You are on page 1of 19

Term Paper

In
Ekonomiks

Submitted by: Carmelo John Delacruz


Submitted to: Mr. Wallet
Gr.9-11 Molave
Acknowledgement

Sa lahat ng mga taong tumulong upang


magkaroon ng kaganapanang Gawain ito, isang
taos pusong pasasalamat. Sa aking pamilya, na
aking naging inspirasyon sa paggawa ng
pananaliksik na ito, sa kanilang walang sawang
tulong at suportang pinansiyal na ibinigay upang
matapos ang pangangailangan para dito. Sa mga
kaibigan at kaklase ko, na tumulong at naging
gabay ko sa paggawa nito, At para sa aking guro,
na si Mr. Wallet na katuwang ko ay gabay upang
magawa ang sulating pananaliksik na ito.
Ekonomiks
Ang ekonomiks ay agham na tumatalakay produksyon at
distribusyon ng yaman ng bansa.

Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa kung


paano maaaring maipluwensyiyahan ang isang tao dahil sa
sistema ng ekonomiya.

Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa pagpili


ng likas na yaman kung saaan sagana ang isang pamahalaan.

Ang ekonomiks ay isang agham na nag-aaral sa gawi ng taong


may kinalaman sa ugnayan ng pangangailangan at
kakapusang may alternatibong gamit.

Ang ekonomiks ay pag-aaral ng sangkatauhan sa


pangkakaraniwang pang-araw-araw na buhay. Sinusuri nito
ang bahagi ng kilos ng tao at pangkahalatang iniuugnay sa
pagkakamit at paggamit ng pangunahing pangangailangang
materyal ng tao.

Ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano tinustustusan ng


tao o lipinan ang walang hanggang pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng mahusay na alokasyon o
pagbabaha-bahagi ng pinagkukunang-yaman.

Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kahulugang ibinagay ng ilang


mga libro para sa asignaturang ekonomiks. Bagamat tama ang
lahat, iba-iba ang pananaw ng bawat isa ukol sa asignatura. Maari
nating kunin ang mahahalagang puntos ng bawat isa sa pagbuo ng
sarili nating kahuluguhan.

Ang isang makabuluhang kahulugan ng ekonomiks ay maaring


hatiin sa apat na mahahalagang bahagi:

Isang agham-panlipunan
Limitadong yaman
Mga pangangailangan at walang katapusang hilig at luho ng
tao
Lubusang paggamit.
Ang ekonomiks ay isang agham dahil ginagamitan ito ng mga tsart,
grap, at matematika sa mga pagsusuring ukol dito. Higit pa rito ay
sinusunod nito ang mga pamamaraan ng palulutas sa mga
suliraning iginawad sa sangkatauhan ni Sir Francis Bacon, ang
scientific method. Gaya ng ibang mga agham, naniniwala ang
ekonomiks sa kalipunan ng mga hakbang na dapat isagawa upang
malutas ang mga suliranin sa asignaturang ito. Kinakailangan
muna tukuyin ang problema, gumawa ng hypotheses, mag-obserba
at kumalap ng mga datos, bago guamawa ng konklusyon. Sa tulong
ng pamamaraang ito lamang, ayon kay Bacon, maari nating
masiguro ang mga konklusyong ating binubuo bilang kalutasan sa
mga suliranin.
Kung ang kailangan nyo, ang bumuo ng isa pang kahulugan ng
ekonomiks gamit ang sariling salita, oh ang apat na bahagi na
binigay namin sa itaas, maari nyong magamit ang kahulugan na
binuo namin na base sa apat na mahahalagahang bahagi nito: Ang
ekonomiks ay isang agham-panlipunan na tumatalakay sa
limitadong yaman, mga pangangailangan at walang katapusang
luho ng tao, at sa lubusang paggamit ng mga yaman ng mundo.
Ang pokus ng paksang ito ay kung paanong ang mga ahenteng
ekonomiko ay umaasal o nakikipag-ugnayan at kung paanong ang
mgaekonomiya ay gumagana. Sa pag-ayon dito, ang isang
pangunahing pagtatangi sa mga aklatan ay sa pagitan
ng mikroekonomika atmakroekonomika. Ang mikroekonomika ay
sumusuri sa pag-aasal ng mga pangunahing elemento sa
ekonomiya kabilang ang mga indibidwal na ahente (gaya ng mga
sambahayan at negosyo o bilang mga mamimili o tagatinda) at
mga pamilihan (markets) at mga interaksiyon nito.
Ang makroekonomika ay sumusuri sa kabuuang ekeonomiya at sa
mga isyu na umaapekto rito kabilang ang kawalang
trabaho, inplasyon, paglagong ekonomiko, at patakarang piskal at
pananalapi.

