You are on page 1of 37

Magandang Hapon

Palatandaan ng Kakapusan
Ang kakapusan ang tuon ng pag-aaral ng ekonomiks.
May limitasyon ang pinagkukunang-yaman at walang
katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Ang yamang capital (capital goods) tulad ng makinarya,
gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay
maaaring masira, at may limitasyon din ang maaaring
malikha
Marapat na maunawaan ng bawat isa na sa paglipas na
panahon, maaaring maubos pa ang mga pinagkukunang
yaman kasabay ng patuloy na lumalaking populasyong
umaasa rito.

Magiging dahilan ito ng malawakang kahirapan at


pagkakasakit ng mga mamamayan. Maaari din itong
magdulot ng sigalot, pag-aaway-away, at kompetisyon.
Upang mapamahalaan ang kakapusan, kailangan ang
matalinong pagdedesisyon at pagtutulungan habang
isinasakatuparan ang magkakaibang layunin sa ngalan ng
katahimikan at kasaganaan sa buhay.

Kailangan din ang matalinong pagdedesisyon kung ano,


paano, para kanino, at gaano karami ang dapat na magawang
mga produkto. Kailangan ang kasiguruhan na ang limitadong
likas na yaman ay magagamit ng angkop sa kinakailangan ng
mamamayan.
Ang karatig ng malayong baryo ng malawig ay
karagatan, kung kaya't ang pangunahing hanap buhay
dito ay ang pangingisda. Dumating ang isang araw ang
baryo malawig ay wala ng mahuling isda at yamang
dagat.

Sa iyong palagay, ano ang nararanasan ng baryo


malawig?
Sa bayan ng San Matao, ay mayroong malaki at
malawak na kabundukan, at pagdating ng panahon ay
dumarami ang populasyon ng tao at ang kabundukan
ay unti-unti nang nakakalbo dahil ginagawa itong
maliliit at malalaking sabdibisyon.

Sa iyong palagay, matalinong pagdedesisyon ba ito o


hindi? Bakit?
Paraan upang Mapamahalaan
ang Kakapusan
Upang mapamahalaan ang kakapusan natukoy na mahalagang
suriin kung ano ang produktong lilikhain, paano lilikhain, gaano
karami at kung para kanino ang mga lilikhaing produkto.
Kailangan din ang ankop at
makabagong teknolohiya upang
mapataas ang produksiyon.

pagsasanay para sa mga


manggagawa upang mapataas
ang kapasidad ng mga ito sa
paglikha ng produkto at
pagbibigay ng kinakailangang
serbisyo,
Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at
makapagpapalakas sa organisasyon, at mga institusyong
(institutional development) nakatutulong sa pag-unlad
ng ekonomiya, at
Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na
nagbibigay proteksiyon sa mga pinagkukunang-yaman.
Sa mga nagmamalasakit sa kapaligiran (environmentalist),
binuo nila ang
mga programang pangkonserbasyon. Layunin nito na
mapreserba ang mainam na kalagayan ng kapaligiran.

Ayon kina Balitao, et. al (2012) kabilang sa mga isinusulong ng


mga programang pangkonserbasyon ang sumusunod:
1. Pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa
kalunsuran;

2. Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga


kemikal at iba pang
bagay na nakalilikha ng polusyon;
3. Palawakin ang paggamit ng mga pinagkukunang - yaman sa
pamamagitan ng pamumuhunan, paggamit ng makabagong
teknolohiya, at epektibo, maayos, at matalinong paggamit.

4. Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos


na uri ng mga
hayop (endangered species).
5. Iwasan ang pagtatago ng supply o "hoarding" upang hindi
lumala ang kakapusan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

6. Unawaing mabuti ang kahalagahan ng "trade off" at


"opportunity cost".
ANG SAKOP NG EKONOMIKS
May kinalaman ang Ekonomiks sa halos lahat ng bagay na
nakaaapekto sa kakayahan ng tao na matugunan ang
kanyang pangangailangan.

Inilalarawan ng Ekonomiks ang mga gawi, gawain, at sitwasyong


pang-ekonomiya. Ito ang ilan sa mga halimbawa:

Pandaigdigang kalakalan ang pagpapalitan ng produkto sa


pagitan ng mga bansa.
Ang kalakalan (trade) ay isang uri ng kusang palitan ng mga
produkto o serbisyo depende sa pangangailangan ng bawat isa.
Ang kalakalan ay mahalaga sa sapagkat sa pamamagitan nito ay
nakukuha ng bawat isa ang kinakailangang produkto o serbisyo na
makakatulong sa kanila. Pakikipagpalitan ng produkto ay
isinasagawa sa pagitan ng dalawang bansa.
·Ang pagtatabi ng bahagi ng kita upang magamit sa pagkonsumo sa
hinaharap ay tinatawag na pag iimpok.

