Declared


Panuto: Isulat ang mga probisyong nakapaloob sa bawat dokumento sa pangalawang
kolum.

MGA DOKUMENTO MGA NAKAPALOOB NA KARAPATANG


PANTAO
1. Cyrus’ Cylinder
2. Magna Carta
3. Petition of Right
4. Bill of Rights
5. Declaration of the Rights of Man and of
the Citizen
6. The First Geneva Convention

Gawain #3: Iuuri mo!


Panuto: Ang mga mag-aaral ay tutukuyin ang uri ng mga karapatang makikita sa susunod
na slide. Isulat kung ito ay natural right, constitutional right o statutory right

____________________ 1. Karapatang mabigyan ng pangalan


____________________ 2. Karapatang tumangging maging saksi laban sa sarili
____________________ 3. Karapatang tumanggap ng minimum wage
____________________ 4. Karapatang bumuto
____________________ 5. Karapatan sa malayang pagpapahayag

RUBDOB
Gawain #4: Case Analysis
Panuto: Surrin ang sitwasyon/kaso ni Jian. Isulat ang iyong opinion ukol dito.

Gusto ni Jian na makapag-aral ang kanyang anak na si Rovic sa isang exclusive na Catholic
School sa kanilang lugar. Subalit ayaw tanggapin ng nasabing paaralan ang kanilang anak
dahil hiwalay si Jian sa kanyang asawang si Angeline. Ikaw ay tatayong abogado ni Jian at
ng anak nito, dapat bang tanggapin ng paaralan ang bata sa kabila ng sitwasyon ng mag-
asawa? Bakit?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

IRAL
Gawain #5: Kapag nasa katwiran, Ipaglaban mo!
Panuto: Suriin ang bawat kaso. Ikaw ay tatayong abogado ng mga nasasakdal at
ipatatanggol ang kanilang karapatan batay sa itinatadhana ng batas.

1. Si Claire ay isang informal settler na naninirahan sa lupang pagmamay-ari ni Madam


Cielo sa loob ng 15 taon. Gusto ngayon ni Madam Cielo na gawing subdibisyon ang kanyang
lupa upang kumita ng pera. Kaya, nagsagawa ng agarang demolisyon si Madam Cielo
kabilang ang bahay ni Claire ng walang sabi. Ikaw ay tatayong abogado ng nina Claire?
Paano malulutas ang kasong ito.
Page 4 of 6
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

_________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
2. Si Jirah ay isang blogger na mahilig ikritik ang mga opisyal ng pamahalaan na hindi
ginagampanan ng tama ang kanilang tungkulin. Isang araw, inaresto si Jirah bunga ng
pagsusulat nito sa kanyang blog ng maling paggamit ng pondo ng konsehal ng kanilang
barangay. Ikaw ay tatayong abogado ni Jirah, siya ba ay maaaring kasuhan dahil sa kanyang
ginawa o hindi? Bakit?

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Gawain #6: You Complete Me
Panuto: Sa pagtatapos ng sanayang papel na ito, kompletuhin ang mga kasunod na
pahayag o pangungusap upang mas maunawaan mo ang nilalaman ng aralin.

Sanggunian:

*United for Human Rights. (2014). A Brief History of Human Rights. Retrieved August 21, 2014, from
United for Human Rights: http://www.humanrights.com/what-are-humanrights/brief-history/cyrus-
cylinder.html; http://www.universalrights.net/main/histof.htm

*https://www.scribd.com/presentation/442546263/Mga-Karapatang-Pantao

*Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral 10. Pahina 369-393.

Page 5 of 6
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

TEACHER’S FEEDBACK
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

SELF-MONITORING

Pangalan: Linggo:
Baitang & Pangkat: Asignatura:

Para sa Mag-aaral (Tapusin ang mga pangungusap.)


Nahirapan akong unawain at gawin /
sagutan ang bahaging…
Nadaliaan akong unawain at gawin /
sgutan ang bahaging …
Kailangan ko pa ng tulong upang
lalong maunawaan ang ….
Para sa magulanG (Lagyan ng tsek ang inyoong sagot.)
Nagawa ng aking anak ang mga pagsasanay
Ang aking anak ay …

nang siya lamang mag-isa, walang
Nasagutan ang lahat ng mga pagsasanay
tumulong
na may kaunting tulong sa pagsasabot Nasagutan ang ibang pagsasanay at ang
mula sa iba iba ay hindi
na marming hinininging tulong sa hindi nasagutan ang lahat ng pagsasanay
pagsasagot mula sa iba dahil masyadong mahirap

Page 6 of 6

You might also like