Kalakalang panlabas
Ang kalakalang panlabas ay tumutukoy sa palitan ng
produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa. Hindi matatagpuan
sa isang bansa ang lahat ng kakailanganin nito. Kailangang
makipag-ugnayan ito sa ibang bansa upang makuha nito ang mga
produkto at serbisyo kailangan na wala ito.

Ito ay tumutukoy sa pakikipagkalakalan ng isang bansa sa


ibang bansa

Ito ay nagaganap sapagkat walang bansang maaring


makatugon ng lahat ng kanyang pangangailangan sa hilaw na
sangkap, yamang tao, likas na yaman at iba pa ng walang
tulong mula sa ibang bansa.

Ang Kalakalan at Globalisasyon

Ang kalakalan ay pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng


dalawang panig.

Kalakalang panloob - nagaganap sa pagitan ng mga lalawigan kung


saan ang produkto ng isang rehiyon ay ipinagpapalit sa produkto
ng ibang rehiyon

Kalakalang panlabas - pagpapalitan ng produkto sa pagitan ng


dalawang bansa

Layunin Sa Pakikipag-ugnayan sa Kapuwa Bansa

Pampoltikal

Pangkapayapaan

Pangkultura

Pang-ekonomiya

Kalakalang Panloob ng Bansa

Ito ay nagaganap dahil sa pagnanais ng isang lalawigan na


magkaroon ng produkto na gawa ng ibang lalawigan. Ang
pagiging sagana sa mga produkto ng isang lalawigan ang
nagsisilbing daan upang ipagbili ang mga ito sa ibang lalawigan
na dumaranas ng kasalatan sa nasabing produkto.

Wholesalers - nagbibili ng mga produkto sa maramihan

Broker - nagsisilbi bilang tagapamagitan sa bilihan at


kontrata

Retailers - tuwirang nagbibili ng tingiang produkto

Middlemen - tagapamagitan sa bumibili at nagbibili ng


produkto

Kalakalang Panlabas

Ang espelisasyon ng bawat bansa sa paggawa ng produkto at


pagkakaroon ng saganang kapital ay may malaking bahaging
ginagampanan sa kalakalang pandaigdig. Ang mga bansang sagana
sa kapital ay nakalilikha ng maraming produktong capital intensive
na ginagamit sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa

Ang espelisasyon ng isang bansa sa paggawa ng isang produkto ang


dahilan kung bakit nakalilikha sila ng produnto nang higit sa
kanilang pangangailangan.

Prinsipyo ng Absolute Advantage

Ang prinsipyong ito ang nagpapaliwanag kung bakit ang isang


bansa ay nagpapakadalubhasa sa paglikha ng mga produkto na
magbibigay sa kanila ng pinakamalaking kita dahil mas mura ang
paggawa ng mga ito kumpara sa paglikha ng ibang produkto.

Balance of Trade - nakabubuti lamang kung mas malaki ang kita sa


export kaysa gastos sa import
Balance of Payments (BOP) - nagpapakita ng lahat ng tala ng mga
transaksiyong pang-ekonomiya ng bansa.

Prinsipyo ng Comparative Advantage

Maraming uri ng produkto at serbisyo ang kailangan ng ibang


bansa. Kaya gumagawa ng paraan ang pamahalaan upang ang mga
produktong salat ng bansa ay matugunan. Makakabuti sa isang
bansa na lumikha ng produkto kung saan matatamo nito ang higit
na kapakinabangan at umangkat na lamang ng dayuhang produkto
na kailangan na mas mura kaysa lumikha nito.

Kasaysayan ng Globalisasyon

Ang globalisasyon ay integrasyon ng ekomomiks, politika, kultura,


relihiyon, at sistemang sosyal na umaabot sa buong daigdig. Ang
globalisasyon ng ekonomiya ay nakadepende sa bahaging
ginagampanan ng migrasyon ng integrasyon ng financial market.