·Gross National Product ay sukat ng pagpapatupad ng ekonomiks ng


isang bansa.

·Isang kalagayan sa ekonomiks kung saan sa loob ng dalawang


ikaapat o higit pa ay may negatibong pag-unlad na nangyayari sa
ekonomiya ang Recession.
• PAGTITIPID AT PAG-IIPON

- Lahat ng tao ay dapat mag-aral at matuto ng ekonomiks. Bagama't masasabing ang


pagtitipid ay bahagi ng likas na pag-uugali ng tao, ang tamang pagtitipid ay isang bagay
na kailangang matutuhan. Hindi lahat ay nagtitipid nang wasto. May mga taong
nagsasabing sila ay nagtitipid pero sa katotohanan ay hindi. Halimbawa, ang pag-impok
sa alkansiya ay maaaring nagtuturo sa tao lalo na sa mga bata ng kahalagahan ng
pagsasakripisyo at paglalaan para sa kinabukasan.
Subalit ang gawaing ito ay maituturing na hindi praktikal at
ekonomikal kung malalaking halaga ang sangkot dito. Hindi
dumarami ang salapi na iniimpok sa isang alkansiya. Hindi ito
kumikita ng interes at hindi rin ito kasama sa umiikot na
salapi sa ekonomiya. Sa katunayan, bumababa ang halaga nito
dahil sa implasyon. Ang halaga nito sa pagbili ay bumaba
habang tumataas ang implasyon.
·KAALAMAN SA PAGHARAP SA KAKAPUSAN
Sa pag-aaral ng ekonomiks, nagkakaroon ang mga tao ng
kasanayan at kaalaman kung paano haharapin ang kakapusan.
Natututo silang pag-aralan ang mga pinagkukunang-yaman
upang magamit ito sa pinakamabisang paraan. Tinutugunan nila
ang kanilang mga pangangailangan at nag-iiwan pa rin ng sapat
na pinagkukunang-yaman para magamit ng mga susunod na
henerasyon.

1. Sa panahon ngayon, paanong pagtitipid at pag-iipon ang iyong


gagawin.
· Pangkatang gawain.

Noong kasagsagan ng mataas na bilang ng kaso ng Covid-19,


nakaranas ng taggutom at taghirap ang mga mamamayang Pilipino.
Sa ganong sitwasyon, paano ninyo paiiralin ang iyong kaalaman sa
pagtitipid, pag-iipon at iyong kaalaman sa pagharap sa kakapusan.
· Pangkatang gawain.

Magbigay ng senaryo noong kasagsagan ng mataas na bilang ng


kaso sa Covid-19 sa bansa, na iyong maipapakita ang kaalaman sa
pagtitipid, pag-iipon at kaalaman sa pagharap sa kakapusan.
·PAGGAMIT NG ALTERNATIBONG PARAAN SA
PAGTITIPID.

-Natututuhan nilang gumamit ng teknolohiya upang mas


makatipid sa oras at linangin ang
kanilang mga talento at kakayahan.

·KALAKALAN SA IBANG BANSA


- Pinalalawak din ng ekonomiks ang pananaw ng tao ukol sa
lipunan. Iminumulat nito ang mga tao sa katotohanang
magkakahiwalay man sa kinabibilangang kontinente,
pagdating sa usaping pang-ekonomiya ay nagkakatulungan pa
rin ang isa't isa.
Sa pamamagitan ng mga gawaing pang-ekonomiya,
naaapektuhan ng bawat isa ang kanilang kakayahang
matugunan ang pangangailangan ng isa't isa. Nababatid nila
ang kahalagahan ng pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman at
pagsasama sama sa paglutas ng mga problema.

Sa pamamagitan ng Ekonomiks, nakikita ng mga tao ang


kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Ang tamang
paglalaan ng mga kapos na pinagkukunang-yaman ay
nangangailangan ng pagtitimpi sa pagputol ng mga puno sa
kagubatan.
Hindi rin dapat gumagawa ng mga kemikal na
magdudulot ng polusyon sa hangin at tubig.
Binibigyang-diin ng mga ekonomista ang kahalagahan
ng lubos na paggamit ng mga produkto.

Pinahahaba nito ang gamit at buhay ng mga kapos na


pinagkukunang yaman. Ito ang dahilan kung bakit
buong suporta ang ibinibigay ng mga ekonomista sa
mga proyektong nag-aadhika sa paggamit muli ng mga
produkto o recycling.

You might also like