You are on page 1of 5

A.

P REVIEWER

(EKONOMIKS)

Week 1 (Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks)

Ang ekonomiks ay nag-mula sa salitang Giyego na oikonomia, na kung saan ang oikos ay
nangangahulugang bahay, at nomos ay tumutukoy naman sa pamamahala.

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makakatulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo
ng matalinong desisyon.

 Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang
mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.

APAT NA MATALINONG PAG-DEDESISYON

Trade-off

Ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.

Opportunity cost

Ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handing ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon.

Incentives

Ay tumutukoy sa bagay o karanasan na nagiging pagganyak upang tangkilikin ang isang kalakal o
paglilingkod.

- salapi na naiibigay sa isang tao na tinatawag ding “bonus”

- ibinibigay kapag nakagawa ng mabuti o naging produktibo

Marginal thinking

Ay ang pagsasaalang-alang sa karagdagang pakinabang sa pagpili ng isang kalakal o serbisyo.

Mga batayang proseso ng ekonomiya

Produksyon

Ito ang paglikha at pagproseso ng produkto mula sa pinagkukunan

Distribusyon

• Sa ekonomiks, iniaaplay ang terminong ito sa dalawang magkaiba, ngunit magkaugnay na mga
proseso:
1. ang paghahati ng kita at yamang pambansa sa mga kasapi ng lipunan bilang mga indibidwal

2. ang paghahati ng halaga ng produksyon ng mga produkto at serbisyo sa mga salik ng produksyon,
kasama na ang lupa, paggawa, kapital, at tagapamahala

Sweldo

• Ito ay ibinabayad sa mga manggagawa at manedyer

Upa

• Ibinabayad sa paggamit ng lupa at para sa ilang uri ng mga bagay na pisikal

Interes

• Ito ay ibinabayad sa paggamit ng kapital

Tubo

• Kinikita ng mga may-ari ng mga negosyo bilang gantimpala nila sa pagririsko

Pagkonsumo

• Sa ekonomiks, tumutukoy ito sa paggamit ng mga produkto at serbisyong nilikha ng produksyon.

DALAWANG SANGAY NG EKONOMIKS

Makroekonomiks

• Ang sangay ng ekonomiks na may kinalaman sa kabuuan o pangkalahatang ekonomiya.

Maykroekonomiks

• Ito ang sangay ng ekonomiks na may kinalaman sa mga indibidwal na kompanya at sa maliliit na grupo
ng mga konsyumer.

Pagtataya

: Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod.Isulat ang titik ng tamang sagot

1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
__________.

A. Pamamahala ng negosyo

B. Pamamahala ng tahanan

C. Pakikipagkalakalan
D. Pagtitipid

2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat __________.

A. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang
materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.

B. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.

C. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.

D. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.

3. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang
pinakaangkop na kahulugan?

A. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.

B. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.

C. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makabuo ng mga


produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao.

D. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng mataas na kalidad na


produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo
at paraang pinakamatipid.

4. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?

A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.

B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.

C. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.

D. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa


pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.

5. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang
nagsasaad ng diwang ito?

A. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng
mayayamang bansa.

B. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan


kayat nauuuri natin ang mahihirap,nakaririwasa, at mayayaman.
C. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat
ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.

D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang


antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.

Pagtataya: (week 3)

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod.Isulat ang titik ng tamang sagot

1. Sa ekonomiks kailangang maging makatuwiran ang tao sa kanyang pag-iisip sa. pagpili ng mga bagay
na mapapakinabangan. Ano ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya?

A.Kailangan suriin ang mga produktong bibilhin dahil limitado ang pagkakaroon ng salapi.

B.Hindi pakikialaman ang mataas na presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.

C.Hahayaan na lamang ng isang indibidwal kung ang produkto ay may pakinabang sa kanya o wala.

D.Ang isang indibidwal ay hindi na kailangang suriin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang
mga ito ay mahalaga para sa kanya.

2. Tayo ay kabilang sa isang malawak na komunidad kung saan iba’t iba ang ating mga prayoridad. Alin
sa mga sumusunod na mga pahayag ang kailangan para mas mapaigting ang pagaaral sa kahalagahan ng
ekonomiks?

A.Hindi pakikialam sa mga usaping panlipunan.

B.Pagsasarili ng pananaw sa mga nangyayari sa paligid.

C.Paggamit sa mga natutunang batas at programa ng pamahalaan sa ating ikabubuti.

D.Nakagagawa ng pasya tungkol sa pagbili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan.

3. Malaki ang naging ambag ng ekonomiks sa tao upang maging marunong sa kanyang pagpili ng mga
bagay na mas kailangan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?

A.Nakatutulong upang mas piliin ang kagustuhan kaysa pangangailangan.

B.Nakatutulong upang ikaw ay hindi makialam sa mga nangyayari sa lipunan.

C.Nakatutulong upang ikaw ay maging matalino at mapanuri sa pagbuo ng desisyon sa buhay.

D.Nakatutulong upang ikaw ay higit na gumastos sa mga luho at iba pang kagustuhan mo sa buhay.

4. Pinapahalagahan sa ekonomiks ang mga pangyayaring nagaganap sa iyong kapaligiran. Paano mo


maipakikita ang iyong natutunan tungkol dito sa pang-araw-araw na pamumuhay?
A.Pagbabadyet ng allowance.

B.Kawalan ng pakialam sa nangyayari sa lipunan.

C.Pagbili ng mga produktong naka-promo kahit hindi gagamitin.

D.Pagtangkilik ng mga produktong ibinebenta sa online selling platform

5. Mahalagang bahagi ng ekonomiks ang pagiging praktikal sa pang-araw-araw na pamumuhay. Bakit


kailangan matutunan ang kahalagahan ng ekonomiks lalo na sa mga sitwasyong may pandemya at
kaguluhan?

A.Upang mapili ang pwedeng tulungan.

B.Upang gastusin ang pera ng sambahayan.

C.Upang makatipid ang gobyerno dahil sa ipinatupad na lockdown o quarantine.

D.Upang makatutulong ang pamahalaan sa mga tao na naaapektuhan sa pamamagitan ng pagbibigay


ng tulongpinansiyal.

You might also like