Ang salitang globalisasyon ay pinatanyag ni Theodore Levitt na


isang ekonomista Amerikano.
Epekto ng Globalisasyon
Ekonomiko

Pagkakaroon ng isang global common market batay sa malayang


palitan ng produkto at kapital
Politikal

Pagtatatag ng isang pandaigdigang pamahalaan na magsasaayos ng


ugnayan ng mga bansa
Industriyal

Paglawak ng pamilihan ng mga dayuhang produkto para sa mga


konsyumer at kompanya.
Pinansiyal

Pagsibo ng pandaigdigang pamilihan ng pananalapi para sa mga


umuutang na korporasyon.

DAHILAN NG KALAKALANG PANLABAS

Pagkakaiba sa Teknolohiya May mag bansang may mataas na antas


ng teknolohiya sa produksyon ng mga produkto at serbisyo. Dahil
sa kanilang teknolohiya, mas episyente ang kanilang produksyon.

Pagkakaiba sa Pinagkukunan

Magkakaiba ang mga likas na pinagkukunan, kasanayan ng lakas


paggawa, at istak ng kapital ng mga bansa. Ang mga bansa sa mga
rehiyong tropikal ay maaring magluwas ng saging sa mga banang
temperate. Ang mga bansang temperate naman ay nakakapagluwas
ng ubas at mansanas sa mga bansang tropikal.

Pagkakaiba sa Panlasa
Dahil sa panlasa, nag-kakaroon ng kalakalan sa pagitan ng mga
bansa. Halimbawa: Mas gusto ng mga Norwegian ang karne kaysa
isda; mas gusto naman ng Swede ang isda kaysa karne. Kung
pareho ang produksyon nila ng isda at karne, maaring magluwas
ang mga Norwegian ng isda sa mga Swede; maari namang
magluwas ang mga Swede ng karne sa mga Norwegian.

Pagkakaiba sa Halaga ng Produksyon


Maaring bumaba ang halaga ng produksyon ng isang bansa dahil
sa economies of scale o malakihang produksyon at dahilan sa
subsidy at tax incentive na ibinibigay ito. Ang mga bansang may
mababang halaga ng produksyon ay nakapag-luluwas ng mga
produkto at serbisyo sa mga bansang mas mataas ang halaga ng
produksyon.
MGA PATAKARANG UMAAPEKTO SA KALAKALANG
PANLABAS

1. Taripa: Ang taripa ay buwis sa mga produktong inaangkat.


Maaring ipinipataw ito upang makalikom ng karagdagang
pondo ang gobyerno ngunit kadalasan, naka-pagpapataas
ito ng presyo at nakapagpababa ng benta ng inaangkat ng
produkto. Nagpapataw ng mataas na taripa ang gobyerno
upang mapigil ang pagpasok ng dayuhang produktong
kalaban ng lokal na produkto.
2. Kota: Maaring kotahan ang pagpasok ng mga kalabang
produkto. Halimbawa: Kung gusto ng gobyernong
pangalagaan ang lokal na industriya ng sapatos laban sa
mga sapatos na mula sa Italy, maaring kotahan ng
gobyerno ang mga sapatos na galing sa Italy. Maaring iutos
nito na huwag papasukin sa bansa ang sobra sa 100,000
paares ng sapatos na galing Italy.

3. Sabsidi: Ito ang tulong na ibinibigay ng gobyernoo upang


bumaba ang halaga ng produksyon ng mga loka na
produkto. Halimbawa: Kung gusto ng gobyernong tulungan
ang industriya ng sapatos, maari nitong babaan ang buwis
sa mga lokal na sapatos at bigyan ang mga prodyuser ng
sapatos ng maluwag na kredito. Maari rin silang payagang
mag-angkat ng mga gamit at materyal nang walang
binabayarang taripa.

Ano naman ang Liberalisasyon?

Ang Liberalisasyon ang tawag sa pagbabang taripa at pag-alis ng


mga restriksyon sa kalakalang internasyonal. Nagbubunga ito ng
ma malayang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang produkto.

Kadalasan, sinasamahan ang liberalisasyon ang deregulasyon.


