You are on page 1of 1

Ekonomiks

Ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi


ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman
upang matugunan ang kanilang walang katapusang kagustohan.Ang ekonomiks rin
ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong
pinagkukunang-yaman upang makagawa at maipamahagi ang iba't ibang produkto
at serbisyo sa mga tao at iba't ibangt pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at sa
hinaharap.
Bakit kailangan pag aralan ang ekonomiks?
1. Natututo tayo na maging isang responsableng mamimili o mabuting prodyuser.
Napag-iisipan ng bawat indibidwal kung paano gagamitin ng maayos ang salapi at
matututunan ang kahalagahan ng pagbabadyet.

2. Nauunawaan natin ang mga pangyayari na naganap at nagaganap na


nakaiimpluwensiya sa ating pamumuhay at ng buong bansa.

3. Nakapagbibigay tayo ng matalinong opinyon at panukala kung paano mabibigyan


ng solusyon ang mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng ating
pamayanan at bansa.

4. Nakagagawa tayo ng isang matalinong desisyon upang matugunan natin ang


pansariling suliranin na may kinalaman sa ating kabuhayan.

5. Nagiging mahusay tayong botante, sapagka't mas naiintindihan natin ang


responsibilidad ng ating mga lider sa pagpapalago ng ating ekonomiya.

You might also like