Deregulasyon ang tawag sa pag-alis o pagbabawas ng mga
alituntunin at restriksyon na nakaaapekto sa isang pamilihan,
industriya, o ng buong ekonomiya. Dahil dito, mas malayang
nakapagtatakda ng presyo ang mga kompanyang napailalim sa
deregulasyon.

KALAKALANG PANLABAS

Batayan ang Kalakalang Panlabas


Mga OFW at Ang Kontribusyon Nila sa Ekonomiya ng Bansa
Ang kahalagahan ng pagtangkilik sa mga lokal na kalakal at
paglilingkod
MGA PANDAIGDIGANG SAMAHAN NG PANGANGALAKAL

Export o pagluluwas ipinagbibili sa iba pang mga bansa


Import o pag-aangkat binili pa mula sa ibang mga bansa
Overseas Filipino Workersnagtatrabaho sa ibang bansa

Batas ng Lubos na Kalamangan

Batas ng Komparatibong Kalamangan


ipinanukala ni David Ricardo, ang Ama ng Makabagong
Ekonomiks isinasaad na ang espesyalisasyon at malayang
kalakalan ay higit na magdudulot ng benepisyo sa magkaka-
partner na bansa sa kalakalan.Ito ay magdudulot ng mas
episyenteng paggawa at mas maraming produktong maaaring
pamilian ng mga tao.Pumunta rin sa Pilipinas ang mga Intsik at
Arabo upang makipagkalakalan
Balance of Tradenagpapakita kung mas malaki ang kitang
iniluwas o inaangkat na halaga ng mga produkto.
GNP=C+I+G+(x-m) ; x: export ; m: import

Mga Bansang Partner ng Panlabas na Kalakalan

Pangunahin: Estados Unidos (18.6%)


Pangalawa: Japan, Tsina, Singapore, Taiwan, at Hongkong kasama
na rin ang ilang bansa sa Europe
Europe
Germany
Sa pag-aangkat naman, ang Estados Unidos ang pinanggagalingan
ng pinakamalaking halaga ng mga produkto na inaangkat ng
Pilipinas, kasunod lamang ang Japan.

Mga Kabutihan ng Pakikipagkalakalan sa Ibang Bansa


Pagtaas ng Produksiyon
Pagtaas ng Pagkonsumo
Nagsisilbing pamilihan ng mga labis na pinagkukunang-yaman ng
ibang bansa
Napabibilis ang paglilipat ng teknolohiya

Mga Di-Kabutihan ng Pakikipagkalakalan sa Ibang Bansa

Napapabayaan ang industriyalisasyon ng bansa


Maling paglilipat ng teknolohiya
Paglabas ng dayuhang salapi
Labis na pagkagumon sa mga produktong dayuhan
Exchange ratepalitan ng piso at iba pang salaping dayuhan

MGA MANGGAGAWANG PILIPINO BILANG BAHAGI NG


PANLABAS NA SEKTOR

Panlabas na sektorbinubuo hindi lamang ng palitan ng produkto


kundi ang lumalaking palitan na rin ng mga serbisyo
Pilipinas-isa sa pinakaaktibo sa pagpapadala ng mga manggagawa
sa ibat ibang panig ng mundo
OFWs- napakahalagang bahagi ng panlabas na sektor
Philippine Overseas Employment Administration
Remittances- isa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng dolyar ng
ating pamahalaan
Halos 11 bilyong dolyar ang ipinadalang salapi ng mga OFW sa
bansa noong 2005.
Pabilisin ang paglago ng ekonomiya, pagsulong ng lipunan, at
pagtataguyod ng kultura ng rehiyon
Itaguyod ang kapayapaan at estabilidad
Noong 2003, ang mga pinuno ng ASEAN ay bumuo ng ASEAN
Community, isa na rito ang ASEAN Economic Community magtatag
ng isang maunlad na rehiyong ASEAN

ANG EPEKTO NG GLOBALISASYON


Sa walang tigil na daluyong ng propaganda ng gubyerno sa APEC,
ano na ang ating narinig na direktang kabutihang idudulot nito sa
masang anakpawis na tuwirang karugtong ng saligang patakaran
ng APEC, ang patakaran ng liberalisasyon ng kalakalan at
pamumuhunan?

Kapag liberalisado na ang kalakalan, magmumura daw ang mga


produkto, kahit mga imported, at tataas ang kalidad dahil sa
kompetisyon, at makikinabang raw dito ang ordinaryong mamimili.
Kapag liberalisado na ang pamumuhunan, dadagsa raw sa Pilipinas
ang mga dayuhang imbestor at maiibsan ang problema ng kawalang
trabaho.

Walang sinasabi ang gubyerno sa masamang epekto ng


liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan para sa masang
anakpawis, tungkol sa mas malaki at mas pundamental na
katotohanan ng liberalisasyong ito na siyang pangunahing
instrumento para sa pang-ekonomyang globalisasyon.

Dahilan na nagbubunsod sa mga Pilipino na mangibang bansa

1. Dahil sa pagbilis ng globalisasyon ng pandaigdigang ekonomiya,


ang ilan sa mgabansang mauunlad ay kinukulang ng manggagawa
na tutustos sa kanilang pag unlad.Ang kakaulangang ito ay
pupunan naman ng lakas paggawa ng Pilipinas.
2. Ang kawalan ng sapat na oportunidad upang makapag
hanapbuhay sa sariling lupain ayisa rin sa mga salik na nagtutulak
sa mga Pilipinong mangibang bayan.
3. Ang mababang sahod dito sa Pilipinas ay isa rin sa nagtutulak sa
ibang mga Pilipinoupang lumabas ng bansa
nakakatulong sa pagtaas ng ekonomiya sa pamimigitan ng pagbili
ng produkto nagawa ng sariling bansa at pagtangkilik sa mga lokal
na kagamitan katulad ng damit, pagkain at madami pa.
Ang Kalakalang Panlabas ng Pilipinas

Upang maunawaan ang takbo ng kalakalang panlabas ng isang


bansa ay sinusuri ang tinatawag nating balance of payment
(BOP),na siyang nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing
pang-ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ang nagpapakita ng talaan
ng transaksiyon ng isang bansa sa ibat ibang bahagi ng mundo.
Samantala, ang balance of trade (BOT)naman ay makukuha sa
pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na inaangkat
(import) sa halaga ng kalakal na iniluluwas (export).

Kaugnay nito, sa paglipas ng panahon, patuloy na lumalawak ang


pakikipagugnayan ng ating bansa sa larangan ng kalakalan. Ayon
sa June 2014 na ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority
(PSA)o dating kilala bilang National Statistics Office (NSO), tumaas
ng 21.3% ang kabuuang kita ng Pilipinas mula sa pagluluwas
(export) ng mga produkto. Batay sa June 2014 tayo ay kumita ng
$5.444 bilyong dolyar kumpara sa $4.490 bilyong dolyar na kinita
ng bansa noong June 2013. Ang talahanayan sa ibaba ay
nagpapakita ng kabuuang datos tungkol sa ating pagluluwas
(export).
June
2014 p 2013 r
TOTAL EXPORTS
FOB Value in Million
US Dollars 5,444.41 4,490.20
Year-on-Year Growth 21.3 4.1
(Percent)
Electronic Products
FOB Value in Million 2,220.56 2,006.19
US Dollars 10.7 - 2.2
Year-on-Year Growth
( Percent )
Merchandise Exports Performance of the Philippines as of June
2014

Ayon sa PSA, ang itinuturong kadahilanan ng pagtaas na ito ay


dulot ng paglaki at pagbuti ng kita ng bansa sa walong uri ng
produktong iniluluwas. Ang mga produktong nagrehistro ng
malaking antas ng paglago ng kita sa pagluluwas ay ang machinery
and transport equipment, bananas (fresh), other mineral products,
other manufactures, articles of apparel and clothing accessories,
ignition wiring set and other wiring sets used in vehicles, aircrafts
and ships, at electronic products and chemicals. Tanging ang
cathodes and sections of cathodes at refined copper ang bumuo sa
sampung nangungunang produktong panluwas ng Pilipinas (Top 10
Exporting Products of the Philippines). Subalit, ang dalawang
huling nabanggit na produkto ay walang naitalang ulat noong
Hunyo 2013 kung kayat hindi malaman ang naging growth rate
nito. Ang talahanayan sa ibaba ang magpapakita ng kompletong
Top 10 Exporting Products of the Philippines as of June 2014.
Top 10 Philippine Export to All Countries: June 2014 p
( Year-on-Year Growth in Percent )
Gainers Losers
Woodcrafts and
Machinery & Transport Equipment 120.4 -9.9
Furniture
Bananas (Fresh) 98.9

Other Mineral Products 74.2

Other Manufactures 67.8


Articles of Apparel and Clothing
44.5
Accessories
Ignition Wiring Set and Other Wiring Sets
32.5
Used in Vehicles, Aircrafts and Ships

Electronic Products 10.7

Chemicals 0.1
Cathodes & Sections of Cathodes, of
a/
Refined Copper
Batay sa talahanayan, ayon sa PSA, ang electronics products ang siyang
nangungunang produktong panluwas ng Pilipinas na nagrehistro ng
$2.221 bilyon. Ito ay bumuo sa 40.8% ng kabuuang kita ng Pilipinas
mula sa pagluluwas (export). Ito ay nagtala ng 10.7% na bahagdan mula
sa kabuuang $2.006 bilyon noong June 2013.
Samantala, ang other manufactures ang pumangalawa na may
pinakalamalaking kita noong June 2014. Ito ay may kabuuang halagang
$537.67 milyon na may pagtaas ng 67.8% mula sa dating $321.00
milyon noong June 2013. Ang machinery and transport equipment,
naman ang pumangatlo na nagtala ng 7.2% sa kabuuang kita ng bansa.
Ito ay may kabuuang halaga na $390.83 milyong dolyar at nakapagtala
ng 120.4% kung ihahambing sa $177.37 milyong dolyar noong June
2013. Pumangapat naman ang other mineral products na may kitang
$321.31 milyon. Ito ay nagambag ng 5.9% sa kabuuang kita ng bansa at
nagtala ng 74.2% ng pagtaas mula sa $184.47 milyong dolyar noong
June 2013. At ang woodcrafts and furnitures ang siyang panglima na
may kinita na $253.41 milyon o kabuuang ambag na 4.7% sa kita ng
pagluluwas ng bansa. Subalit, ito ay nagtala ng kabuuang -9.9% ng
pagbaba kung ihahambing sa nakaraang June 2013 na $281.12
milyon.c

Ang Prinsipyo ng Kalakalang Panlabas

Nagaganap ang ganitong ugnayan ng mga bansa dulot ng


kakapusan sa likas na yaman at iba pang mga salik upang
maisagawa ang produksiyon. Halimbawa, ang ating bansa ay
sagana sa mga produktong agrikultural gaya ng bigas, mais, gulay,
at mga prutas subalit salat naman tayo sa produktong langis at
petrolyo kung kayat tayo ay umaasa sa produksiyon ng ibang
bansa. Ang ganitong sitwasyon ang nagbibigay ng batayan kung
bakit umiiral ang kalakalang panlabas.
Kaugnay nito, ang pag-iral ng sistema ng kalakalang panlabas ay
hindi na bago. Kung ating babalikan ang kasaysayan, bago pa man
dumating ang mga Espanyol, ang mga sinaunang Pilipino ay
nakikipagpalitan na ng kalakal sa ilalim ng sistemang barter sa
mga Arabo, Tsino, Hapones,
Indian, at iba pang dayuhan. Sa ilalim ng sistemang barter, ang
batayan ng pagpapalitan ng kalakal o produkto ay nakabatay ayon
sa kung ano ang pangangailangan at kagustuhan ng isang bansa.
Nang dumating ang mga Espanyol, Amerikano, at Hapones kasabay
ng kanilang pananakop sa Pilipinas, ay lumawak ang sistema ng
ating pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa.

Sa kabilang dako, kaalinsabay ng pagbabago ng panahon at pag-


unlad ng disiplina ng pag-aaral ng ekonomiks ay sumibol ang ibat
ibang mga teorya o pananaw ng mga ekonomista tungkol sa
kalakalang panlabas na siyang nagdulot ng malawakang pagbabago
mula sa sistemang barter noong sinaunang panahon. Ang absolute
advantage at comparative advantage theory ang nagiging basehan
ng mga bansa para sumali sa pandaigdigang kalakalan. Ang export
ay tumutukoy sa pagluluwas ng mga produkto o serbisyo sa
pandaigdigang pamilihan, samantalang ang import ay tumutukoy
sa pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga produkto o serbisyo
mula sa ibang bansa.

Ang absolute advantage theory, ay pinanukala ni Adam Smith. Ito


ay kaalinsabay ng pagkakalathala ng kaniyang aklat na An Inquiry
into the Nature and Causes of the Wealth of Nationsnoong 1176.
Isinasaad ng teoryang ito na ang isang bansa ay dapat na
magpakadalubhasa sa paglikha ng mga produkto. Subalit, paano
malalaman ng isang bansa kung anong produkto o serbisyo ang
dapat niyang pagtuunan o pagkadalubhasaang iprodyus? Ang
kaisipang ito ay mabisang mauunawaan gamit ang talahanayang na
nasa ibaba.
Bansa Dami ng Dami ng Pantalon
Sapatos
A 10 8
B 5 24
Kabuuan 15 32
pagpalagay batay sa talahanayan na may dalawang bansa: A at B.
Sila ay nagpoprodyus ng dalawang uri ng produkto: sapatos at
pantalon. Ibat ibang kasanayan ang kailangan upang
makapagprodyus ng mga nabanggit na produkto. Ipagpalagayring
ang mga manggagawa sa bansang A at B ay kayang makagawa ng
nabanggit na kabuuang dami ng sapatos at pantalon sa loob ng
isang araw. Samakatuwid, ang pagiging produktibo ng paggawa ang
siyang magsasabi kung gaano karami ang maaaring magawang
sapatos atpantalon. Kung kayat ang bansang A ang may absolute
advantage sa produksiyon ng sapatos at ang bansang B naman ay
mas efficient sa pagprodyus ng pantalon.

Bansa Sako ng Mais T-Shirts


C 20 10
D 4 8
Kabuuan 24 18

Ano naman ang maaaring maganap na sitwasyon kung ang isang


bansa ay may absolute advantage sa pagprodyus ng parehong
produkto. Bakit mayroon pa ring kalakalan? Ipagpalagay na may
dalawang bansa C at D. Ang mga produkto ay mais at t-shirts. Ang
pagiging produktibo ng isang manggagawa ay makikita sa
talahanayan.
Batay sa talahanayan, kayang iprodyus ng bansang C ang mais at
t-shirt na mas efficient kaysa sa bansang D. Samakatuwid,
mayroon siyang absolute advantage sa pagprodyus ng mais at t-
shirts. Kung tutuusin, kaya niyang magprodyus ng mais ng limang
beses ang dami kompara sa bansang D. Kaya rin ng bansang C na
magprodyus ng 1.25 na beses sa kayang iprodyus na t-shirts ng
bansang D. Ngunit may comparative advantage ang bansang C sa
pagprodyus ng mais; ang bansang D naman ay may comparative
advantage sa paggawa ng t-shirts. Sa kabilang dako, maaari ding
ipaliwanag ang comparative advantage gamit ang konsepto ng
opportunity cost.
Para makagawa ng 10 pang t-shirts, kailangang isuko ng bansang
C ang 20 sako ng mais. Ang opportunity cost ng pagprodyus ng
isang t-shirt ay dalawang sako ng mais. Para sa bansang D upang
makagawa ng 8 pang t-shirts, kailangang isuko ang 2 sako ng mais.
Samakatwid, ang opportunity cost ng pagprodyus ng isang t-shirt
ay kalahating sako ng mais. May mas mababang opportunity cost
sa pagprodyus ng t-shirt ang bansang D, kaya may comparative
advantage ang bansang D sa pagprodyus ng t-shirt.
Kung kayat masasabi nating ang isang bansa ay may comparative
advantage sa paggawa ng isang bagay o serbisyo kapag kaya niyang
gawin ang produkto o serbisyo nang mas efficient kompara sa ibang
uri ng produkto o serbisyo sa larangan ng kanyang paghahambing
sa ibang bansa. Ang mga bansa ay dapat na magpakadalubhasa at
mag-export ng mga produkto o serbisyo kung saan siya ay may
comparative advantage at mag-import na lamang ng mga produkto
o serbisyo na wala siyang comparative advantage sa pagprodyus.

You might also like